Separated Love
by larajeszz
Chapter 64
Jaycee’s POV
Matapos ang matagal na katahimikan ay napagdesisyunan ni Aizan na bumili ng ukulele sa isang store ro’n na mamaya lamang ay magsasara na. Tumayo si Kuya Jaywen para sundan siya dahil baka raw hindi maganda ang mapili nito.
Umusod sa may tabi ko si Cally na may ngisi sa mukha, “Hindi ka rin nakatiis,” aniya at tinusok-tusok ako sa tagiliran.
“Tigilan mo ‘ko,” pagsaway ko sa kaniya.
“Hindi pala si Cally ang pinakamarupok dito,” pang-aasar naman ni Ivy.
“Hindi rin naman ako,” depensa ko agad kahit na wala naman siyang binabanggit na pangalan. Was I too depensive?
Narinig ko ang pagtawa ni Asher sa tabi ko kaya sinimangutan ko siya, is this fun?
“Oh, kababati niyo lang mukhang mag-aaway na naman kayo.” Sabi ni Byron na nanunuod kung paano ako asar-asarin ng mga kaibigan ko.
“Kayang ayusin ni Jaycee ‘yan, dahil siya ay maru-”
Pinutol ko ang sinasabi ni Ivy, “Nagugutom ako.” Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanila. Alam kong sumunod si Asher sa akin.
“Excuse us,” paalam niya sa mga kaibigan ko.
‘Don ako nagpunta sa kinainan namin kanina, masarap ang mga pagkain dito pero hindi ko nagawang kumain kanina dahil nawalan ako ng gana.
“Hindi naman ako gano’n,” bulong ko sa sarili pagkaupo.
“Hindi ano?” naupo si Asher at tinanong ako ng tungkol sa huli kong sinabi.
“Wala,” sabi ko na lang. Hindi na siya ulit nakapagsalita dahil dumating na ‘yong umoorder. Buttered tahong lamang ang in-order ko dahil ‘yon na yata ang pinakamabilis na maluto rito sa dami ng mga seafoods na tinitinda nila. “How about you?” tanong ko kay Asher.
Umiling siya, “No, thank you. I’m still full.”
“I want to drink. I want to get drunk, and I don’t know why.” I shrugged my shoulders.
“Is something still bothering you?” Ipinatong niya ang mga siko sa countertop na para bang handing-handa na siyang makinig sa sasabihin ko.
Tumawa ako at umiling, “Wala, ang tagal ko na rin kasing hindi nakakatikim ng hard drinks.”
“That’s the only reason?” he asked. “You’re not a strong drinker.”
“Is that an insult?”
“It’s a fact.”
Nakita kong pabalik na sa campfire sina Kuya at Aizan kaya sinenyasan ko silang ituloy na ang gagawin nila kahit wala pa kami, pero sumenyas din silang hihintayin na lang ako sa pagkain.
“Besides, you have a very low tolerance,” natatawang dagdag niya pa. “And you do some stuff.” Tumalikod pa siya sa akin pagkatapos sabihin ‘yon dahil sa pagpipigil ng tawa.
“Hindi ah!” pagtanggi ko. Nakita na ba niya akong nalasing? Maybe he already did... “Ano ba’ng… ginagawa ko ‘pag nalalasing?” nahihiya man ay tinanong ko pa rin.
“You can’t remember?” hindi makapaniwalang tanong niya. Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa dagat kahit na madilim na at hindi na masiyadong tanaw ‘yon. “I wish I could forget about it as well.” He whispered something I did not hear.
“Ano nga ‘yon?” pangungulit ko ulit.
Bumuntong-hininga siya bago ngumiti. “Nothing, I promise you wouldn’t want to remember it."
Hindi na kami nakapag-usap pa dahil dumating na ang in-order ko. Hindi na ako kumain ng rice dahil sigurado akong lagpas 6 PM na kaya tahong lamang talaga ang in-order ko. Inaalok ko siya pero sabi niya ay busog daw talaga siya kaya ako lamang mag-isa ang kumain no’n lahat. Mabuti na lamang at marami akong taklob na nakalagay sa katawan ko dahil paniguradong bloated ako sa rami ng nakain ko.
Pagbalik namin sa campfire ay agad iniabot sa akin ni Aizan ang ukulele na binili nila kanina.
“You can sing, according to Kuya,” aniya.
Hindi ko alam kung sinong ‘Kuya’ ang tinutukoy niya dahil pareho namang ‘yon na ang tawag niya sa kapatid niya at sa kapatid ko. Hindi na rin ako nakatanggi dahil nagpalakpakan at nagkantyawan na silang lahat.
One Day by Matisyahu lamang ang kinanta ko. Nag-request pa sila pagkatapos no’n pero sabi ko ay i-try naman ng iba.
“Kuya, ikaw naman!” Inabot ni Aizan sa kapatid ang ukulele. “Bilis, nangangalay na ako.”
“I don’t sing,” Asher said.
“You definitely do. Last year, you sang at Aiden's birthday party,” sabi ko naman.
“That was…” Bago pa niya masabi ang dahilan niya ay ako na mismo ang nag-abot sa kaniya ng ukulele.
Ang kinanta naman niya ay Ehu Girl ni Kolohe Kai. Slow version ang ginawa niya kaya naman imbis na mapasayaw ay nag-sway na lamang kaming mga nakikinig sa kaniya.
“Ang birthday boy naman!” kantyaw ni Cally.
Nagulat pa si Byron, “Nakalimutan ko nang birthday ko nga pala ngayon.”
Ilang beses pa naming pinagpasa-pasahan ang pagtugtog ng ukulele hanggang sa mapagod na rin kami.
“May gusto ba kayong i-share?” Napatingin silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Luminga ako sa paligid at nakitang kakaunti na lamang ang mga tao sa labas at halos kami na nga lamang at ang ilang mga nagtitinda na nagliligpit na para magsara ng mga tindahan nila. “Gaya ng mga problems, mga worries or kinatatakutan.” I shrugged, “Kayo ang bahala.”
Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin, siguro lahat kami ay nag-iisip kung magkukuwento ba kami o kung ano ang ikukuwento namin.
“I’ll go first.” Binasag ni Kuya Jaywen ang katahimikan. “Basta lahat ng sasabihin natin dito ay atin-atin lang, ha?”
Tumango kaming lahat sa kaniya. He doesn’t know where to start, nilalaro niya ang mga kamay niya dahil mukhang kinakabahan din siya.
Bumuntong-hininga siya bago nagsimula sa pagkukuwento. “Being the eldest child is the hardest,” panimula niya. Nakita kong tumango sina Asher at Syrine, sila rin ang panganay sa mga kapatid nila. “I'm not saying it's hard because of my younger sister, but it's just naturally hard. Because high expectations are on your shoulders, even if our parents would say that we should just do our best, there are still disappointments in their eyes if we fail something they expect us to be good at.”
‘Yon pa lamang ang nasasabi niya ay naluluha na ako. Ever since naman ay alam ko nang mahirap kay Kuya ang pagiging panganay, pero iba pala sa pakiramdam na maririnig mong nanggagaling talaga mismo sa kaniya na nahihirapan siya. All these years, ngayon lang siya nagka-chance na maglabas ng gusto niyang sabihin.
“When I became a medical student, it felt much more difficult. My father's choice, rather than mine, was to become a doctor. Fortunately, I get used to it and eventually loved what I was doing.” He stopped there with a wide smile. “That’s all I can share for tonight.”
Tumayo ako at naglakad papalapit sa kaniya, I hugged his back and cried. It was sad, yet it felt good. People will not always have the chance to see us in this view.
“I love you, Kuya,” I whispered to him.
Mahina siyang tumawa at hinarap ako para mayakap din. “Why are you crying?” Hindi ako sumagot at mas lalo lang akong naiyak nang tanungin niya kung bakit. “I don’t cry,” he said at tumingin sa taas para hindi tumulo ang namumuong luha sa mga mata niya.
“I’m next,” Byron volunteered. Hinintay namin ang sasabihin niya, all eyes were on him. He sighed for a few times before saying, “My Dad… doesn’t know I’m a pansexual.”
-----
-larajeszz