Separated Love
by larajeszz
Chapter 67
Jaycee’s POV
Hindi ako nagtagal sa pagsu-surf dahil hindi ko kayang balansehin ang sarili ko, bukod sa nadudulas ako ay napakalakas din ng alon kaya ako ang naunang umahon sa kanila. Naupo na lamang ako sa tabi ng dagat at hinayaang humampas ang alon sa paanan ko. Pinanuod ko na lamang silang mag-surf habang nakaupo sa white sand, hindi rin naman siguro sila magtatagal do’n dahil mainit at isa pa ay may pupuntahan kami mamaya.
Ramdam kong may taong naupo rin do’n sa tabi ko, hindi ‘yon isa sa mga kasama ko dahil lahat sila ngayon ay nasa tubig at nagpa-practice. Hindi sumunod sa akin si Asher kahit pa gusto niya dahil namilit si Aizan na turuan siya nito mag-surf, sinabi ko sa kaniyang okay lang dahil kung hindi ay alam kong iiwan niya ang kapatid para sundan ako.
Nilingon ko ang tumabi sa akin at awtomatikong napangiti, “I knew it,” naiiling na sabi ko.
“How’s college?” Isaac asked. “I haven’t seen you since forever,” he exaggerated.
“It’s good, it’s not like I have a more stressful course than the others, but it’s still hard for me,” pagasasabi ko ng totoo.
“Of course, wala namang course na madali. Well, at least you'll graduate, because I didn't even get an opportunity to go to college." He laughed about what he said.
Maaga nga pala siyang nag-focus sa trabaho. “Are you happy about the decisions you’ve made?”
He looked at me with an amused smile, "I believe this is the first time you've ever asked me that.” Niyakap niya ang mga binti at ibinalik din ang tingin sa mga kaibigan naming nasa dagat ngayon. “Honestly, I regret it… I wish I’d given up on anything but not my studies. Because that’s one of the things that could make my mom happy.”
“I know you’re too busy now, but it’s not yet too late.”
Umiling siya sa akin habang may ngiti sa labi. “Nagsisisi akong itinigil ko ang pag-aaral ko, but I love where I am now. I already accepted my faith for a long time, if I give up now, then who’s gonna help my father? Ishan is still studying, I don’t want to be selfish para lang tumigil din siya gaya ko. Ayaw kong magaya siya sa ‘kin…”
At that moment, I realized that I was also witnessing the hardships of being the eldest child. They've made numerous sacrifices for their younger siblings, even if it meant sacrificing their own happiness.
Hinawakan ko ang balikat niya. “Blessings will come to you for the sacrifices you’ve made.” We exchanged smiles, and I began to shift the conversation's topic. I asked about Isaac's current project, which Ishan had mentioned. “We we’re planning to go to that museum later.”
Bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko, “Really? Ishan didn’t tell me that.” Tinanaw niya ang kapatid at parang kinukuwestiyon kung bakit hindi nito nagawang sabihin sa kaniya iyon. “Then, I’ll lead the way. He invited all of you when he doesn’t even know where it is.”
Kumain muna ulit kami ro’n sa resort bago napagdesisyunang mag-ayos na para sa pupuntahan naming museum. Ang tagal na simula no’ng huli akong makapunta sa isang museum, sa tingin ko ay fieldtrip pa ata namin ‘yon no’ng elementary.
Shorts at oversized shirt lamang ang sinuot ko, with a pair of flat shoes at isang sling bag.
“Aiden, kay Ishan ka na sumabay,” pabulong na pamimilit ni Cally kay Aiden, sinisiko-siko pa niya ito.
“Eh, ‘di ikaw ang sumabay ‘ron!” Lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko para hindi siya mahila ni Cally dahil pati ako ay madadala niya kung sakali.
“Bilis na! Paano kayo magkakaayos n’yan?! Nag-e-effort naman ‘yong tao pero iniiwasan mo, pati kanina ‘di ka pa nagpaturong mag-surfing. Babaan mo na ‘yang pride mo,” sabi ni Cally.
“Wow, ah! Sa ‘yo pa ‘yan nanggaling?!”
Napakamot na lang ng ulo si Cally sa sobrang inis dahil ayaw bumitaw ni Aiden sa akin. “Pagsabihan mo nga ‘yan, Jayceelyn!”
Mabibigat ang yabag niya nang umalis at lumapit kay Aizan, hinawakan naman siya agad ni Aizan sa balikat para pakalmahin.
“May point naman siya, Aiden, eh. Paano kayo magkakaayos kung si Ishan lamang ang nag-e-effort sa inyo. Hindi mo puwedeng idahilan na walang kayo para lang hindi mo na siya kausapin,” paliwanag ko sa kaniya habang nakahawak sa mga braso niya. Huminga ako ng malalim bago sabihin sa kaniya ang kanina ko pang gustong itanong. “Nakita ko kayo kagabi,” pag-amin ko na ikinagulat niya. “Mukhang magkaayos pa naman kayo noon, ano’ng naging problema?”
“D-did you saw it when we…”
“Hindi na mahala ‘yon, ang gusto kong malaman ay kung ano ang pinag-awayan niyo.”
Malungkot niyang tinanaw si Ishan bago ibalik ang tingin sa akin. “Sabi niya ay lumalalim na ang feelings niya para sa kin… pero hindi niya naman pinaparamdam ‘yon. Hindi siya gumagawa ng oras para sa akin, kaya naisip kong baka hindi talaga sure sa nararamdaman niya… Ayaw kong masaktan, that’s why I distanced myself.”
“Hindi sa kinakampihan ko siya, pero busy na siya bago pa man kayo magkakilala. Maybe it’s not that he doesn’t want to make time, but what if it’s just that he couldn’t make time? Aiden, I can tell he's trying.”
Hindi na kami nakapag-usap pa nang matagal dahil kailangan na rin naming umalis. Sabi ni Isaac ay sa kaniya na kami sumabay ni Asher, pati si Byron ay sa amin ko na pinasama. Si Aiden, Cally at Aizan ay kay Ishan sumabay, habang sina Kuya, Syrine at Ivy naman ay sa van sumakay.
Madilim na sa labas kaya hindi na namin masiyadong makita ang ganda ng tanawin. Sa pagkakatanda ko ay tanaw ang Taal Volcano rito sa dinadaanan namin pero hindi na ‘yon maaninag dahil gabi na at malamig ngayon dito sa Batangas kaya baka hindi rin makita kapag sobrang aga dahil sa fog.
“So, some of the exhibits at the museum were made by your company?” tanong ni Asher kay Isaac.
Si Asher ang nakaupo sa passenger’s seat at kami naman ni Byron ang nasa likuran.
“Yeah, most of them. Some were original products from our company, and some were just copies of the original items,” Isaac explained. “By the way, hanggang kailan kayo rito sa Batangas?”
“Mamayang madaling araw ay luluwas na ulit kami, may pasok na kami ulit bukas,” sagot ko.
Nilingon ako ni Asher, “Tell Jaywen that we can take turns in driving.”
“I can drive too, please tell him…” sabi rin ni Byron.
“Okay, I’ll inform him,” sagot ko sa kanilang dalawa.
“Oh, I forgot to tell you, most of the displays you’ll see are paintings.” Tinapik ni Isaac sa braso si Asher, “You’re a great painter, can you make me one so we can display it too?”
“I don’t do it for free.”
Napatawa silang dalawa, “I’ll pay you, of course.”
“I’ll think about it.”
Mabilis kaming nakarating dahil hindi naman masiyadong traffic dito na gaya sa Maynila, isa pa ‘yon sa mga dahilan kung bakit mas nakaka-relax dito kaysa sa Maynila.
Halos magkakasunod lamang naman ang mga sinakyan namin kaya hindi na kami nagtagal sa pag-iintay sa iba. Malaki ang museum at halatang bagong-bago lamang ito. Walang ibang mga tao kun’di mga security guard na nagbabantay sa paligid. Sino ba naman ang maiisipang pumunta bigla sa museum nang ganitong oras? Kaya lamang naman kami narito ay dahil inimbitahan kami.
No'ng pumasok kami sa entrance ay nag-bow kay Isaac ang guard na naroon. Agad na nalibot ang paningin namin dahil sa taas at laki ng loob noon. Hindi ako masiyadong nakakapunta ng mga museum, pero alam kong iba ang itsura nito sa ibang mga museum. Iba ang design nito at hindi ‘yong tipikal mong makikita sa iba.
Naghiwahiwalay kami at si Asher ang kasama ko, hindi ko alam kung saan nagpunta ang iba pero sa taas kami nagtungo. Mas marami ang mga paintings at mas malalaki rin ang naroon kumpara sa mga nasa baba.
“Asher, look.” Namamangha kong pinagmasdan ang isang piece ro’n na pamilyar, mas Malaki ito kumpara sa tunay na gawa. “Isn’t this your work?”
It was his painting of our mini treehouse before. Sa tingin ko ay wala rin siyang ideya na narito ito dahil maging siya ay nagulat.
“I think I don’t have to make a piece for Isaac again, then.” He said with a smile while staring at his artwork.
Tumingin akong muli sa painting at saka sa kaniya, I saw a tear escaped from his eye.
-----
-larajeszz