Separated Love
by larajeszz
Chapter 52
Chemotherapy. Tanging 'yan lang ang pinagkaka-abalahan ko ilang araw ang nakakalipas matapos ang lahat ng nangyari. At dahil sa exposure ko sa maraming bagay nang kunin kami ng mga dumukot sa amin ay hindi 'yon naging maganda para sa kalusugan ko. At hanggang ngayon... hindi pa rin ako nakakabisita sa burol ni Anddie. Gustong-gusto kong umuwi para mabisita siya kahit sa huling pagkakataon... pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba ulit na makitang gano'n na ang lagay niya. Na... gano'n ang sinapit niya nang dahil sa 'kin.
Sino ba nama'ng hindi matatakot? Nawalan siya ng buhay habang yakap-yakap ko siya. Kahit alam ko namang hindi ako ang may gawa no’n sa kaniya ay parang sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Dahil... ako dapat 'yon. Pero agad din namang nasingil ang nangyari sa kaniya, hindi naman namin inaasahan ni Asher na magagawa 'yon ni Cedric. Napigilan sana namin siya. Dahil sa galit niya... maging si Savanna ay wala na rin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat nang 'yon sa loob lang ng isang araw. Nakakatakot ang araw na 'yon. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inakalang mangyayari sa 'kin 'yon. Dahil dalawang buhay kaagad ang nawala...
Pagkatapos namin sa hospital ay kaagad kaming dumiretso sa mansiyon. Lunch time na, kailangan kong kumain ngayon pero wala akong gana. Palagi na lang ganito, isang linggo na 'kong nanghihina. Unti-unti na ring nanlalagas ang mga buhok ko. Nasabihan naman ako ng doctor ko na talagang ganoon daw ang mangyayari once na maumpisahan na ang therapy sa 'kin.
"Mom..." mahinang pagtawag ko.
Nakangiti niya akong nilingon. Hindi ko masabi nang diretso, hindi ko kaya. Ngumiti na lang din ako at umiling. Natawa siya sa inasta ko at nagtuluy-tuloy sa pagpasok sa mansiyon.
Hindi ko magawang hilingin sa kaniya na tuluyan na lang niyang alisin ang buhok ko. Normal lang naman 'yon sa mga may sakit na gaya nito, pero siyempre bilang isang ina, kahit ano pa ma'ng sitwasiyon ay gusto niyang maganda at presintable ang anak niya sa harap ng mga tao. Kaya 'wag na lang, hahayaan ko na lang.
Ilang araw pa ang itinagal namin do'n. Bawat araw, paunti na nang paunti ang mga buhok ko. Sa t'wing nakikita ni Mommy na may nakukuha ako sa kamay kong mga hibla ng buhok ay ngingitian niya lang ako at sinasabing "ayos lang 'yan". Pero t'wing gabi naman ay naririnig ko siyang umiiyak mag-isa sa kuwarto niya, minsan naman ay kausap niya si Daddy sa telepono. Naluluha na lang din ako lalo na 'pag naririnig kong sinisisi niya ang sarili niya dahil dito sa sinapit ko.
Pagkakatapos kong marinig ang pag-iyak ng mommy ko, palagi akong bumabalik sa kuwarto ko na luhaan din. Lalabas ako sa balkonahe at titingin sa mga bituin at kakausapin ko ang mga ito.
"Anddie... Lola... at Lolo," ito palagi ang sinasambit ko. "Gusto ko kayong makasama, alam kong alam niyo 'yan. Pero ang hirap isipin na isang bagay lang ang makakatulong sa 'kin para matupad ang kahilingan ko. 'Yon ay ang mapariyan din sa kinaroroonan ninyo." Napaluha ako at napatungo, hinahayaan ang paglabas ng mga luha sa mga mata ko. "Ayoko pa po... tulungan niyo akong gumaling," muli akong tumingala. Kahit na luhaan ay ngumiti ako sa mga bituin. "Pakisabi naman po kay Lord, oh, madami pa po akong gustong gawin sa buhay ko... madaming naghihintay sa 'kin..."
Naalala ko ang mga huling sandali na magkasama kami ni Anddie. Mga panahon na todo ang pangungumbinsi ko sa kaniya na 'wag mag-isip ng mga negatibong bagay. Pero ito ako ngayon at gano'n ang ginagawa, pero susubukan kong labanan para sa kaniya.
Sa gitna ng pag-iyak ko doon ay tumunog ang cellphone ko. Napangiti na lang ako nang makita ang pangalan niya sa screen niyon. Laking pasasalamat ko dahil sa pinakamalaking dagok ng buhay ko ay nandidito pa rin siya sa tabi ko.
"Hmm? Are you crying?"
Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Kilalang-kilala niya 'ko. "Ayos lang ako."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya dahil halata naman sa boses ko na umiiyak ako. "’Wag ka nang masiyadong nag-iisip. Sila na ang bahalang mag-asikaso sa nangyari.”
“All right…”
Matagal pa bago pa siya muling magsalita. Siguro ay pinapakiramdaman niya kung umiiyak pa ba ako kaya pinilit kong tumahan.
“I miss you, love,” aniya.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman sa balat ko ang malamig na hangin. “I miss you, too.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang paghikbi. “Pasensiya ka na, ha?”
“Jaycee…”
Umiling ako. “Alam kong mahirap ‘tong sitwasyon natin.” I sobbed. “I’m sorry if I wasn’t able to give you the ideal relationship…”
“Love, please don’t say that…”
“Magpapagaling ako para sa ‘yo. Pangako ‘yan…”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Don’t apologize. Our relationship isn’t perfect, but there’s no such thing as that. Walang perpektong relasyon. At hindi ka dapat mag-sorry sa kung ano mang mayro’n tayo ngayon.”
“I know. Pero kasi—”
“Masaya ako sa ‘yo,” he cut me off. “Magpagaling ka para sa sarili mo, hindi para sa akin. Hindi kita iiwan kahit ano pa ma’ng mangyari. Always remember that. Mahal na mahal kita, Jaycee...”
Those words were enough to wash off the negative thoughts that I have inside my head. Hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na ‘yon pero ayaw ko rin namang isipin niya na nagkukulang siya sa pagpapakita sa ‘kin na mahal niya ako.
“Mahal na mahal din kita, Asher.” Higit pa sa buhay ko.
Saglit niya pa akong pinatahan. At kahit pa nasa kabilang linya lamang siya ay hindi naman siya nabigong magawa ‘yon.
"You remember your wish before? Kung sakali man na may dumating na shooting star?"
Tumango ako. "Oo, naaalala ko."
"I read an article, and I also heard it on the news. There would be a meteor shower tonight. Let's wish together and hope for the best." Narinig ko ang matunog na pagngiti niya. "I want to hear your wishes.”
Itinukod ko ang mga siko ko sa railings habang nakatingala sa langit at ang isang kamay ay nasa tainga ko pa rin.
"So... have you been to Anddie today?"
"Yeah.”
Napatungo na lang ako at pilit na ngumiti. Nakakainggit. Gusto ko ring araw-araw na nando'n.
"Kinausap ako ng mommy niya kanina," pagpapatuloy niya.
Napatayo ako nang maayos, may kaunting kaba ang namuo sa dibdib ko. Pero ikinalma ko ang sarili ko. Naisip ko kasi ay baka sinisisi kami ng mommy ni Anddie, pero hindi naman siguro sila makakabisita do'n araw-araw kung galit siya kina Asher.
"A-Anong sinabi niya?"
"She’s asking for you. 10 days ang burol, so you still have 3 days left. Makakauwi ka ba?"
Natuwa ang puso ko sa narinig dahil alam siguro nila na isa ako sa mga kaibigan ni Anddie, pero may parte rin sa akin ang nalungkot dahil wala pang kasiguraduhan kung makakauwi na ba talaga ako.
"Hindi ba siya… galit sa 'kin?" kinakabahang tanong ko.
"Hindi. Ang totoo n'yan ay gustong-gusto ka niyang ma-meet. She's thankful because of you, love."
Napakunot ang noo ko. "Me?"
"Yeah," pagkukumpirma niya. "Kasi sabi niya, madalas ka raw naiikuwento ni Anddie sa kaniya. At t'wing nababanggit niya ang pangalan mo, she can't help but to smile, bagay na minsan lang daw niyang nakikita noon sa anak niya."
Napangiti ako dahil do'n. Pinigilan ko ang mga luha ko na dahil na ngayon sa saya. Tumingala ako sa langit upang muling tanawin ang mga bituin. Tinitigan ko ang isa sa pinakamakinang sa kanilang lahat. Pinaniwala ko ang sarili ko na si Anddie 'yon at pinapanood kami ngayong mga naiwan niya.
"Oh!" nagulat na sabi ko. "Did you saw that?!"
He chuckled. "Yeah."
Matapos ang pagdaan ng isang shooting star ay nagsunod-sunod na ‘yon ngayon!
Hindi ko magawang makapagsalita kaagad dahil sa ganda ng nakikita. Kahit pa sa saglit na oras ay nawala sa isip ko ang mga pangamba. Tanging ang mga bituin at si Asher lamang ang naiisip ko sa mga sandaling ‘yon.
“I want to marry you after college,” sambit ko habang pinagmamasdan ang langit.
Hindi kaagad siya nakapagsalita. Alam kong pinoproseso niya pa ang mga salitang binitawan ko. Siguro niya ay hinihintay niyang sabihin ko na nagbibiro lang ako, pero hindi. Matagal ko na ‘tong napag-isipan. Sa dami ng mga magugulong bagay na nangyari sa buhay ko, gusto ko ng siguradong pahinga. At si Asher ang gusto kong kasama sa pahinga kong iyon. Siya ang pahinga ko.
“Is… that your wish?”
Ngumiti ako at sunod-sunod na tumango kahit na hindi naman niya nakikita. “Sigurado ako sa ‘yo, Asher. Gabi-gabi ko ‘yong naiisip.” Natahimik ako saglit dahil sa hindi niya pagsagot. Baka masiyado akong naging mabilis. “Ayaw mo ba?”
“I would love to marry you.” I could hear the sincerity in his voice.
His words were more than enough to ease the pain I was feeling in my chest. Asher never failed to give his assurance; it was me who feared what was about to happen. I know it's wrong, but I couldn't help it. But now, he washed those thoughts away with his words. I don't know what I did to deserve him.
"Go inside now. It's getting late."
Pumasok naman ako kaagad pagkasabi niya at nahiga na sa kama ko. Nilalabanan ko ang antok dahil gusto ko pa siyang makausap.
I sighed with a smile. "Can you stay for a bit?"
"Of course."
Asher kept on whispering sweet words hanggang sa makatulog na ako. I was already half asleep when he said something that I didn't fully understand because of tiredness.
"Good night, love."
***
Nang magising ako kinabukasan ay naglakas-loob na akong magsabi kay Mommy na ubusin na niya ang lahat ng buhok ko. I've been keeping a razor in my drawer magmula pa no'ng nagkasakit ako. Because I've seen this coming, and now I'm ready.
Habang hawak ang razor gamit ang dalawang kamay ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa kuwarto niya. Alam ko ang oras ng paglabas niya roon kaya naman inagahan ko talaga ang paggising ko para masabi sa kaniya na kami lang dalawa ang nakakarinig.
When I was already in front of her door ay kumatok ako nang mahina, agad naman siyang sumagot.
"Come in."
Binuksan ko dahan-dahan ang malaking pinto at ngumiti sa kaniya, she smiled at me too.
"Come here," she tapped the space beside her. Telling me to come and sit there.
Habang nakatago ang razor sa likod gamit ang isang kamay ay lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Hindi ko inaasahan ang pagyakap niya. Mukhang malalim ang iniisip niya kaya niyakap ko siya pabalik gamit ang isa kong kamay.
"Are you okay, Mom?" mahinang tanong ko.
I looked up to her, but she won't let me. Mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin kaya naman nabaon ang mukha ko sa dibdib niya. I can feel her heartbeat, and the way her body moves because of how she's trying so hard not to cry.
"I'm okay, baby..." she assured me and kissed the top of my head. I was not convinced though, she wanted to cry so badly, but she's trying to be strong in front of me.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa hita niya.
"There's no need to hide your emotions from me, Mom," pinisil ko ang kamay niya. "Let me help. I want to help you."
Ngumiti siya at umiling. "I said I'm fine," hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. "I should be the one asking. Are you okay?"
Napatingin ako sa baba at napakagat ng labi. I don't know if this is right gayong alam ko na malungkot siya ngayon pero ipinakita ko sa kaniya ang kanina ko pang itinatago. I expected that she will be shocked, but once she saw the razor in my hand, she just smiled at me. She carefully reached for my head and caressed my hair.
"You know, hon? When you we're little, my friends kept on saying that you have such a nice hair. You have a long hair before, but you never wanted to put accessories on it," natawa siya. "Palagi kang naiinis kapag madami akong clip na nilalagay noon sa buhok mo. Even when you were a baby, I put a headband on you dahil palaging napupunta sa mukha mo ang buhok mo, but you still didn't want it. Tinatanggal mo."
She stopped talking and stared at my remaining hair.
"I'm not saying that you don't care about your hair, but even if you don't really fix it that much, it still stands out. Even if you're too effortless to put accessories, it stands out. Even if you do nothing…" she held my chin, "you stand out."
I smiled at her while trying to hold my tears back. Those words from her felt so great. I can see it from her eyes na hindi niya lang 'to sinasabi sa 'kin dahil anak niya ako, kun'di dahil 'yon ang nakikita niya.
"So, hinanda ko na ang sarili ko no'ng... nalaman kong may sakit ka," she sighed. "I said to myself na, maaaring dumating talaga ang araw na ito." She reached for my hand and touched the razor. "You don't really have to do anything to look beautiful, because inside and out you are. But I know you too well, you don't really care that much about how you would look in front of other people. You're just trying sometimes... because of me."
Nagulat ako pero hindi ko ipinahalata, I just smiled at her.
"That's nothing, Mom. I know that moms always want their daughter to look pretty. So even if it's not my thing, I'll do it for you," I said sincerely.
Ngumiti rin siya, kita ko ang pagkintab ng mga mata niya sa nagbabadyang pumatak na mga luha. Tumingin siya sa taas at mahinang tumawa, pinipigilan ang luha.
"You don't have to do that anymore."
Kinuha niya ang razor sa kamay ko. Pinatayo niya ako at inalalayang maupo sa harap ng vanity table niya. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan siya ro'n.
"You don't have to, because now... ako naman ang gagawa ng gusto mo. Ako naman ang susunod sa 'yo."
She caressed my head again full of emotions. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya.
"I don't know where to start," napanguso siya kaya naman natawa kami.
She hugged me from my back.
"Basta anak, tatandaan mo ha? You are always beautiful," she emphasized the last words. "You're beautiful, at gagaling ka, okay? Just always pray." She kissed my head again.
Tumango ako. "Yes, Mom."
Bumuntong-hininga pa siya bago siya magsimula. She was too serious at what she was doing, na para bang isang maling galaw ay masasaktan na ako kaagad. She was emotionless but I know inside, she's not. Habang ako, nakangiti kong pinagmamasdan ang sarili ko. This feels... me.
Habang nakikita ko ang paglaglag ng mga buhok ko sa sahig ay parang gumiginhawa ang pakiramdam ko. I should be sad, but I'm feeling the opposite. Masaya ako na hindi ko na kailangan pang makita ang mga buhok ko na unti-unting nanlalagas na siyang nagpapakita ng paghihirap ko. Masaya ako na nakikita ko ang bagong ako.
Pagkatapos maubos ni Mommy ang mga buhok ko ay tumayo na ako at mahigpit siyang niyakap.
"Thank you po."
"I'm always here. Hmm?" bulong niya.
Nagpaalam na ako na babalik sa kuwarto ko para magsuot ng chemo beanie. Nakasalubong ko pa ang Tita ko na buhat-buhat si Luke. I smiled at at her nang makita ko na naluluha rin siya gaya ni Mommy.
"Stay positive, Jaycee," she squeezed my right hand. "I'm always proud of you."
Dumiretso na 'ko sa kuwarto ko at tinakpan ang ulo ko. I smiled in front of the mirror.
"I'm fine," I sighed. "This is fine."
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama, naiwan ko pala ito roon dahil kausap ko si Asher kagabi. I should tell my friends about this big step that I made.
Ise-send ko na sana ang message nang may marinig akong ingay sa baba. Hindi muna ako lumabas at inilapit muna ang tainga ko sa pintuan para making.
"Good morning po, Tita!"
That was Cally's voice. Anong ginagawa nila rito? Bakit hindi nila sinabi sa 'kin na pupunta sila ngayon dito? Or... sinabi ba ni Asher kagabi pero 'di ko lang naintindihan dahil nakatulog na 'ko?
"Good morning po, Tita!" Aizan said. Parang ginaya niya lang naman 'yong sinabi ni Cally. They even have the same energy.
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may marinig akong boses.
"Is she awake?" narinig kong tanong ni Asher.
Bumilis ang t***k ng puso ko. He's here.
"Opo, Sir. Nakita ko na po siya kanina papunta sa kuwarto ng Mommy niya pero bumalik po siya riyan," sagot ng kasambahay namin.
"Thank you po, manang," he said politely.
Hindi ako makagalaw. Parang napako na ako rito sa kinatatayuan ko. Pero awtomatiko rin akong napaatras nang may nagbukas ang pintuan ko. Pareho kaming nagulat nang makita ang isa't isa. Hindi niya siguro ine-expect na nandidito ako sa likuran nang pinto, na kung hindi siya nagdahan-dahan ay baka natamaan niya ako.
"Hey," usal ko.
Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. God, I missed him so much. His scent lingered on my nose the second he pulled me to his body.
"I'm here," he kissed my forehead. "I missed you, love."
-----
- larajeszz