Separated Love
by larajeszz
Chapter 77
Jaycee’s POV
“My mom is 2 months pregnant, so she's being too clingy. I don't think she'll let me go to Manila,” kuwento ni Matthew habang nakasakay kaming lahat sa jeep.
“Your mom is pregnant?!” gulat na tanong ni Daddy. “How can she never tell me this?!”
Siyempre ay pati ako ay nagulat. Wala kaming kaalam-alam! Sa pamilya kasi nila ay si Matthew na ang pinakamadalas naming nakakausap, tapos biglang napahinto pa no’ng mga nakaraan. Minsan ay nakakalimutan na rin namin magkamustahan.
Dahan-dahang napatakip ng bibig si Matthew, “Hala, Tito, surprise niya yata ‘yon dapat sa ‘yo. Kapag sinabi niya mamaya ay kunwari na lang po hindi niyo alam.”
Natawa kami ng mga kaibigan ko dahil kay Matthew. I know he's already cursing himself in his head.
Mabuti na lamang at hindi punuan ngayon kaya nakasakay agad kaming lahat sa iisang jeepney. I can't recall the last time I took a jeepney ride. It's not that I don't want to be there; I enjoy commuting. But it's too crowded, so I won't waste my time getting in line just to ride in it if we have our own vehicle.
“Ang tagal na rin ng huli naming punta sa inyo. Grade pa lamang ata si Jaycee no’ng huli,” sabi ni Mommy. “Madalas pa kayong nag-aaway noon.”
Natawa na lamang ako nang maalala. Dahil nga sa sobrang matampuhin ni Matthew ay hindi ko lamang siya kausapin no’n o bigyan ng pansin ay umiiyak na agad siya at hindi rin ako kakausapin.
“Hindi naman po kami nag-aaway. Matampuhin lang po talaga si Matthew,” pagsasabi ko ng totoo.
“Naku, ayaw pa naman ni Ivy sa matampuhin-” Hindi na natuloy ni Aiden ang sinasabi niya dahil tinakluban kaagad ni Ivy ang bibig niya. Huli na rin naman dahil naintindihan na namin ang sinasabi niya.
“Matthew, are you courting Ivy?” masayang tanong ni Tita Mariel. “We’re friends with her parents. They’re nice people, so you wouldn’t have a hard time asking her out.”
Napuno na naman ng kantyawan ang paligid namin. Mukhang wala lang naman kay Matthew ‘yon, pero alam kong nag-aalala siya sa kung ano ang iniisip ni Ivy.
“Ate Jaycee, ilan ang balak niyong anak?”
Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react sa tanong ni Matthew. Nakatakas nga siya sa atensiyon ay sa akin naman ‘yon napunta ngayon!
“Are you planning to have a child already?” tanong ni Daddy.
Tiningnan ko si Asher at mukhang kalmado naman siya. Bakit hindi man lamang siya kinakabahan? Malamang kapag usapang pagpapamilya ay kaming dalawa dapat ang sumasagot, ‘di ba? Hindi lamang naman sa akin manggagaling ang bata!
“Anong gender ang gusto niyo, Dad?” tanong ni Kuya Jaywen kay Daddy kaya hindi agad ko nakasagot.
“As for me and your mother, we both want a female apo.”
“I want a male nephew, though,” sambit ni Kuya.
“Ayaw nila sa lalaki, siguro nahirapan silang palakihin ka, Boss Jaywen,” biro ni Aizan kay Kuya kaya inirapan siya nito. “’Yan! Masungit ka kasi kaya ayaw nila ng gan’yan!”
“I think it’s a girl,” bumulong si Asher sa tainga ko, tiningnan ko siya nang may pagtataka. “The baby inside you,” dagdag niya at mahinang tumawa.
Hinampas ko siya nang mahina, “I’m not pregnant.”
“Oh, dito pa mag-aaway ang dalawang ‘to,” sabi ni Cally sa amin ni Asher.
“Basta, Ate Jaycee, kapag kailangan mo ng mag-aalaga ng bata ay tawagan mo lamang ako.”
“Why bother, Matthew? Just think about your future sibling, and we already have a future pediatrician,” sagot ni Kuya at inginuso si Aizan.
“Don’t worry, Matthew, I’ll take good care of our future niece,” ani Aizan at nag-fist bump sila ni Matthew.
“Kuya, dito na po. Para po,” pagkausap ni Matthew sa driver.
Isa-isa kaming bumaba at tanaw na kaagad namin sa kinatatayuan namin ang bubong ng bahay nina Matthew. Halos hindi ko na maalala ang itsura ng paligid ng bahay nila dahil ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang huli akong maparito.
Tumawid kami ng kalsada nang wala nang dumadaan na mga sasakyan. Nag-doorbell na si Matthew sa gate ng malaki nilang bahay at naghintay kami ro’n.
“Paniguradong matutuwa sina Mommy at Daddy. Hindi ko pala nabanggit na sobra rin ang iyak ni Mommy no’ng nalaman niya sa ikinasal na si Ate Jaycee at Asher. Kaya napatawag ako kay Ivy no’n, eh…”
Bumukas na ang gate nila at sumalubong sa amin ang kasambahay nina Matthew.
“Good morning, Matthew,” bati nito kay Matthew at binati rin kaming nasa likod niya. “Nagpunta po sa ospital ang parents mo, may schedule raw po sa OB.”
Hinawakan siya ni Matthew sa balikat. “Nanay Linda, akala ko po ay isang linggo ang day off ninyo?”
“Wala rin naman akong ginagawa sa amin kaya maaga akong bumalik,” nakangiting sagot nito.
Pamilyar ang itsura niya sa akin. Siguro ay bata pa lamang si Matthew ay namamasukan na ito rito sa kanila. Hindi ko alam kung naaalala niya pa ba ako, at kahit ako naman ay hindi matandaan kung kakilala ko nga ba siya kaya hindi na ako nag-abalang magtanong. Baka makaabala pa ako sa mga ginagawa niya.
“Ako na po ang magluluto ng lunch kaya magpahinga na lang po muna kayo.”
Nagpaalam si Matthew kay Nanay Linda at sumunod na rin kami kay Matthew papasok ng bahay nila. Naiwan pa si Daddy na kausap si Aling Linda dahil nagpakilala ito bilang nakatatandang kapatid ni Tita Dolores.
“Your mom looks familiar, Matthew,” ani Tita Mariel habang pinagmamasdan ang family pictures nina Matthew na nakasabit sa dingding.
“My mom is friends with everyone,” bulong ni Asher kay Matthew habang umiiling.
“Asher, I heard that.” Pinanlakihan ni Tita ng mga mata si Asher. “Baka nakasama ko na lamang din sa mga business trips.”
Pati kami ni Asher ay lumapit sa puwesto ng mommy niya para tingnan ang ilan sa mga litratong naroroon. May kinuhang frame si Asher na may picture naming tatlo nina Matthew at Kuya Jaywen.
“I thought Matthew was the one who was addicted to sweets, but you're the one who doesn't have any teeth in this photo.” Tumatawa niyang iniharap sa akin ang picture na ‘yon.
Nakaupo kaming tatlo sa sofa at ako ang nasa gitna no’ng dalawa. Seryoso lang si Kuya Jaywen, si Matthew naman ay parang kagagaling lamang sa pag-iyak habang ako naman ay malawak na naman ang pagngiti.
“Hindi ko na talaga naaalala na wala akong ngipin no’n,” sabi ko at kinuha na sa kamay niya ang litrato para ibalik sa puwesto. Nginusuan ko siya at sinamaan ng tingin, “Are you having fun teasing me?”
Lahat kami ay pinaupo ni Matthew sa mahaba nilang dining table at binigyan ng menu sa kung ano ang gusto naming lutuin niya.
“Are you sure na kaya mong gawin lahat kahit na magkakaiba kami ng order?” tanong ni Aiden habang naglilipat ng pages ng menu.
“Kayang-kaya. Ako ang naglista n’yan lahat, all of those are easy-to-make. ‘Yang mga ‘yan ang pinractice ko may mabilis akong magawa kapag may mga bisita gaya niyo,” paliwanag ni Matthew.
“Masarap gumawa ng crepe cake si Matthew,” sabi ko at ngumiti sa kanilang lahat.
Nagsimula na si Matthew na hingin ang mga order namin. At sa tingin ko ay dahil do’n sa sinabi ko kaya halos lahat ng order namin sa kaniya ay crepe cake!
“Four of you ordered a strawberry crepe cake, three match crepe cakes, and four cookies and cream crepe cakes. I'll just make three big cakes for each flavor. Would that be fine?” Matthew said at sumang-ayon naman ang lahat.
“I’ll help him with the batter,” bulong ni Asher sa akin at tumayo na para tulungan si Matthew.
Patuloy pa ito sa pagtanggi pero nagmatigas si Asher at sinabing mas mapapadali ang paggagawa ng mga ‘yon kung may katulong siya. Tumayo rin ako para puntahan silang dalawa.
“I’ll help too, I’ve seen you make these once, so I think I have a basic knowledge of how to do it,” sabi ko at kumuha sa counter nang ilan sa mga ingredients. Nilapit ko ang mga ‘yon sa isang malaking mixing bowl para pagsamahin. “But still guide me with this, okay?” bilin ko kay Matthew. Baka kasi mamaya ay makalimutan niya akong turuan at baka mamaya’y mali na pala ang ginagawa ko ay hindi ko pa alam.
Ginaya ni Asher ang ginagawa ko sa isang separate na bowl. Tatlong iba’t-ibang cake ang gagawin kaya naman tatlong beses namin itong uulitin. Habang busy na kami ni Asher ay si Matthew naman ay gumagawa na rin ng filling para sa mga cake. Mas mabilis na ang pagkilos niya ngayon kumpara no’ng huli niya akong nilutuan.
“Sigurado ako magugustuhan ‘to ng magiging mga anak ninyo,” ani Matthew at ngumisi. Sinadya niya pang lumapit sa amin ni Asher para marinig ‘yon dahil maingay ang tunog ng hand mixer.
“Ikaw, ah, kanina mo pa sinasabi na magkakaanak na kami. Bakit? Gusto mo na rin ba magkapamilya?” tanong ko at nginisihan siya pabalik. Sumulyap ako kay Ivy pabalik sa kaniya.
“Sino ba naman ang ayaw magkaro’n ng sariling pamilya?” sabi niya pa bago bumalik sa ginagawa.
“Am I doing it right?” Nilapitan ko si Asher dahil hindi niya yata nasundan nang maayos ang ginawa ko. “I think I forgot to add something…”
“It’s too dry. Just add more milk.”
“They kept talking about our future kids,” bulong niya. “They talk about it more than we do.”
“We can talk about it when we get home.”
Kung ano-ano’ng sinasabi niya tungkol sa pagiging magulang, so he badly wants to be a parent, huh? Sa gitna ng pag-uusap namin ni Asher at pati na rin ng mga kasama namin na nasa dining ay napansin naming pareho ang paglayo ni Tita Mariel sa kanila at walang reaksiyon na lumabas ng bahay para sagutin ang tumatawag sa kaniya.
Bigla ay naalala ko na may pinag-usapan sila sa restaurant no’ng isang araw. Hindi pa namin ‘yon napag-uusapan ni Asher kaya sa tingin ko ay magandang timing na rin ito para tanungin siya.
“About do’n sa pinag-usapan niyo ng mommy mo…” ‘Yon pa lamang ang nasasabi ko ay sumeryoso na rin ang mukha ni Asher. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan, Usually kasi ay kapag may mga problema ay naitatago naman ni Asher ang nararamdaman niya, but I think this one is different. “Was is something serious? May maitutulong ba ako sa ‘yo?”
Nagpaalam kami kay Matthew na may pag-uusapan lamang saglit. Dinala niya ako sa labas pero malayo pa rin sa kung nasaan ngayon si Tita Mariel.
“And there was a time na sabi mo ay iba ang pagkilos ng mommy mo. You said she was weird that day… Was it connected to what she told you?” pang-uusisa ko ulit.
Hindi niya magawang tumingin sa akin. Nililibot niya ang tingin niya at hindi humaharap sa direksiyon ko, panay rin ang pagbuntong-hininga niya.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. “Asher, I’m your wife now. If you want something to talk about, then talk to me. If there's something bothering you, let me wash it all away. But how could I even help you if you won't tell me what's wrong?” I caressed his cheek as I said those words.”
Unti-unti nang napunta sa akin ang tingin niya at muling bumuntong-hininga. Nanatili kami sa ganoong puwesto.
“Sorry for making you worried…” Ngumiti ako sa kaniya at hindi tinanggal ang palad ko sa pisngi niya. “My grandfather’s coming to the Philippines.”
Sa tagal na naming magkasama, ngayon ko lamang nakita sa mga mata niya ang takot sa pagbanggit sa isang tao. I understand why he's feeling that way. Because he's about to see the person he'd managed to avoid. The man who took away his freedom and had complete control over his life. And that man was none other than his own grandfather.
-----
-larajeszz