Chapter 69

1830 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 69 Jaycee’s POV Napakabilis ng mga araw, kailangan ko na muling mapalayo sa pamilya ko para sa OJT ko sa pagiging flight attendant. Ibang-iba sa pakiramdam, dahil dati naman ay napapalayo na ako sa kanila, pero iba ‘tong ngayon. Ako na lamang mag-isa ngayon. “Bye, Mom,” I said while kissing her cheeks. Hindi pa ako nakakaalis ay naiiyak na siya kaagad. “Mom, hindi naman malayo ang pupuntahan ko, eh. Puwedeng-puwede mo akong bisitahin basta kapag hindi ako busy,” sabi ko sa kaniya at pinahiran ang mga luha niya sa pisngi. “Kahit na, hindi pa rin kita makikita araw-araw,” pagnguso ni Mommy. Natatawa siyang nilapitan ni Kuya Jaywen at hinawakan sa braso, “Mom, OJT pa lang ‘yan. Paano pa kapag flight attendant na si Jaycee tapos international flight pa, eh, ‘di mas maiiyak ka n’yan?” biro niya. Pumasok na ulit si Asher sa bahay matapos buhayin ang sasakyan para painitin ang makina no’n. Siya ang maghahatid sa akin ngayon dahil ayaw kong abalahin si Kuya sa pagpapahinga niya. Masiyadong hectic ang schedule niya ngayong 2nd year na niya sa med-school. Parati na kaming wala ni Kuya Jaywen kaya madalas ay mga katulong na lamang ang kasama nina Mommy at Daddy sa bahay, o kung mas madalas pa nga ay mga katulong na lamang talaga ang nasa bahay dahil pumapasok din sina Mommy at Daddy. “Let’s go,” Asher said behind me. Kinuha na niya sa kamay ko ang maleta ko at hinila na palabas. Bago ako sumunod sa kaniya ay muli akong yumakap sa pamilya ko, nagiging emosyonal na rin tuloy ako dahil sa kanila. Kahit si Kuya Jaywen na inaasar pa si Mommy kanina ay kita kong naluluha rin! Ang bigat pala sa pakiramdam na hindi ka sanay na mapalayo sa pamilya mo pero darating ang panahon na kakailanganin mo rin. Hindi naman ako mangingibang bansa pero pakiramdam ko ay gano’n ang nararamdaman ko. Habang nasa daan kami ni Asher ay tinawagan ko si Byron, nakarating na raw siya sa boarding house na pansamantala niyang titirhan. Sa totoo lang ay okay lang naman para sa akin na hindi na mag-boarding house dahil kaya ko namang umuwi sa bahay namin pagkakatapos ng OJT, pero mas malapit ang titirhan ko ngayon sa airline na papasukan namin kaya naisipan kong pansamantala na rin munang humiwalay. “Sabihin mo kay Asher ay puwede naman siyang makitira rito sa akin para makikita ka pa rin niya araw-araw,” biro ni Byron sa kabilang linya. Nagpigil ako ng pagtawa dahil walang ideya si Byron na naka-loud speaker ako ngayon kaya narinig din ni Asher ang sinabi niya. “Hindi ko na kailangang sabihin, narinig na niya,” sabi ko at ‘di na napigilan ang pagtawa. Natahimik si Byron sa kabilang linya pero maya-maya lamang rin ay natawa nang ma-realize ang nangyari. “Oh, eh, ano naman? Concerned lamang ako na baka ma-miss ka niya nang sobra kapag hindi ka niya puwedeng bisitahin.”“Should I, Byron?” Asher asked Byron while he was showing me his suspicious smile. “Don’t,” madiing sabi ko. “You don’t have to.”“Bye na, baka ako pa masisi d’yan sa away niyo!” sabi ni Byron at hindi pa man ako nakakasagot ay binababa na niya kaagad ang tawag. Napanguso si Asher dahil sa reaction ko, “I was just kidding, you’re so serious.”"I can't tell the difference between your jokes and the genuine ones; you can do anything you want, even if I don't agree with it,” paliwanag ko. Kapag ganito naman na may kaunti kaming away ay hindi naman siya lumalaban, tahimik lamang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. Gaya ng inaasahan ay naging sobrang busy kami, hindi ko na minsan makausap kahit sa telepono si Asher dahil kapag busy siya ay free ako, at kapag ako naman ang busy ay free naman siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kaming mananatili na ganito pero titiisin ko muna. Mas mauuna akong grumaduate sa kaniya dahil 5-year degree ang course niya habang ang akin naman ay 4-year lang. Natutunan kong mas maraming mga bagay ang kailangan mong pakawalan habang tumatanda ka, isang patunay na ang pagtatapos pa lamang ng pag-aaral. The only permanent in this world is change. We've changed and grown so much to become good individuals. Friends were separated yet remained close despite the distance. College life was terrifying for most of us, but it was what educated me and forced me to discover new things that I'd carry with me and remember for the rest of my life. It was an interesting experience to meet people that had the opposite mindset as mine, but we got to know one other better as a result. I've realized that in this field, we thrive for our aspirations, not for the approval of others. “And, after years of prospering, I've finally graduated! And I'm grateful to everyone who has never ceased believing in me; it's been an incredible ride. This is a win-win situation for all of us! And to my friends, family, and, most importantly, my parents. It wouldn't be this far if you hadn't inspired me to pursue and flourish for my ambition.” That was the last part of my speech. Pigil ang luha kong tinapos ‘yon sa harap ng pamilya ng mga kaibigan ko. Ako, si Byron, Ivy at Cally ang grumaduate ngayon kaya napag-isipan naming pagsamahin na lamang ang celebration, total hindi na rin naman kami iba sa pamilya ng bawat isa. Napakiusapan ko rin ang daddy ni Byron na pumunta, mukhang mas mahinahon na siya kaysa no’ng huli ko siyang nakita. Ang mga daddy rin namin ang nakakakuwentuhan niya. Para fair sa lahat ay sa isang fine dining na restaurant kami nagpunta, marami kami kaya naman kinailangang i-reserved ang buong restaurant para lang hindi kami magsikip. Bago matapos ang araw na ‘yon ay nabalitaan kong umuwi na si Byron sa kanila. Mukhang nagkaayos na sila ng daddy niya at wala na sa kaniya ang pagkukunwari, komportable na ang pagkilos niya kanina sa harap nito at masasabi kong totoo rin ang mga ngiti niya. “Are you excited?” Ramdam ko ang pagngiti niya kahit sa kabilang linya nang sabihin ‘yon. Nag-iimpake ako ngayon habang kausap si Asher, ito raw ang pa-graduate niya sa akin. Pupunta kami sa isang trip na kaming dalawa lamang. We’d be gone for three days, pumayag naman si Daddy na kami lamang dalawa ang aalis dahil may tiwala naman daw siya kay Asher. “Not too much,” pagsisinungaling ko. “Not too much, huh?” he said sarcastically. “Bukas pa nang gabi ang alis natin ay nag-iimpake ka na.”“So? That doesn’t mean I’m excited, baka lang kasi may maiwanan akong importante.” Tumawa lamang siya sa kabilang linya. “Do you still have the key with you?”“The one you gave me on the twelfth grade, right?” tanong ko habang nagtungo sa drawer ko kung saan ‘yon nakatago. “Bring it tomorrow, we’ll be needing that.” Ayon sa kaniya ay sa Pampanga ang punta naming dalawa. It was a 3-4 hours trip from Manila. Gabi kami bumiyahe kaya gabi na kami nang makarating. Hindi naman ako inaantok dahil talagang natulog ako nang mabuti kanina para sa gabi na ‘to. Hindi ako nag-e-expect nang sobrang garbong surprise, being with him tonight is more than enough for me. Tumigil siya sa isang kainan na sikat at dinadayo raw talaga ng mga tao. I saw different kinds of sisig dishes, alam kong sisig ang mga ‘yon pero iba ang mga itsura nila at hindi mo aakalaing ‘yon pala ‘yon sa unang tingin. Kung hindi pa nakasulat do’n na sisig pala ‘yon ay paniguradong hindi ko rin malalaman. "I hope you don't assume that I brought you here merely to eat sisig," he laughed. "Of course not!" I said, humorously rolling my eyes at him. “I didn't pack a suitcase full of outfits just to eat sisig for a night." We both laughed in chorus. It was already late, so only a few people were eating around. Ginagala ko ang paninging ko para pagmasdan ang paligid. Simple lamang siya at tamang-tama para sa mga taong mahilig kumuha ng mga pictures. “Babe.” My gaze automatically turned to him when he called me. His stare was deep, and it felt like he was trying to read what I was thinking at that moment. "Yeah?" I asked. “Will you marry me?” Nanlaki ang mga mata ko ang unti-unting nanginig ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa, he was too straightforward! Hindi niya man lamang inalis ang tingin niya sa akin, habang ako naman ay hindi na siya magawang tingnan sa mga mata matapos sabihin ‘yon! I forced a laugh so he wouldn't realize how nervous I was. "I would surely do. We wouldn't have gotten this far if I hadn't had the attention to marry you from the beginning." Hindi ko na alam ang sinasabi ko, basta nilalabas ko na lamang sa bibig ko ang mga unang salita na naiisip ko. “Then, let’s get married. Tonight.” Hindi kaagad ‘yon naproseso ng utak ko. Tonight??? Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya? “Tonight?” I asked slowly just to make sure of what he said. “Yes,” he nodded. “Tonight.” This is really happening! I know him too well, and he would not make jokes about this! Halu-halo na ang naging emosiyon ko dahil sa mga sinasabi niya. May halong saya, kaba, gulat at alam kong marami pang iba. Hindi ko na maisa-isa dahil bago rin sa akin itong nararamdaman ko. “Asher…” I couldn't think of anything to say to him. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa namalayang nakaluhod na siya sa harapan ko. May mga staff na rin do’n sa restaurant na lumabas at nagpatugtog ng romantic na kanta. Ang atensiyon ng lahat ay nasa amin na ngayon. “Shush,” sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. This feels like a dream! “Nakakainis ka naman, eh!” Mas lalo lamang akong naluha nang punasan niya ang pisngi ko. Tinawanan niya lamang ako at bumalik na sa pagkaseryoso. Kinuha niya ang isang kahon ng singsing mula sa bulsa niya at binuksan ‘yon sa harapan ko. “Jayceelyn Buenaventura,” panimula niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. “Having you by my side is what completes me, will you spend the rest of your life with me?” With all the emotions I was having at that time, my answer to his question was already obvious even though I still haven't said it out loud. I slowly nodded my head and gave him a big YES! ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD