Separated Love
by larajeszz
Chapter 56
Jaycee’s POV
“Let us raise our glass for new beginnings, for more blessings, for friendship, and for Jaycee’s recovery. Cheers!” Kuya Jaywen yelled loudly as we raised our glasses in a toast.
“Thanks, guys,” I said sincerely with a smile.
Ang laman ng mga baso nila ay puro red wine habang ang akin naman ay orange juice lamang. Kahit pa naman no’ng hindi pa ako nagkakasakit ay hindi na talaga ako umiinom nang mga gano’ng klase ng drinks.
Celebration ‘to kaya maraming tao ang naririto ngayon sa bahay. Puro mga taong kakilala nina Mommy at Daddy, mga kasamahan sa trabaho, co-business owners, ilan naming mga kapitbahay, at ilang school mates na anak din ng mga kaibigan nina Mom at Dad.
Pero hindi ito kagaya ng mga celebration na talagang aakalain mo na nasa bar ka. Ang sabi ni Dad ay ‘wag na raw maglagay nang masiyadong music dahil ito naman daw ay pagdiriwang ng paggaling ko at hindi ito birthday party. Gayon pa man, nakikita kong nag-eenjoy pa rin ang mga bisita dahil talagang marami ang mga pagkain na hinanda nina Mommy.
“Ang dami mo nang gifts, Jaycee!” Turo ni Cally sa table sa may entrance na pinaglagyan ng mga bisita ng mga regalo para sa ‘kin. “Parang nag-debut ka ulit!”
“Ang dami na nga,” sagot ko. Lumapit ako sa kaniya at bumulong. “Hindi ko ‘yan magagamit lahat, kumuha ka na lang mamaya ng gusto mo.”
Nagulat siya. “S-sure ka ba r’yan?”
Natatawa akong tumango. “Sige na, alam kong kanina mo pang tinitingnan ‘yong box ng high heels.”
“Talaga! Kanina pa ‘yang bumubulong sa ‘kin na gano’n daw ang iregalo ko sa kaniya sa birthday niya. Demanding!” sabi ni Sy kaya agad na tinakpan ni Cally ang bibig niya.
Wala rin akong hilig sa mga high heels kaya imbis na marumihan lamang ‘yon sa kuwarto ko ay ibibigay ko na lang kay Cally. Sa dami naman ng mga regalong ‘yon na nasa lamesa ay baka naman hindi na ‘yon mapapansin ni Mommy.
“By the way, may balak ka na bang bumalik sa school, Jaycee?” tanong ni Ivy habang sumisimsim ng wine.
Napaupo ako nang tuwid at napaisip. Oo at nakauwi na ako, pero hindi ko pa ulit naiisip kung kailan ako papasok ulit. Ayaw kong biglain ang sarili ko na nasa paligid kaagad ng maraming tao dahil ang tagal kong nasanay na mag-isa lamang o kakaunti lang ang nakakasalamuha.
“Hindi ko pa napag-iisipan kung kailan…” napatungong tugon ko.
“Ayos lang, ano ka ba? Natanong ko lang naman, no need to pressure yourself. At ‘tsaka nasanay ka rin na kakaunti o kami-kami lang din ang nakakasama, baka manibago ka sa maraming tao.”
Nginitian ko naman siya, nakakatuwa na naiintindihan niya ang sitwasyon ko kahit na hindi ko sinasabi ko sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa kuwentuhan at maya-maya’y napansin ko si Aiden na kunot na kunot ang noo habang patuloy ang pagtipa sa cellphone niya.
“Sino na naman ba ‘yang kausap mo, Aiden?” napapailing na tanong ni Sy.
“Oo nga! Kung nakakapagsalita lamang ‘yang cellphone mo ay kanina pa ‘yang nagrereklamo.”
Padabog na nilagay ni Aiden ang cellphone niya sa purse niya.
“Wala! At magmula ngayon, wala na akong kausap!” may halong galit na sambit niya.
Nagulat kami nang nilagyan niya bigla ng hard liquor ang baso niya. Sa bilis ng kamay ni Aiden ay hindi na siya nagawang pigilan ni Ivy na nasa tabi niya ngayon.
“I was saving that for later…” mahinang sabi ni Kuya Jaywen. Hinawakan siya ni Sy sa tuhod at inilingan, sinasabing hayaan na muna sa Aiden.
“Hey, Aiden. Hindi ka marunong uminom!” saway ko sa kaniya. “May problema ba?”
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa ginagawa. Nang mapuno na ang baso niya ay diretso niyang ininom ‘yon lahat!
“Hala… Anong problema nito?” rinig kong bulong ni Cally.
“Inaway mo ba ‘yan?” bulong naman ni Aizan sa kaniya kaya inirapan niya ito.
“Hindi, ah! Ano tingin mo sa ‘kin?!”
“Nagtatanong lang, eh…”
Hindi agad nasundan ang pag-inom ni Aiden dahil napaiyak na siya habang ang ulo ay nakapatong sa lamesa.
“Sorry, Jay… Nasira ko pa ang saya ng party mo…” pag-iyak niya.
Hindi na ako sumagot at pinagmasdan lamang siya. Si Ivy naman ay hinahagod siya sa likuran.
“Okay, lang ‘yan. Sige, ilabas mo,” sabi ni Ivy.
Naguguluhan ako. Mayroon bang nangyari dito habang nasa Batangas ako?
Nilingon ko si Asher sa tabi ko. “Alam mo ba ang nangyayari sa kaniya no’ng wala pa ako rito? Family problem ba?”
Umiling si Asher sa ‘kin. “So, she hasn’t told you yet?” tanong niya. Naguguluhan akong umiling. He sighed before answering. “I shouldn’t be the one telling you this, but… it’s Beltran.” He whispered the last two words.
Napatakip ako ng bibig ko. “Si Ishan? Akala ko ay inaasar lamang siya ni Ivy ro’n, totoo pala?”
Tinuloy ni Ivy ang pang-uusisa kung ano ang sinabi ni Ishan kay Aiden at nagkakagano’n siya pero ayaw naman niyang sabihin.
“I think they need some time to talk.” Sinenyasan ni Asher sina Kuya Jaywen at Aizan kaya tumayo na sila at nagpunta sa ilang mga bisita na kakilala rin nila.
“Oh, sabihin mo na. Wala ‘yong mga boys.” Cally informed Aiden. Dahil do’n ay dahan-dahan na niyang inangat ang ulo niya. “Ano ba ang sinabi ni Ishan?”
“Paano mo naman nalaman na si Ishan ang kausap ko?” tanong ni Aiden at napanguso.
“Alam naman naming lahat p’wera rito kay Jayceelyn!”
“Eh, bakit tinatanong niyo pa ako kanina?!”
“Dahil gusto namin na manggaling mismo sa ‘yo,” pagsingit ko sa kanila. “Ano ba ang sinabi niya at napilitan ka pang mag-inom d’yan?”
Hindi niya alam kung saan siya magsisimula kaya naman inabot na lamang niya sa amin ang cellphone niya.
Ako ang may hawak niyon kaya naman agad na lumapit sa akin ‘yong tatlo. Tahimik naming binasa ang convo nila at hindi ko alam kung ano ba dapat ang i-react ko.
“Ano?! Lilinawin niya dapat sa ‘yo ngayon kung ano talaga kayo tapos biglang hindi siya pupunta?! Kalimutan mo na ‘yang lalaki na ‘yan!” Hindi na napigilan ni Ivy ang emosyon niya matapos naming magbasa.
“Ivy, relax. Pero… hindi niya dapat sinabi ‘yon kung hindi naman pala siya sigurado na pupunta,” ani Sy. Lumingon siya kay Aiden na may awa sa mga mata. “Baka naghintay ang isang ‘to tapos wala naman palang mangyayari.” Dagdag pa niya at napabuntong-hininga.
“Alam niyo ang tawag sa gan’yan? Red flag! ‘Yan ‘yong mga tao na ‘di na dapat pinagsasayangan ng oras! Naii-stress ako sa kaniya! Iwanan at i-block mo na ‘yan ngayon pa lang, Aiden!” gigil na sambit ni Cally.
“Paano niya iiwan, eh, wala pa nga silang label?” tanong ni Ivy.
Napa-facepalm na lang si Syrine dahil sa sinabi ni Ivy na hindi na dapat niya sinabi. Mas lalo lang naiyak si Aiden at muling nagsalin ng alak sa baso niya. Tumayo ako at kinuha ‘yon sa kamay niya.
“’Wag kang magpadala sa emosyon mo, baka naman may reason si Ishan kung bakit hindi siya makakapunta. Baka biglang nagka-emergency or something?”
“Kung emergency, eh, ‘di sana sasabihin niya kaagad? Baka ayaw niya lang talaga sa ‘kin…” Sunod-sunod na umiling si Aiden.
“Jaycee!” Asher loudly called my name as he was behind me. “Isaac just called. He’s not sure if he’d make it here. They had to take Mr. Beltran to the hospital because he collapsed. But he said Ishan would be here, he’s just fixing some business matters on behalf of his dad.”
Everyone was silenced. Parang nagsisisi ang mga kaibigan ko na nasabi nila ang mga salitang ‘yon kanina kay Ishan. I knew it… we shouldn’t have jumped into conclusions. I know he has his reasons. Baka hindi niya lamang nagawang sabihin kay Aiden dahil ayaw niyang mag-alala pa ito at dapat ay nagsasaya lamang siya rito sa celebration ko.
Lahat kami ay napatingin kay Aiden. She couldn't meet our gaze, so I'm sure she heard what Asher said. Maybe she realized that she shouldn't have acted in this way because this is just… wrong.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.
I smiled at her. “It’s okay, at least now we know that he truly has his reasons,” I held her shoulder. “Cheer up!”
She forced a smile. “I’m sorry… I wish I could see things in your way.”
Sinenyasan ko ‘yong tatlo na lumapit din para i-comfort si Aiden.
“Sorry rin… Eh, siyempre kaibigan mo ako! Akala ko kasi ayaw na niya sa ‘yo... kaya ko lang ‘yon nasabi.” Cally pouted and hugged Aiden.
“Ako rin, joke lang ‘yon. ‘Wag mo pala siyang kakalimutan. Mabait naman pala, eh,” sabi ni Ivy at niyakap din si Aiden.
Bumalik na rin sina Kuya Jaywen do’n at naupo na sa mga puwesto nila kanina. Nagpatuloy kami sa kuwentuhan at ilang minuto lang ang lumipas at natanawan ko na sa may pintuan si Ishan, lumilinga siya sa paligid at mukhang hinahanap si Aiden.
Nakita rin ni Asher kung saan ako nakatingin kaya nagprisinta na siyang siya ang susundo kay Ishan. Aiden suddenly became conscious, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya na nandidito na si Ishan.
When Asher and Ishan arrived on our spot, Ishan’s gaze met Aiden’s. He gave her an apologetic smile.
“Sorry,” he mouthed.
Sa tabi siya ni Aiden naupo at ang kaibigan ko naman ay hindi siya magawang tingan. Kuya Jaywen offered him some hard liquor, but he preferred red wine instead.
"I have to drive, so I can't drink hard drinks,” he explained.
Hindi pa rin magawang kausapin ni Aiden si Ishan kaya si Aizan at Kuya Jaywen na ang nag-umpisa ng kuwentuhan namin. These two really know how to set the mood, huh?
Sa gitna ng usapan, naramdaman ko ang kamay ni Asher na humawak sa akin.
Nilingon ko siya nang may ngiti. “I need to talk to you,” he said with a smile.
Nagpaalam kami sa kanila at umakyat sa balcony sa taas kung saan walang mga bisita.
“Are you sure you haven’t thought of going back to school?” panimula niya.
Naupo kami sa swing-sofa ro’n at maingat niya itong inugoy gamit ang isang binti.
Bumuntong-hininga ako. “Alam kong alam mo na gusto ko na ulit pumasok, pero…”
“Pero ano?” paghihintay niya sa sagot ko.
I looked up so that my tears won’t fall. “It’d be strange… to see that Anddie is not around. It would be my first time to go to school without her…” I wiped a tear from my eye before Asher could see it.
He held my head and put it on his shoulders. "This occasion was made to commemorate your new beginnings and to encourage you to keep moving forward. Anddie wouldn't want you to be unhappy because of her."
“You’re right. But still, I need time to think. I’m sure everything would be fine as soon as the things inside my head would vanish."
We stayed in that position for a few moments. None of us were talking, we just listened to the laughter of the people inside our home. At that very moment, I realized that no one could make me feel this way. There is no one else in the world that I can call home but him.
He broke the silence by saying, "Close your eyes."
I followed his instructions without questioning why. Then I felt something on the palm of my hand.
"Open.”
It looked like a ring box, but I knew it wasn't because it was longer. When I opened it, I found a key inside it.
"What is this for?" I asked out of curiosity.
He replied with a kiss on my lips, "You'll know what it's for, soon."
I've received a lot of gifts, but I'm quite sure this one is my favorite.
-----
-larajeszz