Chapter 61

1380 Words
Separated Love by larajeszz Chapter 61 Jaycee’s POV “G-good afternoon po.” Tumayo si Ivy at magalang na binati ang Daddy ni Byron. “I’m Ivy Haden Tuazon… Byron’s girlfriend.” Hindi kaagad nakapagsalita si Mr. Rieno. Pinagmasdan niya lamang si Ivy mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga. Ivy wasn’t sure kung ano ang sunod niyang gagawin dahil wala namang naging reaksiyon si Mr. Rieno sa pagpapakilala niya. Pilit na ngumiti si Ivy at muli nang naupo sa upuan niya. Nakatalikod siya sa akin ngayon kaya kitang-kita ko kung gaano kabigat ang paghinga niya dahil sa sobrang kaba. “Miss Tuazon…” Pinutol ni Byron ang sasabihin ng Daddy, siguro ay naramdaman niyang baka may hindi maganda itong masabi kay Ivy. “Guys, sa loob na tayo. May inihanda ako ro’n para sa inyo,” nakangiting sabi sa ‘min ni Byron. Tumikhim si Mr. Rieno, “Stay here, paano ang mga bisita mo?” Humarap siya sa Daddy niya, “They’re your visitors, Dad.” Isa-isa na kaming hinila ni Byron dahil walang nagtatangkang kumilos sa amin, nang dumaan sa harapan ng Daddy niya ay nag-bow kami bilang pagbibigay galang. “Are you okay?” bulong ko kay Byron habang papasok kami ng bahay nila. “Yeah, I’m fine,” he said and forced a smile. Lumingon siya kay Ivy sa may likuran namin. “Sorry,” he mouthed. Walang tao sa loob ng bahay nila pagkarating namin do’n. Kung sa labas ay kita-kita na na malawak itong bahay nila ay mas malaki pa ito kapag nasa loob na! “Ikaw ang may birthday pero ikaw ang may hinanda para sa amin,” sabi ni Syrine habang inililibot ang tingin niya. “Sa dining tayo.” Sumunod lamang kami kay Byron hanggang makarating kami sa dining nila. Nakita namin ang mahabang lamesa ro’n na punong-puno ng pagkain! “Kaya ako nawala kanina ay hinahanda ko ito,” aniya at napakamot sa ulo. “Sorry, ah, kung nagutom kayo. Sinabihan ko talaga ang mga waiters na drinks lamang ang ibigay sa inyo dahil dito tayo kakain. Mas… tahimik dito.” Naupo na kami sa harap ng hapag, si Byron ang nakaupo sa kabisera dahil kanila naman ito at isa pa’y birthday niya. “Ang isa sa mga choices ko ang samyupsal, pero kakakain lamang natin no’n no’ng isang linggo,” paliwanag ni Byron. “Bakit hindi? Kahit ano naman ang ihanda mo ay kakainin namin,” ani Cally. Byron smiled with pain, “Ayaw kasi ng Daddy ko na kukamain ako ng mga pagkain na hindi luto rito sa bahay…” Alam kong lahat kami ro’n ay nabigla sa sinabi niya. So, pati ‘yong pagkain niya sa bahay namin last week ay hindi alam ng Daddy niya? Bigla ko na lang na-realize na sa t’wing kakain kami sa mga restaurant pagkakatapos ng klase, kakaunti lamang ang kinakain niya parati. Akala ko ay diet lamang siya o ano… may iba pa palang dahilan. Nilingon ko siya sa kabisera at nakitang marami ngayon ang laman ng plato niya. Kahit pa ako sa mga naririto ang pinaka may kilala sa kaniya ay marami pa rin pala akong hindi nalalaman. Alam kong hindi lang ‘to ang hindi pa niya nababanggit sa akin, alam kong marami pa. Pero hindi ko naman siya pinipilit na mag-open up sa akin kung mahirap ‘yong gawin para sa kaniya. “Kahit saang lugar ay hindi ka puwedeng kumain p’wera rito?” Kuya Jaywen asked with a calm voice. Tumango si Byron habang kumakain, “Oo, he’s that strict. Hindi ko tuloy masabi sa kaniya pati ‘yong pagkain ko sa bahay niyo. Kami na lang ngang dalawa sa buhay… pero hindi pa kami close.” “I’m sorry to hear that…” said Kuya Jaywen. Napatingin si Byron sa amin, “Naku, sorry! Napapalungkot ko ata ang ambiance, kumain na lang kayo nang kumain!” “It’s not wrong asking your friends to listen to you,” Asher said. “It’s not a sin, so don’t be sorry.” Tinapik ni Aizan ang balikat ni Byron dahil magkalapit lamang sila ng puwesto. “Problems were not made to be kept hidden and unspoken. What are friends are for if you won’t talk to us?” Byron was trying so hard not to cry. Isa-isa niya kaming tiningnan nang may ngiti sa mga labi. I can see it in his eyes that he’s very thankful to have us here. “I started having friends with Jaycee but ended up meeting all of you. Kayo ang kauna-unahang mga kaibigan na nadala ko rito.” Tumingin siya sa akin kaya nagpalitan kami ng ngiti. “We’re happy to have you.” Masaya kaming nagkuwentuhan pagkatapos no’n. Mabuti na lang at maraming kuwento palagi sina Cally at Aizan. Hindi na masiyadong malungkot ang ambiance dahil napuno namin ng tawanan ang dining nila. "Byron, we need to talk," that voice said, and we were silenced. It was his father. Alam kong bahay nila ito, pero it was so rude to interfere with a group of people’s conversation. Byron’s smile faded when he saw his dad. Dahan-dahan siyang tumayo at sumunod sa Daddy niya. I feel like something bad would happen, parang galit ito nang tawagin ang anak. “Why is this making me nervous?” pag-amin ko nang kami na lamang ang matira sa dining table. Asher squeezed my hand that was on top of the table, “He’ll be fine,” he said. Nagpatuloy lang sila sa pagkain pero parang hindi ko na magawang lunukin ang sinusubo ko. I don’t feel well… Napahawak ako sa dibdib ko nang may marinig na kumalabog. “What… was that?” Aiden asked while looking up. Mukhang galing ‘yon sa itaas ng bahay nila. Alam kong family matter ito pero hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo at sundan si Byron at ang Daddy niya. Tinawag nila ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Umakyat ako sa hagdan kahit na hindi naman ako sigurado kung saan baa ko pupunta, basta sinundan ko lamang kung saan sa tingin ko ‘yong malakas na tunog kanina. Napunta ako sa harapan ng isang kuwarto nang parang narinig kong may nag-uusap loob. “How could you have a girlfriend without even telling me?!” Mr. Rieno yelled. “Since when did you ever care for me?! I’m just your son when we’re in front of other people. I… don’t want to marry Rowvery, Dad…” Byron started crying. Nakaramdam ako ng kamay sa braso ko, nilingon ko ‘yon at nakita ko si Asher. “Babe, you shouldn’t be doing this. They need time to talk,” he said with a very low voice. “I know, but…” I stopped talking when they started chatting again inside. “Ivy Tuazon wasn’t really my girlfriend. She was just a friend of mine, I just asked her to act like one so I won’t have to entertain Rowvery. I don’t like her, why can’t you understand that?” “So, you’re lying to me now, huh?” Mr. Rieno said in disbelief. “Where did you learn that? To those friends of yours downstairs?” “’Wag niyo silang idamay, Dad… Dahil mas nararamdaman ko ang pagmamahal ng isang pamilya sa kanila kaysa sa pamamahay na ‘to. At… saan ko ‘yon namana? Baka sa inyo?” His Dad started muttering curses for what he said. “How dare you talk to me like that?!” “Akala niyo ba hindi ko alam na may iba ka nang pamilya?” Hinila na ako ni Asher nang magsimula nang mag-iba ang topic nila. “Let’s go, we shouldn’t be doing this…” he whispered. Naluluha ko siyang tinitigan, “What if Byron gets hurt? I’m scared… I don’t want to lose another friend.” He hugged me and didn’t say a word. This is his way of comforting. Hanggang sa pagbaba namin ng hagdanan ay nakayakap siya sa ‘kin. “What happened?” tanong kaagad nila pagkabalik namin sa dining. “We don’t know,” Asher was the one who answered, still hugging me. “But one thing’s for sure… Byron would be needing us more from now on.” ----- -larajeszz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD