Separated Love
by larajeszz
Chapter 79
Jaycee’s POV
“Sino’ng mauuna?” tanong ko sa mga kasama ko.
Hinintay muna namin ang tuluyang pagsikat ng araw bago kami nagtungo papunta sa location. Nandito na kami ngayon sa tuktok para mag-bungee jumping. Kanina sa daan namin papunta rito ay ang lalakas ng loob nila, pero ngayon naman ay tila kinain nila ang mga salita nila dahil wala sa kanila ang sumagot sa tanong ko.
“Ang taas…” may halong lula na sabi ni Cally. Isa rin siya sa mga excited na excited kanina.
“Ako na ang mauuna,” pagprisinta ni Matthew. “Sa una lang ‘yang takot. Gan’yan din ako no’n.”
Kapag day off or may spare time ay palaging ganito ang ginagawa ni Matthew. Imbis na magpahinga para matulog ay mas nare-relax daw siya kapag gumagawa ng mga bagay na mapagmamasdan niya ang kalikasan. Siguro ay dahil na rin sa hilig niya sa photography ay napamahal na rin siya sa kalikasan.
Pagkatapos maikabit sa katawan ni Matthew ng tali ay tumalon na siya kaagad. Hindi mo siya kakikitaan ng takot at mukhang enjoy na enjoy pa siya. Kung ano-ano pa ang mga poses na ginawa niya habang lumulutang sa ere. He looks so happy!
Nang matapos si Matthew at makababa na sa lupa ay nag-thumbs up siya sa aming mga nasa taas pa.
"Oh, sino na ang sunod?" tanong ko ulit. Nagsiiwas ng tingin ang mga kaibigan kong babae. Si Kuya Jaywen, Byron at Asher na lamang ang lalaki na natitira.
"Should we go first?" Kuya asked Asher.
"I'll go," Asher said and smirked. Nilagpasan niya ako at naglakad papalapit sa lalaki na nagkakabit no'ng makapal na tali sa katawan namin.
Habang inaayusan si Asher ay kumaway kami kina Aizan, Ivy, at Matthew na ngayon ay nakaupo na rin do’n sa baba. Kay Aizan tumabi si Matthew at hindi kay Ivy, sinasadya niya yata ‘yon kaya naman pinaggigitnaan nila si Aizan.
"Be careful," bilin ko kay Asher. 'Di ko maiwasan ang matakot kahit pa alam ko na safe naman kami.
Ngumiti lang siya sa akin at walang pag-aalinlangan na tumalon, wala man lamang kaming narinig mula sa kaniya. Sure ba siya na hindi pa niya 'to nasusubukan noon? Eh, bakit parang mas sanay pa siya kay Matthew?!
"Hoy, teh!" Lumapit at kumapit sa braso ko si Cally habang pinapanuod ang pagbagsak ni Asher. "Baka nawalan na ng malay 'yang asawa mo kaya hindi sumisigaw?"
Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "I don't know if he's scared or not, but he doesn't scream," nakangiting sagot ko.
Pagkatapos ni Asher ay sumunod na si Kuya Jaywen at si Byron. Kalmado lamang ang kapatid ko pero nang si Byron na ang tunalon ay hindi na kami mapatigil sa pagtawa.
"Pakibaba na po ako!!!" sigaw niya. At dala ng takot ay nag-umpisa na siyang magdasal habang nasa ere at patuloy sa pagtaas-baba.
Maputla si Byron nang makababa at inalalayan pa nina Asher at Kuya sa paglalakad. Mukhang nanghina ang mga tuhod niya sa sobrang takot na naramdaman.
Pagkatapos ni Byron ay muli akong humarap sa mga kaibigan ko.
"Ok? Sino na sunod?"
Itinaas ni Aiden ang kamay niya. "Bato-bato pick tayo, guys," suhestiyon nito.
Kahit na sa gano'ng na paraan na na patas ang pagpili ay takot pa rin sina Syrine at Cally.
"Kung narito lamang si Ivy ay 'yon na ang mauuna," biro ko. "'Wag na kayong mag-pick, ako na ang susunod," sabi ko sa kanila at nakita kung paano silang nakahinga nang maluwag. Lumapit na ako sa naglalagay ng tali sa katawan namin para suporta sa pagbagsak. "Kuya, gaano po kataas ito?" tanong ko habang tinatanaw ang pinakababa.
"60 feet po 'yan, Ma'am. Pero 'wag po kayong matakot dahil bago naman po itong tali na kinakabit ko po sa inyo," paliwanag niya. Do I look scared? Pinipilit ko na ngang hindi matakot, eh! I kept on repeating positive things on my mind to get rid of the fear.
"Kuya, pagkabilang ko po ng 10 seconds at hindi pa ako tumatalon, itulak niyo po ako nang dahan-dahan, ah?" bilin ko sa kaniya.
"S-Sigurado po kayo?" Tila kinabahan siya nang sabihin ko 'yon.
Mariin ko siyang tinanguan. Pumikit ako at nagsimulang magbilang na naririnig niya, baka kasi mamaya ay maitulak na niya ako kaagad ay hindi pa ako handa.
"Jaycee, don't be scared! You'll enjoy the view more when you started bouncing in the air!" sigaw ni Asher mula sa ibaba.
Dahil sa sigaw niya ay hindi pa man ako tapos magbilang ay tumalon na agad ako nang nakapikit at hindi ko na hinintay ang pagtulak sa akin.
Narinig ko ang cheer nilang lahat. Hindi ko nga alam kung may nakakatuwa ba rito sa ginagawa ko dahil baka bakas sa mukha ko ang takot.
"Ate Jaycee, dumilat ka!" sigaw ni Matthew.
Huminga ako ng malalim at unti-unting binuksan ang mga mata ko. Tama nga sila! Mas magandang pagmasdan ngayon ang paligid lalo dahil pakiramdam mo ay lumilipad ka. Dahil sa dami ng mga puno ay mas lalong naging presko ang hangin na dumadapo sa balat ko sa bawat paggalaw ko sa ere. Napakasarap sa pakiramdam! Masarap at nakakapanibago, dahil hindi ganito karami ang mga puno na nakikita ko ro'n sa Manila.
Ang kaninang magkahawak kong mga kamay ay pinaghiwalay ko at ibinuka ang mga 'yon para namnamin ang hangin na yumayakap sa balat ko. Sa isip ko nang mga sandaling 'yon ay may kakayahan akong lumipad para pagmasdan ang paligid at maging malaya.
Simula pa pagkabata ay kakayahang maglaho na ang pangarap kong superpowers, pero nagbago na ang pananaw ko ngayon.
I never thought I'd ever love bungee jumping! I also wasn't a fan of heights, but the feeling now is different and surreal.
Nang pahina na nang pahina ang pagbagsak ko ay hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. That was a one great jump!
Nilapitan agad ako ni Asher nang maibaba ako ng mga nagbabantay ro'n sa baba.
"Are you okay? Were you scared?" tanong niya at pinag-aaralan ako kung maayos lamang ang lagay ko.
"Ayos lang ako. And... I want to try it one more time," nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Matthew said that two people can jump at the same time. Shall we?" He offered his hand nang tanungin ako.
Masaya kong tinanggap ang kamay niya at hinila na siya sa elevator na tutulong para mabilis kaming mapaakyat sa taas. Ilang araw na rin simula nang ikasal kami pero ramdam ko pa rin ang kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa t'wing hahawakan niya ang kamay o kaya naman ang baywang ko.
"Tatalon ulit kayo?" tanong ni Kuya at tumango kaming dalawa ni Asher sa kaniya. Tinanaw niya si Syrine na hanggang ngayon ay nasa taas pa rin. "Syrine, bilisan mo r'yan! Tatalon ulit tayo!" sigaw ni Kuya Jaywen.
"Ikaw na lang mag-isa mamaya!" sigaw ni Syrine pabalik at tumalon na. "Hindi ba mapuputol tali nito?!" Hindi siya matigil sa pagsigaw habang nasa hangin siya.
Tinawanan pa siya ni Kuya Jaywen kaya mas lalong lumakas ang pagsigaw niya. Nang matapos na ang lahat at kami na lamang ulit ni Asher ang hinihintay ay lahat sila'y naghihintay sa amin sa baba.
"Gusto namin may kiss, ah!" sigaw ni Aizan sa ibaba.
Nagkatinginan kami ni Asher at napailing na lang. Unti-untin na rin siguro kaming nasasanay sa gano'ng uri ng pagbibiro ng mga kaibigan namin. Normal na naman 'yon dahil kasal na kami.
"Are you nervous?" tanong niya habang inaayusan kami ng mga nilalagay sa katawan. He caressed my right cheek and gave me a kiss on my forehead.
"No. Not anymore," I answered with a smile.
Totoong hindi na. I never doubted his presence. Alam kong ligtas ako sa t'wing kasama ko siya.
Mahigpit ang pagkakatali sa aming dalawa kaya naman sobrang lapit namin sa isa't isa. Dahil sa tangkad niya ay halos marinig ko na ang t***k ng puso niya sa lapit ng mukha ko sa dibdib niya.
"Ako ba ang magbibilang? Or would you?"
"Ikaw na lang ang magbilang," sagot ko.
Nasa edge na kami at handa nang tumalon, sinilip ko pang muli ang ibaba bago napayakap sa kaniya nang mahigpit. He started counting, and after a few seconds ay naramdaman ko nang nasa hangin ang katawan namin dalawa.
I thought my jump earlier was the best, but then this one happened. I was staring at his face the whole time. He looks so happy, masaya ako na kahit papaano ay nawala sa isipan niya ang problemang bumabagabag sa kaniya. He never fails to make my heart flutter with every smile he shows me. It just keeps on getting better and better! And I know that my feelings for him are going deeper.
Pagkatapos naming mag-bungee jumping ay handa na kaming umuwi, pero may nakita kaming mga food cart kaya naman nagkayayaan pa kami sa pagkain. Magandang ideya na rin na kumain muna kami, dahil siguradong tulog kami pagkauwi sa hotel dahil sa sobrang pagod.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ko kay Asher habang naglilibot ng tingin sa iba't ibang food cart na nakahilera ro'n.
Corndog ang gusto naming pareho kaya 'yon ang ibinili ko sa kaniya. No'ng una ay ayaw pa niyang pumayag na ililibre ko siya pero wala na ring nagawa dahil nagmatigas ako. Minsan ko na nga lang siya mailibre ay tatanggihan pa niya.
"Bukas naman ba 'yong zipline? Or mamaya na rin?" tanong ni Byron habang kumakain ng siomai.
"Puwede naman kahit mamaya na, maaga pa naman, eh," sagot ni Matthew. "Ayos lang ba sa inyo?"
Tumango kaming lahat. Mahaba pa ang araw kaya napakarami pa naming magagawa.
Tinapik ni Matthew si Aizan. "Baka puwede ka ro'n. Hindi naman masiyadong mataas 'yon, eh."
Nagkibit-balikat lamang siya."We'll see," ani Aizan at nagpatuloy sa pagkain.
-----
-larajeszz