Chapter 59

1764 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 59 Jaycee’s POV “Ito na ang butane!” sigaw agad ni Byron pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa bahay. Narinig namin kaagad ang mga yabag ni Aizan na papalapit. “Nice! Maupo na kayo ro’n, mabilis na lang ‘to.” “Mauna na kayo, dadalhin ko lang ‘tong mga pinamili ko sa kuwarto.” I excused myself. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panunuod ni Asher sa mga kilos ko, parang kinikilatis niya kung ano ba’ng mali. Bahala na, dahil alam ko namang mapapansin niya rin ‘yon kaagad dahil hindi ako magaling magsinungaling at hindi ako magaling sa pagtatago ng sikreto. Pero kahit na gano’n ay hindi ko pa rin masabi sa kaniya ‘tong nararamdaman ko, ayaw kong mag-alala siya. Kahit na hindi naman kailangan ay mas gugustuhin kong siya ang mag-reach out sa akin, dahil hindi ko alam kung paano uumipasahan ang sasabihin ko kapag ako ang unang lalapit sa kaniya. Pagkarating sa kuwarto ay nilagay ko agad sa shelf ang mga librong binili ni Asher para sa akin. Matamlay akong naglakad papunta sa kama ko at ibinagsak ang sarili ro’n. Napatitig ako sa kisame at muling naalala kung ano ang itsura no’ng lalaki kanina habang nakatingin sa akin… nakangisi siya. Hindi ko alam kung ako nga ba ang tinitingnan niya o ano, pero nasisiguro kong napangisi siya nang magtama ang tingin naming dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang t***k no’n, hindi ‘to normal, pero nasisiguro kong hindi ‘to dahil sa may sakit na naman ako dahil hindi naman ‘yon masakit. Bakit pamilyar sa akin ang lalaki na ‘yon? Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansing napasobra na pala ang tagal ko ng pagkakahiga. Namalayan ko na lang na kailangan ko nang bumaba nang may nairinig akong kumatok sa pintuan. “Jaycee? May I come in?” That was Asher’s voice. Napaupo ako nang maayos at inayos ang buhok ko. “Sige, pasok ka.” Bumukas ang pintuan at doon ay nakita ko siya, “Food is ready, kumakain na sila,” Pumasok siya nang tuluyan at naupo sa dulo ng kama ko. Letting a distance between us. “Aren’t you hungry?” Pilit akong ngumiti at umiling. “Mamaya na lang, busog pa ako,” pagsisinungaling ko, dahil ang totoo ay kanina ko pa ring hinihintay ‘yong niluluto nila sa baba. Hindi niya pinansin ang sagot ko, bagkus ay nakatingin lamang siya sa mga mata ko. Ayon na naman siya at parang pinag-aaralan ako. “May probema ba?” diretsong tanong niya. Wala na rin naman akong nakikitang rason para itago sa kaniya ‘to dahil mabilis niya akong mabasa. “Hindi ko alam kung matatawag ba ‘tong problema pero… may nakita ako kanina sa mall na isang lalaki na parang hindi ko na dapat muling makita pa.” Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya. “Sino?” “Hindi ko rin alam,” pag-iling ko. “Basta pamilyar lamang siya. Pero… baka naman sa iba siya nakatingin at napunta lang sa akin.” “Was that the one bothering you since earlier?” he asked so I nodded. “Gusto mo bang balikan ko at i-check kung sino ‘yon?” Sunod-sunod akong umiling, “’Wag na, hindi na naman siguro kailangan.” “But if it’s bothering you, then I would.” “It’s fine, you don’t have to,” pag-iling ko ulit. “But I want to,” pagmamatigas niya. “Asher…” He cut me off, “You know I’d do anything for you, right?” Wala na akong laban sa t’wing sasabihin niya ‘yon. Alam ko naman ‘yon, at ramdam na ramdam ko ‘yon. Isa nga sa mga pangako ko sa sarili ko ay ang magawa rin kay Asher o mabalik din sa kaniya ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin ngayon. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. I hugged him and rested my head on his chest, where I could hear his heartbeat. "I don't want this to be the cause of our disagreement. Please, just... let it go," I whispered with my eyes closed. He started caressing the back of my head. “Are you sure? You know I hate it when your head is filled with bad thoughts.” “I’m pretty sure. And besides, we have nothing to worry about. The bad boys we fought before are now in jail, hindi sila makakatakas nang gano’n-gano’n na lang.” He sighed as if he wasn't convinced by what I said, but he still kissed my head. He does that all the time, “Fine, if that’s what you want.” Napagdesisyunan na naming bumaba sa kusina. Alam kong kanina pa rin siyang gutom, hindi lamang niya nagawang kumain kaagad kanina dahil do’n sa ginagawa niyang plate. Kalalabas pa lamang namin ng kuwarto ko ay rinig na rinig na namin ang ingay at tawanan nila. Si Sy ang unang nakapansin sa amin pagkarating naming do’n. “Oh, kumain na kayong dalawa. Mamaya ay ubos na ito dahil ang dami nang nakain no’ng isa r’yan.” Pasimpleng tumingin si Syrine kay Kuya Jaywen. “So what? Ako naman ang nagluto!” depensa ng kapatid ko. Umupo na kaming pareho, inabutan pa ako ni Asher ng mga plato at chopsticks at nag-umpisa nang kumain. Masarap ang pagkakaluto nina Kuya at Aizan! Ilang araw na kasi mula nang timplahan ni Kuya Jaywen ang karne na ‘yon kaya naman nuot na nuot na ang lasa no’n. “You did a great job, Jaywen, this tastes good.” Asher complimented him. He couldn't stop smiling. "I suppose I was destined to be a good cook." Nagpatuloy lang kami sa pagkain, talagang hindi ko na magawang makapagsalita dahil sunod-sunod na ang pagsubo ko ng pagkain. Pagkakaubos ko ng isang lettuce ay muli akong kumukuha ng panibago. “Eat slowly, this isn’t a contest,” Asher teased. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Wala halos sa amin ang nagsasalita. Pagkain lamang pala ang makakapagpatahimik sa mga kaibigan kong ‘to. “Ay! Bago ko malimutan, birthday ko next week, guys. Invited kayong lahat! Wala nang arte-arte sa suot, ‘wag na kayong mag-abalang mamili ng damit na gagamitin. Dapat present kayong walo ro’n, ah?” Byron informed all of us. Katatapos lang namin kumain pero may ilan pang kumakain pa rin. Ngayon na lamang ulit ako nakakain nang ganito karami! “How old will you be?” Aizan asked even though his mouth was still full. “Secret,” Byron said, parang balak niya pang i-surprise kami sa kung ano ang edad niya, eh, alam ko namang magkasing edad lang naman kami. Ilang buwan lamang ang tanda ko sa kaniya. “Basta hindi ako kasing tanda na gaya ng iniisip ng kuya mo!” sagot niya kay Aizan. “Tsh,” Asher reacted and shook his head. He was still busy eating. Pagkatapos naming kumain ay nanuod lamang kami ng movie sa salas. Ang ilan sa amin ay kumakain pa rin ng chips kahit na kakatapos lang namin kumain ng samgyupsal, at ang ilan naman ay gumagawa ng mga assignments nila. Nang magsimula nang dumilim ay hinatid namin sila ni Kuya Jaywen sa mga bahay nila. Tumanggi pa sila pero hindi pumayag si Kuya Jaywen na hindi sila maihatid. Kapag daw kasi may nangyari sa kanila sa daan ay magiging responsable kaming dalawa dahil galing sila sa bahay naming. Si Byron ang una naming hinatid, para raw alam na namin kung saan kami pupunta at hindi na maligaw sa araw ng birthday niya. Malapit lang pala ito sa bahay namin, first time kong makita ang bahay nila! “Bye, salamat sa masarap na meryenda!” He waved at all of us before getting out of the van. “Bye, p’wede kang bumalik sa bahay anytime,” pahabol ni Kuya sa kaniya. Nag-thumbs up lang si Byron sa kaniya at pumasok na ng gate. Sunod naming hinatid si Cally. Doon kami medyo nagtagal dahil bumaba rin si Aizan, sinasamahan niya yatang magpaalam si Cally sa parents nito para sa pupuntahan naming birthday party next week. Nang maihatid na namin ang lahat ng mga kaibigan ko ay kina Asher at Aizan ang pinakahuli naming pinuntahan. “Oh? The lights are on! Mommy’s home!” Aizan sounded so excited. Sinilip ko ang bahay nila at bukas na nga ang mga ilaw ro’n. Nasa unahan kaming pareho ni Kuya Jaywen kaya nilingon namin silang dalawa na nasa likuran. “Gusto niyo bang bumaba muna? For sure, she got something for both of you.” Asher invited us over. Bumaba kami ni Kuya Jaywen, nakakahiya naman kung tanggihan namin ang alok ni Asher dahil hindi na rin naman iba si Tita Mariel sa amin. Mabait siya saming magkapatid simula pa lang no’ng bata pa kami. “Mom, we’re home!” Aizan yelled when he opened their huge front door. Nagdiretso kami sa living room. In front of the window, Tita was there and talking to someone on the phone. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil hindi niya pa narinig ang malakas na tawag ni Aizan sa kaniya kanina. “There’s no need for you to come here…” she said with such a disappointed tone. “Mom,” Asher called her and he got her attention. Halatang nagulat pa si Tita na naroon na pala kami sa likod niya, “Who was that?” Asher pointed the phone on her hand. Ibinababa ni Tita ang cellphone niya at umiling lang bilang pagsagot kay Asher. “I didn’t know you’re already here, and you also brought Jaycee and Jaywen with you!” Her mood now was so far different from when she was talking to someone earlier. It was so different… but fake. Ayon na naman ang paniningkit ng mga mata ni Asher, pinag-aaralan din ang kilos ng Mommy niya gaya ng ginagawa niya sa akin kanina. “May pasalubong ako sa inyo galing Cebu! Jaycee, Jaywen, kayo na lang ang magbigay ng para sa parents niyo, ah?” Tumango naman kami. Hindi na siya natanong pang muli ni Asher dahil hinila na niya kami para maupo sa sofa at bigyan ng mga pasalubong. “This isn’t Mom,” sabi ni Asher nang umalis si Tita at umakyat sa taas. “Kuya, what do you mean? You’re scaring me.” Aizan hugged himself. Nakatitig lang si Asher sa dinaanan ng Mommy niya kanina, his jaw clenched. “She’s acting weird. This… isn’t her.”  ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD