Separated Love
by larajeszz
Chapter 60
Jaycee’s POV
“Ano’ng mas maganda? Naka-tuck in or hindi?” Umikot si Cally sa harapan ng salamin habang ipinapakita sa amin ang suot niyang oversized T-shirt at mini skirt.
Umiling si Ivy habang tinitingnan si Cally mula ulo hanggang paa. “Seryoso ka bang ‘yan ang suot mo papunta sa birthda party ni Byron?”
Napasimangot si Cally dahil sa sinabi ni Ivy at nakatungong tiningnan ang suot niya. “Pangit ba? Ang cute kaya! Si Aizan pa ang pumili nito no’ng nag-date kami!”
Nagkatinginan kaming apat na nakaupo ngayon sa kama ni Cally. “Tingnan mo, oh, naka-dress kaming apat.” Tinuro isa-isa ni Aiden ang mga suot naming.
“Pinag-usapan niyo ‘yan, ‘no?!” pamimintang ni Cally.
“Hindi, ah!” pagtanggi ko agad, “Naisip ko kasing mas maganda siguro kung dress na lamang ang isuot…”
Tumango ‘yong tatlo at sinabing gano’n din ang naisip nila nang mamili ng isusuot. Sa tingin ko kasi ay kahit na sinabi ni Byron na kahit anong gusto na lang namin ang isuot namin ay dapat pa ring maging formal.
Hindi ko alam kung bakit ko ba naiisip na may pagka-formal ang party niya. Siguro ay dahil minsan na kasi niyang nakuwento sa akin na isang strict na CEO ang daddy niya. Matagal nang wala ang mommy niya kaya silang dalawa na lamang ang nakatira sa bahay nila kasama ang ilang mga katulong.
Kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang daddy niya. Hindi ko alam kung ang pagiging strict ba nito ay ‘yong nakakatakot o ‘yong pagka-strict na dapat kang magpakita ng paggalang.
“Magpapalit na nga ako!” Mabibigat ang yabag na pumasok si Cally sa dressing room niya.
“Sige, bilisan mo na, gurl! Mamaya ay nandidiyan na ang mga boys,” sigaw ni Aiden para marinig siya ni Cally ro’n sa kuwarto na pinasok niya.
“Bakit mo ba kasi iniwan ang ibibigay mong regalo, Syrine? Mabuti na lamang at mabait si Kuya Jaywen at binalikan pa ‘yon.”
“Ivy, mukha bang sinasadya ko ‘yon?”
Nagsimula na naman silang magtalo kaya tumayo na ako ro’n at sinilip kung nasa labas na ba ang sasakyan ni Kuya Jaywen. Mabuti na lang at maganda ang panahon ngayon, hindi nakakapangamba kahit pa gabihin kami sa party.
Nandidito kaming lahat kina Cally dahil dito na naming napagkasunduang magkita-kita para sabay na kaming lahat na pupunta ro’n sa venue. At pagkadating dito ni Syrine ay saka lamang niya napansin na hindi niya pala nadala ang regalo na ibibigay niya kay Byron.
Simple lamang ang regalo ko kay Byron, K-Pop merch ito ng isa sa mga paborito niyang K-Pop group. Mabuti naman at hindi ako napapagastos sa mga bagay na hindi ko naman din magagamit kaya nagkaro’n ako ng budget para mabili ito. Ayon sa kaniya ay mayroon na rin naman siyang mga album at lightstick pero hindi gano’n kadami dahil hindi naman daw siya collector. Nasisiguro kong wala pa siya nitong ibibigay ko sa kaniya dahil malayo pa lang ang birthday niya ay tinatanong ko na siya para na rin hindi siya makahalata.
Maya-maya pa ay natanawan ko na ang sasakyang dala ni Kuya Jaywen. Sumama pa sa kaniya sina Asher at Aizan dahil ayaw naman daw nilang maiwan lamang dito, at isa pa ay puro babae kaming nandidito. Hindi ko naman na sila pinigilan dahil baka isa na ‘yon sa form of bonding nilang tatlo.
I heard someone sigh behind me, “Sana part din ng barkada si Ishan.” It was Aiden, nakasilip din pala siya sa bintana at pinapanuod sina Kuya na bagong dating.
“Eh, ‘di isama mo siya palagi,” suhestiyon ko. Minsan nga lang namin nakakasama ang isang ‘yon. No’ng Grade 10 kami at nagka-misundersanding silang dalawa no’ng celebration ko ay hindi ko na ulit siya nakita nang gano’n kadalas.
“Busy naman kasi palagi ang isang ‘yon, eh. Lalo ngayon at nahihilig daw siya sa pagsu-surf,” pagpapaliwanag niya na inaasahan ko naman na.
Kahit ang babata pa nila ng kapatid niyang si Isaac ay open minded na sila sa business. Sila lang naman ang puwedeng pagkatiwalaan ng Daddy nila dahil maaga silang nawalan ng isa’t isa, isa pang dahilan ay tumatanda na rin si Tito Ronaldo.
“Hindi na kayo papasok?” May kausap si Syrine sa telepono, mukhang silang mga nasa baba ‘yon. “Ah, sige, hintayin niyo na lang kami r’yan.”
“Cal, bihis ka na ba? Hinihintay na nila tayo ro’n sa labas!” sigaw ko sa kaniya.
“Ito na, tapos na!” sagot niya pabalik.
Pagkababa namin ay sinabi ko kay Syrine na siya na ang maupo sa unahan, sa tabi ni Kuya Jaywen. Sa likod kaming mga natira, sa unang row ay pinaggitnaan ako nina Asher at Aiden, sa likod naman namin ay nasa gitna si Cally nina Aizan at Ivy.
“Let’s go!”
Papalapit pa lamang kami sa bahay nila ay rinig na rinig na namin ang malakas na sound system!
“Wow, parang ang dami ata ng tao. Sa labas pa lamang ay ang garbo nang tingnan!” puna ni Aiden. Pati kasi ang labas ng bahay nila ay mukhang inayusan din talaga, ibang iba ang itsura nito no’ng hinatid namin si Byron dito.
Bago kami bumaba ng sasakyan ay tinawagan ko muna si Byron, hindi naman kami nahirapang humanap ng mapa-parking’an dahil may sariling parking lot ang harapan ng bahay nila.
“Byron nandidito na kami sa labas ng bahay niyo. Saan kami pupunta?” Kinailangan ko pang lakasan ang boses ko dahil rinig pa rin do’n sa puwesto ko ang malakas na sound system.
“D’yan lang kayo, susunduin ko na lang kayo r’yan,” sagot niya sa kabilang linya.
Medyo nagtaka pa ako na parang ibang tao ang sumagot sa akin sa kabilang linya, malalim ang boses nito. Pero ang paraan niya naman ng pagsasalita ay parang si Byron pa rin. Isinantabi ko na lang ang naiisip at sinabi sa mga kasama ko na hintayin na lamang namin do’n si Byron.
Nang namataan ko na si Byron sa ‘di kalayuan ay agad akong kumaway sa kaniya para makita niya kung nasaan kami. Nakasuot lamang siya ng oversized shirt at fitted jeans, napaka-casual ng dating!
Kumaway siya pabalik nang may pilit na ngiti. Alam kong hindi lamang ako ang nakapansin no’n.
“Salamat sa pagpunta, guys!” aniya nang makalapit sa puwesto namin.
Sabay-sabay namin siyang binati ng ‘happy birthday’. Nagpasalamat siya ulit pero alam kong may mali… mukhang hindi siya masaya. Isa pa sa pinagtataka ko ay ang pananalita na niya, ngayon ay kagaya na ulit ‘yon ng Byron na nakasanayan namin. Iba kasi talaga ‘yong kanina, alam kong iba ‘yon kahit pa malakas ang tugtog na naririnig ko kanina.
“Byron, okay ka lang ba?” ‘Di ko na napigilang magtanong. Birthday niya ngayon kaya gusto kong masigurado, at para rin alam niya na nandidito kami.
Unti-unting nawala ang mga pilit niyang ngiti, “Was it too obvious?” Napakamot siya sa batok niya, “I’m not good on hiding my emotions.”
"You don't have to hide it," Asher explained, "you simply need friends or even someone to lean on."
Nakita namin na naluha si Byron sa sinabi ni Asher, nakangiti ko silang pinagmasdan That was probably the first time Asher said something nice to him.
“I… actually, need your help. All of you.”
Alam naming hindi namin ‘to matatanggihan, dahil bukod sa birthday niya ngayon ay ngayon lamang din humingi ng tulong sa amin si Byron. And I know deep inside… this is something serious.
Nakaupo na kami sa table namin sa venue, talagang naka-reserve ito para sa amin. Pabilog ang lamesa at sampung tao ang kasya sa isa, at sa buong bakuran ng bahay nina Byron ay labing-lima ng lamesa na gaya nitong sa amin ang naroroon. Ganoon kalawak!
Ang puwesto namin sa lamesa ay: si Ivy, ako, Asher, Cally, Aizan, Aiden, Syrine, at si Kuya Jaywen. Paikot ‘yon kaya naman may dalawang upuan na hindi pa occupied sa gitna ni Kuya at Ivy.
“Hey, Ivy, are you ready?” Napansin ko kasi na kanina pa niyang nilalaro ang mga kamay niya. Kinakabahan siya nang sobra dahil siya ang napili ni Byron do’n sa naisip niyang plano na kailangan ay matulungan namin siya.
“Jaycee… hindi ko ata kaya,” tumingin siya sa ‘kin na parang humihingi ng tulong pero alam kong wala akong magagawa para matulungan siya.
“Kaya mo ‘yan! For our friend, okay?” Ako lamang ang nakakapagpatanggal ng kaba niya ngayon dahil ako lamang ang pinakamalapit sa kaniya. “We need to help him with this one. Hindi sa pine-pressure kita, pero sa ‘yo rin ito nakadepende kung magiging matagumpay na ‘to o hindi. If we do this right, then we did it for Byron!”
Ang party naman ni Byron ay handaan lang at walang mga program, sadyang marami lamang mga tao kaya nagmukhang debut ng celebrant itong napuntahan namin.
Nang binigyan kami ng waiter ng mga inumin ay itinabi ko muna ang juice ko dahil ayaw kong mabusog kaagad. Si Ivy na nasa tabi ko ay inubos kaagad ‘yong sa kaniya.
“Mabubusog ka n’yan kaagad,” sabi ni Aiden sa kaniya.
Umiling siya, “Ayos lang, tingin ko naman ay hindi rin ako makakakain nang maayos.”
After no’n ay bumalik na naman siya sa paglalaro ng kamay niya.
“Ivy, I think we’ll get people’s attention kapag nagpatuloy kang gan’yan. Just act normal,” bulong ko sa kaniya.
“Jaycee-“
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil may dalawang babae na naupo rin do’n sa table namin. Do’n sila naupo sa dalawang seat na bakante, ngumiti naman kami sa kanila bilang pagbati. Kahit si Ivy na halos wala sa sarili niya ay bumati pa rin sa kanila.
Mukhang mag-ina ‘tong mga bagong upo sa table natin. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-annoy dahil paulit-ulit ‘yong nanay no’ng babae sa pag-aayos ng buhok niya pero parang wala namang nangyayari.
“Rowena!” I heard a man’s voice.
Tumayo ‘yong nanay no’ng babae, “Mr. Rieno, thank you so much for inviting us.”
Mr. Rieno… So, this man in front of us is Byron’s dad. Aaminin kong may ilang mga features silang magkapareho pero makikita mo lang ‘yon kapag tinitigan mong maigi.
“By the way, where’s the celebrant? Your son?” the lady asked.
Luminga rin sa paligid ang daddy ni Byron, "I haven't seen him in a while, either. He’s probably checking on other guests.”
Hindi ko rin makita si Byron sa dami ng mga tao kaya tinext ko siyang magpunta rito sa table namin dahil hanap siya ng daddy niya. I have a feeling this girl seated with us right now is the one Byron was talking about.
I leaned closer to Ivy, “Be ready.” I whispered.
“I’ll try calling him- Oh, there he is!” Mr. Rieno pointed at him when he saw his son.
Lumapit si Byron sa tabi ng daddy niya at tumayo in a formal way, imbis na magmano at hinalikan niya ang likuran ng palad ng babaeng kausap ng daddy niya.
We don’t even know if my friends and I should be here right now. I feel like they need some privacy.
“This was the beautiful lady that I was telling you!” Mr. Rieno was smiling from ear to ear when he pointed to the girl that couldn’t stop fixing her hair.
“Dad…”
“Rowvery, this is my son, Byron. Byron, meet Rowvery.” His dad acted like he couldn’t hear Byron. Tumayo ‘yong Rowvery at in-offer ang kamay kay Byron pero hindi niya ito napansin.
“Dad…” Byron tried to call him again.
“Now, let’s go inside and talk about some things that we need to-“
“Dad!” Byron yelled.
Nagulat ang daddy niya pati na rin ang ilang malalapit sa amin ngayon.
Hindi makapaniwala ang daddy niya na nagawa siyang pagtaasan ng boses ng anak niya. His dad is really scary. Napatungo na lamang si Byron at mukhang pinagsisihan na hindi na dapat niya natawag sa gano’ng paraan ang ama.
“I already have a girlfriend… So, please… Stop this.” Nakatungong sabi ni Byron. Hindi niya magawang tingnan ang daddy niya dahil sa takot.
“W-what?” his father said in disbelief, “Who?”
Nag-angat ng tingin si Byron at tiningnan ang daddy niya sa mga mata bago ilipat at tingin sa tabi ko… kay Ivy.
“That girl,” he said and pointed a finger at Ivy.
-----
-larajeszz