Chapter 78

1681 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 78 Jaycee’s POV Hindi ko pa nakikilala o nakikita man lamang ang lolo niya pero hindi ko alam kung bakit pati ako ay nakaramdam ng takot nang makita ko ang mga mata niya. Kaya pala… Naiintindihan ko na kung bakit mas gusto ni Tita Mariel na mapaaga itong bakasyon namin. Kaya pala.... “It’s nothing serious.” Umiwas siya ng tingin, siguro ay napansin niya ang naging reaksiyon ko. “Maybe he just wants to see us…” “Asher, I know how you feel about him. Even if it shows me your weak side, hindi kita huhusgahan. At hindi natin alam… What if pupunta siya rito para i-congratulate ang kasal natin, hindi ba?” “No one informed him about our wedding. Sorry babe, but I just can't tell him. He'd be mad because I haven't finished my studies yet.” Hinawakan niya ang baba ko para iangat ang tingin ko sa kaniya. “Pero, I swear, hindi kita ikinakahiya. I am just protecting you from the things that’s he’s able to do.” “Naiiintindihan ko,” sabi ko at ngumiti ako sa kaniya. Mahigpit ko siyang niyakap, hindi ko na maitago ang nararamdaman ko dahil kahit hindi niya sabihin ay mahirap para sa kaniya ang makitang muli ang lolo niya. “Basta next time, don’t hesitate to tell me everything, okay? We made a promise that we would tell each other everything.” Maya-maya pa ay nakarinig kami ng busina sa labas ng gate. Baka sina Tita Dolores na ‘yon. Sinundan namin ng tingin si Nanay Linda habang binubuksan ang malaking gate, tumakbo pa si Asher palapit sa kaniya para tulungan ito sa pagbubukas niyon. “Maraming salamat, ijo,” nakangiting sabi niya kay Asher. Inabangan namin ‘yong sasakyan nina Tita Dolores hanggang sa makapasok sila sa loob. Siguradong nakita na niya ako kaagad pagkapasok pa lamang ng sasakyan nila. “Jayceelyn!” sigaw ni Tita pagkababa ng sasakyan. “Hon, be careful!” paalala ni Tito Sean nang tumakbo papalapit sa akin ang asawa niya. Tuloy-tuloy lang si Tita sa pagpunta sa akin at mahigpit akong niyakap. Hindi pa masiyadong halata ang baby bump niya dahil halos 8 weeks pregnant pa lamang siya. “Tita, I missed you!” sabi ko habang yakap siya nang mahigpit. Naiiyak na siya nang kumalas sa akin at pinagmasdan si Asher. “Is he your husband?” tanong ni Tita na agad ko namang tinanguan. Sa sobrang tuwa ay pati si Asher ay niyakap na niya. “Good afternoon po,” bati ni Asher kay Tita Dolores. Gulat siyang binitawan ni Tita, “He has a nice accent! Is he from…?” “His mom is Australian, and that’s where he grew up,” sambit ko. Medyo mainit na sa balat ang sikat ng araw kaya pumasok na kami ulit sa likod. Nagreklamo kaagad si Tita Dolores sa amoy ng paligid dahil sa niluluto ni Matthew. “Paulo, ano na naman ‘yang niluluto mo?!” sigaw ni Tita sa may pinto pa lang. “Who’s Paulo?” bulong ni Asher. “Si Matthew. That’s his second name,” sagot ko. Dumating si Matthew sa puwesto namin at humalik sa pisngi ng mommy niya. “Ma, order po ito ng mga bisita. Sa kuwarto na lang muna kayo, tatawagin ko na lang kayo kapag ubos na.” Hinampas lamang siya ng mommy niya sa braso at nagpunta na sa dining kung nasaan si Daddy na kapatid niya. “Kung alam ko lang na ayaw ng nanay ko sa amoy ng mga ginagawa ko kapag naglilihi siya, eh, ‘di sana ay hindi na lang ako nahilig sa pagbe-bake,” laglag ang balikat na sabi ni Matthew. “Kulang na lamang ay palayasin niya ako rito, eh.” Nang maghapon na ay binaon na lamang namin ang halos kalahating piraso ng mga cake na binake ni Matthew. Papalubog na ang araw nang makabalik kami sa resort. Hindi na mainit kaya nagkayayaan kaming maligo sa dagat. Hindi na ulit sumama sina Daddy dahil pagod na raw sila. “Kita pa ang sunset, picture tayo dali!” pagyayaya ni Cally at hinila kaming apat na mga babae. Gamit ang DSLR camera niya ay nag-umpisa nang bumilang si Matthew para kuhanan kami ng picture. “Byron, sama ka!” tawag ko kay Byron. “Mamaya na kayo,” pinigilan ko sina Kuya, Asher at Aizan dahil susunod na rin sila dapat kay Byron. “Mga magaganda muna,” ani Byron at kunwari’y inirapan ‘yong apat. Sa sunod na litrato ay sumama na ‘yong tatlo. “Teka, paano ako?” tanong ni Matthew dahil lahat na kami ay kukuhanan niya. “Sa gitna si Ate Jaycee at Asher dahil bagong kasal.” Hindi ko na-gets ang logic niya. “Tatawag lang ako ng puwedeng mag-picture sa atin.” May tinawag si Matthew na sa tingin ko ay isa sa mga katrabaho niya sa hotel para kuhanan kami ng picture. Hinila siya ni Byron papunta kay Ivy kaya ang nangyari ay by pair na ang puwesto namin. “Wala tayong partner, beh,” sabi ni Byron kay Aiden. “Meron ako!” sagot ni Aiden at iniharap sa camera ang picture ni Ishan na nasa cellphone niya. Habang naliligo ang mga kasama namin ay sinamahan lang namin ni Asher si Ivy sa pag-upo sa white sand habang umiinom ng red wine. Tumayo si Asher sa tabi ko at nagpaalam na gagamit lang ng restroom. Kami na lamang ni Ivy ang natira ro’n na nakaupo sa sand. “Ano na ang balak niyo?” tanong ni Ivy habang sumisimsim ng wine. “Titira na ba kayo nang magkasama?” “Hindi pa, pero siguradong madalas kaming bibisita sa treehouse. Hihintayin na muna namin hanggang sa maka-graduate si Asher,” sagot ko at sumimsim din ng wine sa wine glass ko. “Ikaw? Ano na ang balak mo ngayong graduate na tayo?” Mapait siyang ngumiti habang nakatingin sa wine glass at iniikot-ikot ito. “Ikaw ang una kong pagsasabihan nito…” Inangat niya ang tingin sa akin. “Kinukuha ako ng tita ko sa Saudi. Sabi niya ay marami raw ang benefits na binibigay sa hospital na pinagtatrabahuhan niya.” I was prepared for this. Pero nasasaktan pa rin ako ngayong galing na mismo sa kaniya na aalis siya. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. “Kung saan ka masaya, alam ko naman na alam mo kung ano ang makakabuti sa ‘yo.” Nanatiling gano’n ang itsura niya. Hindi siya ngumiti ng totoo nang sabihin ko ‘yon. Parang may bumabagabag pa sa pag-iisip niya. “You don’t seem happy about it?” “I don’t think I can leave…” Nagsimula nang pumatak ang mga luha niya. Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pag-iyak. Hindi iyakin si Ivy, kaya alam ko na mahirap para sa kaniya ang sinasabi niyang pag-alis. “May pumipigil ba sa ‘yo? Ano ‘yon? Kung kaming mga kaibigan mo ‘yon ay hindi mo kami kailangang isipin, puwede mo naman akong tawagan araw-araw kapag nando’n ka na,” sabi ko sa kaniya habang pinapatahan siya. Mas lalo siyang naiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Mabuti na lamang at bago pa man makabalik si Asher do’n ay kumalma na si Ivy. “Ang dadaya, umiinom!” sambit ni Matthew na nasa likuran ko pala. “Kaya pala hindi kayo naligo, ah.” “M-May kukunin lang ako. Excuse me…” ani Ivy at tumayo na para bumalik sa hotel namin. Something’s off. Habang hinahabol ko ng tingin si Ivy ay napunta ang tingin ko kay Matthew. Hindi kaya… si Matthew ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw umalis ni Ivy? “Matthew.” “Hmm?” “Are you close with Ivy?” tanong ko. Muntik na siyang mabulunan sa pag-inom ng wine. “Sakto lang, bakit?” tanong niya rin. Pilit lang akong ngumiti at inilingan siya. Hindi ko siya magawang tanungin o pakiusapan na kausapin si Ivy. Kita ko namang hindi na niya ipinipilit ang sarili niya rito. Bumalik na si Matthew sa dagat at kami naman ni Asher ang naiwan do’n. “Is there something bothering you too?” ani Asher at inakbayan ako. “Fate is too cruel, isn’t it?” sabi ko at sinanda ang ulo sa balikat niya. “Bakit ba hindi puwedeng maging masaya na lang ang dalawang tao?” “Sometimes it’s not fate, sometimes it's the person who chooses not to cross their paths.” Hindi niya tinanong kung sino ang tinutukoy ko. Mabuti na rin dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya an mga napapansin ko. “May parte ba sa ‘yo ang masaya na dadating ang lolo mo?” tanong ko sa gano’n pa ring puwesto. Narinig ko ang pagbuntong-hininga, “There's something in my heart that tells me I am missing my grandpa, but my mind says I shouldn't be missing him because I should be scared and worried.” Inangat ko ang ulo ko para harapin siya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa binti niya. “But what if he changed?” “Then that’d be great, but… what if he did not?” “Is he still against the fact that you're pursuing architecture?” tanong ko na dahan-dahan niyang tinanguan. “He dislikes my dad, so he never wanted me to be like him. Maybe that's why he pressured me to try to be like him instead. But I'm still grateful that he was hard on me and not my brother. I don't think I would ever forgive him if my brother experienced what I did.” Niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. Hindi alam ng kapatid niya na sinakripisyo niya ang sarili niyang kasiyahan para lang maprotektahan ito. Buo na ang loob ko… pero hindi ko na sasabihin sa kaniya dahil alam kong hindi siya papayag. I’ll try to talk to his grandfather. Everything is possible in a good conversational way.                                                      ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD