Separated Love
by larajeszz
Chapter 73
Jaycee’s POV
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa naramdaman kong braso na humigpit ang yakap sa baywang ko. Pagkadilat ng mga mata ko ay agad na umangat ang paningin ko sa kaniya, do'n ko nakita ang natutulog na mukha ni Asher. Hindi na ata maiaalis sa akin ang mapangiti sa t'wing matititigan ko ang mukha niya.
Mas hinigpitan ko rin ang yakap sa kaniya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Bigla ay naalala ko ang mga nangyari kagabi, mas lalo kong nabaon ang mukha ko sa dibdib niya at lalo ring humigpit ang yakap ko sa kaniya. Dahil sa ginawa ko at nagising ko ata siya.
I confirmed it when I heard him smirked. "Good morning, my beautiful wife," he greeted me and kissed the top of my head. "Maaga pa, you haven't gotten an 8-hour sleep. Aren't you tired?"
"N-no... I'm fine," sagot ko habang pilit ko pa ring itinatago sa kaniya ang mukha ko.
Panibagong kahihiyan na naman nang maalala ko 'yong kagabi. Sigurado akong nakatulog ako nang walang saplot na kahit ano at ang blanket lamang na nasa kama ang pumoprotekta sa katawan ko, pero nang gumising ako ngayon ay may suot na akong damit! Pero alam ko sa sarili ko na hindi panaginip ang mga nangyari kagabi... dahil masakit ang parteng 'yon.
"Do you want to eat breakfast?" he asked with his husky morning voice.
"We’re having breakfast with our friends, right?" sagot ko sa kaniya.
"I almost forgot about that," he said.
Pinilit kong bumangon para magawa ko siyang gisingin nang maayos. "Hindi ba dapat ay nag-aayos na tayo?"
Naidilat niya ang mga mata dahil sa tanong ko. Hinilamos niya ang mukha gamit ang dalawang palad para mas lalo siyang magising. Tumango siya sa sinabi ko at naupo na rin sa kama, nilingon pa niya ako at napangiti nang malawak.
"I couldn't kiss you right now because I just woke up," he laughed after saying that.
Hindi ko malabanan ang mga tingin niya kaya napagdesisyunan kong bumaba na sa kama para maligo. Muntik na akong matumba nang hilahin niya ako sa isa kong kamay, at sa isang iglap lamang ay kulong na naman ako sa mga braso niya.
"Why are you feeling so shy when you're with me, hmm? Did I do something that you didn't like?" he said while hugging me tightly.
“Wala… wala naman.” It’s me who wanted it, yet here I am, embarrassed about what happened.
I heard him sighed. "Was it about what happened last night?"
Hindi kaagad ako nakasagot pero maya-maya lang ay tumango na lang din. “I’m just not used to it yet, but I’m sure I will.”
“Don't think about me, and think about yourself if your body is ready and willing to do it.”
I shook my head, “I was willing. It’s just that… the feeling is just new.”
Hindi ko inaasahan ang mahina niyang pagtawa. “I really thought you were drunk last night.”
Mahina kong sinuntok ang dibdib niya at tumayo na para magsimula nang maligo.
“Tumayo ka na r’yan, baka mamaya ay hindi sila makakain kakahintay sa atin.”
Dahan-dahan ang paglalakad ko papunta sa may pinto. Iba talaga sa pakiramdam, pero hindi ako nagrereklamo. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang bigla niya akong tawagin.
“Yeah?”
Hindi siya nakatingin sa akin nang kausapin ako, “Just wear a dress, so you’d… feel comfortable.”
“Okay, sure,” naguguluhang sagot ko.
Pagkatapos naming makapag-ayos ay tinanong ko ang mga kasama namin kung saan ba kami kakain ngayon. Akala ko ay pupunta pa sila rito para sabay-sabay kami pero sinend lamang sa akin ni Cally ang address ng restaurant para makapunta na kami ni Asher.
“Hi, good morning!” bati ni Byron nang makitang pumasok na kami ng resto.
Lumapit na kami sa kanila at nagmano sa mga nakatatanda.
I thought I'd be sitting at the same table as my parents, but my friends just won't take a break.
"How was the first night?" Cally asked, and her eyebrows were going up and down, teasing me.
I just awkwardly smiled because I felt Asher was watching and listening to our conversation right now. He’s just beside me, so it would’ve been impossible if he could not.
“It was fine…” sagot ko.
“Ano ba ‘yan? Wala man lamang thrill! Ikuwento mo na, ‘di naman kita ija-judge, eh!”
Dapat pa rin bang ikuwento sa kaibigan ang gano’ng bagay? Laking pasasalamat ko na dumating na ang waiter na dala ang menu kaya napatigil na si Cally sa pangungulit.
“Cally Laurel, manahimik ka na nga muna,” saway ni Aiden sa kaniya. “You’re making her uncomfortable.”
Gulat akong nilingon muli ni Cally at hinawakan sa braso. “Hala, did I made you feel uncomfortable, Jaycee?” Finally, she sensed that I do not want to talk about… “Sige mamaya mo na lang ikuwento sa akin.” What the… Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang ibulong niya ‘yon sa akin, at kumindat pa siya after sabihin ‘yon!
I just placed an order for tuna carbonara. I hadn't had carbonara in a long time and was missing it, which is why I ordered it.
“Bukas na ang pagpunta natin sa Cebu, ‘di ba?” tanong ni Syrine sa amin nang makaalis ang waiter.
“Bukas?” naguguluhang tanong ko. “I thought it was the day after tomorrow?”
Syrine shrugged her shoulders, “I think I heard Tita Mariel. Sabi niya ay dapat na tayong magpunta sa Cebu bukas.”
“Yeah, she did say that.” Napalingon kami kay Aizan nang sabihin ‘yon. “I also don’t know why, but I heard her too.”
Hindi naman sa ayaw kong magpunta sa Cebu, excited na excited na nga ako, eh. Pero nakalaan para bukas ang pags-stay namin ni Asher sa tree house, napagkasunduan naming do’n lang muna kami buong araw dahil baka raw may gusto akong baguhin sa mga gamit do’n.
Malungkot akong napatingin kay Asher at agad niyang hinawakan ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. “Don’t worry, I’ll go talk to her,” he said. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
“Sino nga ulit ‘yong pinsan niyong nasa Cebu, Jaycee?” tanong ni Byron.
“Si Matthew, bakit?”
Natawa siya bigla, “Kagabi kasi- aray!”
“Bakit? Ano ‘yon?” Tumingin ako kay Ivy dahil siya ang katabi ni Byron kaya alam kong siya rin ang pumigil dito. “Nililigawan ka na ba ni Matthew?” nakangising tanong ko sa kaniya.
“Yuck! Hindi ah!” sagot niya na may halong pandidiri.
“Why not? He a good baker, matalino, at may itsura rin naman,” sabi ni Kuya Jaywen. “It runs in the blood.”
“Ayaw ko pa rin, maingay ang isang ‘yon,” nakasingamgot na dagdag ni Ivy. “Gusto ko ng payapang buhay.”
Lumapit at may binulong sa akin si Cally habang nagsasalita si Ivy, para hindi siya mapansin nito.
“Tumawag si Matthew d’yan kagabi, umiiyak kasi-”
“Hoy, manahimik ka nga Laurel!”
Hindi ko pinansin ang pagbabawal ni Ivy pero siya na ang diretsa kong tinanong. “Bakit umiiyak si Matthew? May nangyari ba?”
Bumuntong-hininga siya at magkasalubong ang mga kilay nang magsisimula nang magkuwento, mukhang labag pa sa kalooban niya.
“Wala, maayos naman daw siya. Umiiyak lang kasi nalaman na kinasal ka na raw pala, bakit daw hindi mo siya inimbita.” Inis siyang napakamot sa ulo niya, “Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nasa kaniya pa rin ang number ko. Ang sabi niya no’ng hiningi niya ‘yon ay pagkatapos ng one month ay buburahin na niya! Ilang taon na ang nakakalipas ay nasa kaniya pa rin.”
“Eh, ‘di uto-uto ka pala,” pang-aasar ni Aiden sa kaniya.
“Uy, kunwari ka pa d’yan. Eh, ‘di sana nagpalit ka ng number!” sabi naman ni Cally.
Pati si Syrine ay nakisali na rin. “Bakit magpapalit? Baka naghihintay rin siya ng text or tawag, eh.”
Lalong sumama ang reaksiyon ni Ivy. “Nakakadiri naman! Never ko nga ‘yong naisip ni minsan, eh!”
“’Wag mo ngang pandirihan si Matthew. Magkamukha kaya sila ni Kuya Jaywen,” natatawang sabi ko at pinanuod ang naging reaksiyon ni Kuya.
“We don’t look alike, may hawig lang,” paliwanag niya.
“Isn’t that the same?” tanong ni Asher habang umiinom ng tubig.
“I also don't know how to explain it, but I'm pretty sure it's not the same.”
Iba talaga ‘tong dalawang ‘to, at lalo na ang Kuya ko dahil parang hindi siya rito lumaki dahil marami siyang tagalog words na nasasabi pero hindi niya alam ang meaning.
“Ang hawig ay may ilang features lang sa mukha na parang magkapareho, at ang magkamukha naman ay ‘yong magkamukha talaga,” paliwanag ko at lumingon kay Asher at tinuro sila magkapatid. “Gaya niyong dalawa ni Aizan, magkamukha kayo.”
Halos mabulunan si Aizan sa pag-inom ng iced tea dahil sa sinabi ko. “No way, ‘wag niyo nga akong dinadamay ‘yan.”
"Tsk, and he still has the audacity to complain." He leaned closer to his brother and asked, "Do you think I'm happy with the fact that you have my face?"
“No, Kuya. I don’t have your face, but you have mine,” pakikipagtalo niya.
“However, I am older than you. You are, technically, the one who has my face.”
“I disagree.”
Asher sighed, “You're still a kid. That's why you're still confused about how the world works, bro.”
“Tsh, you’re just old,” bulong ni Aizan.
Umigting na lamang ang panga ni Asher sa pagpipigil na saguting muli ang kapatid. Natawa na lamang kaming mga nakakakita. So, this is how siblings of the same gender fight? I had no idea because this isn't how me and my brother fought before. We would just pretend that the presence of the other one wasn't there.
“What’s happening here?” natatawang lumapit sa amin si Tita Mariel at pumuwesto sa may likuran ko.
“Nag-aaway po mga anak mo, Tita,” sagot ni Cally at muling binalingan si Aizan at pinagsabihan kung bakit nakikipagtalo pa ito sa mas matanda sa kaniya.
“Ano naman ang pinag-aawayan ninyong dalawa?” tanong ni Tita ro’n sa dalawa.
“Jaycee said that me and Kuya look alike,” sabi ni Aizan sa Mommy niya.
“It was unnecessary for you to bring her up,” Asher said while gritting his teeth.
Napailing si Tita sa dalawa, “Why would you fight over that? It's true, though. You both got your looks from me. Right, Jaycee?” Hinawakan ako ni Tita sa magkabila kong balikat kaya nakangiti akong tumango sa kaniya. Kahit ang mga kaibigan namin na naroon sa lamesa ay nakitango rin.
“Mom, I have to talk to you.” Tumayo si Asher at inalalayan ang Mommy niya sa paglabas ng restaurant. “I’ll be back,” pagpapaalam pa niya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang sa pagdating ng order namin ay hindi pa rin bumabalik si Asher. Hihintayin ko na lang, hindi pa naman ako masiyadong gutom.
“Jaycee, eat your food,” sabi ni Kuya Jaywen nang mapansing hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko. Napatingin ako sa mga plato nila at halos patapos na silang lahat sa pagkain.
“Hihintayin ko na si Asher, hindi pa naman ako masiyadong gutom, eh,” pilit akong ngumiti sa kaniya at tumango naman siya. Palusot ko lang ‘yon, ang totoo ay gutom na ako pero hindi ko magawang kumain dahil baka ‘pag nauna ako ay wala nang kasabay si Asher mamaya.
Ang kaninang matamlay kong mukha ay napalitan ng saya nang makita ko na papasok na silang dalawa ni Tita Mariel.
“Go eat your food,” walang reaksiyon na sabi ni Tita kay Asher, hindi rin ito makatingin rito.
Umupo nang muli si Asher sa tabi ko at nang makitang nakatingin ako ay pilit siyang ngumiti.
“May problema ba?” tanong ko na inilingan naman niya. “Ano’ng sabi ng Mommy mo? Bukas na raw ba talaga tayo pupunta ng Cebu?”
Bumuntong-hininga siya at mataga bago nakasagot. “She was right. I think we have to go tomorrow. We’ll settle things in our home next time. Hmm? Would that be fine?”
I faked a smile and nodded my head, “Sure.”
Nagsimula na siyang kumain pero ako ay nanatiling pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila… but I have a bad feeling about this.
-----
-larajeszz