Separated Love
by larajeszz
Chapter 80
Jaycee’s POV
Napakarami pa naming gustong gawin dito sa Cebu. Lahat kami ay handang gawin ang mga ‘yon, pero bukas nang gabi ay uuwi na ulit kami. May pasok pa ang ilan sa kanila at kailangan na rin ni Matthew magpunta ro’n para sa training niya.
“Next time na lang siguro tayo mag-hiking. Hindi na kaya, eh, at hindi rin lahat tayo ay nakakasama,” ani Matthew at sumulyap kay Ivy. “Dahil takot sa heights si Aizan.” Bigla niyang ibinaling ang tingin kay Aizan.
“Eh, ‘di ang gawin natin sa susunod ay ‘yong sa hindi matataas,” suhestiyon ni Aizan. “Para fair! Ano ‘yan, kayo lang ang masasaya?”
Nagtatawanan kami sa paglalakad pabalik sa hotel, at nang malapit na kami sa main entrance ay nakita namin si Tita Mariel na tumatakbo papunta sa amin. Bumitaw sa akin si Asher para salubungin ang mommy niya.
“Mom, what’s wrong?” tanong niya rito at inalalayan dahil muntik na itong matumba.
Isa-isa kaming tiningnan ni Tita Mariel. “We need to go back…” bulong niya na hindi namin narinig.
Maging si Aizan ay lumapit na rin sa kanya. “What is it, Mom?”
“W-We need to go back to Manila. Tonight,” mas malinaw nang sabi niya.
Nagkatinginan naman kaming lahat. Ito na naman si Tita sa mga kilos niya na hindi namin maintindihan. Mga kilos niya na tila nakakatakot malaman ang dahilan kung bakit siya nagkakagano’n. May kinalaman na naman ba ito sa lolo ni Asher? ‘Yon ang ama ni Tita pero parang maging siya ay malaki ang takot dito.
“Ano ba ang nangyayari? Bakit nagkakagano’n si Tita Mariel?” tanong ni Ivy habang nag-iimpake.
“Hindi naman siya nagsasabi, eh,” ani Cally at naupo sa kama. “Pati si Aizan ay tinatanong ko rin pero hindi rin naman daw niya alam.”
Sabay-sabay pa kaming napabuntong-hininga. Napaaga na nga ang punta namin dito tapos mapapaaga rin ang uwi namin. Hindi ko naman sinisisi si Tita Mariel dahil alam kong hindi niya rin gusto itong mga nangyayari.
Pumunta ako sa kuwarto nina Asher para kausapin siya. Si Matthew ang bumukas ng pinto sa katok ko at kausap niya pala ang mommy niya. Marahil ay nagulat si Tita Dolores dahil ngayong hapon na kaagad ang flight namin pauwi ng Manila. Ayon kay Matthew ay hindi na raw matigil sa pag-iyak ang mommy niya at gusto pa siyang pauwiin para makita.
“Pumasok ka na sa loob, Ate Jaycee,” sabi ni Matthew kaya pumasok ako dahil may pahintulot naman niya.
Pagkapasok ko ay lahat sila ay nag-iimpake na ng mga gamit nila. Napatingin sa akin si Byron at napanguso saka ibinagsak ang sarili sa kama.
“Jaycee, babalik tayo rito, ah?” nakangusong tanong niya.
“Oo naman. Wala namang problema sa amin ‘yon, basta dapat ay payag ang daddy mo,” nakangiting sambit ko.
“Papayag na ‘yon. Magmakaawa lang ako nang kaunti ay pinapayagan na ako no’n ngayon.”
Inilinga ko ang tingin at nakita nasa terrace pala si Asher at pinagmamasdan ang malawak na pool sa harap. Nagpaalam ako sa mga taong nasa kuwarto na pupuntahan ko muna siya.
“Hey,” pagtawag ko sa kaniya. “Are you okay?”
Mukhang may malalim siyang iniisip nang dumating ako kaya hindi niya kaagad ako napansin na naroon na ako sa tabi niya.
“I’m okay, but… something’s bothering me,” seryosong sagot niya.
“Ano ‘yon?”
Tumingin siya sa mga mata ko, “My mom… She’s acting weird again.”
“What do you mean?” Sinulyapan ko ang mga tao sa loob bago lumapiit sa kaniya para bumulong. “Hindi ba’t takot lang din siya na parating ang lolo mo?” I said that in a low voice dahil hindi alam ni Aizan ang tungkol sa bagay na ‘yon.
“Yeah, I know, we're both scared of the same thing. But the way she acts... it seems like there is something that I'm not aware of, or maybe I'm just thinking that she might be overreacting.” Napahilot siya ng sentido sa sobrang pag-iisip.
“You mean, there could be one more reason why she's acting that way, but she never told you what it is?”
Bumuntong-hininga siya at dahan-dahan tumango. Sinubukan kong isipin kung ano nga ba ang posibeng dahilan kung bakit gano’n ang pagkilos ni Tita Mariel pero wala akong maisip na ibang dahilan.
“Have you tried talking to her?” I asked.
“No, I haven't. But I noticed that she's been talking to someone on the phone for the past few weeks and have a hunch that it's my grandfather. It couldn't be that he's been calling for days just to tell my mom that he's coming here. I'm sure he said something that made Mom act like that.”
Dahil sa sinasabi niya ay mas lalong nag-iiba ang tingin ko sa lolo niya, pero mas nagiging desidido rin ako na kausapin ito nang masinsinan.
Naramdaman ko na hinawakan ni Asher ang kamay ko na nakapatong sa binti ko.
“Are you nervous about meeting him?” Tumango ako sa tanong niya, there’s no point of denying. “Well, you don't have to. I'd let him use me, but I'll make sure he won't be able to touch you.”
Nang sumapit na ang hapon ay nagpunta na kami sa airport. Si Matthew ay sa parents niya sumabay dahil gusto raw ni Tita Dolores na maihatid siya sa airport.
“Dapat ay narito ka kapag nanganak ako!” sabi ni Tita sa anak niya at hinampas ito sa braso. Hinila niya ito para yakapin nang mahigpit. “Magbabait ka ro’n, ha?”
“Ma, hindi naman po ako isang taon na mawawala. Nandito na ako no’n kapag nanganak kayo,” sagot ni Matthew habang niyayakap ang ina.
“Kuya Jonas, kayo na muna ang bahala rito kay Paulo ko, ha?” bilin ni Tita kay Daddy.
“Ma, Matthew po!” Hindi ko maunawaan kung bakit ayaw na rin na tinatawag siya sa second name niya.
Hindi na nagtagal ang pagpapaalaman namin dahil kinailangan na naming sumakay ng private plane namin. Buti na lamang at naisaayos kaagad ni Daddy ang flight namin kaya hindi na naging problema ‘yon kahit na napaaga ang pag-uwi namin.
“Saan kayo uuwi, Jaycee?” tanong ni Ivy na katapat lamang namin ni Asher ang seat. “Sa bahay niyo or sa treehouse niyo ni Asher?”
“Uh… sa Manila naman ang punta nating lahat. Siguro ay sa Manila na lamang muna kami uuwi,” sagot ko. Bakit nga ba nawala sa isip ko ‘yon? Simula nang ikasal kami ni Asher ay hindi pa kami nagkakalayo, hindi ko alam pero nasanay na kaagad ako na palaging nasa tabi ko lamang ang presensiya niya kahit pa sa pagtulog.
Pagkabaling ko kay Asher ay nakatingin siya sa akin. “Are you staying at our house, or should I be the one to sleep on yours?”
“Let’s go separately,” sabi ko na siyang ikinagulat niya. “Like you’ve said, hindi pa alam ng lolo mo na kasal na tayo. Paano kung bukas na ang dating niya? I’m sure he’d be surprised…”
“We should not make ourselves used to not being together,” he said in a sad tone.
I held his hand and forced a smile. “Don’t worry, hindi naman tayo magtatagal na magkahiwalay. Kapag sinabi kaagad natin sa lolo mo ay baka naman hindi na tayo magkakaproblema, ‘di ba?”
“No… Stay at our house. Don't you think it'd be better to explain things to him if we’re together?”
Hindi na ako nakipagtalo at sumang-ayon na lamang. Mas mabuti nga siguro kung gano’n, at mas hindi iisipin ng lolo niya na itinatago ako ng apo niya sa kaniya kung makikita niyakaagad ako.
Gabi na nang makarating kami sa Maynila. Hindi ako nakatulog sa buong biyahe kahit na pagod ang katawan ko.
“Guys, una na ako, ah? Nandito na ang daddy ko,” pagpapaalam ni Byron.
Nagpasalamat kami sa isa’t isa at kumaway na siya para puntahan ang daddy niya na nakatayo sa ‘di kalayuan at hinihintay siya.
“Paano kayo?” tanong ko sa mga kaibigan ko. “Sasabihin ko ba kay Daddy na ihatid kayo?”
“’Wag ka na mag-abala, Jaycee. Kuya mo na raw ang maghahatid sa amin nina Cally Syrine,” sagot ni Ivy sa akin.
Nillingon ko si Aiden. “Paano ka naman?”
Umiling siya, “Hiwalay ako. Uh… si Ishan ang susundo sa akin.”
Hinatid kami nina Daddy sa bahay nina Asher. Nagpaalam na naman ako sa kanila roon muna ako kahit ngayong gabi lamang dahil ayaw ni Asher na masanay kamina matagal na wala ang presensiya ng isa’t isa.
“Bye, Mom. Tawag po kayo kapag nakauwi na kayo,” sabi ko at kumaway kay Mommy na pabalik na ng sasakyan. “Bye, Dad!” sigaw ko pa dahil hindi na siya bumaba, Bumusina naman siya ng isang beses bilang pagsagot sa akin.
Sumunod na ako sa pagpasok sa loob ng bahay nila. Medyo excited pa nga ako dahil first time kong matutulog dito.
“Gutom na ba kayo? Magluluto na ako ng dinner,” anunsiyo ni Tita.
“Tutulungan na po kita, Tita,” pagprisinta ko.
“Tita?” nagtatakang sabi ni Tita Mariel.
Gusto kong mapasapo sa noo ko. “Mommy po pala,” sagot ko at binigyan siya ng mapagpaumanhin na ngiti.
Narinig ko ang pagtawa nina Asher at Aizan sa likuran ko. Umaakyat sila ng hagdan para dalhin sa mga kuwarto ang mga gamit namin. Si Asher na ang may dala ng mga gamit ko papunta sa kuwarto niya.
“Sige, halika na rito, Jaycee,” pagtawag ni Mommy. Hindi pa rin talaga ako sanay, pero mas lalo akong hindi masasanay kung hindi ko uumpisahan.
Sinuotan niya ako ng apron at sinimulan nang turuan para sa lulutuin niya.
“Paborito ni Asher pulang adobo na niluluto ko. Kahit pa mapababoy man ‘yan o manok.” Nakangiti siyang lumingon sa akin. “Masaya akong ituro ‘to sa ‘yo para ikaw naman ang magluluto sa kaniya nito. At sa pagdating ng panahon, pati si Cally ay tuturuan ko rin nito.”
Sigurado ako na matutuwa si Cally kung narinig niya lamang ang sinabi ni Tita.
“Uhm… Mommy?” pagtawag ko sa kaniya. Nakangiti na naman siya nang lingunin ako dahil sa paraan ng pagtawag ko sa kaniya.
“Hm? Ano ‘yon?”
“A-Anong klase po ng tao ang daddy niyo? Wala po kasi akong masiyadong alam sa kaniya kaya… natanong ko lamang po.” Napatungo ako matapos sabihin ‘yon. Nakita ko kasi kung paano nawala ang mga ngiti sa labi niya.
Ipinatong niya ang mga braso sa lamesa at bumuntong-hininga. “Well… I know he’s my father, but… I must say he’s someone who’s not easy to deal with.”
Tinuloy niya ang ginagawa habang may pilit na ngiti.
“Nag-aalala po si Asher sa inyo… Sabi niya ay naiiba raw po ang pagkilos niyo at sa tingin niya ay dahil ito sa lolo niya?” Wala sa usapan namin ni Asher na banggitin ko sa mommy niya ang tungkol sa bagay na ‘yon pero hindi ko na napigilan. Kahit pa itanggi ko ay totoo namang nag-aalala si Asher sa kaniya.
Ilang beses siyang umiling at mahigpit na hinawakan ang braso ko. “Jaycee, promise me. Whatever happens, you'll always be on Asher's side. Never abandon him, and never let him stray too far from you, okay?”
Hindi ko naman talaga magagawa iyon, pero kahit na naguguluhan ay tumango ako kay Tita. Muli kaming bumalik sa pagluluto at bumalik na rin ang masaya niyang mukha. Ngayon ay alam ko na… hindi ko na dapat binabanggit ang tatay niya sa harapan niya. Mukhang ma nakakatakot siyang karanasan kasama ito na gusto na niyang makalimutan.
“Mom!”
Nilingon namin si Asher dahil sa malakas niyang pagtawag sa mommy niya. Mukhang galing siya sa pagmamadali dahil habol pa niya ang paghinga.
“Hey.” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang dibdib niya. “Relax, Asher. Calm down.”
Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili bago muling bumaling sa ina. “Grandpa’s leaving Australia tonight. He'd be here tomorrow.”
-----
-larajeszz