Kabanata 5

1498 Words
Esaktong 8 am ang pasok ni Zynn sa trabaho. Hangga't maari iniiwasan niyang ma late at umabsent sa trabaho. Sayang kasi iyong ibabawas nila sa sahod mo. Kaya naman lagi siyang maagang pumasok. Kahit may sakit siya pumapasok pa rin. Basta kaya niya. "Morning, Zynn..." Si Louren. Himala maaga ito. Minsan kasi late na ito kung pumasok. "Morning too.. maaga ka ngayon?" Sabi niya dito. Ngumiti naman ito sa kaniya ng matamis. "Yes... May tao kasi diyan na gustong magpaabot sayo nito!" Inabot sa kaniya ang card. Napakunot naman ang noo niyang napatingin sa card. "Ha? Sino? Para saan to?" Sunod-sunod niyang tanong kay Louren. "Basahin mo dai.. basta kapag ano man ang nilalaman niyan. Sunggaban mo na agad. Swerti mo na iyan girl... alam mo kasi sobrang yaman ng taong iyon. Biruin mo, ha? Binigay kay George ang buong casino ito. Grabi talaga!" Sa sinabi sa kaniya ni Louren. Alam na niya kung sino ang taong iyon. "Hindi ako interesado sa kaniya. Mamamatay tao siya Louren! Hindi mo ba nakikita iyong pinatay niya, sa harapan nating lahat?" Sabi niya dito. Narinig niyang paghinga nito ng malalim. "Jella Zynn, Masamang tao ang pinatay niya! Sabi sa akin ni George... Madaya ang taong iyon at marami na itong kinuhang pera sa casino dahil sa pandarayang gawain nito. At nararapat lang sa kaniya iyon." Mahabang paliwanag sa kaniya ni Louren. Pero umiling siya. Hindi pa rin tama na patayin ito. Mayroon naman batas para parusahan ang taong iyon hindi iyong patayin na walang kalaban-laban. "At naniniwala ka naman sa kaniya. Louren, pinagtatakpan niya lang ang taong iyon. Dahil may kapalit at tingnan mo naman itong boung A casino ay binigay kay George! Hindi kaba maghihinala doon. Ha?" Sabi niya sa kaibigan. "Zynn, Whether it's true or not! Let's not interfere in their problems. Okay?Think of your children when you are interfering!" Humugot ng malalim na hininga si Zynn. Tama si Louren. "Ayaw ko pa rin sa kaniya. Pakisabi kamo sa kaniya... Huwag siyang mag- aksaya ng oras sa akin dahil hindi ko siya papatulan kahit anong gawin niya." Pabagsak niyang sinara ulit ang locker at tinalikuran si Louren roon. Sumalang na siya sa kahera. Marami na agad customer. Maraming kang laruin sa loob ng casino, pwide kang maging instant milyonaryo dito. Kung sakaling swertihin pero mayroon rin naman minamalas at nalulong sa sugal. Minsan na siyang sumubok tumaya sa Roulette mas madali lang itong laruin kumpara sa Blackjack at poker. Kaya lang lagi siyang bokya hindi natatapat sa gusto niyang makuhang panalo. Hanggang sa tumigil na siya paglalaro dahil diyan nauubos ang ipon niya at pakiramdam niya naadik na siya sa Roulette. "Wine please..." Katabi niya rin ang mga iba't ibang klaseng alak. Kahit minsan hindi niya pa natikman. Paano naman kasi ang mahal naman ng presyo buong sahod na niya ang presyo nito sa isang bote. Mas Mabuting huwag na lang tumikim baka mamaya malasing pa siya. "Excuse me." Rinig niya, sa familiar na boses. Nagsalubong ang kanilang mga tingin. Agad naman siyang napuyoko dito. Ang t***k ng puso niya ay napakabilis bakit ganoon na lang ang naramdaman niya parang may nagtambulan sa loob. Parang dinadaga na iwan. "Ha?" Tulalang sagot niya dito. "Hindi ka lang lutang... Bingi ka rin!" Sabi nito sa kaniya uminit naman agad ang ulo niya sa sinabi nito. Hindi yata siya patalo sa hambog at mamatay na lalaking ito. Kahit mukha pa itong demonyo. Lalo na kung nasa tama siya. "Hindi ako bingi. Narinig po kita!" Sabi niyang nakaangat ang isang kilay sa lalaki. "Then, good! Because I hate deaf people." Sagot nito sa kaniya. Hindi nakangiting sabi nito. Malinaw pa ang pandinig niya. "So anong kailangan mo?" Nakasimangot niyang tanong sa lalaki. Ayaw niya itong kaharapin, kung pwide lang pero wala naman siyang magawa ang harapin ito. Siya lang iyong tao dito. No choice talaga siya... Ngumisi ito."I want hard wine.." pinili niya ang red wine na Ridolfi from italy. Inabot niya dito agad at sunod niya namang binigay ang baso sa harapan nito at ito na rin nagbukas. Kahit makaubos ito ng sampung bote walang problema dito. Kayang kaya nito bayaran ang halaga ng alak na e serve niya rito. "Thank you." Rinig niyang pasasalamat nito. Marunong din pala magpasalamat. Pero hindi na siya nag abalang tingnan ito. Hinarap niya na ang ibang customer. Habang abala si Zynn. Tahimik lang naman umiinom si Amari sa sulok pero nakakailang ang mga tingin nito. Hindi makakakilos ng maayos si Zynn, kapag alam niyang may nakatingin sa kaniya. Nang mawala ang mga customer nilapitan niya ito ng hindi makatiis. "May sasabihin kapo ba sa akin, Sir?" Medyo may inis niyang boses tanong sa lalaki. Tumungga muna ito ng alak bago nagsalita. "Nothing?" Tipid nitong, sagot sa kaniya. "Pero bakit nakatingin ka sa akin?" "Masama bang tumingin?" Pilosopong sabi nito, sa kaniyang. "Hindi! Pero kung bawat kilos ko naman po ay sinusundan niyo ako ng tingin! Hindi naman po yata tama iyon, Sir? Hindi po ako comportable!" Sabi niya dito. Umangat ang gilid ng labi nito, at muli siyang tinitigan sa mga mata. "So?" "So ilayo niyo po sa akin ang mga mata niyo!" Sabi niya dito. "I noticed your chest is growing. Do you have a child?" Wala sa sariling napatingin siya sa dibdib niya, mas malaki kasi ang dibdib niya ngayon mula ng manganak siya. Bakit ba pati dibdib niya napapansin ng lalaking ito. Ano pa ba ang sunod nitong mapapansin sa kaniya. "Opo, Sir? Tapos kana ba magtanong?" Tapat niyang sagot dito. Bakit pa siya mag lihim mas mabuting malaman nitong may anak siya, at sa ganoon ma' turn off ito, sa kaniya kung sakaling kursunada siya ng kumag na ito. "Oh, really? How old? He or she?" Bakit parang naging interesado ito sa buhay niya ngayon. "Walang galang na po, Sir? Bakit parang naging interesado na kayo sa personal na buhay ko?" Masungit niyang sabi dito. "I just want to meet you and talk to you for a moment...?" "Ah. Ganoon po ba?" "So ano? Ilang taon na siya? Babae o lalaki?" Ulit nitong tanong sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niyang tumingin dito. Kinakabahan na talaga siya sa kumag na ito. Bakit pakiramdam niya hindi magandang makipag- usapan dito. Hindi siya sumagot sa mga tanong nito. Bagkus hinarap niya ang mga customer na. Iniiwasan niya itong makausap. Kapag wala ng customer nanatili lang siya sa kahera nakaupo. "Hey, woman! Bakit iniiwasan mo ako, ha?" Hindi niya ito pinapansin hinayaan niya lang ito. Marahil marami na itong nainom kaya naman marami na itong naiisip na kung ano-ano. "Hindi ako lasing! Gusto ko lang ng kakwentuhan..." pagdadahilan ni Amari. Nakailang inom na nga ba ito sa alak. "Sa iba na po kayo makipag- usap kung gusto niyo Sir? May trabaho po ako." Sabi niya. "Find... Pero maari ko ba malaman kung na saan sila ngayon?" Pangungulit nito sa kaniya. "Sino?" Kunwaring sabi niya. "Anak mo?" Ngising sabi nito sa kaniya. "Bakit?" Takang tanong niya dito. "Nothing... Just want to know?" Wika nito. "I'm sorry, Sir.. masyado na po personal ang mga tanong niyo po sa akin. Hindi tayo ganon magkakilala para ikwento ko sayo ang talambuhay ko." Wika niya dito. Nagkibet-balikat lang ito at muling uminom ng alak nasa harapan nito. "Gusto lang kita makilala ayaw mo ba akong maging kaibigan mo, ha?" sagot ni Amari matapos inomin ang isang shot. "Sinabi ko na po sayo may anak akong dalawa at kung maari sana tigilan niyo na ako!" Patuloy niyang pagtataboy sa lalaki. "Oh, Are they two of your children? Sino ang ama nila?" Mainit ang ulo niyang nilapitan ito dahil sa kakulitan ng lalaki. "Sadya po ba mahina ang ulo niyo o talagang sinasadya niyo po hindi maramdaman na ayaw ko po sa inyo.. Sir?" Sa mataas na tunong sabi niya sa lalaki. Pero dedma lang ito kahit na galit na siya. "Sa anong dahilan? Bawal ba maging kaibigan ka?" Talaga bang makulit lang ito o wala lang makakausap kaya siya ngayon ang ginugulo nito. "Opo! Hindi ako ang karapat dapat na maging kaibigan mo. Malayo ang estado ng mga buhay natin. Empleyado lang ako dito at boss ka dito.. hindi bagay, hindi rin maganda sa paningin ng ibang tao. Kahit na ano paman kadahilanan, ayaw ko parin sayo. Kung maari sana lumayo ka sa akin at huwag kang lumalapit! Kahit kailan hindi ako makipagrelasyon, kahit sino!" Kahit labas na ang ugat sa liig niya pinipilit niya paring galangin ang kaharap. "Do you know my motto in life?" Hindi siya sumagot. "What I want I will take it, whether you like it or not..." Napalunok siya ng laway. Nakaramdam siya ng pangamba. Kung magtatagal pa siya dito hindi siya matatahimik pero saan naman siya maghanap ng trabaho wala siyang pera magagamit sa paghahanap ng bagong trabaho. "But you need time, but you can't run away from me." Seryosong sabi nito sa mga mata niya. Habang magkasalubong ang kanilang mga mata may naalala siya. Pero agad niya rin inalis sa isipan imposible iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD