Separated Love
by larajeszz
Chapter 62
Jaycee’s POV
Hindi na ako hinayaan ni Asher na umalis do’n at siya na ang nagprisintang kumuha ng susi. Na-guilty tuloy ako, baka naisip niyang balewala sa akin ‘yong binigay niyang ‘yon dahil nagawa ko ‘yong kalimutan, mukhang excited pa naman siya na ipakita sa akin ang treehouse na ‘to.
Nang bumalik tuloy siya ro’n sa puwesto ko ay hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Nakaka-guilty talaga!
He reached for my hand and put the key on my palm. "You do the honors," he said with a wide smile.
Malungkot ang mukhang tinanggap ko ‘yon. Unang gabi pa lang na mag-asawa kami ay may nagawa na kaagad akong kasalanan sa kaniya.
“Are you okay?” bakas ang pag-aalalang tanong niya. Bumaba pa siya nang bahagya para mapantayan ang mukha ko at nang matingnan kung okay lang ako. “Are you exhausted? You should get some rest.”
Nagawa ko siyang tingnan, “Okay, lang ako.” I assured him with a smile.
I took a deep breath before inserting the key to the doorknob to open it. My eyes grew wide, and my jaw dropped open when I saw how the inside looked! It was so aesthetically pleasing, and its visuals match the feeling that I was having that night; unrealistic.
I heard Asher's quiet laugh as he stood behind me and gave me a back hug. He kissed the back of my ear and said, "From what I'm witnessing right now, you like what you're seeing."
Inalala kong mabuti kung saan nagsimula itong lahat. He gave me the key when we were on the twelfth grade. Does that mean…
"Have you been working on this for almost five years?" Hindi ko maitago sa boses ko ang paghanga.
I can't imagine the effort he had poured just for this day to happen. And I had no idea what was going on, for all those years that he was always by my side 24/7. I was never suspicious of his actions and never even got a feeling that he was up to something. He was just quiet the whole time!
Nagkibit-balikat siya, “Yeah, it was all worth it. I've known you for too long, but your smile tonight was the best one I've seen so far, and also my favorite.”
Kumalas siya sa yakap at nagpunta sa harapan ko, “You look tired, so get some sleep. We have three rooms in here, we could sleep on separate rooms-"
"There's no need for that right now," I said, silencing him. "Babe, we're officially married now, so sleeping together is perfectly fine."
I noticed how his jaw tightened, and I knew he was deliberating over how he would respond to me.
"Would you be okay with it, though? I can give you more time to adjust with this kind of setup, so you don't have to force yourself."
Tumango ako at hinila ang kamay niya patungo sa kuwarto na sa tingin ko ay ang master’s bedroom. At tama nga ako, sa laki pa lamang ng kama na naroon ay alam ko na agad na ‘yon ang master’s bedroom.
“Ilang banyo ang nandidito?” tanong ko at naupo sa kama. Pinakiramdaman ko ang lambot niyon saka ibinagsak ang katawan ko sa kutson. Tumagilid ako ng puwesto at naamoy ko ang pamilyar na amoy. “The sheets smell like you,” nakangiting sabi ko at bumaling sa kaniya.
Napakamot siya ng batok, “Oh, it’s because I accidentally slept here once.”
“Don’t be sorry, and it’s not like I do not love your scent.” Bumalik ako sa puwesto ko kanina para maamoy muli ang amoy niya sa sheet ng matress.
“There are two bathrooms,” sagot niya sa tanong ko kanina. “Ikaw na ang gumamit ng nandito sa taas, and I’ll use the one downstairs.”
Napabangon ako sa pagkakahiga, “Downstairs?! I thought this floor already has everything in it, yet we still have downstairs?”
Natawa siya sa naging reaksiyon ko. “Expect the unexpected because I’m the one who designed all of this.”
Umiling na lang ako at kunwari’y napairap dahil sa pagmamalaki niya, pero karapat-dapat naman talagang ipagmalaki itong pagkaka-design niya ng bahay. Karapat-dapat siyang ipagmalaki.
“Would this be the first day of our honeymoon?" There was a long silence after he said that. "Uh… If not, we still have a couple days for it. Like I've said, I don't want you pressuring yourself."
Tahimik kanina no’ng tanungin niya ‘yon ay hindi dahil sa ayaw ko, kun’di dahil napatitig ako nang mabuti sa kaniya. I love how he still asks me about those things even if he could decide by himself. He always wants to make sure that I won’t feel uncomfortable around him.
“Yes.”
Hindi niya inaasahan ang pagsagot ko. “Yes? Which means…?”
“This would be our first night.”
Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya, so this kind of things could make an Asher Migo blush, huh?
Gaya ng sinabi niya ay ako ang gumamit ng banyo sa itaas at siya naman ang sa ibaba. Gusto ko pang mag-tour sa buong bahay pero nanlalambot at pagod na ang katawan ko kaya ipagpapabukas ko na lang.
Pagkabalik ko sa kuwarto ay wala pa si Asher, mabuti na rin dahil nakalimutan kong kumuha ng maisusuot sa malaking cabinet na nando’n kaya nakatapis lamang ako ng towel ngayon. Isang pares lang ng white cotton pajamas ang kinuha ko, malamig ang panahon ngayon kaya mas magandang ‘yon ang isuot ko kaysa sa pantulog na nakita ko ro’n na shorts naman ang pang-ibaba.
Nang matapos akong magbihis ay narinig ko na ang yabag ni Asher sa labas ng kuwarto. Nagulat ako nang biglang pumihit ang doorknob ng pinto, hindi ko pala ‘yon na-lock!
Parehas kaming nagulat nang makita ang isa’t isa. Gulat siya dahil hindi niya siguro inaasahan na nandidito ako, at nagulat naman ako dahil gaya ko kanina ay nakatapis lamang siya ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan.
“I… didn’t know you were already here,” sabi niya nang makabawi sa gulat at awkward ko lang siyang nginitian. “I forgot to bring my clothes.”
Bakit ba kami nagkakahiyaan?! Parang hindi pa kami mag-asawa, ah?
“Uh… lalabas na muna ako. Magbihis ka na muna,” sabi ko sa kaniya habang may pilit na ngiti.
“Oh, okay. This won’t take long, I promise.”
Pagkalabas ng kuwartong ‘yon ay salas na kaagad ang makikita. Nagkaroon ako ng tiyansa na mag-ikot nang kaunti roon para matingnan nang maigi ang mga furniture. Wala naman akong duda sa quality ng mga ‘yon dahil alam kong marunong tumingin si Asher o kung sino man ang nakatulong niya sa pagbili ng mga ‘to.
Except for the furniture, which blends in with the general aesthetic of the house, everything I see is made of wood. Napansin ko ang mga frame sa likod ng mga sofa. Isa-isa kong tiningnan ang mga ‘yon at namangha nang makitang marami sa mga litratong naroon ay mga pictures namin no’ng bata. Hindi ko na tanda ang mga ito!
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga pictures na ‘yon at kung bakit hindi niya man lang naipakita sa akin ang mga ‘yon ni minsan. Kinuha ko ang isang frame na may picture naming dalawa ni Asher na magkaakbay at kumakain ng lollipop. Ang pagngiti niya ro’n ay hindi labas ang mga ngipin pero napaka-cute na pa ring tingnan! Habang ako naman ay todo ang pagngiti kahit na bungi ako nang mga panahong ‘yon.
“I’m all done,” I heard his voice behind me. “Those pictures were from a photo album I found on our house’s stockroom.” Kahit hindi ko pa man tinatanong ay sinagot na niya kaagadang tanong ko.
“I… had no idea that we had these many photos when we were kids,” sabi ko at malungkot na napangiti. “If I just had one, then I shouldn’t have long for you all those years.”
Marahan niyang hinawakan ang mga braso ko at kinuha sa mga kamay ko ang frame at ibinalik na ‘yon kung saan nakalagay.
“Do you want to have a drink?” he asked. Agad akong tumango sa kaniya, this night is a perfect night to have a drink.
Nagpunta kami sa baba para kumuha ng wine na iinumin namin ngayong gabi. Binuksan ko ang ref para kunin do’n ang wine at ilang mga prutas na sinabi niya. Hindi ko inaasahang makikita kong puno na ang ref na ‘yon na para bang napakasipag mag-grocery ng nakatira ro’n!
“’Yong totoo, sino ang katulong mong mag-ayos ng mga gamit at mamili ng mga groceries dito?” ‘Di ko na napigilan ang tanungin siya.
He smirked habang kumukuha ng mga wine glass sa isa sa mga kitchen cabinets.
“Sometimes, Aizan is here to help. And sometimes my Mom, your Dad, then the rest is all on me."
“My Dad?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yeah. Before I build a house for the two of us, I need to get his consent first. If he refuses to let you live with me, all of this will be useless.”
Nagtaka tuloy ako dahil kanina ay parang ayaw pa akong pakawalan ni Daddy, pero ang totoo naman pala ay isa pa siya sa mga tumulong kay Asher para maisaayos ito. Maybe it's just because I'm his only child that he finds it difficult to let me go.
Muli na kaming umakyat at ipinatong muna ni Asher ang mga dala niya sa center table na nasa salas. Hindi ko alam kung anong gagawin niya pero pinanuod ko na lang siya.
‘Yong kanina na akala ko’y bintana ay ibinaba niya papunta sa loob kaya nagmukha itong katre. Ang galing dahil nang maibaba na niya ito ay awtomatiko na ring bumaba ang apat na paa niyon.
“You really worked hard for this, huh?” Lumapit ako pinagmasdan ang langit na ngayon ay kitang-kita na mula sa loob dahil sa ginawa ni Asher. Napakarami ng mga bituin, magkatugma ang ganda ng araw na ‘to sa ganda ng panahon ngayon.
“I’ll go get the mattress,” he said.
“Okay, ako na sa mga unan,” sagot ko at nagtungo sa master’s bedroom.
Nang maiayos na namin sa katre ang mga kinuha namin ay magkatabi kaming naupo ro’n habang nakatingin sa labas. Umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa kaniya at naramdaman ko rin naman na niyakap niya rin ako pabalik.
"I'm starting to enjoy the heavy wind because it makes you clingy," he said with a teasing smile. Lumayo ako pero muli niya akong hinila para mayakap. "I wasn't complaining."
Tinawanan ko na lamang siya. Balak niya pa yata akong asarin na clingy ako, eh, gano’n din naman siya.
"It's normal for a married couple to become overly attached to one another,” sabi ko at naglagay ng wine sa dalawang shot glass.
I offered him the other one, and we quickly had a toast. We were supposed to talk, but we were just quiet the whole night. Being with his side brings peace to me, and I don't want the ambiance to get ruined, so I stopped myself from asking questions.
“Don’t you have hard drinks?” tanong ko sa kaniya. “I mean, it's not like I don't want this wine. But my throat is looking for the taste of hard liquor.”
Nagulat pa siya dahil sa biglang pagtatanong ko. “Are you sure?”
“Yes. But it’s totally fine if you don’t have it.”
Tumayo siya sa kama, “I do have one. But I’ll only let you drink it in one condition.” Tinaas ko ang mga kilay ko at hinintay ang sasabihin niya. “I’ll be the one pouring on your glass.”
“Psh, ‘yon lang pala. Walang problema!”
Pagkabalik niya ay hinayaan kong siya ang maglagay sa bago ko. Hindi naman ako magrereklamo kahit pa kaunti lamang ang ilagay niya ro’n.
“Thanks,” I said nang malagyan na niya ang baso ko. Hindi pa nakakarating sa kalahati ang nilagay niya pero pinagkibit-balikat ko na lang. “Why are you not drinking?”
Umiling siya, “I need to keep an eye on you because of your low tolerance.”
Ngumuso ako at napairap, “You always bully my tolerance,” sabi ko na nasa malayo ang tingin.
“I’m don’t, but I was describing your tolerance.”
Mas lalo akong napanguso. Pumikit ako at napabuntong-hininga, uminom ulit ako sa baso ko at dinama sa lalamunan ko ang init niyon. “Babe,” pagtawag ko sa kaniya.
“Hmm?”
Idinilat ko ang mga mata ko at nilingon siya. “Do you want a boy or a girl?”
Napakunot ang noo niya, naguguluhan. “What for?”
Matalino siya kaya hindi ko alam kung hindi niya ba talaga nahuhulaan kung para saan ang sinasabi ko o nagmamaang-maangan lang siya.
“Do you want a son or a daughter?” I changed my question.
His eyes widened, and his lips were slightly opened. "Are you already drunk?"
Umiling ako, “I'm completely sober,” sabi ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya at pinaningkitan siya ng mga mata. “I can still clearly see your attractive face.”
I smirked nang makita na hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya at nakita ko rin kung paano dumalas ang paglunok niya. Is he nervous? Ah, he’s getting a clue.
Matagal na walang nagsalita sa aming dalawa, ang tunog lang ng yelo sa baso ko na iniikot ko at ang paghinga naming dalawa ang naririnig naming pareho.
“Do you want to…”
“Yes.” He hasn’t finished the sentence yet, but I already know what he’s about to say.
“Now?” He asked again so I nodded.
The next thing I knew, is we were already on our bed, both undressed. Alam kong wala kaming magiging problema kung gagawin man namin ‘to. Because we are already married, I just graduated, we both have our parents' consent to sleep on the same roof, and I know that he won't sacrifice his studies just because he married me. That's the perks of having a responsible partner, perks of having an Asher Migo.
-----
-larajeszz