Chapter 58

2217 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 58 Jaycee’s POV Madaling naka-close ni Byron ang mga kaibigan ko, dahil gaya nga ng sabi ko, hindi siya mahirap pakisamahan. Ilang beses na rin kaming lumalabas pagkakatapos ng mga klase namin at kapag hindi kami masiyadong busy. Isa pa sa nagustuhan ng mga kaibigan ko kay Byron ay madalas daw itong manlibre, sinasabi ko naman parati kay Byron na hindi naman na niya kailangang gawin ‘yon pero hindi siya pumapayag. Gano’n daw kasi siya tumrato sa mga bago niyang kaibigan. “Ron, sa kaliwa mo!” sigaw ni Cally habang naglalaro sila ng isang online game. “Ano ba ‘yan!” Napabuntong-hininga si Byron, “Sorry, hindi ko agad nalingon ‘yong kalaban. At ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na stop calling me ‘Ron’?!” Nandidito silang lahat sa bahay namin. Kung makisalamuha sila kay Byron ay parang ilang taon na rin nila itong kakilala. Dito na naming naisipan na tumambay dahil mahihiya pa raw si Byron kung sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko raw siya makikitambay, eh, ako naman daw ang kaklase niya. Nasa trabaho sina Mommy at Daddy, habang ang mga katulong at driver naman ay naka-day off. “Zan, inaaway niya ako!” sumbong ni Cally sa boyfriend niya. Ibinaba ni Aizan ang hawak niyang sandok at itinuro si Byron, “Ikaw, ‘wag kang kakain nitong niluluto ko, ah?” pagbabanta niya. “Bakit mo naman inaaway ‘yan?” “Anong inaaway? Hindi kaya- Ah, whatever!” pag-irap ni Byron. Nakapangalumbaba lamang ako sa dining table namin habang pinapanuod si Asher sa paggawa niya ng mga plates. He looks so passionate on what he’s doing, he really loves what he’s pursuing at the moment. “Is it hard?” I asked. “The what?” he asked back, still busy on doing his plates. “That,” I pointed to what he’s doing. “Is it hard? You’re expected to make lot of plates and I don’t think you have enough time to finish it all? Were you able to submit it all in time?” Ibinaba niya ang hawak niyang tech pen, “Thankfully, I’m able to pass all of my plates before its deadline.” He’s already done! Namamangha kong tiningnan ang ginawa niya. Kung hindi ko lamang nakita kung paano niya ‘yon inumpisahan at tinapos ay baka akalain kong printed lang ‘yong gawa niya. Pero siyempre, ay alam ko namang hindi niya kailan man gagawin ‘yon. “Naubos ‘yong butane!” sigaw ni Aizan mula sa kusina. “Tsh, why did you drink it?” sabi ni Kuya Jaywen habang sinusubukan pa ring buksan ‘yong lutuan. Lumapit si Sy sa kanilang dalawa, “Bibili ba kami?” “Sige, p’wede naman,” agad na sagot ni Aizan. Tinampal siya ni Kuya sa braso, “Go buy it yourself, bakit sa babae ka pa magpapabili?” “Porke’t girlfriend mo ‘to?!” Kinuha niya bigla sa lamesa ang susi ng kotse ni Kuya. He raised his hand, “Ako na bibili, sino sasama?” Agad akong nagtaas ng kamay. Nagtaas din sina si Ivy, Aiden at Byron. “Byron, ikaw mag-drive!” nakangiting sabi ni Aizan. “This guy has no respect to elders,” bulong ni Asher dahil sa paraan ni Aizan ng pakikipag-usap. Byron smirked, narinig niya pala. “Sinasabi mo bang matanda na ako, Asher Migo?” “Maybe?” Asher said and shrugged his shoulders. Tumayo siya at kinuha sa kamay ni Aizan ang susi. “I’ll drive, tara na.” Tumayo naman kaming mga nagtaas ng kamay kanina. Hindi pa dapat sasama si Byron dahil mukhang galit na naman daw si Asher sa kaniya pero ipinaliwanag ko sa kaniyang gano’n lang talaga ‘yon. Hindi ko nga rin alam kay Asher, madalas naman kaming magkakasama pero ‘di pa rin niya masiyadong kinakausap si Byron, at ‘pag kinakausap niya naman ay masungit siya. “Kung ‘di mo lang talaga boyfriend ‘yon ay na-karate ko na siya. Charot lang!” he joked. “Eh, baka akala kasi no’n ay nakipag-close ka kay Jaycee para agawin sa kaniya,” natatawang sabi ni Cally. “Uy, hindi naman siya gano’n,” sagot ko. Bakit naman iisipin ni Asher ‘yon? “Ang talino niya naman masiyado para mag-isip ng gano’n. At ‘tsaka, mukha ba akong straight?!” Dahil sa sinabi ni Byron ay natatawa kami nang lumabas sa bahay. Nadatnan naming naka-start na ang kotse at nakatayo si Asher sa labas no’n at mukhang hinihintay na lang kami. Why does he look so irritated? Binuksan niya ay pinto sa may passenger’s seat. Alam kong para sa akin ‘yon pero si Byron ang lumapit at pumasok do’n. “Ang sweet mo naman, salamat!” Byron said with a very wide smile and tapped Asher’s shoulders. Napairap na lang si Asher pero maingat niya pa ring sinara ang pinto ng kotse nang makapasok na si Byron do’n. Binuksan niya rin ang pintuan si likuran para sa amin nina Ivy at Aiden. Naunang pumasok do’n ‘yong dalawa at tumigil muna ako sa harap ni Asher para makausap siya. Sinara ko muna ‘yong pinto para hindi marinig no’ng tatlo ang pag-uusapan naming, lalo na ni Byron. “Hey,” I held his hands. “Hindi ba puwedeng magkaayos na lang kayo ni Byron? Well, maayos naman ang pakikitungo niya sa ‘yo… can’t you do the same for him?” Napatungo siya ay tiningnan ang kamay naming magkahawak. He sighed, “I’ll try.” “Thanks,” I smiled at him and he gave me a kiss on my forehead. Bago ko buksan ang pintuan ay may sinabi pa siya. “But still, I like Isaac more than him.” He was pertaining to Byron. I just laughed and nodded my head. I know what he’s trying to say. Sa buong biyahe papunta sa mall na malapit lang sa AIS ay kami lang ng mga kaibigan ko ang nagkukuwentuhan. Asher said he’ll try, but he’s still not talking to Byron. I’ll wait, maybe he will later. Nang makapag-park na kami sa labas ng mall ay tanaw na tanaw namin ang AIS mula ro’n sa kinatatayuan naming. “AIS!” Aiden said, full of emotions. “Nakaka-miss ka naman!” “Ang bilis ng panahon, parang kailan lang no’ng maging magkakaibigan tayo sa school na ‘yan,” Ivy said with a meaningful smile, reminiscing. Dumaan ang maaliwalas na hangin kaya naman pumikit ako at dinamdam ‘yon. Totoo nga naman, nakakamiss ang AIS. Dahil bukod sa dito kami nagkakilala ng mga kaibigan ko, dito kami muling nagkatagpo ni Asher matapos ng mahabang panahon. “Guys, tara na!” Nilingon namin si Byron at nakitang nakakrus ang braso niya sa braso ni Asher. “Bati na kami! Walang malisya ‘to, Jaycee, ah!” Mukhang ayos lang naman kay Asher ‘yon, wala man siyang reaksyon ay makikita mo naman na hindi na siya mukhang galit. Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko siya at gano’n din ang ginawa niya. Nang makapasok kami ng mall ay nakita namin kung gaano karami at mga tao ngayon. Palibhasa kasi ay weekend. “Saan ba nakakabili ng butane?” walang ideya na tanong ni Ivy. “Sa mga hardware ata?” ani Aiden. Bumitaw si Byron kay Asher at kay Aiden at Ivy naman kumapit. “Kami nang tatlo ang bibili, mag-date na lang kayong dalawa ng bebe mo,” sabi niya sa ‘kin. Bago pa man ako makasagot ay umalis na silang tatlo, naiwan kami ni Asher na nakatayo ro’n. “Do you want to go somewhere?” he asked. He walked closer and wrapped his hand around my waist. “Ang tagal na rin nating hindi nagde-date.” Napangiti ako sa sinabi niya at napaisip. Kahit kasi palagi kaming sabay na pumasok ay busy pa rin kami, kaya pagkakatapos ng klase ay diretso uwi na kaming pareho dahil sa pagod. “We can’t eat here, dahil sa bahay tayo kakain,” sabi ko. “And we can’t go to the arcade, because you don’t like playing games,” he said. “I know the best option.” Hindi na ako nakapagtanong dahil hinila na niya kaagad ako. Sa dinadaanan pa lang namin ay alam ko na kaagad kung saan niya ako dadalhin. Napatigil ako nang may naalala… wala akong dalang pera! Tama nga ang hinala ko dahil do’n niya ako dinala sa paborito kong bookstore na nasa second floor ng mall. Magtitingin na lang muna ako ngayon dahil wala akong pambili kahit pa may magustuhan ako rito. Babalikan ko na lang siguro sa susunod na araw. Habang nagtitingin ako ng mga libro ay ramdam ko ang pagtitig ni Asher. Nakikita ko sa peripheral view ko na pinapanuod niya ang ginagawa ko. “What are you doing?” tanong niya. “What? Nagtitingin lang ako ng mga libro,” sagot ko at muling kumuha ng libro at inalala ang title at author nito. Para kung hindi ko man ito maabutan sa sunod ay maaari ko pa ‘tong mabili sa ibang bookstore o kahit sa online. “At bakit nagtitingin ka lang?” tanong niya ulit at salubong na ang mga kilay, parang nagtataka. Hinarap ko siya, “’Di ako nakapagdala ng pera. Hindi ko naman kasi alam na maggaganito tayo, akala ko ay ‘yong butane lang talaga ang ipinunta natin,” pagsasabi ko ng totoo. “I’m not asking for you to pay.” Nilagpasan niya ako at kinuha ‘yong mga libro na tinitingnan at sinasaulo ko ang mga title kanina. Nilagay niya ‘yon isa-isa sa basket na dala-dala niya. “S-sigurado ka ba?” nahihiyang tanong ko at tumango lang siya. Kahit na boyfriend ko siya ay ang pera niya ay sa kaniya at ang akin naman ay sa akin. Hindi ko alam kung sapat ba ang dala niya para mabayaran lahat no’ng libro na kinuha ko, at isa pa ay mataas ang presyo ng bawat isa sa mga ‘yon. Tapos limang libro ‘yon lahat-lahat! “Ano… Isa lang muna ang bibilhin ko.” Nilingon niya ako nang may pagtataka. “Why? ‘Di ba ito ‘yong lahat ng gusto mo?” inosenteng tanong niya at ipinakita sa ‘kin ang laman ng basket. Umisip ako kaagad ng p’wedeng dahilan. “Kasi… makapal naman na ang isa kaya sigurado ako na matagal pa bago ko ‘yon matapos.” I answered with a fake smile. Naningkit ang mga mata niya, nagsimula na akong kabahan. "What makes you so opposed to me getting you stuff?" His tone shivered me, he sounded exactly like my father when he's mad! Napanguso ako dahil parang nagalit na siya sa inasta ko. “Kasi… Tiningnan mo ba ‘yong mga presyo?” halos bulong nang sabi ko. Tiningnan niya isa’t isa at lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya. “So, you’re worrying about my money?” he asked and I nodded. Nagulat ako nang lumapit siya at ginulo ang buhok ko. “There’s nothing to worry about, silly. Let’s go.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papunta sa cashier. Talagang binayaran niya ang lahat ng ‘yon! Isang libro lamang ang binili niya, mas marami pa ‘yong sa akin! Hanggang sa paglabas ng bookstore ay hawak niya pa rin ang kamay ko pero hindi ko masalubong ang tingin niya. Pagkalabas namin ay nakita ko sa tapat ng bookstore na ‘yon ang fast-food chain kung saan ko unang nakita si Asher no’ng first day last school year. Napangiti ako nang maalala ‘yon, “This is where I first saw you.” Turo ko sa fast-food chain, “I knew you were familiar… I just wasn’t able to remember whom you looked like, but then it turned out that you’re Asher.” Humawak siya sa dibdib niya. “That hurts, you weren’t able to recognize me?” I pinched his nose. “You don’t look the same as when we were little! You’ve grown up so much!” The side of his lips rose, “I grew up into a handsome man, didn’t I?” “Maybe?” Ginaya ko ang tono ng pananalita niya nang sabihin niya ‘yon kanina kay Byron. Nagtawanan kaming dalawa. Malapit lamang dito ang hardware na pinuntahan ni Ivy kaya nilinga ko ang tingin ko sa pagbabaka sakaling makita sila. May isang lalaki sa fast-food chain ang nahagip ng tingin ko, nakatitig ito sa akin at nakangisi. Inaaninag ko pa nang maayos ang mukha niya pero nawala na siya at napahalo na sa daloy ng mga tao. Pamilyar din ang mukha niya! At ang ngisi niya… nakakatakot ‘yon. “Jaycee!” Bumalik ako sa diwa ko nang hawakan ni Asher ang braso ko at nang tinawag niya ang pangalan ko. “You okay, baby? You were pale seconds ago!” He was very worried and started checking for my temperature. “I-I want to go home,” I said. Muli niyang hinawakan ang kamay ko, pero mas mahigpit na ‘yon. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang mood ko. Hindi ko alam, pero parang nakakaramdam ako ng… takot? ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD