Separated Love
by larajeszz
Chapter 76
Jaycee's POV
"'Wag mo ako dadalhin sa malayo. Hindi ako marunong lumangoy!" Sinubukan kong magpumiglas sa hawak ni Asher pero mas malakas siya sa akin kaya nahila na niya ako sa malalim na parte bago pa man ako makawala.
"I won't let you go. Relax." He was laughing at me the whole time. "Then does that mean you can't scuba dive tomorrow?"
Napanguso ako nang maalala na paano nga naman ako makakasama kung hindi ako marunong lumangoy.
"Eh, 'di samahan mo ako," sabi ko.
"Are you sure you're not scared? You know na mas malalim do'n kaysa rito," he asked.
"I think I'd be fine. We'd be able to breathe down there."
Itinaas ko ang mga kamay ko nang matanaw na papalapit na rin sa puwesto namin si Matthew. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kanina nang dalhan niya ng pagkain si Ivy.
"Where have you been?" tanong ni Kuya Jaywen kay Matthew.
"Uh... d'yan lang. Tumawag si Mommy, eh," he replied with a smile. "Ano'ng una nating gagawin bukas? Scuba diving? Bungee jumping? Or zipline? Kayo bahala."
"Mag-scuba na lang muna kaya tayo? Baka hindi na tayo makalangoy n'yan kapag napagod sa ibang gawain," Syrine suggested.
"Kahit ano na ang unahin. Basta... hindi ako magba-bungee jumping," sagot ni Aizan.
"He has acrophobia." Kahit 'di ko pa tinatanong ay sinagot na ako ni Asher.
"Bakit hindi ka sasama? Ako nga sasama, eh!" reklamo ni Cally.
"Can you take me to Cally?" sabi ko kay Asher. Nasa malalim kami at nasa mababaw lang 'yong iba kaya hindi ko kayang languyin 'yon nang mag-isa. "Cal, he has phobia of heights. Don't force him," I told her in a whisper.
Nakita ko ang gulat at regret sa mukha niya. Parang nagsisisi siya na nasabi niya kay Aizan na dapat sumama rin ito.
Cally approached Aizan. "Aizan, I'm... sorry. You don't have to go, I understand..."
"Eh, 'di pati si Ivy ay hindi makakasama?" tanong ni Matthew. Pilit siyang tumawa nang mapunta sa kaniya ang tingin naming lahat. "Natanong ko lang naman. Kung hindi ay... maiiwan na lang ako. She needs someone who knows the whole place to guide her."
Lumangoy papalapit sa akin si Byron. "Kunwari pa 'tong pinsan mo, ah." Humarap siya kay Matthew at nagtaas ng kamay. "Ako na ang maiiwan dito kay Ivy, para may makausap siya."
Matthew's jaw tightened. "Ako na, you're not familiar with the place. At nag-uusap din naman kami, ah?"
"Yeah, but I think she's uncomfortable with you. Ako na lamang ang sasama sa kaniya rito."
"Fine," walang reaksiyon na sagot niya. Hindi namin inaasahan ang pagsang-ayon ni Matthew kay Byron. Tumayo siya mula sa tabi ng pool at naglakad paalis, "Kukuha ako ng maiinom."
Napapadyak bigla si Byron sa inis. "Hala, akala ko hindi papayag! Gusto ko pa naman mag-bungee jumping. Akala ko magmamatigas siya na magpapaiwan!"
Natawa na lamang kami habang pinapanuod siyang mag-tantrums sa tubig.
"Ikaw kasi, eh. Ginalit mo," umiiling na sambit ni Aiden.
"Good luck, Byron. He's the type to hold grudges," Kuya Jaywen added.
Matampuhin talaga si Matthew. Hindi naman siya mahirap suyuin kung sincere ka lang mag-apologize, pero hindi ko alam ngayon. He was jealous of Byron.
Hinampas ni Byron ang tubig, "Bakit ba ang hilig akong pagselosan ng mga jowa niyo?"
Lahat kami ay napatingin kay Asher dahil minsan din niyang pinagselosan si Byron. He just shook his head while smirking and swimming away from us.
Maaga raw ang alis namin kinabukasan kaya hindi rin kami nagtagal sa pool kagabi. Dahil sa panlalambot mula sa saglit na pagligo sa pool ay maaga rin akong nakatulog.
After kaming lagyan ng oxygen na gagamitin namin sa pag-scuba dive ay pinractice muna kami sa pool para alam namin kung ano ang pakiramdam niyon kapag nasa ilalim na ng dagat. Marami ring itinuro ang instructor gaya ng 'wag na 'wag aalisin ang mask, at hindi rin daw namin dapat pigilan ang paghinga namin dahil may hangin na sumusuporta.
Nabanggit din nito na masama pala ang pagzi-zipline after scuba diving kaya pagkatapos nito ay napagkasunduan na ipagpabukas na lamang ang pagzi-zipline at bungee jumping. Akala ko ay hindi sasama si Ivy dahil sa dalaw niya pero sabi niya ay sasama na siya pero hindi raw siya puwedeng maligo sa dahat.
Wala naman sa amin ang nanguwestiyon kung bakit kaya sumakay na agad kami sa mga bangka namin. Wala rin namang naidulot ang pagtatalo nina Byron at Matthew kagabi dahil sasama rin naman pala si Ivy.
Mas malaking bangka na ang dala namin ngayon kaya hindi na namin kailangang mahiwahiwalay.
"Kuya, pakibagalan na lang po ng takbo," bilin ni Matthew sa bangkero.
He knows those tiny details, so I couldn't help but smile. Nakita kong may nakasabit sa leeg ni Matthew na camera. I almost forgot that he also has a passion for photography, but he's more serious about baking.
"Ate Jaycee, picture," pagtawag sa akin ni Matthew kaya sinabi ko kay Asher na pati siya ay ngumiti.
Hindi ko rin alam kung bakit nga ba nawala sa isip namin ang pagpi-picture no'ng kinasal kami. Sa official wedding namin kung saan maraming bisita ay paniguradong hindi dapat mawala 'yon.
"Kami naman!"
Tinawag na siya nina Kuya Jaywen kaya nagpunta na siya sa kanila. Hindi naman sobrang bagal ang takbo ng bangka pero tuwid pa rin sa paglalakad si Matthew at hindi nawawala sa balanse, sanay na sanay na siya.
"Ikaw? Magpapa-picture ka ba?" tanong ni Matthew kay Ivy.
Lahat ng tingin namin ay napunta sa kanila kaya pansin kong mas nahiya si Ivy.
"Hindi na... ayos lang ako," sagot ni Ivy at ngumiti ng pilit.
Hindi na siya pinilit ni Matthew at lumayo na lang dito. I think Matthew had a hunch that Ivy was not that comfortable with him being around.
"Hayaan mo na muna, Matt. Mahiyain lamang talaga 'yon," bulong ko sa kaniya ang ngumiti lamang siya. Hindi ko alam kung pinaniwalaan niya ba 'yong sinabi ko o ano.
Pagkarating namin sa gitna ng dagat ay nakaramdam na ako ng kaba. Kung titingnan na kasi ngayon ay mukhang napakalalim na nito at hindi mo na maaninag ang ilalim mula sa kinatatayuan mo.
"'Wag kayong mag-alala walang pating d'yan. Piranha meron," pagbibiro ni Matthew at pabaliktad nang nag-dive sa dagat.
"Maloko talaga ang batang 'yon, 'wag kayong naniniwala 'ron. Kung may piranha nga d'yan ay matagal na siyang nakain ng mga 'yon. Halos linggo-linggo ay kasama ko 'yan dito," ani bangkero.
Umangat si Matthew mula sa tubig, "Manong Karyo, baka sinisiraan niyo ako r'yan, ha?" aniya at tumawa na lang din. "Tumalon na rin kayo, maraming makukulay na isda sa baba kaya hindi kayo matatakot." Hindi pa man kami sumasagot sa kaniya ay muli na siya sumisid paibaba.
Sumunod naman kay Matthew ang instructor namin. Mukhang kalmado naman ang tubig kahit na malalim ito tingnan kaya kahit papaano ay nawala ang kaba ko.
"Let's go. We need to make the most out of this vacation," sambit ni Kuya Jaywen at nag-dive na rin sa tubig.
Sumunod na rin 'yong iba hanggang sa kami na lamang ni Ivy at ang bangkero ang naiwan sa bangka.
“Sure ka ba na ayos lang sa 'yo na pinapanuod kami?" tanong ko.
Hinila niya ako papalapit para hindi kami marinig ng bangkero. "Okay lang, isa pa ay hindi rin naman talaga ako makakaligo. Mabo-bored lang ako sa kuwarto kaya ako sumama."
" Jaycee, come into the water. Are you afraid to jump?" ani Asher na inaabangan sa tubig ang pagtalon ko.
"I'm coming!"
Sinuot ko ang mask ko bago sumunod sa kanila sa tubig. Asher immediately held my hand when I was finally at the water.
"Hold my hand, baka mawala ka," he said and smirked.
I can picture his expression pretty well in my head, even though he was wearing a diving mask.
"Are you ready?" he asked at tumango naman ako. "At the count of three, we'll go down, okay?"
I closed my eyes as he starting counting from 1 to 3. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin sa baba. Kampante ako na hindi ako
mapapahamak dahil mahigpit ang kapit niya sa akin kahit pa hindi ako magaling sa paglangoy.
"Open your eyes," Asher said. Dahil sa mask na suot namin ay nagagawa naming magsalita sa ibaba ng tubig.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at namangha sa nakita.
Tama nga si Matthew, makukulay ang mga isda sa baba at napakarami rin ng mga coral reefs. Iba-iba ang kulay ng mga 'yon kaya hindi nagmukhang matamlay ang tanawin sa ibaba. Nakakatuwang isipin na napapanatili ang kagandahan ng lugar na ito.
"Si Nemo!" ani Aizan at tinuro ang isa sa mga isda na nagtatago sa coral.
"'Di mo sure, malay mo si Marlin 'yan," sabi ni Cally sa kaniya habang pinagmamasdan din 'yong tinuro ni Aizan.
"Sinong Marlin?" tanong ni Aizan.
"Si Marlin 'yong tatay ni Nemo," sagot naman ni Byron.
Lahat ng sinasabi ng mga may suot ng mask ay naririnig namin kahit magkakalayo kami kaya nakakapag-usap at naririnig pa rin namin ang isa't isa.
"Ah, 'yon ba ang pangalan no'n? Mas kilala ko pa si Dory sa kaniya, eh."
"Nandito ba tayong lahat?" tanong ni Matthew at isa-isa kaming binilang.
"Naiwan si Ivy ro'n, hindi pa siya puwedeng maligo sa dagat..." paliwanag ko.
"Bakit?" tanong ni Byron. "Hindi rin ba 'yon marunong lumangoy?"
"Marunong naman. Pero..."
"Aahon na muna ako." Napatingin kaming lahat dahil sa sinabi ni Matthew. "Medyo masakit ang paa ko kaya hindi ako makalangoy nang maayos. Sulitin niyo na muna rito sa baba."
Naiwan nga kami ro’n at sinamahan kami ng instructor sa ilang magagandang spots na madalas raw na puntahan ng mga mahihilig mag-scuba diving. Palalim na nang palalim ang pinupuntahan namin at paganda rin nang paganda ang mga coral reefs.
Ilang minuto lamang mula nang umahon si Matthew ay umahon na rin kaming lahat. Hindi pa naman kami masiyadong sanay sa ganito kaya hindi pa namin kayang magtagal nang sobra.
"Bakit umahon na kayo? Gutom na ba kayo?" tanong kaagad ni Matthew at tinulungan kami isa-isa sa pag-akyat sa bangka. "Gusto niyo bang magpunta sa bahay? Ipagbe-bake ko kayo."
"Puwede naman, mabibisita rin namin ang mommy mo."
Pagkabalik namin sa isla ay nagbihis lang kami at sinabihan sina Mommy na pupunta kami sa bahay nina Matthew. Pati si Daddy ay
na-excite dahil matagal na raw niyang hindi nakikita ang kapatid niya.
-----
-larajeszz