Separated Love
by larajeszz
Chapter 54
Agad na ibinalita ni Mommy kay doc ang nangyari kanina. Masaya rin si doc dahil sa mga araw na lumipas ay alam niya ang panghihina ng katawan ko. Sinabi niya na isa iyong progress pero kailangan pa rin ng mga tests para makasigurado.
"45 kg," saad ni Ate Kate na siyang ikinagulat ko.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya.
"H-hindi ba sira ito, Ate?" tanong ko.
"No. Kaka-deliver lang nyan sa 'kin kanina kaya naman pina-testing ko sa inyo. But it’s in good condition." Paliwanag niya at isinulat sa notebook niya ang naging timbang ko. “Next, Lucas.”
Naupo na ako sa sofa ay wala pa rin ako sa aking sarili. Sa loob lamang ng limang araw ay 3 kilos kaagad ang nadagdag sa akin.
This is really is a good news!
Kinagabihan ay nakipag-videocall ulit ako sa mga kaibigan ko at kay Asher.
"That's a very good news!" ani Asher nang ibalita ko sa kaniya ang mga pagbabago na nararamdaman ko sa katawan ko. Puro ganito rin ang sagot ng mga kaibigan ko at si Cally ay naiyak na naman.
Sinabi ko rin na napagdesisyunan ko nang magpa-admit sa ospital para ma-monitor din ang lagay ko nang mas madalas at para malaman din kung bumubuti na nga ba ang pakiramdam ko.
Nang araw na i-a-admit na ako ay dumating si Daddy. Salitan sila ni Mommy ng pagbabantay sa 'kin sa ospital. Napansin din kaagad ni Daddy na hindi na ako masyadong tamlayin gaya no’ng huling kita niya sa 'kin at nagkalaman na raw ako nang kaunti!
"Let's not lose our hope, okay?" He kissed the back of my hand and gave me an assuring smile.
One more week passed. Sa pamamalagi ko rito ay may mga naging kaibigan na rin ako na kahit na hindi ko kaparehas ng sakit ay nagkakaintindihan kami. Mas matagal na silang namamalagi rito at masaya ako na tinanggap nila ako rito sa floor na halos naging tahanan na rin nila.
Mayroong isang lalaki na mas bata sa 'kin ng tatlong taon, isang babae na kaedad ko, isang babae na kaedad ni Mommy, at isang lalaki na kaedad ni Isaac.
Speaking of Isaac… Bumisita rin siya sa akin dito sa ospital.
"Boyfriend mo, Jaycee?" tanong ni Tita Soledad na isa sa mga kaibigan ko rito.
"Uhh… Magkaibigan po kami,” magalang na sagot ni Isaac sa ginang. Naunahan niya ako sa pagsagot.
Nagpaalam na ako kay Tita Soledad at pumasok na kami ni Isaac sa kuwarto ko.
Totoong masaya ako na nandidito siya. Isinantabi ko muna ang mga nangyari sa amin noon. Alam ko naman na hindi siya nagpunta rito para do’n, kun’di para tingnan ang kalagayan ko. Sana…
"I haven't seen you for so long," nakangiting aniya.
Natawa ako. "You're right.” Napatingin ako sa kaniya at pinanuod siyang naglilibot ng tingin sa buong kuwarto ko. Para bang inaaral niya kung safe rito. “Hope this won’t sound awkward, but… I missed you.”
Magkasalubong ang kilay niya habang nakangiti sa akin, para bang may sinabi akong nakakatawa. He shook his head.
“Why would that sound awkward?” He shrugged his shoulders. “We’re good friends. Right?”
Tumango ako. “Yeah. Good friends.”
Kinabahan ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya… at may lungkot? Hindi ako sigurado kung anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya, pero isa lang ang nasisiguro ko… hindi ‘yon saya.
“Hanggang… kaibigan na lang ba talaga tayo?” titig na titig siya sa mga mata ko nang sabihin niya ang mga salitang ‘yon.
Bigla ay hindi ko magawang tingnan ang mga mata niya. “Isaac… I-I’m sorry--“
He laughed. "I'm just kidding, you’re so serious.”
No… He could say that he’s joking, but the emotions in his eyes were real. And what’s hurting me now is the fact that… I’m causing him pain. I’m causing him pain… again.
Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin na parang naging hindi ako komportable nang tanungin niya iyon. He tried to reach for my cheeks, but held me on my left arm instead and caressed it.
“Sorry, Jay. That was too insensitive of me… I shouldn’t have asked that.”
I forced a smile. Even if it was still inside my head, I don’t want him to overthink. He travelled all the way from here with the thought of making me feel better, so I don’t want him to go home with such a heavy thought.
“Ayos lang ‘yon, Isaac.” I suddenly reminisced some of our moments before. “You and your jokes… they used to be my comfort before. And it really helped me, and I never had a chance to thank you for that. So… thank you so much, Isaac. For… everything.”
“You’re welcome.”
Nagkuwentuhan pa kami at nagkamustahan. Biniro ko pa siya kung may babae ba siyang nakilala ro’n sa Barcelona, pero ang sabi niya ay hindi pa siya handa ulit sa mga gano’ng bagay. Alam ko naman na ang sagot kung bakit kaya hindi na ako nang-usisa pa.
Hindi na rin siya nagtagal do’n at maya-maya pa’y umuwi na rin. Masaya ako na may ganito kaming closure kahit na... naging komplikado ang mga bagay sa aming dalawa noon.
Mabilis talaga ang oras at makalipas lang ng ilang araw ay nandidito na ulit ang mga kaibigan ko. Magaling na rin dahil naaliw rin ako sa kanila at kahit papaano ay may maingay na rito sa kuwarto ko. Hindi naman kasi masiyadong nag-iingay sina Mom at Dad kapag sila ang bantay ko dahil gusto nila na maayos akong makapagpahinga.
“Marami ba kayong napag-usapan ni Isaac?” Asher asked habang pinagbabalat niya ako ng orange.
Hindi ko alam kung gaano ba ako ka-busy nitong mga nakaraang araw at nakalimutan kong banggitin sa kaniya ang pagpunta rito ni Isaac. Siguro ay si Mommy or Daddy ang nagsabi sa kaniya.
“Not that much, hindi rin naman siya nagtagal. Sorry kung… nakalimutan kong sabihin sa’yo. Kay Mommy mo ba nalaman?”
The side of his lips rose. “Sa ‘kin pa nga siya nagpaalam na dadalawin ka niya. Does he even need my permission? Did he thought I’d get jealous?”
“You won’t be jealous?” I asked and he shook his head. Napangisi ako nang may maisip. "Isaac appeared to be more handsome than before. Have you seen him since he returned?" I said, trying hard not to giggle as I watched his brows furrow.
“He didn’t even change a bit,” he replied, his jaw clenched.
Maya-maya pa’y sinamahan ko sila sa labas at pinakilala ang mga naging kaibigan ko rito.
Naging ka-close kaagad ni Aizan si Gene. 'Yong kaibigan ko rito na mas bata sa akin, kaedad pala ni Aizan 'yon.
"Nakikita mo ba 'yon?" Turo ni Aizan kay Cally na nasa malayo at hindi naririnig ang pinag-uusapan nila ni Gene. "Akin 'yon!"
Natawa naman si Gene kaya napakunot ang noo ni Aizan.
"Humanda ka, 'pag ako’y gumaling, eh, aagawin ko 'yon sa iyo!" biro ni Gene.
Alam kong biro lang 'yon pero kita ko ang pamumutla ni Aizan, kinakabahan.
Kami naman ng mga kaibigan ko ay sina Dolor at Tita Soledad ang kausap. Tuwang-tuwa nga si Tita Soledad kay Aiden dahil ang tangkad-tangkad daw nito at ang puti-puti. Si Kuya Jaywen at Asher naman ay si Alex ang kausap. Mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan nilang tatlo dahil wala kang makikitang reaksiyon sa mga mukha nila.
Nang matanawan ko ang doctor ko sa corridor na kasama si Mommy ay sinenyasan niya ako na pumasok sa kuwarto ko. Medyo nakaramdam pa ako ng kaba pero pumasok pa rin ako. Agad namang sumunod ang mga kaibigan ko.
Kung kanina ay maingay kami rito sa kuwarto ko, ngayon naman ay walang nagsasalita sa amin.
Halos hindi na ako makagalaw sa pagkakaupo ko sa kama nang makita kong hindi mapakali si Mommy at parang gustong-gusto na niyang maiyak.
Biglang bumilis na ang t***k ng puso ko. Lumala ba? Mali ba ang lahat ng akala namin dahil hindi talaga ako gumagaling at lumalala pa ba ang kalagayan ko?
Ang daming tanong sa isipan ko, pero hindi ko alam kung sa’n ako kukuha ng sagot.
"Jaycee," pagtawag sa 'kin ni doc.
Umupo ako nang maayos at hinintay ang sunod niyang sasabihin. Sobrang lakas na ng t***k ng puso ko. Hindi na ako makalunok nang maayos dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. I felt Asher warm hand on mine, he gave me an assuring smile. Lumakas ang loob ko dahil sa kaniya pero hindi pa rin mawala sa akin ang kaba.
“Jaycee…” As the doctor continued to repeat my name, my hold on Asher's hands tightened. "You are cancer-free!" nakangiting dugtong niya.
Napuno ng hiyawan ang kuwarto ko, si Mommy ay tuluyan nang naiyak. Hinarap niya si doc at sunod-sunod na nagpasalamat dito.
Habang ako... hindi maproseso ng utak ko ang narinig ko. Nagpaulit-ulit pa sa ulo ko ang sinabi ni doc bago ako tuluyang maniwala at napaluha na rin.
Napakatagal kong pinagdasal ang sandaling ito! Magaling na ako!
Hindi ko na napigilan ang sariling humagulgol. Dininig ng Diyos ang mga dasal ko.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Asher sa 'kin.
"You did it! Oh god," humikbi siya sa may balikat ko. "You beat it, you made it through, and you're finally fine, thank God!"
-larajeszz