Separated Love
by larajeszz
Chapter 66
Jaycee’s POV
Nagising ako kinabukasan dahil sa narinig kong tawanan ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa man naririnig ang pinag-uusapan nila ay alam ko nang nag-aasaran sila.
“Saan ka nga galing kagabi, Aiden?” Boses ‘yon ni Cally. “Saka na lang namin na-realize na nawawala ka no’ng matutulog na kami, eh.”
Bumangon ako at nagkusot ng mga mata, napatingin apat sa akin pero saglit lamang dahil bumalik na sila ulit sa pang-uusisa kay Aiden.
“Nagpahangin nga lang ako, ang kukulit naman, eh.” Napakamot si Aiden ng ulo dahil sa inis.
“Nagpahangin,” ani Ivy na nagdududa. “Baka nanlalaki ka na, ah.”
Sigurado ako sa nakita ko kagabi, pero hindi ko naman maaaring sabihin ‘yon sa iba dahil privacy ‘yon ni Aiden at Ishan. Aksidente lamang naman na nakita ko ‘yon, ‘di ko sinasadya kaya gano’n na lang din ang gulat ko.
“Hoy, hindi, ah! Loyal ako, porke’t talaga wala kang bebe d’yan.”
“’Wag mo ngang inaasar si Ivy, malay mo naman si Byron, ‘di ba?” hirit ni Syrine.
Tinawanan ko lang ang sinabi niya, “Huwag nga kayong mandamay ng wala naman dito.”
Iminuwestra ni Ivy ang mga kamay niya para magpaliwanag. “Magkaibigan lamang kami ni Byron, okay? Pero… ano ba ang meaning ng pansexual?” maingat na tanong niya.
“Pansexual could be attracted to both genders,” sagot ko. “’Wag niyo nang ipilit si Ivy kay Byron, naka-reserve ‘yan sa pinsan ko.” Napangisi ako nang makitang biglang nainis ang ekspresiyon ni Ivy.
“Kadiri ka, Jay! Magiging single na lang ako forever kaysa magkaro’n ng feelings kay Matthew!”
“You’re so defensive, eh, wala naman akong sinabing pangalan,” sabi ko kaya mas lalo akong napangisi.
“Alam na this,” biro ni Cally at nagtaas-baba ng kilay kay Ivy.
“Bahala nga kayo r’yan! Nagugutom na ako.” Nagpapapadyak siyang lumabas ng kuwarto namin para kumain sa baba.
Nagtatawanan kaming sumunod sa kaniya. Nagpaalam pa ako na puwedeng sumunod na sila dahil baka tulog pa sina Asher o kaya ‘yong iba pa sa mga lalaki. Medyo marami ata ang nainom niya pero ‘di naman siya masiyadong lasing nang maghiwalay kami kagabi sa hallway.
Isang beses pa lamang akong kumakatok ay bumukas na agad ang pinto, si Aizan ang bumungad habang bagong ligo na at nagsisipilyo.
“Magbe-breakfast na,” sabi ko sa kaniya. Sumilip ako sa likuran niya para matingnan ang mga kasama. “Asan kuya mo?”
“Naliligo na, gusto niya fresh siya pagharap sa ‘yo,” pagbibiro niya.
Natawa kaming dalawa pero saglit lamang ‘yon dahil naalala ko ang mga sinabi niya kagabi.
“Aizan…”
“Hmm?”
I smiled and looked at him as if he’s my younger brother, “I’m pretty sure you’re many people’s favorite, and I know your dad is proud of you.”
Nakita ko ang malawak niyang ngiti, “Ito talagang hipag ko, pinapaiyak ako, eh. By the way, bumaba na ba si Cally?”
“Oo, bumaba na ‘yong apat do’n.”
Ngumuso siya at tinanaw ang hallway na dinaanan nina Cally kanina. “Maybe she thought I was already outside that’s why she didn’t bother to check up on me.”
Hindi ko na nagawang hintayin si Asher na matapos dahil sabi ni Aizan ay kakabangon pa lamang daw nito at may kaunti raw hangover kaya naman mabagal kumilos. Wala na akong ibang nagawa kun’di hintayin na lamang siya sa kakainan namin. Doon lamang din ‘yon sa isa sa mga seaside resto sa labas na magkakahilera.
May isang kainan do’n na hindi mga seafoods ang inihahanda kun’di loming Batangas, kaya ro’n namin naisipang kumain. Hindi kasi sila nakakain noon kahit ilang beses silang pabalik-balik dito noon para madalaw ako.
Alas-otso pa lang ng umaga, medyo malamig pa ang simoy ng hangin pero marami na kaagad akong nakikitang mga tao na naliligo sa dagat at puro mga two-piece pa ang suot. Hindi ko na ulit kakayanin pang magsuot niyon sa malamig na hangin gaya ng kagabi.
“Jaycee!” Muntik na akong lumagpas sa dapat kong puntahan kung hindi ko pa narinig ang pagtawag sa ‘kin ni Syrine.
Naroon na silang apat pati na rin si Kuya Jaywen at Byron, maging si Ishan ay nando’n din.
“Since when were you here?” rinig kong tanong ni Kuya kay Ishan.
Nakita ako ni Ishan kaya ngumiti siya sa ‘kin at sinuklian ko rin siya ng ngiti, pagkatapos noon ay bumaling na siya ulit kay Kuya. “I was here since the other day.”
Lumipat ng puwesto si Byron sa tabi namin dahil hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan nina Kuya Jaywen at Ishan. “Ito ba boyfriend mo, Aiden?”
Nabigla pa si Aiden sa tanong ni Byron, “Hindi ko siya boyfriend…”
“Umamin ka na, beh. Tayo-tayo lang naman, eh,” pangungulit muli ni Cally.
“Hindi nga kami.”
“So, ano lang kayo?” tanong ko. Gusto kong malaman ang totoo para mabigyang linaw ang nakita ko kagabi. May tiwala ako sa kaibigan ko, pero hindi ko rin alam kung may isa ba sa kanila ang nakainom no’ng nag-kiss sila kagabi. Wala akong ideya kung tinatago ba ‘yon sa amin ni Aiden dahil nahihiya siya, o baka ayaw niya pa lang muna na kumalat ang balita na in a relationship sila, or ayaw niya lang na may maisip kaming iba sa kaniya dahil baka totoong wala lang talaga sila ni Ishan.
“Mag… Magkakilala lang kami…” sabi ni Aiden. Para sa iba ay normal lang ang pagkakasagot niya, pero pa sa akin na kahit papaano ay may ibang pakiramdam… it sounded painful, like she was wanting for more.
Kahit gusto ko siyang tanungin ay hindi ko magawa, dahil kung may gusto naman siyang sabihin ay siya ang kusang nagsasabi kaya ‘di mo na kailangang kulitin pa.
Dumating na rin sina Aizan at Asher kaya nakapagsimula na kaming um-order. Ni-reserve ko talaga ang seat sa tabi ko para may mapuwestuhan si Asher. “Masakit ba ulo mo?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Kauupo niya pa lamang kasi ay awtomatiko na siyang napahilot ng sentido niya. “Nah, I’m fine,” sagot niya pero patuloy pa rin naman sa ginagawa.
Sinabi ko sa kaniya na ipatong na lamang muna niya ang ulo niya sa lamesa at matulog, medyo matagal pa naman ang pagpe-prepare ng mga order namin kaya baka makakatulog pa siya kahit papaano. Hindi na ako nagtakang hindi siya tumanggi dahil kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya.
Ako pala ang mahina sa alak, ah? I wanted to tell him that pero pinigilan ko dahil mukhang tulog na siya agad kahit nakaharang ang braso niya sa mukha niya at hindi ko makita.
“My brother is currently fixing an event to be held here in Batangas, I just joined him. May inaasikaso siya ngayong museum, I could all take you there later,” sabi ni Ishan sa aming lahat.
“That’d be great! We we’re planning to go on a trip, but this resort was the only place we have in mind,” my brother exclaimed. “Good thing we met you here, what a coincidence.”
I heard Ishan’s laugh, “Yeah, a coincidence.”
Nasa likuran ko silang dalawa ni Kuya Jaywen kaya hindi ko nakikita ang ekspresiyon niya, but the way he said those words, it was meaningful. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin pero sa tingin ko ay para ang mga ‘yon kay Aiden.
Ang Aiden na kahapon lamang ay masaya ay tila hindi makapagsalita at magawang ngumiti ngayon. Ano na naman ba’ng nangyari sa kanilang dalawa?
Ginising ko na si Asher nang dumating na ang mga pagkaing in-order namin.
“You’ll feel better after eating this,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang order niyang regular lomi.
“Thanks,” he said.
Sa pagkakaalala ko kasi ay ito ang kinakain nina Daddy kinabukasan after nila mag-inom.
Ang sabi ni Ishan ay kung ngayon daw kami pupunta sa museum ay mas maganda kung mamayang gabi. Pumayag ang mga kasama ko kaya ro’n muna kami hanggang mamaya, baka maglibot-libot at mag-try kami ng mga banana boats and speedboat rides.
“I’ll teach you to surf,” I heard him offered Aiden.
Naalala ko ang sinabi ni Aiden kagabi na pagsu-surf nga raw ang pinagkakaabalahan ni Ishan, mas tan siyang tingnan ngayon kumpara no’ng huling beses ko siyang nakita.
“Hindi na… Masama ang pakiramdam ko, eh.” Nilingon ko silang dalawa sa likuran ko dahil maayos pa naman siya kanina.
Kung magkaaway talaga sila ay magandang quality time ‘yon to bond! Ishan looked disappointed kaya sabi niya kay Aiden ay next time na lang.
Nilapitan ko silang dalawa, “Will you do it for free?” biro ko.
Medyo naguluhan pa siya no’ng una pero sumagot din naman, “Of course.”
“Oh, tara, guys!” yaya ko sa iba naming mga kasama.
“Sounds good to me,” Kuya said.
“I’ll get the boards.”
Habang kinukuha ni Ishan ang mga surfboards ay nagpalit muna kami ng suot. Nag-rash guard ako dahil baka magtagal kami sa tubig at magka-sunburn pa ako dahil sa init ng araw.
Pagkalabas namin ay wala pa rin si Ishan kaya nagtampisaw muna kami sa dagat, it felt so refreshing…
“Are you sure you’ll join? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?” tanong ko kay Asher. Kanina pa siyang tamlayin. Alam kong hindi naman talaga siya masiyadong makilos na gaya ng kapatid niya pero alam ko kung kailan siya masigla at hindi.
He grinned and said, "Baby, I'm okay. Besides, it's been a while since I've surfed."
Nagulat ako, “You can surf?!” Ano pa ba ang hindi niya kayang gawin?
“I don’t consider myself as a pro, I just know the basics.”
Narinig naming dumating na si Ishan na dala ang surfboards namin.
“Let him teach Aiden,” lumingon siya sa akin, “should I teach you?”
-----
-larajeszz