Chapter 71

2528 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 71 Jaycee’s POV “I was nothing without you, but when you're around, I'm complete or even more than myself. Knowing that falling in love would dramatically change my life was both strange and wonderful. My love, my best friend, my semi-enemy," we both laughed when he used the exact words I said earlier, "my Ecee, and now my wife. You have no idea how many times I've prayed for this day to come and happen to our lives. I don't like saying cheesy stuff but here's one. Are you a math equation?" "Why?" I replied while laughing. "Because I was supposed to look for the x, but thankfully I found u instead." He looked away and scrunched his nose after saying his pickup line, he was shy. Even the priest couldn't hold back his silent laugh. “Why do you have to look for your ex?” natatawang tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Napanguso na lamang siya dahil sa sagot ko sa pickup line niya. “Wala akong ex,” sagot niya at umiling. “Well going back, we've never talked about the number of kids we'd like to have. Hmm, maybe ten? Let's make our own basketball team.” His eyebrows went up and down with a teasing smile. Saglit na nanlaki ang mga mata ko, “T-ten? Raising two children is already hard…” He laughed at my trembling voice, "Just kidding, one or two would be lovely. Like you just said, it depends on how many kids He would bless us. After this day, starting tomorrow, you'd be the half of me for the next minutes until eternity. I promise to be your night and shining armor, your boundary to shield you from the hurtful things that this world gives, and a better man so you won't have regrets for choosing me. I would never get tired of protecting you, and for all the years that I'd loved you even when we were not together, you're so worth the wait. I love you, my heart brew love." After exchanging our fruitful and inspiring vows, it was finally time to give the rings. Lumapit sa amin ‘yong sacristan dala ang isang maliit na unan na may dalawang singsing sa gitna. The lights were dim but the diamonds on the rings were shining. "I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit my heart and soul to you. I ask you to wear this ring as a reminder of the vows we have spoken today, our wedding day." He recited as he was inserting the wedding ring on my finger. Saglit akong napatitig sa singsing at nag-focus muli nang ako na ang magsusuot sa kaniya ng singsing. I also recited the same vow he did before me. "I now pronounced you as husband and wife. You may now kiss the bride!" says the priest. Nagpalakpakan ang iba naming kasama na naroroon. Dahan-dahang humina sa pandinig ko ang mga palakpak nila nang unti-unting iangat ni Asher ang maliit na belo’ng suot ko sa ulo ko. If this is a dream, I would hate to get back to reality. He gave me a soft smile before putting his lips on mine. It was a gentle kiss, our first kiss as a married couple. A tear, once again, escaped from my eye as we were seizing the moment. Nagpasalamat kami sa mga taong naging parte ng gabing ‘to para matuloy ang biglaang kasal na namin, hindi mangyayari ‘to kung wala sila. They were all kind so it wasn’t hard for us to approach them. Nakangiti at magkahawak ang kamay kaming bumalik ni Asher sa kotse niya. Pagkaupo ko sa passenger’s seat ay ‘di ko sinasadyang maupuan ang cellphone ko na naroon pala. Sunod-sunod ang pagva-vibrate nito kaya agad ko ‘yong binuksan para tingnan ang mga messages na paniguradong galing sa mga kaibigan ko. Fr: Cally Jay Jaycee… JAYCEELY!!! HOY GAGI, KANINA KA PANG HINAHANAP NG MOMMY MO SA ‘KIN! MAG-REPLY KA, BEH. Fr: Ivy Ano na? Nasa’n na kayo ni Asher? Kayong mga bata kayo, ah! Nag-aalala na yata mga tao ro’n sa inyo. Natawa ako sa biro ni Ivy. Magugulat na lang siya na nasabi niya ‘yon dahil hindi niya alam na kinasal na kaming dalawa. Fr: Syrine Hey, I just want to check up on you. Sabi ni Jaywen ay kanina pa raw tumatawag ang mommy mo. Reply asap when you read this! Fr: Aiden Hoy Hoy, teh! Bahala ka d’yan, malaki ka na, char! Hanap ka ng mommy mo, labyu. I also noticed that I have several missed calls from them. I was careless for making them so worried! Sumakay na rin si Asher at napansin niya kaagad na aligaga ako sa pagta-type. “What’s wrong?” he asked. “I left my phone here, nag-aalala na yata sila sa bahay.” Isa-isa kong nireplyan ang mga kaibigan ko at agad na tinawagan si Mommy. “Hello?” Nakahinga ako nang maluwag nang marinig na hindi naman galit ang tono ng boses niya. “Mom, I’m sorry. May… pinuntahan kasi kami ni Asher tapos naiwan ko po ang phone ko sa kotse. Sorry for making you worry-” Napatigil ako nang marinig siyang tumawa. “Ayos na ‘yon, anak. Natanong ko na ang lahat ng kaibigan mo bago ko pa nabasa na nag-message pala si Asher sa akin. He said that you won’t be able to reply, naiwanan mo pala ang cellphonemo, then that made me calm na maayos lang kayong dalawa. Ingat palagi, ah? ‘Wag kang lalayo kay Asher, baka mawala ka.” Narinig ko ang pagtawa ni Asher dahil sa mga paalala sa akin ni Mommy na parang sinabi niya sa isang bata. Hindi naman ako naka-loud speaker pero dahil sa tahimik ang paligid ay narinig niya pa rin. “Saan tayo magpapalipas ng gabi?” tanong ko pagkatapos kausapin si Mommy. “Did you bring the key that I gave you?” tanong niya at tumango ako. “You’ll see,” he winked. Tahimik ang dinadaanan namin at walang masiyadong dumaraan na ibang sasakyan, pero kung meron man ay paisa-isa lang. Walang ibang source ng ilaw sa paligid kun’di ang ilaw na nagmumula sa kotse ni Asher. Kung ako lamang mag-isa ang dadaan dito ay baka hindi ko kakayanin. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng andar ng sinasakyan namin. “May problema ba?” tanong ko at agad na tumingin sa gas pero marami pa naman iyon at hindi pa halos lumalagpas sa kalahati ang bawas. “We’re here.” Sobra akong nagtaka dahil sa sinabi niya. Nandidito na kami? Sa nakikita ko ngayon ay nasa gitna kami ng kawalan. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto para maalalayan. Sa sobrang dilim ng nakikita ko ay napahigpit ang hawak ko sa braso niya. Inalalayan niya ako at dinala sa harapan ng sasakyan kung saan ang liwanag lang ng ilaw no’n ang tumutulong sa amin para makita pa ang paligid. “Are you ready?” Kahit na naguguluhan ay dahan-dahan pa rin akong tumango. “3… 2… 1.” I noticed a trail produced by the guiding of the light bulbs in its edge as he finished counting. Isa-isa ang pag-ilaw ng mga ‘yon hanggang sa buong paligid na namin ang lumiwanag at ang kaninang kadiliman kanina ay puno na ng magagandang ilaw! Napaluha na naman ako nang makita ang isang malaking treehouse na pinaggigitnaan ng mga ilaw na ‘yon. Pamilyar ang itsura niyon… “This tree house…” "It's ours," Asher said, holding my waist. “Now that we're older, I designed a larger version of our treehouse before. And I’m pretty sure our soon-to-be family would fit in there now." Emosyonal ko siyang nilingon habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang treehouse namin. Na-realize kong si Tito Arnel ang architect na gumawa no’n ng disenyo ng maliit naming treehouse, ngayon naman ay si Asher na ang gumawa no’n. He didn’t change the style of his dad, just the measurements, of course. Muli akong napaharap sa unahan nang makarinig ng mga yabag. Umawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko nang lumabas ang mga pamilya at kaibigan namin sa likod ng malaking treehouse. Maingat ko silang tiningnan lahat at kumpleto silang lahat! "What? Why are they here..." My whole body was trembling, but it wasn't from fear; it was from the pure joy that even my own body couldn't recognize. Inalalayan ako ni Asher sa paglapit sa kanila dahil mabato and daan at emosyonal ako kaya parang wala ako sa sarili ko. Si Mommy ang pinakaunang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, sa malayo pa lamang ay kita ko na agad na umiiyak siya. “Mom…” "Congratulations, my darling," she said as she stroked the back of my head with an emotional smile. "I'm sorry we weren't there, but that's fine. We're very sure there'd be a better celebration than that." Hindi maproseso ng utak ko ang mga huling sinabi niya. Ano pa ang isang celebration? Bumitaw na si Mommy sa akin at si Asher naman ang niyakap, napaiyak siya sa balikat nito kaya inalo namin ni Asher ang likuran niya. "Please, Asher, take good care of my daughter. I'm entrusting her to you with my entire life. I know that you wouldn't cause her harm." Pati si Daddy at Kuya Jaywen ay lumapit sa amin. They’re as emotional no’ng aalis ako ng bahay para mag-OJT, but this time, they have the smile on their faces. Nakipagkamay si Kuya kay Asher at mahinang binangga ang balikat nito. “I told you she’d say ‘yes’, and she won’t stop crying,” he said while laughing. “You were absolutely correct,” natawa rin si Asher at sabay pa nila akong nilingon. Inirapan ko sila at dumiretso kay Daddy. Niyakap ko siya nang sobrang higpit, naramdaman ko na lamang ang paghikbi niya habang nakayakap ako sa kaniya. Inangat ko ang tingin sa kaniya, “Dad, are you happy for me?” “Masayang-masaya ako. Pero malungkot din, because now that you’re married, baka aalis ka na sa atin at bubuo na kayo ng sarili niyong pamilya.” Nginitian ko siya at umiling ako, “We still have a year Dad, ga-graduate pa si Asher kaya makakapag-stay pa ako sa bahay nang matagal.” “So, bubukod ka talaga? Is it necessary?” Natawa ako dahil sa isinagot niya, "Of course, Dad! After all, I'm no longer a child. I recently graduated and just got married!” Ayaw pa niya akong pakawalan pero natatawang pinagsabihan siya ni Mommy. “You shouldn’t have agreed with this, hindi mo rin naman pala kayang pakawalan ang anak mo.” Nang makawala kay Daddy ay si Tita Mariel naman ang humila sa akin, pansin kong kanina pa niya ako inaabangan. “Hi, Tita. Long time no see po,” sabi ko sa gitna ng yakap namin. Lumayo siya at hinawakan ako sa mga balikat. “Mommy,” sabi niya na parang itinatama ako. “Mommy na starting from now on!” Tumango ako habang nakangiti, “Okay po, Mommy…” Nag-hesitate pa rin ako na tawagin siyang gano’n dahil kailangan ko pang sanayin ang sarili ko. Nakangisi siyang lumapit muli sa akin at bumulong sa tainga ko, “Ten grandchildren would be perfect.” Hindi kaagad ako nakapagsalita sa binulong ni Tita Mariel, pakiramdam ko ay namutla rin ako! “I was just kidding, Jayceelyn!” pagbawi niya. Mag-ina nga talaga sila ni Asher, ang hilig nilang magbiro nang gano’ng mga bagay. Nagpaalam na si Tita Mariel na kakausapin niya muna si Asher kaya ang mga kaibigan ko naman ang humila sa akin. Pinagmasdan ko si Asher at nakayakap na sa kaniya ang Mommy niya ngayon, napunta sa akin ang tingin niya kaya nginitian ko siya. Alam kong masayang-masaya kaming pareho, pero hindi namin alam kung gaano pa ang nararamdaman ngayon ng mga magulang namin. “Kapag kinasal na kayo sa malaking simbahan, hindi na puwedeng wala kami, ah! Abay na dapat kami,” sabi ni Cally sa akin pagkarating ko sa harapan nila. Napasinghot siya, “Halika nga rito!” Hinila niya ako sa isang napakahigpit na yakap. “Group hug!” sigaw ni Byron. Nagsilapit sila at halos hindi na ako makagalaw sa higpit ng mga yakap nila. “Guys, I don’t think my wife could still breathe.” Boses ‘yon ni Asher. Kumalas si Aizan sa yakap, “Grabe ‘yon, wife na! Iba ka talaga, Kuya!” Hinila niya muna si Asher papalayo sa akin. “Hayaan mo na muna silang mag-usap, masosolo mo naman si Jaycee mamaya, eh,” pang-aasar niya pa. “We’re so happy for you!!!” Naglululundag si Aiden sa sobrang tuwa. “Naiisip ko na kung ilan ang magiging anak niyo. Pero… ah, basta! Kahit ilan pa ‘yan, basta ang mahalaga ay ninang ako!” Hindi ko talaga alam kung bakit puro ang bukambibig nila ay anak na kaagad. Hindi pa graduate si Asher kaya kailangan pa naming pag-usapang mabuti kung kailan at ilan ba ang gusto niyang anak. Ang sayang isipin pero kinakabahan ako! “Kamusta kayo ng Daddy mo?” baling ko kay Byron. “Tanggap na niya ako,” napatakip siya ng bibig. “Hindi ko pala dapat jinudge ang pagkatao niya, people change.” Masaya ako sa narinig. Mabuti naman at nagkaayos na sila, ilang taon din silang hindi nagkita. Napansin ng mga kaibigan ko ang suot kong singsing kaya kinuha nila ang kamay ko at pinagmasdan ‘yon. “Wow, grabe ang ganda!” sabi ni Cally. “Totoo ba ‘to?” “Gusto mo, beh, kagatin mo pa, eh!” sabi ni Ivy sa kaniya. “Ivy, alam mo bang bawal sumigaw sa harap ng bagong kasal. Hindi na raw magkakajowa ‘yong sumigaw na ‘yon,” pananakot ni Cally… “Oh, talaga? Wala akong pake.” … pero walang epekto ‘yon kay Ivy. Hindi sila nagtagal do’n at nagbilin pang sama-sama raw kaming magbe-breakfast bukas. Mayroon palang malaking gate itong pinasukan namin at hindi ko ito nagawang mapansin kanina dahil sa walang liwanag. Remote ang nagco-control do’n. Pagkaalis nila ay dahan-dahan na ‘yong sinara ni Asher, mataas ang mga bakod dito kaya safe kami kahit na nasa gitna kami ng kagubatan. Nang matapos sa ginagawa ay nilingon niya ako, “Shall we go inside?” Tumango ako sa kaniya dahil lumalamig na rin ang simoy ng hangin dahil malapit na ring maghating gabi. Kahit sa may hagdan paakyat ng treehouse ay inalalayan niya ako. “Thank you,” pagpapasalamat ko nang makarating na kami sa harapan ng pinto. “Where’s the key?” tanong niya sa akin. Napamaang ako dahil no’n ko lang na-realize kung para saan ‘yong susi na binigay niya sa ‘kin. Halos nawala na nga sa isip ko na dala ko 'yon kahit pa naulit niya naman ulit kanina! Napakamot ako sa batok, “Nasa loob ng kotse mo,” nahihiyang pag-amin ko. ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD