Chapter 68

1400 Words
Separated Loveby larajeszz Chapter 68 Jaycee’s POV “Your mom suggested it.” Nilingon namin ang taong nagsalita sa likuran at nakita si Isaac doon. Lumapit siya at pumuwesto sa kabilang tabi ni Asher. "You knew it was mine," Asher said. "And yet you still want me to make a piece for you, how greedy," he smirked as he pushed Isaac's shoulder. Natawa kaming tatlo dahil sa kanilang dalawa. Marami na nga talaga ang nagbago, and I’m thankful na hindi sila awkward sa isa’t isa. Nag-ikot pa kami at napakarami pa naming mga nakitang paintings ng mga sikat na artist noon na kilala sa buong mundo. Kasing laki ng canvas niyon ang painting ng gawa ni Asher. “I can’t believe you put my work next to famous people’s pieces.” Asher exclaimed. “Your work looks like it was made by a famous artist. I’m sure people would love it, Jaycee loves it,” Isaac teased me. I smiled, “Of course, I do. Artists don’t usually get this kind of opportunity in their life. I know that this would be… unforgettable.” Naglibot pa kami at halos silang dalawa lamang ang nagkakaintindihan dahil maraming tinatanong si Asher kay Isaac tungkol sa mga gawa ng mga sikat na artist. Because of these artworks, he became quite talkative. He genuinely enjoys art. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa dahil natanaw ko sa ‘di kalayuan ang mga kaibigan ko. Papalapit pa lamang ako sa kanila ay boses na agad ni Aizan ang naririnig ko. “Pati itong isang ‘to ay gawa ko rin,” sabi niya. Umiling na lamang si Cally at hindi na siya pinansin. Niyaya ko sila at dinala kung saan naka-display ang painting ni Asher. Napakaganda nito para hindi ipagmalaki sa kanila, proud akong sabihin na gawa ‘yon ng boyfriend ko. "Oh, this looks like something I've seen already!" Aizan exclaimed. "I remember seeing this when I was a kid..."“This is your brother’s work,” I proudly told them. Nagulat sila at mula sa ‘kin ay ibinalik ang tingin sa painting. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagkamangha, at kahit na hindi naman ako ang nagpinta nito ay labis-labis ang tuwa ko sa nakikita kong reaksiyin nila. “I knew it,” Aizan whispered with a proud smile. Kuya turned his gaze to me and said, "And the one on the artwork itself is quite familiar." I get what he’s trying to say. He was there when Asher and I were still playing there as kids. I can’t help but reminisce, and I badly want to go back. Hindi na kami nagtagal pa ro’n dahil lumalalim na ang gabi, maaga pa ang biyahe namin bukas. “Nasaan si Aiden?” tanong ko. Lahat kami ay naroon na pero wala pa si Ishan at Aiden. "I believe they went somewhere else, so we may go first. Don't worry, my brother will take care of her," Isaac assured me. Napanatag ang loob ko dahil sa sinabi niya, may tiwala naman ako kay Ishan na hindi niya pababayaan ang kaibigan ko. Pagkarating namin sa hotel ay mabilis akong nakatulog dahil sa pagod. Kahit ako ay hindi ko alam na gano’n na ako kabilis mapagod. Nag-surf lang naman saglit at paglalakad lamang naman halos ang ginawa ko pero sobra ang panlalambot ng katawan ko. Kinabukasan ay maaga kaming gumising. Hindi na kami nakapagpaalam kay Isaac at Ishan dahil sobrang aga pa at ayaw naming mang-abala, at isa pa ay hindi talaga namin alam kung saan sila tumutuloy ngayon. “Sa inyo ka ba uuwi ngayon?” tanong ko kay Byron. “Puwede namang sa amin ka muna, baka galit sa ‘yo ang daddy mo-”“Okay lang ako, Jay. Hindi na muna ako uuwi sa amin, do’n muna ako sa kapatid ng Mommy ko makikitira,” nakangiting sagot niya. Ngumiti rin ako sa kaniya, hinawakan ko siya sa braso at sinabing, “Tumawag ka sa ‘min ‘pag may problema, ah?”“We’re ready to go,” Asher informed all of us. Siya ang magda-drive ngayon para naman daw may pahinga rin si Kuya Jaywen. Sa tingin ko ay sila at ani Byron ang magpapalitan. Sabi ko kay Byron ay siya na ang maupo sa passenger’s seat dahil mas mapapadali ang pagpapalit nila ni Asher sa pagda-drive. Hapon pa halos ang pasok naming lahat kaya may oras pa kami para magpahinga pagkatapos ng mahabang biyahe. “Akala ko hindi ka papasok?” gulat na tanong ko nang makitang pumasok ng room si Byron. “Puwede ba naman ‘yon?” pagtawa niya. “Hindi ako close sa Tita ko, ayaw ko namang masabihang palamunin dahil wala naman akong masiyadong ginagawa ro’n.”“Sabi ko sa ‘yo sa amin ka na lang, eh.”“Would you please stop that, Jayceelyn? Baka pumayag ako, tumigil ka na,” saway niya sa akin. Hindi ko inakalang halos ‘yon na pala ang huling bakasyon na mangyayari sa amin ngayong college. Hindi kami busy masiyado ni Byron dahil sa course namin pero hindi na namin masiyadong nakakausap ang mga kaibigan ko, sila ang napaka-busy na lalo na no’ng 3rd year college na kami kaya naman kami na lamang parati ni Byron ang magkasama. Wala na namang kaso kay Asher ‘yon dahil matagal na silang nagkaayos. Ilang taon na ring hindi umuuwi si Byron sa kanila, ang bilis ng panahon. Ang alam ko ay pinakikiusapan siya ng daddy niya na umuwi na pero hindi siya pumapayag. May ipon siya kaya mayroon na siyang sariling condo unit ngayon, doon na lamang kami madalas tumatambay dahil wala naman siyang kasama palagi. At kahit busy ay sumasama sa ‘kin si Asher para naman daw may nakakausap si Byron, doon na rin niya nakasanayang gumawa ng plates sa condo unit ni Byron. “Nag-bar ako kagabi,” pag-amin ni Byron. Dumating kasi kami rito ni Asher ay napakagulo ng condo niya at sa sofa pa siya natutulog gayong may sarili naman siyang kuwarto! Kung hindi pa namin alam ang passsode ng pinto niya ay mukhang hindi niya kami magagawang pagbuksan. “Bakit naman hindi ka nagsabi sa amin?” nakasimangot na tanong ko. Hinawakan ako ni Asher sa blikat para pakalmahin. “Paano kung may nangyari sa ‘yo kagabi? Lasing na lasing ka pa!” Hindi ko rin alam kung bakit ba nagagalit ako, para akong nagpapangaral sa anak ko. “Hey, let’s just clean this mess first,” mahinahong sabi ni Asher sa ‘kin. “Maayos akong nakauwi kagabi… may naghatid sa akin,” nakatungong sabi ni Byron. “You let another person inside your room?!” tanong ko. Pumikit ako at pinakalma ang sarili, “Kakilala mo ba ‘yan?” tanong ko sa mas mahinahong tono. Umiling siya, “I just met him last night… I like him, Jaycee. Don’t be mad.” Naupo ako sa tabi niya, “Hindi ako galit na may nakita ka nang tao na magugustuhan. Nagagalit ako dahil… paano kung hindi dapat pagkatiwalaan ang mga taong nakikilala mo?” Napatungo lamang siya dahil sa mga sinabi ko at paulit-ulit na humingin ng paumanhin. Nang mag-weekend ay saka na lamang ulit naging free ang mga kaibigan ko. Sa bahay naman kami nina Cally nagpunta, sabi niya ay nasa business trip ang parents niya kaya siya lamang mag-isa sa bahay nila. “Graduate na tayo next year, saan na tayo mag-a-outing?” tanong ni Cally. “May last year pa tayong papasok iniisip mo na agad ‘yan,” umiiling na sabi ni Ivy habang kumakain ng yogurt at nagbabasa. “Buti pa kayo, ga-graduate na next year,” sabi ni Syrine habang nakahiga sa balikat ni Kuya Jaywen. Muntik na naming malimutan na iba nga pala ang course niya sa aming apat na taon lamang ay makaka-graduate na. “Kaya mo ‘yan, Sy. Kaunti na lang din ‘yan, makakatapos ka na rin,” sabi ni Aiden sa kaniya. Malungkot isipin na after ng araw na ito ay baka matagal na ulit bago kami makumpleto. Busy kami sa pagkamit ng mga napili naming career kaya kahit ang kasiyahan namin ay kailangan muna naming kalimutan saglit para lang makapagtapos kami. “Cebu sounds good, right?” tanong ko sa kanila. “For what?” “Let’s go there, after graduation,” dagdag ko pa. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD