Chapter 74

2169 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 74 Jaycee’s POV Nang pauwi na kami ay sinabi nina Mommy at Daddy na kailangan na nilang bumalik sa Manila, gano’n din si Tita Mariel. “Ingat kayo rito, ah? Magkita-kita na lang tayo bukas sa airport,” Mommy said and kissed the top of my head. “Asher, take care of her.” “You don’t have to worry about her, Tita. You have my word,” he replied. Nakisabay na si Tita sa parents ko sa pagbalik ng Manila, at puro habilin sila sa amin at sa mga kaibigan ko dahil sa treehouse rin sila matutulog ngayon. “’Wag kang makulit do’n, ah?” turo ni Tita kay Aizan. “Mommy naman, eh. I know how to behave, I’m not a kid anymore,” sagot ni Aizan sa Mommy niya. “Asher, look after your brother,” baling ni Tita kay Asher. “I’m pretty sure he can take care of himself-” “Asher Migo,” pagbabanta ni Tita. “I’ll look after him.” Natawa ako dahil alam ko naman na kahit sinasabi ni Asher na pababayaan niya ang kapatid niya ay binabantayan niya pa rin ito. He cares for him a lot. He just doesn't show it and says it verbally, but I know that he loves his brother. Ang iba ay kay Kuya Jaywen sumabay habang sa amin naman nakisabay si Aizan at Cally. Mabuti na rin para may iba akong nakakausap sa biyahe dahil minsan ay maikli lamang ang sagot sa akin ni Asher dahil nagda-drive siya, o kaya minsan ay reaksiyon lamang ang sinasagot niya sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo dahil at least naman ay binibigyan niya pa rin ako ng attention. He's just not a verbal person. “Excited na akong makita ang loob ng bahay niyo!” sabi ni Cally na nasa likuran ko at hinawakan pa ako sa balikat. “Eh, ‘di hindi na tayo tabi matutulog, Jaycee?” “Bakit naman? Puwede naman, ah?” sagot ko sa kaniya at agad na napalingon sa akin si Asher. “Kuya, ayaw ka na atang katabi ng asawa mo. Humihilik ka yata, eh,” pang-aasar ni Aizan. Agad naman siyang tiningnan ni Asher nang masama sa rearview mirror. “’Wag mo akong itulad sa ‘yo,” sagot na lang ni Asher at nag-umpisa nang magmaneho. Habang nasa gitna kami ng biyahe ay walang tigil sa pagkukuwento ‘yong dalawa. “Nakapasok ka na ba sa loob ng treehouse?” rinig kong tanong ni Cally kay Aizan. “Oo, maraming beses na. Tinulungan ko si Kuya sa pag-aayos ng mga gamit.” “Ah, kaya pala may isa tayong date na ‘di ka sumipot, ah,” may halong hinanakit na sabi ni Cally. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Aizan. “Kalimutan mo na ‘yon, bumawi naman ako, ‘di ba? ‘Tsaka nag-message ako no’n sa ‘yo na hindi ako makakapunta. It’s not my fault that you left your phone…” “Tsh. Anyways, Jaycee. Nakalimutan ko palang sabihin sa ‘yo na miss na raw ni Matthew si Ivy,” baling sa akin ni Cally at tumawa pagkasabi no’n. “Ayaw lang umamin no’n ni Ivy na may something sa kanila, eh. Baka nahihiya dahil alam natin na never siyang nagka-crush simula elementary.” “Posible ba ‘yon?” tanong ni Aizan. “Kahit happy crush lamang ay wala talaga?” “Hindi naa-attract sa lalaki ang isang ‘yon,” natatawang sagot ko. “I believe she and my cousin would make an excellent pair.” Pagkarating namin sa bahay ay dinala ko agad ang mga kaibigan ko sa loob. Pinakita ko kina Cally ang magiging kuwarto nila pati na rin ang magiging kuwarto ng mga lalaki. “Check this out.” Napunta lahat ang atensiyon kay Aizan, binaba niya ‘yong kama na nagsisilbi ring dingding ng bahay. “Ako ang nakaisip nito!” pagmamalaki niya. “You're doing that again, discrediting the one who made it,” napapailing na sabi ni Asher. “I was just kidding,” sagot ni Aizan at nahiga ro’n sa katre na ibinaba niya. Pati si Cally ay nakiupo ro’n. “Puwede bang dito tayo matulog?” “Puwede naman, pero paggising mo hulog ka na,” sagot ni Aizan sa kaniya habang nakapikit ang mga mata. Hanggang sa dumilim na ay nanunuod pa rin kami ng mga movies. Wala namang masiyadong magagawa rito dahil kulang pa rin ang mga gamit. “Jaywen, let’s grill outside,” tawag ni Asher kay Kuya. My brother smirked at him, “Why are you still calling me Jaywen? You should also address me as your Kuya.” Asher just shrugged, “Fine, Kuya. Let’s go,” sagot ni Asher kay Kuya at nauna nang lumabas. I’ve never heard him address someone like that before. Napangiti ako dahil tinatawag na rin niya ang kapatid ko sa paraan ng pagtawag ko sa kaniya. Mas nagsi-sink in na sa akin na isang pamilya na kami ngayon. When it was time for dinner, even though we didn’t want to go down yet because the show we were watching was so good, the two downstairs kept on calling us, so we eventually had to go down. “We were already at the best part of the movie! Did you really have to interrupt at that time?” pagrereklamo ni Aizan. "Maybe go back and don't eat it with us then?" Asher replied, not paying attention to his brother, and just continued chopping tomatoes. “It’s fine, I paused it,” ani Aizan at dumiretso na sa lamesa para tikman ang ilang naroon. “Cally, your favorite. Nachos.” Naupo na kami sa mga upuan namin at hinintay sina Kuya at Asher sa paggagawa ng sauce ng ilan sa mga ulam. “Byron, it’s a good thing your dad let you hang out with us,” sabi ko habang kumakain ng cucumber. “He’s not as strict as he was before, and I think he's trying to understand my situation. Magkasama na kaming kumakain tuwing gabi,” nakangiti siya at napatungo dahil sa nagbabadyang mga luha. “I almost forgot the feeling of having a bond with him. As far as I can remember, the last one was when my mom was still alive.” Syrine patted his back, “That’s good to hear.” “The nachos’ sauce is here,” Kuya announced. “Kanina pa ‘yan hinihintay ni Cally, Kuya Jaywen,” sabi ni Ivy at nauna nang sumawsaw ro’n. “Magtuturo ka pa, ha. Lagot ka sa ‘kin bukas,” nakangising sagot ni Cally, mukhang may kung anong binabalak. Kinabukasan ay maaga kaming sinundo nina Mommy sa treehouse para sabay-sabay kami sa pagpunta sa airport patungong Cebu. “This would be our first flight together,” nakangiting bulong ko kay Asher at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. “You’re right, and this won’t be the last one for sure. If you want to get married again in different countries, then I'd take you there. Even if you want to go to Spain, Italy, or whatever place you have in mind, I'll take you there,” he replied and kissed the back of my hand. “I want to go to Paris with you.” “Paris? I think you did mention it before that you wanted to go to that place. And why is that?” “Seeing the view of the Eiffel Tower at night has been my dream ever since I was a kid.” “Then I’ll take you there.” I kissed his lips after hearing that. We're at the back, so I know that none of our friends saw that. It just feels so mesmerizing to have someone who's ready to go with you to go places and do the things you love. “I love you, Migmig.” I said as I hugged him. “I love you too, Ecee.” “Hoy, ano? D’yan na ba kayong dalawa?” nakapamewang na tanong ni Byron. “Should we just leave him here?” sabi ni Asher pagkatalikod ni Byron kaya mahina ko siyang siniko. “We don’t have our privacy when he’s around.” Nakatulog ako buong biyahe sa balikat ni Asher kahit na may neck pillow naman ako. Malapit lamang naman at maayos naman ang paglipad namin kaya napahimbing ang tulog ko. Hindi ko alam, baka mabilis lang talaga akong makatulog kapag na-experience ko ulit ang isang bagay na matagal ko ring hindi naranasan. Private plane ang sinasakyan namin ngayon kaya naman kahit sa pagtatawanan ay hindi kami mapigilan. May isang flight attendant na nag-a-assist sa amin kaya pinanuod ko ang mga bagay na ginagawa niya pati ang pagkilos. I still lack some of the things that she acquires, but I know I’ll get it there. Pagkatapos ng saglit naming biyahe sa himpapawid ay kailangan naman namin ngayong sumakay ng bangka para marating ang isla ng pupuntahan naming resort. Nabalitaan ko lang din na nagta-trabaho pala si Matthew ro’n, hindi ko alam pero nae-excite akong makita na magkikita sila ulit ni Ivy. Pito lamang ang kayang isakay sa bangka kaya naman nagkahiwa-hiwalay kami. Labindalawa kaming lahat kaya anim ang hatian at pito kada bangka kabilang na ang bangkero. “Okay, ito ang hatian. Jaywen, Syrine, Cally, Aizan, Byron, and Aiden, do’n kayo sa isa. Habang ako, Jenny, Mariel, Ivy, Asher and Jaycee ay tayo rito sa isa. Ayos lamang ‘yon sa inyo?” Agad naman sumang-ayon ang lahat kay Daddy kaya nakasakay kami agad sa bangka namin. Si Asher ang nauna sa amin dahil inalalayan niya kaming lahat sa pagsakay. “Kuya, gaano katagal po bago makarating ro’n sa islang pupuntahan natin?” tanong ni Daddy sa bangkero. “Kung mabilis po ay 15 minutes, kung mayroon naman pong pasahero na ayaw nang masiyadong mabilis ay mga 25 minutes, Ser,” magalang na sagot no’ng bangkero. “Medyo matatakutin po kasi itong misis ko,” bumaling sa aming lahat si Daddy. “Ayos lang ba sa inyo kung mauna man ‘yong iba sa atin do’n?” “Okay lang, Dad. Hindi naman po tayo nagmamadali,” sagot ko sa kaniya. “Isa pa po ay takot din si Ivy sa ganito.” Kaming tatlo nina Asher, Ivy, at ako ang nasa kaliwa habang si Daddy, Mommy, Tita Mariel sa kanan. ‘Yong bangkero ang nasa gitna sa may likuran. Nang magsimula nang umandar ang bangka ay inakbayan ko si Ivy dahil namumumutla siya. “Don’t worry, naka-life jacket naman tayo. And I’m sure na alam ng bangkero natin ang ginagawa niya, we’re in good hands.” “Jay, I actually overcame my fear of riding boats.” Hindi ko na siya natanong dahil kinausap ako ni Daddy. “Have you heard? In the meantime, Matthew would live with us. He would join us on our trip back to Manila, to practice better for his chosen career.” “Really, Dad? That’d be great! Siguradong mabubusog na naman tayo n’yan sa bahay.” “Iniisip pa nga ng Mommy niya ay patitirahin niya muna saglit sa hotel, but I told her that Matthew is very welcome to our house.” “Good thing you convinced your sister,” ani Mommy. “Hindi na naman bago sa atin ang batang ‘yon. Nitong mag-college na lamang siya hindi nakakabisita dahil sa sobrang daming ginagawa.” Mas lalong tumahimik si Ivy nang mapag-usapan namin si Matthew. At kahit na ako lamang ang nakapansin no’n ay hindi ko na siya kinulit, siguro ay hindi talaga siya komportable kapag naririnig niya ang pangalan ng pinsan ko. Hindi ko alam ang buong kuwento ng nangyari sa kanila rito sa Cebu sa t’wing magbabakasyon siya. Baka may rason naman siya para maging ganito ang nararamdaman niya. Makalipas ang ilang minuto ay natanaw na namin ang isla, pati ang mga kasama namin na nauna na ro’n ay nakita naming kumakaway mula sa malayo. Napakaganda ng islang ‘yon sa malayuan, sigurado akong mas makikita ang ganda nito sa malayo dahil marami masiyado ang mga nakatayong building do’n kaya hindi maaaninag nang maayos ang ganda noon sa malapitan. Pagkababa namin ng bangka ay si Matthew kaagad ang hinanap ng mga mata ko. Wala pa siya ro’n kaya alam kong baka may ginagawa siya o kaya naman ay papunta pa lamang. Muli kaming inalalayan ni Asher sa pagbaba. “Thank you,” I thanked him with a smile. Dumiretso ako kay Kuya Jaywen, “Nasaan na raw si Matthew, Kuya?” “When I called him when we were still on the boat, he said he was on his way. He's not answering now, and is probably on his way here already,” sagot ni Kuya habang sinusubukan pa ring tawagan si Matthew. “Oh look, there he is.” Napatingin din kami sa kung saan nakatingin si Kuya Jaywen at nakitang kumakaway si Matthew patungo sa kinatatayuan namin. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD