Separated Love
by larajeszz
Chapter 75
Jaycee’s POV
“Long time no see, Kuya JayJay,” narinig kong bati ni Matthew kay Kuya.
“Yeah, long time no see, MatMat,” bati ni Kuya sa kaniya pabalik.
Nang mapunta sa akin ang tingin niya ay kaagad humaba ang nguso niya. Lumapit siya sa akin na may masamang tingin.
“Na-miss kita kahit na hindi mo man lamang ako sinabihan na ikakasal ka na pala,” aniya.
Nginitian ko siya, “Sorry na, biglaan lang din naman ‘yon, eh. Nawala na sa isip ko.”
Napalitan ng ngiti ang mukha niya at lumapit para yakapin ako. “Naiintindihan ko, na-miss talaga kita. Sorry kung hindi ako nakapunta ro’n no’ng may sakit ka.”
“Okay lang ‘yon. Alam ko naman busy ka rin sa pag-aaral dito. And I heard you’ll come home with us!” tuwang-tuwa na sabi ko.
“Oo, pero hindi naman ako siguro magtatagal do’n. Siguro ay mga 2-3 months lang.”
Kumalas siya sa yakap namin at binalingan si Asher na nasa tabi ko. “Pamilyar ka…” napaisip siya saglit at napatakip ng bibig nang may naalala kaya naman natawa ako. “Ikaw ‘yong masama ang tingin sa akin no’n, eh, ‘di ba?”
“No, that wasn’t me,” pagtanggi ni Asher.
Hindi ko alam kung nagkukunwari lamang ba siya o hindi na lamang talaga niya maalala. Iyon ‘yong time na pumunta kami sa bahay nina Eya dahil do’n sa pina-practice naming role play no’ng Grade 12. Nagkunwari pa si Matthew na boyfriend ko at ito namang si Asher ay masama ang tingin sa kaniya nang makitang nakaakbay sa akin.
“Woah, hindi ko alam na magkakatuluyan pala kayo.”
Lumapit pa si Matthew sa mga iba naming kasama. Nag-bless siya kina Mommy, Daddy at Tita Mariel at tinulungan din sila sa pagdadala ng mga gamit nila.
“Ate Jaycee, sino ang isang ‘yon?” bulong sa akin ni Matthew at inginuso si Byron.
“Ah, kaibigan namin. Kaklase ko sa college, bakit?”
Umiling siya habang wala sa akin ang paningin. “Wala naman, akala ko kasi ay boyfriend ni Ivy,” aniya at nagkibit-balikat.
Hindi ko alam kung bakit ba ayaw niyang lapitan si Ivy at tinatanaw niya lamang ito. Akala ko ba ay nami-miss niya rin si Ivy? Eh, sa nakikita ko ngayon ay parang hindi sila magkakilala. Posible kayang… may feelings din sila sa isa’t isa?
“Do you like Ivy?” bulong ko rin kay Matthew. “Should I help you with her?”
Umiling siya habang pilit ang pagngiti, “Kahit pa tulungan mo ako, kung ayaw niya ay ayaw niya. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa kaniya.”
“You’re not sure kung ayaw niya talaga sa ‘yo, malay mo nahihiya lang dahil balita ko ay sinabi mo raw sa kaniya na nami-miss mo siya.”
“Binibiro ko lamang siya no’n,” pagnguso niya.
“Stop being so in denial.”
Ngumisi siya sa akin at tinanaw si Asher mula sa likuran ko, “Sigurado naman ako na hindi ka rin agad nakaamin d’yan sa asawa mo bago mo siya niligawan.”
Mahina ko siyang siniko sa tagiliran, “I wasn't the one who courted him.”
“Duda ako,” pang-aasar pa ni Matthew at nauna na sa amin sa paglalakad para hindi ko siya maabutan.
Narinig kong tumatawa si Asher sa tabi ko. “I’m starting to like that cousin of yours. He’s stating facts.”
Inirapan ko siya at nauna na rin sa paglalakad pero hinila niya ako pabalik. “I was just kidding. By the way, where are we staying tonight?”
“I think I’m sleeping with my friends…”
Nawala nang dahan-dahan ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Why? Was it because of what I said? Babe, I told you I was just kidding...”
“It’s not about that. I was just thinking… paano kung mas lalo na kaming magkakahiwalay ngayon? We’re all struggling for our dreams, and we’re married now, so I think my responsibility as a friend would lessen once I started working, right?”
Hindi ko alam kung nag-o-overthink lamang ba ako o ano, pero sobra akong nalungkot nang hindi kami nagkakasama madalas no’ng college. Hindi kaagad ako nasanay at sa tingin ko ay hindi talaga ako nasanay. At gusto kong sulitin ang panahon na ‘to kasama sila.
“Is it okay with you? I mean… I know you’re also busy, but at least we’ll spend more time together because you’re my husband now…”
I heard him sighed, “It’s fine, I understand.” Although he sounded disappointed, he still tried his best to understand what I was feeling.
“And I think Matthew wants to spend more time with you to get to know you better.”
“I don’t think I’d have a problem spending some time with him; he seemed to be a genuine person.”
Pagkarating sa kuwarto namin ay agad nang inasar si Ivy kay Matthew.
“Grabe titig sa ‘yo! Nakita ko ‘yon, beh!”
“’Wag kayong maingay, may jetlag ako.” Pinagkrus ni Ivy ang mga braso niya habang may blindfold sa mata para sa maayos na pagtulog.
“Nakita ko rin na may binubulong ‘yon kay Jaycee. Ano’ng sinabi sa ‘yo, Jay?” pang-uusisa ni Syrine.
Pinagmasdan ko muna si Ivy bago magkuwento at napansin kong mukhang naghihintay rin naman siya sa isasagot ko. “Akala ni Matthew ay boyfriend nito si Byron.”
“Anak ng tokwa,” napabangon si Ivy sa pagkakahiga at inis na tinanggal ang blindfold. “Malilintikan sa akin ang Peredo na ‘yon.”
“Anong Peredo?” magkasalubong na tanong ni Aiden.
“Apilyedo niya,” ani Ivy.
“Na soon ay apilyedo mo na rin,” sabi ni Cally at malakas na tumawa. Pati kaming mga natitira ay natawa na rin puwera lamang kay Ivy.
“Sa susunod ay ayusin mo ‘yang joke mo para pati ako ay natatawa. Mga selfish kayo.”
Kinuha ko ang cellphone ko sa kama nang makita ang text ni Asher.
Fr: Asher
My taste buds can't take this anymore. He's feeding me too many sweets. I think I'll have tonsillitis.
To: Asher
I forgot to tell you that… he’s addicted to sweets, sorry!
“Pati ako ay inaantok din. May gagawin na raw ba tayo mamaya?" tanong ni Cally habang nagkukusot ng mata.
“Hindi ko pa sure, pero si Matthew ang nagplano ng mga gagawin natin ngayonn dito. Tatanungin ko na lang siya mamaya,” sagot ko naman.
Lahat kaming lima ay inantok kaya naman natulog kami sa kuwarto namin at gabi na kami nagising dahil sa katok sa pinto.
“I’ll get it,” sagot ko ay binuksan ang pinto. It was Matthew. “Bakit? May kailangan ka ba?”
“Dinner tayo, Ate Jaycee. Tapos pagkatapos ay magsu-swimming tayo, d’yan lang sa labas.”
Tinanaw ko ang swimming pool na sinasabi niya na nasa gitna ng hotel. Paglabas lamang ng terrace ng kada kuwarto ay diretso na ito sa swimming pool.
“Isn’t it too cold to have a swim?” tanong ko at muling tumingin sa kaniya.
He shrugged, “It might be cold for some of you, nawala ‘yon sa isipan ko. I swim here every night. But don’t worry, may jacuzzi na malapit, puwede kayo ro’n kung nilalamig kayo.”
“Sige, gisingin ko lang sila.” Kumaway ako sa kaniya at isasara na dapat ang pinto pero pinigilan niya ito gamit ang kamay niya.
“Nasa baba na nga pala ‘yong asawa mo,” sambit niya at ngumisi pa. “Bagong kasal pa lang kayo, eh, baka nami-miss mo na.”
Mahina ko siyag sinipa sa binti at sinara na ang pinto. Kahit kailan talaga ay napakahilig niyang mang-asar!
“Gising na kayo, dinner na raw. Tapos magus-swimming din daw tayo sabi ni Matthew.” Isa-isa ko silang inalog sa balikat para gisingin.
“Hindi ako sasama,” sagot ni Ivy.
Napakunot ang noo ko, “Bakit?”
“Masakit ang puson ko, kayo na lamang muna.”
“Hindi ka rin sasama mag-dinner?”
“Magpapa-room service na lamang ako,” sagot niya at bumalik na sa pagkakahiga.
Gaya ng sinabi niya ay iniwan namin si Ivy ro’n sa kuwarto mag-isa. Hindi naman niya sinabi kung ano ba ang gusto niyang kainin, kaya ikukuha na lang namin siya ng kung ano man ang naroon.
“Maybe she has her period. Kung may sausage man do’n ay dalhan natin si Ivy, matutuwa na ‘yon don,” sambit ni Syrine.
Pagkarating namin sa restaurant ay nando’n na silang lahat. Lumapit pa sa akin si Asher kahit na sinenyasan ko siyang hindi na kailangan.
“Where’s Ivy?” Asher asked.
Pinagmadan ko si Matthew na tila may hinahanap pa sa likuran namin. “Nasa kuwarto, masama raw ang pakiramdam niya.” Sadyang nilakasan ko ang sagot ko para marinig din ni Matthew.
Hanggang sa magsimula kami sa pagkain ay pansin kong hindi pa rin mapakali si Matthew. Patuloy lamang siya sa paglalaro ng tinidor sa plato niya.
“Kung gusto mo ay ikaw na ang magdala ng pagkain niya. Kahit ano na ang kuhanin mo basta lagyan mo lang ng sausage,” bulong ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at tumango na lamang din.
Pati ang pagkain niya ay dinala ni Matthew sa pag-alis, wala sa mga kasama namin sa lamesa ang nagtanong kung bakit. I know they're not dense, so they understood the situation.
“Mom, magsu-swimming po kami. Do you want to join?” I asked her after eating.
She just smiled at me, “As much as I want to, I’m not as active as I was when I was younger. I'll just sleep in our room.” Hinawakan niya ang braso ko. “Just enjoy yourselves. ‘Wag kayong magpapagod dahil marami kayong pupuntahan bukas.”
“You won't join us tomorrow either?” tanong ko at ngumiti lang siya ulit. “Mom, are you okay? You’re making me worried.”
“I’m fine, honey. Sige na, naghihintay na ang mga kaibigan mo.”
Even though I wasn't convinced, I just nodded my head and kissed her on the cheek.
Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa mga kuwarto namin para magpalit ng suot.
Hinawakan ako ni Asher sa braso kaya napatigil kaming pareho sa paglalakad.
“What’s wrong? Masama rin ba ang pakiramdma mo?” tanong ko agad at tiningnan kung mainit ang noo at leeg niya. Natatawa niyang binaba ang kamay ko at hinawakan iyon.
“I’m okay. I just want to say that I’m not stopping you from wearing what you want now. Wear whatever you want, anything that makes you happy.”
Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Siguro ay gaya ko, ayaw niyang mag-away ulit kami dahil sa mga damit na isinusuot ko.
“It's also cold outside, so I won't bother wearing two-pieces or any type of bikini,” I replied with a smile. “Besides, wearing those is not my thing.”
“Is it because of me? I'm really letting you wear it. Like I said, I'd be less conservative-”
I kissed his lips to stop him from talking. “Pumasok ka na, magbibihis na rin ako.”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na agad papasok ng kuwarto namin. Nadatnan kong kumakain si Ivy sa loob. Dalawang plato ang nakita ko roon, siguro ay dito rin kumain si Matthew.
“Kasabay mong kumain si Matthew?” tanong ko.
Nataranta siya bigla, “Hindi! Ah... hindi… Hindi ko nga alam kung bakit dalawang plato ng pagkain ang dala-dala niya. Hindi naman ako matakaw!”
“Baka hindi lamang siya sure kung gaano ka kadami kumain,” sagot ni Aiden at naupo sa tabi niya. “Grabe, puro sausage. Queen of sausages ka na.”
“Tulungan niyo nga akong ubusin ‘to. Sayang naman, gusto ko na rin matulog.” Inilapit ni Ivy sa amin ang pagkain niya.
“Lahat na yata ng sausage na nando’n sa baba ay dinala ni Matthew sa ‘yo,” sambit ni Cally. “Hindi ba niya alam na hindi nakakamatay ang menstruation?”
Hindi ako naniniwalang hindi marunong tumantsa si Matthew ng pagkain. Alam niya kaagad sa unang tingin kung gaano kumain ang isang tao base pa lamang sa pangangatawan, puwede na nga siyang gawing nutritionist sa sobrang galing niyang kumilatis.
Kung ang iba kong kaibigan ay napaniwala ni Ivy, ako ay hindi. Kilala ko ang pinsan ko. Kilalang-kilala.
-----
-larajeszz