Chapter 81

1957 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 81 Jaycee’s POV Hirap ako sa pagtulog simula nang ihatid ako ni Asher sa bahay kagabi. Alam kong sa mga oras na ‘to ay kasama na nila ang lolo nina Asher at Aizan. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. “I wonder how he’s feeling right now…” bulong ko at nagbalot ng kumot hanggang ulo. Sinusubukan ko pa lamang matulog ay tumunog na kaagad ang alarm ko. Inis akong bumangon at pinatay iyon. Hindi rin naman ako nakakaramdam pa ng antok kaya bumangon na ako para mag-agahan. Maagang pumapasok sina Mommy sa trabaho kaya sigurado ako na may breakfast na sa baba. “Good morning po,” pagbati ko sa mga kasambahay namin na naglilinis na ng bahay. Hindi ko inaasahang makita si Kuya Jaywen sa dining at kumakain na. Napalingon siya sa akin at hinila ang upuan sa tabi niya na parang sinasabi na maupo ako ro’n. “Ang aga mo naman magising,” sabi ko sa kaniya at kumuha ng toast at scrambled egg. “I haven’t slept yet,” sagot niya at sumimsim ng kape. “Bakit? Nag-away kayo ni Sy?” Ibinaba niya ang kinakain at bumuntong-hininga bago sumagot. “She said that she and her parents had a misunderstanding...” “What?! Bakit wala siyang binabanggit sa amin?” magkasalubong ang kilay na tanong ko. Nahihiya ba siyang magsabi sa amin na mga kaibigan niya? “Eh, paano? Ano raw ang gagawin niya?” “I advised her to speak with her parents again, as they might be able to resolve the situation through conversation. But she said she doesn't want to face them yet, so I suggested that she stay here,” kuwento niya at nagpatuloy sa pagkain. “How about you? Mukhang hindi ka pa rin natutulog.” Hinawakan ko ang mukha ko at huminga nang malalim. “Sinusundo na nina Asher ngayon ang lolo nila. He said that we might not be seeing each other often because his grandfather won't seem to let him go anywhere.” “He seems to be a very strict and scary man,” sagot niya kasabay ng pag-iling. “I need to go now, susunduin ko na si Syrine.” Tumayo na siya at tinapik ako sa likod. Ako na lamang mag-isa sa bahay ay wala naman akong masiyadong magawa. Siguro ay pagbabasa lamang ang magagawa ko rito pero sigurado akong wala ring papasok sa utak ko na information dahil sa dami mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Pagpasok ko ng kuwarto ay ibinagsak ko ang sarili sa kama. Ilang beses akong nagpalit ng anggulo hanggang sa mamataan ko ang gitara na nasa sulok ng kuwarto ko. Regalo ito sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Mommy nang gumaling ako sa sakit ko no’ng Grade 12 pa. Hindi ko naman ito napagtutuunan ng pansin dahil wala ako palaging time para tumugtog pa. Tumayo ako at binuksan ‘yon mula sa kaniyang case. Hindi ako palatugtog ng gitara pero alam ko kung nasa tono ito o wala at marunong din akong magtono nito. Pakiramdam ko ay natutuhan ko ‘yon no’ng parte pa ako ng choir noon. Pagkatapos ng ilang pihit ay nag-strum ako at napangiti nang marinig na nasa tono na ito. Muli akong naupo sa kama at tumugtog ng mga kantang naaalala ko pa kung paano tugtugin. Napatigil din ako nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong lamang sa kama. Si Byron ang tumatawag. “Hello?” pagsagot ko. “Jaycee, magkakasama kami nina Ivy at Cally ngayon. Papunta kami r’yan dahil sabi ng kuya mo ay mag-isa ka lamang daw. Dadaanan namin dapat si Aiden pero mag-aaral pa raw siya,” ani Byron. Masuwerte ako at may mga kaibigan akong matatawagan. Pero kahit na naisipan ko ito kanina ay hindi ko ginawa dahil kailangna pa rin naman nila ng oras kasama ang pamilya nila. “Sige, hintayin ko kayo. Salamat,” nakangiting sagot ko kahit pa hindi naman niya ako nakikita. Bumaba ulit ako sa baba para maghanda ng pagkain sa kanila. Napadaan ako sa dining at napansin na may isa pang plato na nakahanda ro’n. Napasapo ako nang maalala na nandito nga rin pala sa bahay si Matthew! Bakit ang sinabi ni Kuya Jaywen sa mga kaibigan ko ay mag-isa lamang ako? At bakit pati ang katotohanan na nandidito ang pinsan ko ay nalimutan ko rin? Umakyat ako ulit para gisingin si Matthew sa kuwarto ni Kuya Jaywen. Kumatok ako ng isang beses pero walang sumagot. Nakailang katok na ako pero wala pa rin. Mabuti pa ang isang ‘to at masarap ang tulog. Maingat kong binuksan ang pinto para hindi ito makagawa ng malakas na ingay. Pagkapasok ko ay nakita ko si Matthew na mahimbing pang natutulog. “Matthew,” sabi ko at inalog siya sa balikat. “Gising na.” Nagsisipa siya na parang bata at magkasalubong na ang kilay ngayon kahit na natutulog pa rin. “Papunta na sina Ivy rito, gising na.” Pagkasabi ko no’n ay mabilis niyang idinilat ang mga mata at tumingin sa akin. “Binibiro mo lang yata ako, eh,” sagot niya habang nagkukusot ng mga mata. Tinawanan ko ang reaksiyon niya. “Totoo nga, papunta na sina Ivy, Byron at Cally rito kaya bumangon ka na r’yan.” Nagprisinta si Matthew na siya na ang gagawa ng pagkain para sa mga bisita namin. Kahit naman na pagbe-bake ang hilig niya ay magaling pa rin siyang magluto ng ibang mga pagkain. Habang nakaupo sa dining ay hindi ko mapigilan ang sarili na maya’t maya na tumingin sa cellphone. Ang huli pa niyang text ay ‘yong kagabi na sinabi niyang nakauwi na siya sa kanila matapos akong ihatid dito. “Ate Jaycee!” Nagulantang ako dahil kay Matthew. Kanina pa niya pala akong tinatawag pero wala ako sa sarili ko. “Huh? A-Ano ‘yon?” tanong ko. “Miss mo na siguro asawa mo, ‘no?” pang-aasar niya habang nakangisi. “Ang sabi ko ay kung ibibilang pa ba kita sa niluluto ko. Hindi ba sabi mo ay kumain ka na?” “Uh… Sige isama mo na rin ako. Pati si Kuya Jaywen at Syrine, mamaya ay nandito rin ang dalawang ‘yon,” sambit ko at tumango naman siya at nagpatuloy na sa ginagawa. Napasabunot ako sa sarili dahil sa sobrang pag-iisip. Gano’n ba talaga kahirap ang mag-text man lamang? Kahit na maikli lamang ay ma-a-appreciate ko na ‘yon! Awtomatiko akong napangiti nang makitang umilaw ang cellphone ko dahil sa isang notification, pero agad ding bumagsak ang balikat ko nang makita na hindi si Asher ‘yon. Si Cally ang nag-text at sinabing malapit na silang makarating. Saktong pagkarating ng mga kaibigan ko ay tapos na ring magluto si Matthew. Hindi pa raw sila nag-aagahan dahil biglaan daw ang pagtawag ni Kuya Jaywen sa kanila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa ginawa ni Kuya. Hindi na naman kailangan na mang-abala pa ng ibang tao para lamang sa akin, hindi na ako bata! Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay itinaas ni Byron ang isang plastic na nasa kanang kamay niya. “Nakakahiya namang bumisita na walang dala,” aniya habang nakangiti. Tinanggap ko ‘yon at nang silipin ay nakita kong yema cake iyon. Hindi ko alam na may nagtitinda na pala ng yema cake nang gan’to kaaga? Niyaya ko silang tatlo sa dining. Naabutan namin si Matthew na nag-aayos ng mga plato sa lamesa. “Good morning,” bati niya sa mga kaibigan ko. Napansin kong hindi man lamang nadapuan ng tingin niya si Ivy. “Matthew, nami-miss ko na ang gawa mong crepe cake!” ani Byron habang umuupo sa upuan. “Talaga ba?” natatawang sagot ni Matthew. “Ibig sabihin kapag nagtayo ako ng restaurant ay puwede na ang gano’ng lasa ng luto ko?” “Puwedeng-puwede! ‘Di ba, Cally?” siniko ni Byron si Cally. Nag-thumbs up siya, “Asahan mong lagi kang may pa-deliver kung sakali man na nasa malayo kami ng mga panahong iyon.” Napangiti si Matthew dahil sa mga sinasabi nila. “Anong flavor ba ang pinakagusto niyo?” tanong niya sa aming lahat. “Strawberry sa ‘kin, kayo?” ani Cally. Byron raised his right hand, “Cookies and cream ang sa akin.” “Mine is the matcha,” sagot ko. Lahat naman kami ay nilingon si Ivy dahil hindi pa niya sinasabi kung ano ang sa kaniya. Na-conscious pa nga siya nang lahat kami ay lumingon sa kaniya. “Ahm… ang akin ay ‘yong… chocolate,” nakatungong sagot niya. “Huh? Eh, wala namang ginawa si Matthew na chocolate no’n, ah?” pagtataka ni Byron. “Dati ay gumawa si Matthew no’n dito. Binigyan ko si Ivy no’n, kaya baka ‘yon ang naalala niya,” sagot ko. Bumaling ako kay Matthew, “Masarap nga rin ang chocolate crepe cake mo, Matt.” “Ah, o-oo nga. Naalala ko na sinabi mo dati na bibigyan mo ang isa sa mga kaibigan mo no’n,” ani Matthew. “Mabuti naman at nagustuhan mo, Ivy.” Ngumiti lamang si Ivy sa kaniya. Mukhang nakumbinsi naman sina Byron at Ivy kaya kahit papaano ay nawala ang kaba sa mukha ni Ivy. Totoo na masarap din ang gawa ni Matthew na chocolate crepe cake, pero hindi totoong binigyan ko si Ivy no’n. “Ang daya, ah! Parang ‘di kaibigan, para naman akong others n’yan, Jaycee,” pagnguso ni Cally. “Bakit hindi ko natikman ‘yon noon?” “Puwede namang ‘yon ang gawin ko mamaya,” sabi ni Matthew. Narinig namin ang pagbukas ng pinto sa living room at nang silipin ko iyon ay nakarating na pala sina Kuya Jaywen at Syrine. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Sy, hindi niya inaasahan na narito rin ang iba naming mga kaibigan. “Bakit ang dami mong dala, Sy?” turo ni Ivy sa bagahe ni Syrine. “Lumayas ka sa inyo? O nakipagtanan ka kay Kuya Jaywen?” sabi ni Cally habang kumakain ng sausage. “Mamaya ko na lang ikukuwento,” sagot ni Syrine at pilit na ngumiti. “Tara sa kuwarto ko. Do’n mo na lang dalhin ang mga gamit mo,” pag-aaya ko. Bago ko pa man makuha ang bag ni Sy ay pinigilan na ni Kuya Jaywen ang kamay ko. “Mabigat ang dala niya. Let me do it,” he said at inakyat na ‘yon sa itaas. Nagtungo na rin si Syrine sa dining at kumuha ng ilan sa mga naprito na ni Matthew. “Grabe naman, hindi na napuno ‘yong plato.” Pinagmasdan kaming lahat ni Matthew at napailing na lang. “Sige na nga, kumain lang kayo nang kumain d’yan.” Lumayo muna ako saglit sa kanila nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. I wasn't expecting a call from anyone except for Asher, so I already knew that it was him even before I checked the caller’s ID. "Hey, beautiful." It was the first thing I heard as soon as I answered the call. His voice sounded like a morning voice, like he had just come from a nap. "I was sleeping the whole trip. I forgot to call you. I'm sorry." Now I know why. “It’s fine, I understand,” sagot ko. “Kauuwi niyo lang ba?” “Yes, they’re arranging Lolo’s luggage downstairs.” “I see…” sabi ko. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. “I need to tell you something… It’s very important.” He didn't give a clue about what it was, but my hands couldn't stop shaking. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD