Separated Love
by larajeszz
Chapter 63
Jaycee’s POV
Hindi ko alam kung lalapitan ko ba si Asher para magpaliwanag o hayaan na lang muna. Dumating na rin ang pagkain na in-order nila kanina pa kaya sinabihan na nila akong maupo, hindi na ulit ako nagawang tingnan ni Asher after no’n.
“After kumain, gawa tayo ng campfire!” suggest ni Ivy. “Hindi ko alam na malamig pala rito ngayon.”
Tumango naman kaming mga katabi niya. Pasimple pa akong sumulyap kay Asher, nagulat kaming pareho nang magtama ang tingin namin kaya awtomatiko na siyang nag-iwas ng tingin. Ano ba ang gagawin ko? Hindi naman kami madalas mag-away at matagal na simula no’ng huli.
“Magkaaway kayo, ‘no?” bulong ni Cally habang busy pa rin sa pagkain.
Bumuntong-hininga ako, “Hindi ko alam kung masasabi bang magkaaway pero… galit ata siya sa ‘kin?”
“Hala, bakit naman?”
Nag-alinlangan pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya, baka isipin niyang idinadahilan ko lang si Asher para hindi magsuot nitong two-piece na pinasuot niya.
“Sabihin mo na!” pamimilit niya.
Mariin akong napapikit bago ibinulong sa kaniya kung bakit. “Galit siya na ganito ang suot ko.”
Muntik pa siyang mabulunan dahil sa sinabi ko, “Bakit hindi mo agad sinabi?!” sigaw niya. Tinakpan ko pa ang bibig niya at sinenyasang ‘wag siyang maingay. “Eh, ‘di sana hindi na kita pinilit na isuot ‘yan,” bulong na niya.
“Eh, akala ko kasi… baka isipin niyong idinadahilan ko lang si Asher dahil ayaw kong magsuot nito.” Tinuro ko ang suot-suot ko.
“Bakit naman namin iisipin ‘yon? May tiwala naman kami sa mga sinasabi mo,” pagtatampo niya.
“Oh, baka pati ikaw ay galit din sa ‘kin?” nakangusong sabi ko sa kaniya.
Hinampas niya ako sa braso, “Hindi ako galit, kumain ka na nga r’yan!”
After kumain ay gumawa nga kami ng campfire at naupo kaming lahat sa paligid no’n. Sa tabi pa rin ako ng mga kaibigan ko naupo dahil nakakahiya namang tumabi sa kaniya bigla na parang walang nangyari.
Pinagmasdan ko ang apoy at kung paano ‘yon unti-unting lumalaki at lumalakas dahil sa tulong ng mga kahoy na nasa ilalim niya.
Umihip muli ang malakas na hangin kaya naramdaman ko ang lamig noon at napayakap ako sa sarili. Pero nabawasan ang lamig na nararamdaman ko nang may maramdamang may nagpatong ng tuwalya sa mga balikat ko.
Alam kong si Asher ‘yon sa amoy pa lang na dala na rin ng malakas na hangin. Huli na para makapagpasalamat pa ako dahil naglakad na siya paalis at naupo sa puwesto niya. Galit pa rin siya…
Ang puwesto namin sa campfire ay ako, si Cally, Aizan, Asher, Kuya, Syrine, Ivy, Aiden at si Byron na nasa tabi ko na.
“Bakit hindi kayo magkatabi?” bulong ni Byron sa akin at nakanguso sa direksiyon ni Asher.
“Baka… gusto niya lang sa puwesto na ‘yon,” sagot ko na lang.
Hindi na siya nang-usisa pa at tumango na lamang. Ayos lang din naman sa akin na hindi kami palagi magkatabi, pero hindi ganito na… magkaaway.
“Kuya, anong ginagawa mo r’yan? Nandoon si Jaycee, oh!”
Napapakit na lamang ako dahil kay Aizan, dahil sa kaniya ay na-realize na rin ng iba naming kasama na hindi kami magkatabing dalawa.
“I know,” sagot ni Asher at nagpatuloy sa pag-iihaw ng marshmallow niya.
Hindi na nagawang makasagot ni Aizan dahil sa sinagot ng kapatid niya, aaminin kong nasaktan ako ro’n sa sagot niya. Napatingin ako kay Kuya Jaywen at puno ng pagtatanong ang mga mata niya, mukhang nag-aalala rin siya sa akin kaya nginitian ko siya para sabihing okay lang ako.
“Ikaw na mag-adjust, girl.”
Inilingan ko si Cally, “Ayos lang, baka kailangan din namin ito.”
“’Wag na ma-pride, go na agad!”
Umiling pa rin ako sa kaniya kaya napasimangot siya.
“Asher, gusto rin daw ni Jaycee ng marshmallow!”
Pinanlakihan ko ng mata si Cally at mahinang hinampas-hampas sa likod niya.
“She doesn’t eat marshmallows, though,” Asher said, busy pa rin sa marshmallow niya.
“Gusto raw niyang i-try!” sabi naman ni Syrine na nasa may tapat ko.
“Oo nga, sinabi niya rin sa akin kanina sa room,” sabi ni Ivy at mukhang hindi umaarte na para bang sinabi ko ba talaga ‘yon.
“Gusto nga rin n’yan kanina na magsawsaw ng marshmallows do’n sa chocolate fountain sa party. ‘Di ba, Byron?” Tinapik ni Aiden sa braso si Byron para sumagot din ito.
“Ah, oo!”
Asher smirked. I know what he’s thinking, imposibleng hindi niya alam na hindi totoo ‘yong mga sinasabi nina Aiden at Byron dahil kaming dalawa lamang ang magkasama kanina sa party ni Byron.
Pero kahit na gano’n ay tumayo pa rin siya at iniabot niya pa rin sa akin ‘yong kanina pa niyang iniihaw na marshmallow.
“T-thanks…”
“Careful, it’s still hot,” paalala niya.
Hindi ko alam na pati pala sa pag-iihaw nito ay magaling siya, tamang-tama lamang ang pagka-brown no’n at hindi ‘yon mukhang sunog.
Kahit na hindi naman talaga ako kumakain no’n gaya ng sinabi ni Asher ay pinilit ko ‘yong ubusin. Hindi ko alam na masarap pala ang marshmallow kapag inihaw ‘yon, may kaunti siyang lutong at hindi ‘sing tamis ng normal lang na marshmallow.
Inalok ko si Byron na nasa kaliwa ko at kumuha naman siya ng isang piraso.
“’Di ko alam kung okay lang ba na kumuha ako dahil ang sama ng tingin ng boyfriend mo, pero naiinggit ako kaya kukuha na rin ako.” Dahil do’n sa sinabi ni Byron ay napatingin ako kay Asher at pinapanuod niya pala kami ni Byron.
Alam kong alam niya na nakatingin ako pero hindi siya nag-iwas ng tingin, baka gusto niyang ipaalam sa akin na nanunuod pa rin siya kahit na galit siya. Or baka naman… nagseselos na naman siya kay Byron?
Para fair ay pati si Cally na nasa tabi ko ay binigyan ko rin, mas lalong sumeryoso ang mukha ni Asher. Bakit parang mas lalo siyang nagalit? Hindi ko alam kung ano ang mali kong nagawa, masama ba’ng magbigay sa kaibigan?
Dalawang marshmallow na lamang ang nandodoon sa stick. Nakatingin pa rin si Asher sa direksiyon ko pero hindi direktang sa mga mata ko, sa hawak ko siya nakatingin.
Bumuntong-hininga ako at binabaan ko na ang pride ko, tumayo ako at sinabi kina Aizan at Cally na umusod para makaupo ako sa tabi ni Asher. Inalok ko siya ng marshmallow, mukhang nagulat pa siya na tinabihan ko siya ro’n.
“Kumuha ka na, baka ipagdamot ko pa ‘to,” sabi ko sa kaniya. “Sige na, kaya ko na ‘tong ubusin. Hindi ko alam na masarap pala ‘to,” pagngiti ko habang pinagmamasdan ang hawak.
Nginitian ko siya at gano’n din ang ginawa niya. Inayos ko ang balabal at tuwalya sa katawan ko bago siya tingnan sa mga mata.
“Sorry…” panimula ko. “Ayaw kong isipin mo na hindi ako sumusunod sa mga gusto mo. Don’t worry, next time ay-”
Isinubo niya bigla sa akin ang isa sa mga marshmallow na nasa stick para hindi na ako makapagsalita.
"There's no need, and I… don't want you to think I'm interfering with your freedom to do the things that make you happy."
I clung to his arms and laid my head on his shoulder with a wide smile on my face.
Hindi ko na pinansin ang mga mata na nanunuod sa amin, basta masaya ako na nasosolusyunan kaagad namin ang mga ganitong away at hindi na ito lumalaki pa.
-----
-larajeszz