Chapter 62

1886 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 62 Jaycee’s POV Tahimik lamang kami nang bumalik si Byron sa dining. Hindi niya alam na may ilan kaming narinig sa pinag-usapan nila ng Daddy niya, at hindi na niya dapat malaman pa. Walang reaksiyon at tulala siyang umupo sa kabisera, walang nag-abala sa amin ng mga kaibigan ko na tanungin siya kung okay lamang ba siya dahil magsisinungaling lang siya kung sasabihin niyang ‘oo’. “Let’s…get out of here,” he said. Wala pa ring reaksiyon pero nakatingin na siya sa aming lahat. “Saan tayo pupunta?” Syrine asked. Byron shrugged, “Anywhere. Just far away from here… just not in this place.” Tumayo si Kuya Jaywen at pumalakpak ng isang beses. “I know a place!” Hindi kami sa front door dumaan dahil paniguradong may ilan ding mga bisita ro’n. Mayroon daw daan sa likod ng bahay nila na hindi makikita ng mga tao na nasa backyard nila kung nasaan ngayon ang karamihan ng mga tao. Pagkalabas namin sa gate na nasa likod ng bahay nila ay kalsada ang sumalubong sa amin. Mataas naman ang bakod nila kaya parang napakaimposibleng makaalam na lumabas kami ro’n. “Just stay here, I’ll bring the van here so we won’t get the people’s attention.” Tumango kami kay Kuya at hinintay siya sa pagkuha niya ng van. Pinagmamasdan ko lamang si Byron na tulala pa rin na nasa may unahan ko. “I wonder kung saan tayo dadalhin ni Boss Jaywen,” ani Aizan. “Maganda naman ang taste no’n, kaya for sure ay sa maganda at nakaka-relax tayo no’n dadalhin,” sagot naman ni Syrine. “I have a feeling kung saan,” sabi ko kaya napatingin silang lahat sa akin at mukhang naghihintay ng sagot. “Batangas?” Tama nga ako dahil pagbalik ni Kuya Jaywen do’n ay sinabi niya saming nakausap na niya si Tito Erman na may-ari ng resort na napuntahan na rin namin noon. Sumakay na kami at si Syrine ang naupo sa passenger’s seat, sa first row ay si Asher, ako, at si Byron. Sa second row ay solo iyon ni Ivy dahil matutulog daw muna siya, at sa pinakahuling row ay si Aizan, Cally at Aiden. “Where exactly are we going?” tanong ni Aiden sa likuran. “Beach?” Kuya answered. Pumalakpak si Aiden, “Akala niya siya lang makakapunta sa beach, ah!” “Sino na naman ‘yang kaaway mo? Hilig mom ang-away kapag wala ‘yong tao sa harap mo, susumbong kita ro’n ‘pag nakilala ko kung sino ‘yon,” sabi ni Cally. “Ayos lang ba sa ‘yo na mag-beach tayo ngayon?” tanong ko kay Byron na nasa tabi ko. He nodded, “Yeah, walang problema.” Umandar na kami at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako na nakahiga sa balikat ni Asher at natanaw ko sa labas ang pamilyar na daan. We’re almost there! “How’s your sleep?” Asher asked. Inirapan ko siya, “Feeling ko ay humihilik na ako kaya natatawa ka r’yan.” Lumapit sa akin si Byron at bumulong. “Hindi ikaw ang humihilik.” Sumenyas siya na ‘wag ako magsalita para marinig ko. Si Ivy ‘yon sa likod namin, hindi naman siya usually humihilik kaya baka pagod lamang siya. Lumiko na si Kuya Jaywen sa kanto na papunta na sa resort ni Tito Erman. “You’re going to love this place,” I said with a smile. “Galing na ba kayo rito?” tanong ni Byron at nilingon kaming lahat “Yeah, once. Nagbakasyon kami rito no’ng Grade 12 pa lang sila.” Si Aizan na ang sumagot. “Talaga? Anong nangyari?” Natahimik kaming lahat, naroroon kami nanag mag-collapse ako at nalaman namin noon na may cancer na pala ako. “Nothing much, dahil ‘di kami nagtagal no’n. But still, masaya naman.” Ako na ang sumagot dahil parang hindi nila alam ang dapat na sabihin. “We’re here! Nasabi ko na kay Tito Erman kung ilan tayo, don’t worry about the p*****t and just enjoy yourselves. Sa room 203 ang girls, and 204 naman ang boys,” Kuya explained. Malapit na maghapon pero maaliwalas pa rin ang paligid. Walang masiyadong tao ngayon kahit na weekend, may nakikita man akong pailan-ilan ay hindi sila kasing dami no’ng mga nakaraag punta namin rito. Tumingala ako sa langit at dinamdam ang pagtama ng araw sa balat ko, hindi rin ‘yon masiyadong mainit at masakit sa balat. “Ang daming nagbago, lalong gumanda!” Ivy said at mmukhang inaantok pa. “I missed this white sand!” Cally said with excitement. Natanggal na niya ang sapatos niya at ngayon ay nagsisimula nang laruin sa mga paa niya ang sand. Kinuha ni Aizan sa mga kamay ni Cally ang sapatos niya at hinubad din ang kaniya at ginaya si Cally. They held hands while doing that. Nagpunta na kami sa mga room namin at nagpahinga muna. Kahit na kagigising ko lamang sa biyahe ay inaantok pa rin ako. “Sinabi ko kay Jaywen na gisingin na lamang tayo kapag gusto nila mag-swimming or kaya kapag kakain,” ani Syrine. Kaming apat ay inaantok lang na nag-‘okay’ sa sinabi niya. Dalawang king size bed ang naroroon. Sa isa ay kami ni Cally ang nakahiga habang sa kabila naman ay sina Aiden, Ivy at Syrine. Nakatulog kaming lahat at paggising namin ay kulay kahel na ang langit sa labas, papalubog na ang araw. Kitang-kita ang tanawin dito sa room namin! Lumabas ako sa balkonahe at pinagmasdan ang araw, napakasarap talaga nitong panuorin. Pumikit ako nang humampas sa mukha ko ang malakas na hangin. Nagyaya na ‘yong mga boys na kakain daw sa isa sa mga seaside resto na naroon. Nagulat kami nang makita na naka-swimming trunks na silang apat, hindi ko alam na balak pala nilang maligo ngayon? “Ang daya, bakit hindi niyo kami in-inform?!” Ang tanong ni Cally ay para sa kanilang apat pero kay Aizan siya nakatingin. “Don’t be mad, nakigaya lang ako sa kanila…” sagot ni Aizan sa kaniya. Tumingin ako kay Asher at hindi ko alam kung bakit ba kanina pa niya akong pinagmamasdan, mula ata nang makarating sila sa harapan ng room namin ay hindi na nawala ang tingin niya sa akin. “Tara na, sumunod na lamang kayo, ah? Jaycee knows where we’re going.” Kahit na no’ng nagsalita si Kuya Jaywen ay nasa akin pa rin ang paningin ni Asher. “Why?” I mouthed. “Magbibihis din muna kami,” paalam ni Aiden sa kanila at pumasok na sila sa loob. Nagsimula na rin ‘yong mga boys maglakad kaya kami ni Asher ang naiwan do’n. Lumapit siya sa ‘kin at itinapat ang mukha sa akin dahil mas matangkad siya. “Bikini is fine, but two-piece is not.” ‘Yon lamang ang sinabi niya at nakapamulsa nang sumunod do’n sa tatlo. Hindi ko napigilang hindi mapangiti. Wala namang kaso sa akin kung pagbabawalan niya akong magsuot ng two-piece dahil unang-una naman ay hindi naman talaga ako mahilig magsuot ng gano’n. Dati nga ay naka-rash guard pa ako palagi sa t’wing magus-swimming kami. Nagulat ako dahil pagkapasok ko ay puro naka-two-piece ang mga kaibigan ko! “Jay!!!” Sinalubong ako ni Cally at may hawak na yellow na two-piece. Oh no… “Ito ang sa ‘yo!” Iniabot niya ‘yon sa akin at muntik ko pang mabitawan nang mag-echo sa isipan ko ang sinabi ni Asher. “Ayaw ko, sa inyo na lang ‘yan.” “Sige na, Jay!” pamimilit nila. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na ayaw akong pagsuotin ni Asher ng gano’n, ayaw ko namang matawag nilang KJ ang boyfriend ko. “Mamaya pa ay gabi na. Bakit kailangan pa nito?” “May schedule na pala ang pagtu-two-piece ngayon? Ayon na nga, eh! Gabi na naman mamaya kaya hindi na nakakahiya,” sagot ni Ivy. Hindi ko na nagawang tumutol dahil tinulak na nila ako sa CR para makapagpalit. Alam kong maaaring maging simula ‘to ng away namin ni Asher, pero alam ko ring hindi ako tatantanan ng mga kaibigan ko. Pagkalabas ko nang banyo ay nagpalakpakan silang apat. “’Yan, ang ganda!” sigaw ni Syrine. May inabot pa si Cally sa akin na parang balabal, sabi niya ay baka raw malamig na mamaya, para hindi kami lamigin. Ibinalot ko agad ‘yon sa sarili ko at tinakpan ang t’yan ko. Mukha naman akong naka-bikini nang matakpan ko ang t’yan ko. Ayos lang kay Asher ang ganito kaya tatakpan ko na lang ang t’yan ko hanggang mamaya, wala naman akong balak maligo sa dagat. Pumunta na kami sa mga seaside resto ro’n at nakita ko kaagad si Kuya Jaywen do’n sa paborito niyang kainan. Masasara at malalaki ang mga seafood na binebenta ro’n, hindi ko nga alam kung bakit sa mababang halaga lamang nila ‘yon ibinebenta. Napunta agad sa akin ang tingin ni Asher at sumenyas na ro’n ako sa tabi niya maupo, hinila ko pa pababa ang balabal dahil naramdaman kong nakita ang t’yan ko pero buti na lang at hindi niya napansin ‘yon. Inalalayan niya ako sa pag-upo dahil mataas ‘yon at walang sandalan. “Thank you,” I thanked him with a smile. Bumalik ang tingin niya sa kapatid niya dahil mukhang may pinag-uusapan sila. Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa counter at nagulat ako nang na-expose ang t’yan ko! Buti na lamang at nakatalikod siya sa akin. Mamaya sa pagkain… sigurado tataas at tataas ang balabal ko dahil kikilos ang mga braso ko, hindi naman puwedeng magpasubo ako sa kaniya. “Uh, Asher…” pagtawag ko sa kaniya. “Puwede bang… do’n muna ako sa tabi ni Cally? May pag-uusapan lang kami.” Tinalikuran niya agad ang kapatid at humarap sa akin. “Can’t you save your talk for later?” “Kasi… kanina niya pa akong tinatawag,” palusot ko. Napatingin ako kay Cally at wala naman sa akin ang paningin niya, masuwerte ata ako dahil tumingin sa puwesto namin si Cally nang lingunin siya ni Asher. I heard him sighed, “Fine.” Natakot ako dahil gano’n lang kaikli ang sinagot niya. I kissed his cheek before going para naman hindi na siya magalit, pero parang hindi ‘yon umepekto. “Oh, gurl! Bakit ka nandidito?” nagtatakang tanong ni Cally. “Eh, ‘di ba may pag-uusapan tayo?” sabi ko sa kaniya na may pilit na ngiti. Ramdam kong pinapanuod kami ni Asher. “Huh? Naku, wala akong gana dumaldal dahil gutom ako!” Bumulong ako, “Kunwari meron na lang, help me with this one.” Nag-isip pa siya at buti na lang parang mabilis niya kaagad naintindihan ang sitwasyon ko. “Ah, oo nga! Bakit ba ngayon ka lang? Kung saan-saan ka kasi pumupunta!” Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko pero nang umihip ang malakas na hangin ay hindi ko kaagad napigilan ang suot kong balabal. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay napataas na ‘yon bago ko pa man mahawakan. I saw how Asher’s face turned into a serious face. Nakita ko na naman siyang bumuntong-hininga bago nilayo ang tingin sa akin. I’m doomed… ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD