Chapter 55

2222 Words
Separated Love Chapter 55 "Thank you, Dear God." Ito kaagad ang nasambit ko nang makarating kami sa rooftop at nakita ko ang magandang tanawin dahil sa papalubog na ang araw. "It's only because of You that all of this is possible," dagdag ko pa. Nang masabi ni doc no’ng isang araw na magaling na ako ay nanatili pa ako sa ospital nang mga ilang araw para masiguro nila ang kalagayan ko. Madami pa silang ginawang mga test at ngayon ay nasisiguro na nilang magaling na talaga ako. Asher's arms were on my shoulder, and he patted my left shoulder while standing at my right side, viewing the sunset as well. He raised his head. With his eyes closed, he said, "Thank you, Lord." Nginitian ko siya at gano'n din ang ginawa niya sa 'kin. Nakita ko nang papalapit sa puwesto namin ang mga kaibigan ko. Pinauna nila kami rito para makapag-usap daw kami kahit papaano na hindi rin namin nagawa dahil pinagmasdan lang namin ang langit. "You're finally going home!" tumatalong sambit ni Syrine. "Finally! I really miss Manila!" I said at humawak pa sa dibdib ko na para bang isang taon ako hindi nakakauwi sa 'min. "Pero hindi ka pa pup'wedeng pumasok." Pinanlakihan naman ako ni Kuya Jaywen ng mata. I just laughed at him. "I'm not forcing myself to go to school yet, Kuya." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang napakahigpit. Talagang hanggang ngayon ay para pa rin akong nananaginip. Ang tagal na panahon kong hinintay na maging ganito kami kalapit ni Kuya sa isa't isa. Simula pa pagkabata ko ay 'yon na ang hinihiling ko. "Congrats, Jaycee!" ngiti ni Aizan. "Thank you," nakangiting sagot ko. "Are we going to stay here any longer?" tanong niya. "Probably not, Jaycee misses Manila, too, you know," sagot ni Asher sa kaniya. "Mom said when you got home that she'd cook anything for you! Name it, and she'll make it!" Nag-gesture pa siya na sumuntok sa hangin. "Sige, pag-iisipan ko na ngayon pa lang." "By the way, bumisita si Isaac a few days ago, right?" tanong bigla ni Aiden. Napakagat pa siya ng labi niya na para bang hindi niya dapat sinabi iyon. "Yeah, saan mo nalaman?" "Uhm... a-ano..." she couldn't answer. "Gano'n ba kahirap sabihin ang Ishan?" pagsusungit ni Ivy. Napaikot na lang ng mata si Aiden. "So, what kung sa kaniya ko nalaman? Hindi ba p'wedeng nabanggit lang?" sagot pabalik ni Aiden, nagsusungit. "Then why were you stuttering?" "Hoy, kayo! Kakagaling lang ni Jaycee nag-aaway na kayo kaagad!" saway ni Cally. Kanina ko pang napapansin na tahimik siya, naninibago ako sa kaniya sa t’wing ganito siya umasta. "Ayos ka lang, Cal?" Syrine asked her with a worried tone. She looks pale, at parang kahit anong oras mo lang mahawakan ay maiiyak na. "Hey," Aizan called her to get her attention. "Are you okay?" When he held her arm, she burst into tears. Nabigla kaming lahat kaya naman nilapitan ko siya. "Cally, what's wrong?" nag-aalalang tanong ko. “May masakit ba sa iyo?” Baka kasi mamaya ay may kung ano pala siyang nararamdaman. Hindi naman kasi safe para sa lahat ang pagpunta sa ospital. "I-I... just c-can't believe that you're okay now..." nauutal na siya dahil sa pag-iyak. "Ang hirap kasi na… hindi t-tayo kumpletong lima." Nadadala ako sa emosiyon niya. Sinenyasan ko sina Aiden na lumapit para yakapin si Cally. "Hey, shush," sabi ko. "Look at me..." Inangat niya ang tingin ng mga mata niyang 'di na mapigil sa pag-luha. "We're always five," I said with a smile on my face. Mas naiyak na naman siya kaya naman mas hinigpitan namin ang pagyakap sa kaniya. "Ano ba 'yan! Hindi ako iyakin pero ito kasing si Cally, eh!" ani Ivy habang pinupunasan ang kakaunti niyang mga luha. "I love you guys… so much." Patuloy sa pag-iyak si Cally na halos 'di na namin maintindihan ang sinasabi dahil sa sobrang pag-iyak. Nang matapos ang madamdaming pangyayari na 'yon sa rooftop ay bumaba na kami ulit at nadatnan si Mommy sa kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. "Mom, you should've called me," pagsalubong ko. She smiled and shook her head. "I can do this, pakiramdam ko'y kahit ilang beses ko pa 'tong gawin ay hindi ako mapapagod." "Uuwi na po ba tayo ngayon, Mom?" tanong ni Kuya sa kaniya at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga gamit ko. "Oo, pero sa bahay muna tayo," she looked at me. "People there are waiting for you." I smiled and nodded my head. Nagpaalam akong pupuntahan ko muna saglit ang mga naging kaibigan ko rito para magpaalam. Totoong masayang-masaya ako na magaling na ako pero may parte sa 'kin ang nalulungkot dahil iiwanan ko na sila rito dahil sila ay hindi pa. It's doesn't seem right, but I couldn't do anything. Sinamahan ako ni Asher, una kong pinuntahan ang kuwarto ni Dolor dahil katabi lamang ito ng sa akin. I was about to knock nang makarinig ako ng umiiyak... what's happening? Hindi ko sinasadyang ilapit ang tainga ko sa pintuan, pero kaibigan ko si Dolor kaya gusto kong malaman. "The treatment is not working." Napatakip ako ng bibig nang marinig ko ang sinabi ng doctor niya, at mommy niya ang umiiyak. "I'm sorry..." dagdag pa ni Doc. "Ano ga naman areng Mame? Ayos laang ako," Dolor tried her best to sound okay, she was still laughing. "How much time do I have left?" Sandaling katahimikan ang namuo sa loob ng silid niya bago ko narinig ang malalim na paghinga ni doc. "4 months could be the longest..." Mas lalong napaiyak ang Mommy ni Dolor. Asher held my arms. "I don't think you should be doing this," he sounded so worried. “Let’s go.” Umiling lang ako at napakapit nang mahigpit sa braso niya. "That's okay," Dolor's voice cracked. "I'm ready anyway..." I know she's not. Sa aming lahat na nandidito, siya ang palaging gusto nang umuwi sa bahay nila, dahil gaya ko, miss na miss na rin niya ang dati niyang buhay. Hinagod ni Asher ang likod ko, hindi ko namalayang umiiyak na rin pala ako. "I'm sorry..." he said. "Let's go, Jaycee." Lumuluha kong pinagmasdan ang pintuan ni Dolor. Hindi ko alam kung magkikita pa ulit kami dahil kinakailangan ko na ring umuwi. Ang sakit… Isa ito sa dahilan kung bakit ayokong makipagkaibigan ulit magmula no’ng umalis si Asher noon. Ang hirap na magkakalayo kayo pero hindi niyo magawang magpaalam sa isa’t isa. Parang sa isang iglap ay mababalewala lahat ng mga pinagsamahan niyo dahil kailangan niyong magkalayo sa hindi niyo inaasahang panahon. Mapait akong napangiti habang umiiyak. Totoo nga pala… na sa bawat saya, may kapalit na sakit. Dahil gano’n ang mundo. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kaniya ngayon dahil alam kong madami pa siyang iniisip, ayaw kong dumagdag pa sa isipin niya ang pag-alis ko rito. Sunod na pinuntahan namin ay ang kuwarto ni Gene. Wala akong naririnig kaya naman kumatok na ako. Malungkot na mata niya ang agad na bumungad sa amin pagkabukas niya ng pinto. "Ate Jaycee," he was trying so hard not to cry. "Si Ate Dolor..." I hugged him. "You know it already?" He nodded his head on my shoulder. "Magkaka-videocall kami nina Nanay Soledad at Kuya Alex no’ng dumating ang mommy niya. Sobrang saya niya na magaling ka na... pero siya..." Hindi na niya matuloy ang sasabihin niya. "Shh. Hindi siya matutuwang makita tayong ganito." Hindi nagsasalita si Asher sa tabi ko at pinanuod lang kami ni Gene. "Kaya ikaw, kapag nakaalis na ako rito, tatagan mo lalo ang loob mo, ha? Kung wala lang akong buhay room sa Maynila ay hindi ko kayo magagawang iwan dito ngayon." Huminga ako nang malalim para pigilan ang mga luha ko. "Magdadasal ka palagi, maniwala ka na gagaling ka rin. Hmm?" He nodded his head on my shoulder. I patted his back. Alam kong hindi gaanong malayo ang agwat ng edad namin ni Gene pero masasabi kong bata pa siya mag-isip. Inosente pa siya sa maraming bagay at siya 'yong taong kailangan parati ng makakasama para alagaan. Bukod sa may sakit siya ay parati siyang humahanap ng kalinga ng isang tao. Maaga kasi siyang nawalan ng ina. Sa lahat naman talaga ng matagal na rito ay silang dalawa ni Dolor iyon, sumunod si Nanay Soledad, Kuya Alex at ako. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung ito ang emosiyong nabubuhos niya sa harapan ko. Nagpaalam rin ako kina Nanay Soledad at Kuya Alex, gaya ni Gene ay malungkot sila pero lahat sila ay sinasabing masaya sila pa sa 'kin. Paano ko ba magagawang maging masaya nito? Nakauwi na kami sa mansiyon at sinalubong kami ng mga trabahador sa hacienda ni Lolo. Lahat sila ay napangiti nang makita ako kaya sinuklian ko rin sila ng ngiti. Hindi ko inaasahang makita silang lahat na nandidito ngayon, pati si Daddy ay namataan kong nakatayo sa may pinto ng mansiyon. Lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay ang mga taong naglilingkod pa rin kay Lolo kahit pa wala na siya at ang mga tao na madalas kong nakakasalamuha sa pamamalagi ko rito. Saludo ako sa katapatan at serbisyo nila. Isang munting salu-salo lang ang nangyari sa loob ng mansiyon. Napuno nang muli ng tawanan ang dating halos tahimik lang naming hapag. Habang nagkukuwentuhan sila ay hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ang mukha ng mga taong kasama ko. Napakalaking pasasalamat ko at palagi silang nasa tabi ko, hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat. "Alam niyo po ba no'ng Grade 6 kami, ang daming nagbigay ng bulaklak d'yan kay Jaycee t’wing Valentine’s pero dahil busy siya sa studies niya ay ibinigay na lang niya sa Principal para raw hindi masayang," nakahawak na sa t'yan na kuwento ni Cally. Pati ang iba ay natawa sa paraan niya ng pagkukuwento. Natawa nang malakas si Aizan. "Naaalala ko 'yon!" "Wala ka pa naman dito no'n," ani Kuya Jaywen. "Puro Ben 10 pa lang ang inaatupag niya sa Australia noon," sagot naman ni Asher kaya mas lalong napanguso si Aizan. "What's so bad about Ben 10? He’s cool kaya!" parang bata na singhal nito. Natawa kaming lahat sa naging reaksiyon niya dahil para talaga siyang bata. "Eh, alam niyo ba no’ng bata si Jaycee…" Tumigil si Dad at mapang-asar na tumingin sa 'kin. Napataas ang pareho kong kilay, nagtatanong sa kaniya. Natawa siya bago magpatuloy sa pagkukuwento. "Bumibili siya ng ice cream at may hawak na 20 pesos, pero ang sabi ng tindero ay 10 pesos lang daw. Kaya naman..." Nagpipigil na si Dad ng pagtawa. "Pinunit niya ‘yong bente! Sa gitna!" Napuno ng halakhakan ang dining room dahil sa kuwento ni Daddy. Hindi na masiyadong malinaw sa 'kin ang nangyari pero naaalala ko pa rin 'yon. "And when she was on the 8th grade, I saw her washing her own clothes dahil wala ang mga maids. And she thought na binabanlawan ang fabric conditioner," kuwento naman ni Kuya Jaywen. "Kuya!" singhal ko dahil kanina pa akong sentro ng tawanan. Pati si Asher na nasa tabi ko at kalong si Luke ay hindi rin mapigilan ang pagtawa, dahilan para mas lalo akong mapanguso. "Ayos lang 'yan, Jay. Akala ko rin, eh,” ani Ivy kaya mas lalong lumakas ag tawanan. "Ito na ang last..." Inintay ng lahat ang sunod na sasabihin ni Mommy. "Akala niya ang kanin na ginagawang fried rice ay 'yong spoiled rice!" "Mom!" saway ko ulit, pero halos 'di rin nila narinig dahil ang lakas ng tawanan nila. Hinamapas ko si Asher sa tabi ko na sinaktan na ng t'yan dahil sa sobrang pagtawa. Gabi na nang makauwi kami ng Manila. Hindi ko na pinayagan ang mga kaibigan ko na matulog sa bahay namin dahil magkikita-kita rin naman kami bukas dahil may munting celebration daw ulit para naman sa mga kakilala namin rito sa Maynila. Baka kasi masiyado na akong abala at hindi na sila nagkakaroon ng quality time kasama ang pamilya nila dahil sa laging pagbisita sa 'kin. "Can't we stay here longer, please?" Cally pouted and showed me her puppy eyes. "Baka pagod na kayo," pilit ang ngiting sabi ko. Nahihiya na rin kasi ako na masiyado akong nabibigyan ng atensiyon kahit hanggang ngayon gayong magaling na ako. "Bukas na lang, ah? Baka hinahanap na kayo sa inyo." Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa noo nang umasta silang walang naririnig. "Uy, si Tita naghahanda ng snacks!" ani Aiden. "Tulungan natin, tara!" Niyaya niya 'yong tatlo at tinulungan si Mommy. Iniwan na lang nila ako sa kinatatayuan ko at talagang hindi pinansin ang pagpapauwi ko sa kanila. Gusto ko silang makasama pero pakiramdam ko talaga ay nakakaabala na ako. Ang kukulit! "Thanks, boys.” Narinig kong sabi ni Dad na kakapasok lang. Nilingon ko sila sa likuran ko at kasama niya sina Kuya, Aizan at Asher na tumulong sa pagbababa ng mga gamit namin. "Lilinisin ko muna ang van, Dad,” ani Kuya Jaywen. “Ipagawa mo na lang sa iba, Jaywen.” “It’s okay, Dad.” Umulan kasi kanina sa dinaanan namin, sabi ng driver ay shortcut daw iyon kaya naman doon kami napadpad. Maayos naman dahil napabilis talaga ang pagdating namin dito, pero natiyempuhan lang na umulan talaga. “We’ll help po, Tito,” Asher said. He glanced at me before dragging Aizan outside with them, who obviously didn’t like the idea. ----- - larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD