Chapter 57

2066 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 57 Jaycee’s POV Mabuti na lang at nagkaayos din kaagad sina Aiden at Ishan bago pa matapos ang celebration kanina. Naliwanagan na si Aiden sa mga nangyari kaya nag-sorry raw siya kay Ishan dahil na-realize niyang hindi niya dapat ginagawa ang mga ginawa niya kanina. “Nakakahiya pa rin! Okay na kami pero feeling ko hindi ko pa rin siya mahaharap sa sunod na magkita kami,” pagmamaktol ni Aiden. Kumuha siya ng isang unan at ipinangtakip ‘yon sa mukha niya. Oo, dito pa rin sila natulog kagabi kahit na pinilit ko silang umuwi. At pati ngayong gabi ay dito pa rin sila matutulog! Ang dahilan nila ay gabi na raw kasi kaya naman nakakatakot nang umuwi. Mga palusot nila… nandidito rin naman ang mga parents nila kanina pero hindi pa sila sumabay! “Mag-move on ka na, beh. Mukhang mabait naman, eh. Mas mahinhin pa nga ‘yon sa ‘yo!” pang-aasar ni Cally sa kaniya. Binato ni Aiden kay Cally ‘yong unan na hawak niya. “Opposite attracts, ika nga! Palibhasa kasi ay parehas kayong maingay ni Aizan.” “At least, nagkakasundo kami sa maraming bagay!” depensa ni Cally at nandila pa na parang bata. Inis na inalis ni Ivy ang headset na suot niya at ibinaba rin ang libro na binabasa. “Nag-headset na nga ako para hindi ko kayo marinig pero wala rin naman palang silbi!” bulyaw niya ro’n sa dalawa. “Manahimik na kayo, ah, kun’di ipapakain ko sa inyo ‘tong libro na hawak ko!” Umirap lamang siya ro’n sa dalawa at nagpatuloy na sa pagbabasa. “Ang sungit,” bulong ni Aiden. Tumango si Cally, “Wala kasing bebe ‘yan.” “Naririnig ko kayo,” sagot ni Ivy. Dahil sa takot ay agad na nahiga ‘yong dalawa at nagtulog-tulugan na. Napailing na lang ako sa kanila. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no’n si Syrine. “Anong problema no’ng kapatid mo, Jay, at naglasing nang gano’n?” Napatingin si Syrine sa taas at napaisip. “Hindi naman kami nag-aaway, ah?” Natawa na lang ako. “Matagal na kasing tigil sa pag-inom ‘yan,” nagkibit-balikat ako, “simula siguro no’ng niligawan ka niya? Baka na-miss lang ang lasa ng alak.” Muling bumangon si Cally at tinusok-tusok si Sy sa tagiliran. “Yiee, nagbago pala para sa ‘yo, eh! Haba ng hair mo, teh!” “Tigil-tigilan mo ako, Cally Laurel Rodriguez. Pagkatuwaan mo na si Aiden pero ‘wag mo akong dinadamay. Tse!” ani Sy at umirap kay Cally bago nagtungo sa higaan niya. Napanganga si Cally dahil do’n. “Dapat lang na d’yan kayo sa baba na dalawa! Ang susungit niyo!” Patungkol niya kina Syrine at Ivy na sa foam na nakalatag sa sahig matutulog. “Tse ka rin, Syrine Alyssa Alfonso!” pahabol pa niya at muli nang nahiga. Lahat na sila ay nakahiga sa kani-kanilang mga puwesto habang ako ay nakaupo pa rin sa sofa ro’n sa kuwarto ko. “Jay, hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Ivy. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siyang tumigil sa pagbabasa. Umiling ako, “Mamaya na lang. Hindi pa ako inaantok, eh.” Tumango lang siya at umayos nang muli ng pagkakahiga. “Ano ba ‘yan?! Saturday na nga pala ngayon, tapos sa Lunes ay may pasok na ulit,” sabi ni Sy habang nakatitig sa kisame at ang dalawang kamay ay nasa likod ng ulo niya. “Ayaw ko pang umalis dito.” “Umuwi ka naman, Sy. Baka hindi ka na kilala ni Liam n’yan,” biro ko patungkol sa nakababata niyang kapatid. “Ayos lang sa ‘kin, ‘no! Lumalaki na si Liam, ang likot-likot na niya.” “Sus, ayaw mo lang umalis dahil nandidito si Jaywen, eh,” bulyaw pa ni Aiden na akala naming lahat ay kanina pang tulog. “Hanggang dito lang ang usapan.” Nag-gesture si Syrine na binabakuran kaming apat puwera kay Aiden. “’Tong lasinggera na ‘to, matulog ka na nga!” sabi ni Cally sa katabi. Ilang minuto rin ang naging katahimikan, alam kong hindi pa sila natutulog kaya ayos pang kausapin ko sila. “Mahirap na ba ang mga topics na dini-discuss sa inyo ngayon?” pagbasag ko sa katahimikan. “Gurl, ‘wag mo akong tinatanong ng mga bagay na obvious.” Napahilot si Cally sa sentido niya. Mabuti na lang din talaga at hindi ako nag-STEM, hindi ko kakayanin ang mga ginagawa nina Cally, Ivy at Aiden. “Sa atin, Jay, hindi na naman masiyado. Why?” ani Syrine. Bumuntong-hininga ako bago sabihing, “Papasok na ako sa Monday.” Bagay na ikinagulay nila. Ang tagal kong pinag-isipan ang mga sinabi ni Asher kanina at iyon nga ang nangyari. Nang araw na ng Lunes ay kay Kuya Jaywen ako sumabay, sinundo pa namin ang mga kaibigan ko sa mga bahay nila para raw sabay-sabay kami sa pagpasok. Isa sa mga van naming ang dal ani Kuya kaya kasyang-kasya kaming lahat. Isa raw ito sa ‘new beginnings’ na palagi nilang sinasabi sa ‘kin. “This is so unfair! Puwede bang lumipat pa ng school kahit nasa kalagitnaan na ng school year?” sabi ni Aizan nang makita na magkakaparehas ang uniform namin ng mga kaibigan ko. “Get in, male-late pa kami dahil sa iyo,” sabi ni Asher sa likuran niya. Si Aizan ay agad na tumabi kay Cally. Ako ay sa passenger’s seat nakaupo kaya naman hindi ko makakatabi si Asher sa biyahe. Pero ayos lang, makakasama ko naman siya sa buong maghapon dahil magkaklase lamang kami. Hindi ko inaasahan ang mainit na pagtanggap ng mga taong matagal ko rin na hindi nakasama. Dahil sa kabaitan na ipinakita nila sa akin ay hindi ako nahirapan sa pag-aadjust. Hindi lang si Asher at Syrine ang tumulong sa ‘kin para makahabol sa klase, kun’di lahat ng mga kaklase ko rin! Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila, kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko kakayaning makahabol sa mga na-missed kong lesson. Masayang bumalik… pero ‘di ko mapagkakailang may puwang sa puso ko. Nararamdaman ko pa rin na may isang presensiya na nawawala. Ngunit kahit na nangungulila ako sa presensiya ni Anddie ay ginawa ko ‘yong inspirasyon imbis na panghinaan ako ng loob. At dahil sa pagpupursigi at sa tulong na rin ng mga tao sa paligid ko, matagumpay kaming nakapagtapos ng Senior High Shool! Sa tagal kong napatigil at sa iilang buwan lamang na naipasok ko ay nagawa ko pa ring makapagtapos. Mabuti na lamang at nagawa kong masabayan ang mga kaklase ko kaya naman hindi ako napag-iwanan. Asher received the highest honor, while my friends and I graduated with high honors. Asher was one of the students who got the highest grades, so he was invited to deliver a speech. I also asked him not to include me in his speech. He said that's what he wanted, but I said I don't want too much attention from other people. I want our relationship to stay the way it is. He felt a little bit down because of that, but I told him that the whole world doesn't need to know whom he loves because it's enough for me that he's always on my side. “Thank you to all of my friends, family, and teachers who have helped me get to where I am now. It is a great honor to be here with you in one of the most unforgettable moments of our lives. I want to begin by thanking all of my friends, family, and, most importantly, my Savior, Jesus Christ, for guiding me every step of the way.” Words cannot express my admiration for this man. I wasn't the one giving the speech, but I couldn't stop crying. His words are very motivating, and I'm sure that anyone who hears it will be touched. “Life isn't a fairytale. We weren't created only to enjoy the pleasant things this world has. We were born with a purpose, to fight for what or whom we love, to be strong even in the face of adversity, to live our lives without listening to what others have to say, and finally, to be our own 'help.' Why? Because I feel that in all that you've done, was made by you, and no one else. If you're stuck due to procrastination, motivate yourself to get moving and finish what you need to do. If your pride continues to annoy you, assist yourself in becoming someone you are not, lessen your pride, and seek assistance. There will be no benefit to us if we do not assist ourselves to solve the problems and think about how to address the issues that need to be addressed.” Inumpisahan at tinapos niya ang speech niya nang may ngiti. Kahit naluluha tuloy ay hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti rin dahil sa mga binitawan niyang salita. Sa pagbaba sa stage at sa akin kaagad napako ang tingin niya. Nginitian ko siya at itinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kaniya ang thumbs up ko. Alam kong nakuha niya agad ang ibig kong sabihin, napakagaling niyang magsalita. Sa college ay hindi na kami magkakasama, malungkot pero kailangan tanggapin. Hindi naman pang habang buhay ay kailangan nasa tabi kami palagi ng isa’t isa. May kani-kaniya rin kaming pangarap na gusto naming maabot. Si Syrine ay pinursue ang law, nagkalayo na rin sila ni Kuya Jaywen dahil sa medicine ang isang ‘yon. Pati si Cally ay ang pagiging lawyer din ang pinasukan, alam kong hindi siya masaya ro’n pero ‘yon daw ang gusto ng magulang niya para sa kaniya. Habang si Aiden naman ay sa Engineering at si Ivy ay sa medisina rin. Magkakaparehas sina Kuya Jaywen, Ivy at Aizan ng pinapasukan ngayon dahil pare-parehas na may kinalaman sa medisina ang gusto nilang maging trabaho. Si Asher lamang ang bukod tanging nakakasabay ko sa pagpasok. Parehas kami ng university pero magkaiba kami ng department, Architecture ang sa kaniya habang Tourism ang akin. No’ng first day ay sobra ang kaba ko dahil bago sa akin ang mukha ng mga kaklase ko. Nawala lang ‘yon nang kausapin ako ng katabi ko, si Byron. He offered his hand kaya naman tinanggap ko kaagad ‘yon. “Hi, I’m Byron Rieno. And you are?” he asked in a friendly tone. “Jaycee Buenaventura,” I answered. Marami siya kaagad na naikuwento sa akin kahit pa kakakilala lang naming. Dito na pala siya pumapasok simula first year high school. Buti na lang at siya ang una kong naging kaibigan dito, madali ko na siyang mapagtatanungan ngayon dahil paniguradong alam niya na ang pasikot-sikot dito sa university. “Ang daming pogi ngayon, ah. Gusto mo ba ipakilala kita ro’n sa lalaki na nakaupo sa unahan?” turo niya sa lalaking chinito na nakaupo sa unahan ng classroom namin. Umiling ako kaagad, “Naku, hindi na… May boyfriend na ako,” pagtanggi ko. “Ay, taray! Actually, ako rin meron. Pero nasa Korea siya, ‘di pa niya ako nakikilala pero makikita niya rin ako soon!” aniya at natawa kaming pareho. K-Pop fan pala ang isang ‘to. Sa buong maghapon ay kaming dalawa lamang ang magkasama. Ang dami niya talagang kuwento! Hindi siya nauubusan kaya naman masasabi kong hindi siya bored kasama. Pati ako tuloy ay napakuwento na rin, nabanggit ko sa kaniya na isa akong cancer survivor. And he was too stunned to speak. Kahit saan din kami magpunta ay palagi siyang may nababati, mukhang sikat siya rito. Hindi ko pa alam kung ano ang dapat na gawin dahil maging ako ay ipinapakilala niya sa mga ‘yon. “’Yan ba ang boyfriend mo?” bulong niya nang makita si Asher sa harapan ng room namin. Natatawa akong tumango sa kaniya. “Ang sama ng tingin sa ‘kin, gurl. Baka akala niya inaagaw kita, ang hindi niya alam… siya ang bet ko!” Muli akong natawa sa kaniya. Nagpaalaman pa kami bago siya umalis at kumaway pa sa akin sa malayo. “What did he say?” Asher said in a serious tone. Psh, seloso. Hindi niya alam na hindi naman dapat na pagselosan ang isang ‘yon. “He said you’re so grumpy.” ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD