Separated Love
by larajeszz
Chapter 53
Pinakawalan na niya ako sa yakap niya at tinitigan. His eyes were full of emotions, na para bang napakasaya niya sa sandaling iyon dahil sa tagal na rin ng huli naming pagkikita. Then, his stares went from my beanie to my eyes.
"Since when?" he asked.
Ngumiti ako. "Kanina lang... sorry, I was just about to tell you pero naririyan na pala kayo sa baba."
Muli siyang lumapit. He held my waist with both hands and again, stared at my eyes.
"There's no need to be sorry," he smiled sincerely and fixed my beanie. "You're the bravest woman I know.” He touched my right cheek with the back of his head. "You look very pretty. Even then and now, you're always pretty. I would never replace this pretty face owned by a sweet girl with anything else."
"You're spoiling me with praises." I joked.
"You deserved it," he kissed my forehead again.
I almost screamed when he carried me. 'Yong buhat na parang bagong kasal. Hinawakan ko naman kaagad ang ulo ko bilang suporta sa beanie na suot ko.
"Why are you carrying me?" bakas ang gulat na tanong ko.
"It's not yet time for you to be awake. It's still early, you need lots of energy."
He laid me down on my bed. Siya rin ang nag-ayos ng comforter ko sa katawan.
"W-what are you doing?" nagulat ako nang tabihan niya ako sa paghiga.
"What?" nakangiting tanong niya. "I'll sleep here with you. I didn't even have a nap on the van because my brother and Cally are both too loud, so I'll sleep here."
Unti-unti siyang lumapit sa 'kin. He asked me to lift my head para mailagay niya ro'n ang braso niya at para 'yon ang gawin kong unan. I was too conscious when my beanie moved. Agad kong inayos 'yon.
"You'll sleep with that?" he asked. "Or… are you just uncomfortable with me?"
I thought it was okay. Akala ko ay walang problema kapag ginawa ko na 'to pero bakit ba nahihiya pa rin ako?
"It's you... who might be... uncomfortable." Halos pabulong na sabi ko.
"Of course not," he held my beanie. "You won't be able to sleep peacefully if you have it on. Don't think about me, I will never be bothered nor judge you because of this. This is a sign of your bravery, okay?"
I was always stunned by his words. He always makes me feel that I'm special. I smiled at him and planted a kiss on his lips. I sat on my bed and removed my beanie and lay down beside him again. He touched my cheek with his thumb.
"I know it's hard to do what you just did. You need to have enough courage to fulfill it, and I think that's very brave of you."
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.
"If I'm surrounded with people who always says positive words to me, I'd never feel that I'm alone, and that's where I built courage to fight harder."
He cuddled me to sleep. Hindi naman ako masiyadong napagod kahapon o kanina dahil bawal naman sa 'kin 'yon pero mabilis akong nakatulog. Siguro ay dahil kasama ko siya. Katabi ko ang taong alam kong kaya akong ingatan at protektahan, kasama ko 'yong taong parating napaparamdam sa 'kin na ligtas ako kapag magkasama kami, at higit sa lahat, kasama ko ang taong mahal ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog pero namalayan ko na lang na nagising ako dahil sa isang ingay. Habang nakapikit pa rin ang mga mata ay kinapa ng kamay ko ang puwesto kanina ni Asher pero wala na siya ro'n.
Agad akong umupo at kinusot ang mga mata ko.
"Asher..." nauutal at naluluha na tawag ko sa kaniya.
Saglit lang siyang tumingin sa 'kin at ngumiti bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
Hawak niya ngayon ang razor na kanina lang ay ginamit ko para ubusin ang mga buhok ko, pero ngayon ay ginagamit naman niya 'yon sa sarili niya.
Naluluha ko lang siyang pinapanood hanggang sa matapos niya. Ipinatong niya 'yon sa vanity table ko at nakangiting naupo sa tabi ko.
"Did I wake you? Sorry," he smiled.
Mahina ko siyang tinulak sa balikat.
"What did you do?" napahikbi ako. "Y-you don't have to do this..."
“Baby, I already did.” He smiled.
Tuluyan na 'kong naiyak. Nilagay ko ang palad ko sa mga mata ko at humagulgol. He doesn't have to do that thing for me, presensiya niya pa lamang ay sapat na.
Kinuha niya ang mga kamay ko para makita niya ang mukha ko at matingnan niya ako sa mga mata. He squeezed my right hand.
"You're not alone in this fight, you know that," he said seriously but sincerely. "This is just nothing compared to the things that I’m willing to do for you.”
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Shh," he said to stop me from crying. Pero nang ginawa niya 'yon ay mas lalo akong naiyak.
Honestly, I'm not crying because of what he did to himself. I'm... crying because I’m very happy. Masaya ako na talagang ginawa niya pa ‘to sa sarili niya kahit na hindi naman kinakailangan.
Napakasuwerte ko na nakahanap ako ng tao na ilang taon ang hinintay para lang makasama ulit ako, na handa akong iligtas sa kapahamakan kahit pa walang siyang kasiguraduhan kung maiiligtas niya ba ang sarili niya maprotektahan lang ako, at ngayon ito... Sobrang saya ng puso ko dahil nararamdaman ko palagi na hindi ako mag-isa sa laban na ‘to sa t’wing kasama ko siya.
"Thank you," I said then lean closer to hug him tight. "This means so much to me."
"Anything, my love," he replied then again, planted a kiss on top of my head.
I keep admiring how he looks right now. Habang nagwawalis siya ng mga buhok na nawala sa kaniya ay nakatitig lang ako sa kaniya.
Tumingin siya sa 'kin.
He smirked. "What?" he looked at the mirror. "I still look the same, just... hairless," he laughed at his own joke.
"Hindi ka ba matatakot na pumasok sa school nang... ganiyan?" Kumunot ang noo niya kaya agad akong umiling. Baka kasi na-misinterpret niya 'yong sinabi ko. “Nevermind, you look good.”
Pagkatapos niyang maglinis ay inabot na niya ang kamay niya sa 'kin.
"Time for breakfast."
Habang naglalakad kami papunta sa stairs ay nakasalubong namin si Aizan at Kuya Jaywen. As expected, they were both shocked.
Nagkatinginan na lang kami ni Asher at natawa.
"Hi," pagbati ko ro'n sa dalawa.
Pinipigilan ko ang pagtawa dahil sa reaksiyon nilang dalawa. Straight face lang si Kuya Jaywen pero nakikita kong malapit na siyang maiyak at si Aizan naman ay parang umiiyak na pero wala pa'ng mga luha.
Lumapit sa 'kin si Aizan at niyakap ako. I tapped his back. Doon ko naramdamang umiiyak na talaga siya.
"Kamusta ka? Sorry ha, natagalan kami." He cried on my shoulder.
"Shh," inalo ko ang likod niya. "Ayos lang 'yon, ano ka ba? Naiintindihan ko."
Saglit pa siyang umiyak sa balikat ko bago siya kumalas sa pagkakayakap. Nginitian ko naman siya. I don't know, but as time goes by, napapalapit na rin sa 'kin si Aizan at parang nakababatang kapatid na ang turing ko sa kaniya.
Natatawa na lang ako kapag naaalala ko na balak pa niya akong ligawan noon.
Hindi umaalis sa tayo niya si Kuya Jaywen kaya naman ako na ang lumapit at yumakap sa kaniya.
"Hey," bulong ko. "How's Dad?"
Narinig ko ang matunog niyang pag-ngiti. "He's doing great, and he misses you a lot."
“I missed you, too.” Mahina siyang natawa sa binulong ko.
“Fine. I missed you, too,” natatawang aniya.
Binitawan na niya ako mula sa pagkakayakap niya at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
Pinagmasdan niya ako habang may luha pa ring namumuo sa mga mata niya. "You’re braver than me, and I admire you for that.”
He fixed my beanie kahit pa ramdam kong hindi naman 'yon masiyadong nagulo. Ngumiti ako sa kaniya.
Nilingon niya si Asher at tinapik sa balikat. "Thank you, bro."
Habang pababa kami sa hagdan ay si Kuya Jaywen ang nakaakbay sa 'kin. Si Aizan at Asher naman ang nasa likod namin.
I saw my girlfriends at the dining table preparing our breakfast. Gulat din ang expression nila nang makita ako. Sa kanilang lahat, si Cally ang unang lumapit sa 'kin.
"Oh, Jay," sunod-sunod na siyang napahikbi. "You..." She couldn’t form the proper words to say because she got very emotional.
Lumayo siya at pinaypayan ang mga mata gamit ang kamay niya. Nilapitan naman siya ni Aizan at inalo sa likod.
Syrine held my hand.
"You okay?" She's smiling but I could see her tears.
I nodded. "Of course. Especially that you're all here."
"That's good to hear," she added.
Mas matanda ako kay Syrine nang ilang buwan pero madalas kong nararamdaman na mas matanda siya sa 'kin. Sa amin kasing lima ay siya ang pinaka-matured. Hindi ko alam kung dahil ba madalas niyang kasama si Kuya Jaywen na boyfriend niya or gano'n lang talaga siya kahit noon pa man.
Sabay naman akong niyakap nina Ivy at Aiden.
Puro hagulgol lang din sila sa balikat ko, hindi sila nagsasalita. At dahil mas matangkad sa 'kin si Aiden ay hinahalik-halikan niya ang ulo ko habang si Ivy naman ay inaalo ako sa likod gayong siya naman ang umiiyak.
Hindi sila masiyadong nagsalita kaya lumayo na sila kaagad.
"Salamat sa pagpunta niyo rito," sabi ko sa kanilang lahat.
Inanyayahan ko silang maupo na at kumain na kami.
Dumating na rin si Mommy na galing pa sa kuwarto niya dahil nagkaro'n lang daw ng konting problema sa kumpanya pero naayos naman daw agad, mabilis daw kasi si Daddy kaya narating na niya kaagad 'yon.
Sa tabi ko ay si Asher, sa kaliwa naman niya ay si Kuya Jaywen at Syrine. Si Cally naman ay katapat ko at nasa kanan niya si Aizan, Ivy then si Aiden. Si Mommy ang nakaupo sa kabisera na nasa kanan ko naman.
Nagdasal kami bago kumain. Ang mga tita at pinsan ko ay mamaya na raw mag-aalmusal. Pinauna na muna nila 'yong mga bagong dating at galing pa sa Maynila.
After breakfast ay isinama ako ng mga kaibigan ko sa may pool, isinakay nila ako sa wheelchair para raw hindi ako hingalin sa kakalakad. Si Aiden ang nagtulak sa 'kin. Madami ang mga halaman dito kaya naman nakalanghap kaagad kami ng sariwang hangin.
Ang mga lalaki naman ay umakyat na muna sa kuwarto nila at nagpahinga. Siguro ay puyat pa rin dahil maaga talaga silang lumuwas papunta rito.
Kanina ko pang napapansin ang pagtitig sa 'kin ni Cally.
"What is it, Cal?" natatawang tanong ko.
"Wala. Natutuwa lang ako at mukhang okay ka naman kahit na...” she hesitated. Umiling din naman siya at ngumiti. She reached for my hand. “I love you, Jay.”
Muling may namuong mga luha sa mga mata niya.
Tumawa ako kahit pa naluluha na rin. “I love you, too, Cal.”
I reached for her cheeks para punasan ang mga luha niya. She did the same foe me, too.
"May dalawang araw pa bago ang libing ni Anddie. Hindi ka ba makakauwi kahit saglit lang?" tanong ni Syrine. "I'm not forcing you to come, especially if you still have to do your treatment, but I think you have to be there.”
Tumango naman 'yong tatlo sa sinabi ni Syrine.
I sighed. "I really want to be there. I want to see her in person... even if she wouldn't know. But I want to be there."
Kinabukasan ay kinailangan ko na namang magpunta ng hospital para sa therapy. Dapat ay naka-confine ako ngayon dito pero pumayag ang doctor ko na mag-stay na lang ako sa bahay dahil may nakuhang personal nurse si Mommy. Kapag sumasama ang pakiramdam ko ay hindi na namin kailangang pumunta palagi sa hospital dahil naaagapan na niya kaagad.
After the therapy ay nagpaalam ako sa doctor ko kung puwede bang umuwi kahit na bukas lang. Uuwi na bukas ang mga kaibigan ko pabalik ng Maynila at bukas na rin ang libing ni Anddie. Lahat sila ay pupunta, dapat ay ako rin...
Napayakap ako kay doc nang pumayag siya. He patted my head. "Just be careful and wear your mask always. My condolences, Jay…"
Nang sumunod na araw ay maaga kaming umalis para raw iwas sa traffic at para hindi ako masiyadong magtagal sa biyahe at makapagpahinga pa.
Katabi ko si Asher sa van at dahil maaga pa ay nakatulog ako sa balikat niya.
Mabilis ang naging biyahe. Napag-usapan namin na mamaya na lang magpunta sa burol ni Anddie kapag tirik na ang araw para naman hindi na kami makaabala ng mga tao na nando’n dahil kailangan rin nila ng pahinga kahit papano.
Lahat kami ay sa bahay namin bumaba. Natulog muna kaming lahat at nag-alarm na lang para sa pag-alis namin mamaya.
Si Daddy ang nag-drive sa 'min papunta roon. Madami na ri'ng mga sasakyan sa labas nang bahay nila at madami pa rin ang dumadating.
Muli ay isinakay nila ako sa wheelchair at pinagsuot ng facemask.
Sa may tapat pa lang ng pinto ay pinipigilan ko na ang mga luha ko. Huling araw na 'to ng pagkikita namin kaya naman ayokong ipakita sa kaniya na mahina ako, na nahihirapan ako sa pagkawala niya.
Nang nasa harap na ako ng kabaong niya ay nakaupo sa tabi niyon ang mommy niya.
"Jaycee?" tanong nito.
Tumango ako. "Tita, condolence po."
Naiyak siya at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry. Ako na ang magsasabi dahil hindi 'to masasabi ng anak ko sa 'yo. Sorry dahil isa siya sa naging dahilan kung bakit ka natunton ng mga taong 'yon. I'm sorry, Jaycee. Sana mapatawad mo si Anddie, mabait siyang bata... natakot lang siya sa mga 'yon kaya siya sumunod sa kanila." Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
Mas lalong naiyak ang mommy ni Anddie.
"Okay lang po 'yon, Tita," hinigpitan ko rin ang hawak sa kamay niya. "Kahit kailan po ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Kaya wala po kayong dapat ipag-alala. At kung nasaan man po siya ngayon…" tumango ako, "alam ko po na masaya siya."
Humingi pa ako ng paumanhin sa kaniya na ngayon lang ako nakarating dito sa burol ng anak niya.
Tumayo ako sa wheelchair ko at tiningnan siya sa loob ng kabaong niya. Napangiti ako dahil para lang siyang natutulog.
"Hi, Anddie," hinaplos ko ang bubog sa tapat ng pisngi niya. "Sorry kung… ngayon lang ako nakarating, ha?" nanginig ang labi ko at alam kong maiiyak ako kaya tumingin ako sa taas para mapigilan 'yon.
"Magpahinga ka na. Hindi kita malilimutan kahit kailan. Salamat sa lahat... at sana ay hindi mo sinisisi ang sarili mo sa lahat ng nangyari..." lumapit ako sa bubog na para bang bubulungan siya. "Gagaling ako, pangako. Lahat ng bagay na gagawin ko sa hinaharap, lahat ng mapapag-tagumpayan ko, isasama kita sa lahat nang 'yon."
Tumayo ako nang maayos at lumayo nang may tumulong luha sa mata ko pero pinunasan ko rin agad. Tinitigan ko ang litrato niya na malawak ang ngiti na nasa ibabaw ng kabaong niya.
"Gagaling ako."
I said that to her, but it sounded like I was assuring myself.
No’ng dinala na siya sa sementeryo ay hindi na kami bumaba ng sasakyan. Baka masiyado na raw akong mapagod dahil sumama rin kami sa misa bago siya dalhin dito sa sementeryo. Tanaw namin dito sa sasakyan ang pagbababa sa kabaong niya. Kitang-kita ko rin ang pagdalo ng daddy ni Anddie sa asawa nito dahil sa sobrang pag-iyak. Maging ako ay hindi ko na rin napigilan ang lubos na pagluha. Agad akong niyakap ni Asher mula sa likuran.
"Paalam," bulong ko sa sarili nang makitang nagpakawala na sila ng puting mga lobo.
***
Nakabalik na akong muli ng Batangas habang ang mga kaibigan ko ay kailangan pang pumasok kaya naman ako lang mag-isa ang bumalik dito.
Napag-isipan kong dumalaw sa puntod ng Lolo at Lola ko.
Nilapag ko sa harapan nila ang dala kong bouquet ng puting rosas at nagsindi na rin ng dalawang kandila.
Tumayo na 'ko at nagdasal sa harapan ng puntod nila.
Marami po akong nais na hilingin, pero kahit itong isa na lang po muna ang tuparin niyo. Hindi na po ako maghahangad ng iba sa ngayon, gusto ko lang na pagalingin niyo ako.
Aalis na sana ako nang makita ko ang nakangiting litrato ng lolo ko na nakaukit sa lapida niya. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya sa litratong iyon.
Miss na miss ko na siya...
Mabilis na lumipas ang mga araw at araw ng Linggo ngayon kaya naman niyaya ko si Mommy na magsimba kami. Matagal na rin kasi simula no’ng huli akong nakapunta ng simbahan.
Member ako ng choir noon pero naudlot 'yon no’ng nagkasakit ako, kaya habang papalabas ng simbahan ay tinatanaw ko ang mga batang choir na kumakanta sa itaas na bahagi sa likod ng simbahan.
Nang makauwi kami ay sabay kaming naglalakad ni Mommy papasok ng mansiyon. Nang buksan ko ang pintuan ay nilingon ko si Mommy at bahagya ko siyang naiwan sa paglalakad.
"Jaycee..." nagugulat na pagtawag niya sa 'kin.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Sa nakalipas na mga linggo ay hindi ako nakakapaglakad nang gano'n kabilis. Parati akong sinasabayan ni Mommy sa paglalakad ko kaya naman pareho kaming gulat ngayon na naunahan ko siya.
"M-Mom, I'm sorry... Hindi ko po sinasadyang bilisa-"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong niyakap.
"Hindi mo kailangang mag-sorry. Magandang senyales ito, anak." She held my cheek. "Malaki ang t'yansang gumagaling ka na. Hindi agad-agad, but at least there's a progress."
Naluluha na naman siya kaya inabot ko sa kaniya ang panyo ko na nasa bulsa ko.
"I trust in Him," tumingala ako sa langit. Ipinikit ko ang mga mata ko at tahimik na nagpasalamat.
-----
-larajeszz