Kabanata 6

1422 Words
Out na sa work si Zynn ng makatanggap ng note sa kaniyang locker. Agad niya iyon binasa ang nakasulat sa note. Pero kinamuyos niya rin ito at tinapon sa basurahan. Nagyayang kumain sa labas ang lalaki. Ang tigas ng ulo ilang beses na niyang sinabi na tantanan na siya pero hindi pa rin ito tumigil. "Ano ba kasing nakain nito at hindi siya titigilan?" Sabi niya sa sarili. "Halik mong nakakalason..." Napaatras siya ng bahagya nasa likuran niya lang ang lalaki nakapamulsa ito at, naka white shirts magulo rin ang buhok nito halatang kagigising lang. Hindi niya rin ito kayang titigan sa mga mata. Para kasing inaakit siya, kung makatingin. "Lumayo ka sa akin... " Sabi niyang hindi makatingin dito. Sobra kasi itong malapit sa kaniya. Amoy na amoy niya na, ang hininga nito. Wala na rin siyang maatrasan. Tinukod nito ang magkabilaang braso. Pakiramdam niya wala na siyang kawala pa. "No!" "Ano ba kailangan mo? Sir?" Tinulak niya ito. Pero hinuli lang ang mga kamay niya para hawakan siya. "Why are you avoiding me, huh?" "Eh, kasi busog po ako. At bakit kita iniiwasan? May nagawa kaba kasalanan sa akin para isipin mo iniiwasan mo." Dahilan niya. "Nothing.. pero--?" Hindi nito natuloy ang sasabihin. "Huwag! Please? Huwag!" Nagmamakaawang sabi niya dito. Nanginig ang mga tuhod niya sa takot. Biglang may pumasok sa isipan niya. "Why? Gusto lang kitang maging kaibigan. Pero iniiwasan mo ako bakit? Bakit sa ibang lalaki nakipagkaibigan ka at nakipagkwentuhan, Zynn? Pero pagdating sa akin tudo iwas ka. Lahat ng binigay ko sayo pinapabalik mo. Bakit?" "Gusto mo malaman?" Tumango ito agad sa kaniya. "Yes?" "Okay..." Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita. "Una, mabaho ang hininga mo." Nangunot ang noo nito napatingin sa kaniya at inaamoy ang sariling bibig. "Pangalawa, ayaw ko sa lalaking makulit o kinukulit ako. Pangatlo, ayaw ko papasukin ka sa buhay ko." Matapos niyang magsalita nagmadali siyang umalis para makalayo sa lalaki. Pero pinigilan siya nito. "Wait, hindi mabaho ang hininga ko, woman? Alright, I won't tease you anymore. At palalagpasin kita. But maybe you need my help. Am I willing, Zynn?" Aniya. Hinding hindi mangyayaring lalapit siya sa lalaking ito. Kahit ito pa ang natitirang tao sa boung mundo. Hinarap niya ito at ngumiti ng tipid. "Hindi ako lalapit sayo kahit kailan. Mas kinatutuwa ko po, Sir? Kung hindi kana magpapakita sa akin. Kahit kailan!" Sabi niya sa lalaki bago ito tinalikuran. Alam niyang naging harsh siya dito. Pero nagpakatotoo lang s'ya. Napakapit si Zynn sa rehas na bakal. Nanginig ang mga tuhod niya sa kaba. "Yabang niya..." Himutok niya. Kahit kailan hindi siya lalapit sa lalaking iyon. Anong akala niya sa akin tanga. Hay.. Nang makalabas ng building kaagad siyang pumara ng jeep gusto na niyang magpahinga. Habang sakay siya sa jeep nakakita siya ng mga kabataang may sinisinghot na rugby. Naalala niya ang mga kapatid sina Joel at Boboy. Kaedad lang mga ito. Sana hindi sila gagawa ng mga bagay na ikakasira ng mga buhay nila. Sana nga.. Pagdating sa bahay nagpalit siya agad ng damit matapos makapahilamos at maghugas ng katawan. Mamaya na siya kakain pagkagising pero bago siya matulog binukas niya muna ang cellphone. Pinapatay niya ito kapag naka duty siya at bawal rin ang cellphone sa oras ng trabaho. Maraming missed called at text messages ang tumatak sa screen ng phone niya. Kinakabahan siya at ang mga kamay niya ay nanginig, lalong mangaling sa pamilya ang tawag at text. ZYNN? SAGOTIN MO ANG TAWAG! SI BOBOY NAKULONG! TAWAG KA AGAD KUNG NAKAUWI KA! ZYNN ANG TATAY MO SINUGOD SA HOSPITAL! TAWAGAN MO KAMI AGAD! Hindi niya namamalayang tumulo na ang mga luha niya. Hindi niya alam ang gagawin. Uuwi siya ng Pangasinan.. kailangan niyang umuwi pero paano ang trabaho niya. Baka pagbalik niya wala na siyang trabahong balikan. Tumayo siya at lumabas upang makakuha ng hangin, sobrang masikip ang dibdib niya. Dinayal niya ang lumero sa bahay. Sinong nag- aasikaso sa mga bata, kung nasa hospital si Tatay at si boboy nakakulong pa. "Hello?" Sa namaos niyang boses. "Ate?" Si Kendra isa pa niyang kapatid. Halatang galing ito sa pag iyak. "Kendra? Ang Tatay... Si Boboy, Kumusta sila? Anong nangyari? Sinong nag asikaso sa mga bata, ha?" Sunod-sunod niyang tanong kay Kendra. "Ate, iniwan ko muna sila kay Ate Belen." Si Ate Belen ang asawa ng kuya niya. "OK. Si Boboy?" Tanong niya dito. "Dinampot si Boboy... Kaninang umaga ng mga polis... Kasi... nahulihan siya ng shabu sa bag!" Nasalat niya ang kaniyang sintido. Kailan pa gumagamit ng shabu si Boboy? Ang boung akala niya nag- aaral ito. Paano siya nagkaroon ng shabu sa bag? "Ano? Paano siya nagkaroon ng shabu sa bag?" Gulat niyang reaksyon. Mahigpit niyang binilin sa kapatid na huwag gagawa ng kalukuhan at dapat mag- aral ng mabuti. Pero ano 'tong nalalaman niya? "Ate... 50K. Ang multa kay Boboy... Kapag hindi siya makapagpiyansa sa loob ng limang araw dadalhin siya sa Muntinlupa Ate, mapapalayo si Boboy... Tulungan mo si Boboy, Ate..." rinig niyang, ang pag- iyak ni Kendra sa kabilang linya. "Ano? Saan ako kukuha ng ganong halaga, ha?" Problemado sabi niya. "Ate, si Tatay... Kailangang operahan sa kidney at kailangan ng malaking halaga 100K rin puwera lang sa mga gamot niya..." "Jusko... Anong gagawin ko? Saan ako kukuha ang 150K? Alam naba ng kuya mo ang nangyari baka may maibigay sila. Kahit kunti..." "Wala silang pera... Kung mayroon man daw hanggang gamot lang sila ni Tatay. Pero para sa pang opera ni Tatay ay wala po, lalo na po kay Boboy ay wala din, daw silang maibigay pampatubos... Ikaw na daw bahala ate... baka raw makahiram ka ng pera sa amo mo!" 15Ok ang kailangan niyang hanapin na pera. Papahiramin kaya siya ng manager. Malamang hindi. Kung mangungutang naman siya sa five six.. kulang pa rin. Ang makukuha niya. Saan siya hahanap ng karagdagan. Kinabukasan masakit ang ulo ni Zynn hindi siya makatulog sa kakaisip kung saan siya kukuha ng pera . Isa lang nasa isip niyang hiraman ng pera si Louren pero hindi niya pa ito nakikita ang babae. Saan kaya iyon? Pinipilit niya pa rin ang sariling kumilos kahit nakaramdam siya ng hilo. Gusto niyang matulog na lang pero kailangan niyang pumasok sa trabaho. Parang robot siyang naglalakad papasok. Nasalubong niya naman sa hallway ang lalaki. Kasama ang ibang mga kalalakihan na parihong naka tuxedo pero gray ang sa kaniya at blue naman ang nicktie na gamit, na bumagay naman. Hindi ito nakangiti ng saglit siyang sulyapan, seryoso ang mukha nito. Hanggang lagpasan siya nito. Sa admin agad ang tungo niya para umutang ng pera pero hanggang 5K lang maibigay nito sa kaniya. Hindi pa rin sapat. Magtatanghali ng makita niya ang babae. Agad niya itong kinausap at sinabi rito ang kailangan niya pero 20K lang kaya nitong ipahiram sa kaniya. Wala raw itong ganong kalaking pera sa ngayon dahil pinapadala rin nito sa probensiya. Naitindihan niya naman iyon lalo pa breadwinner rin ito gaya niya. "Bakit hindi mo sumubukang lumapit kay Amari? Tutulongan ka nun sa problema mo." Rinig niyang sabi nito. "Matapos ng sinabi ko sa kaniya kahapon parang wala na akong mukhang mahiharap pa, Louren?" Sabi niya dito. Ano na lang iisipin nito. Kung kinakain niya lang mga sinabi sa lalaki. "Humingi ka ng sorry... Sabihin mo nagkamali kang sinabi. Alam ko hindi ka tatanggihan nun! Pakiramdam ko lang type ka nun.. swerti mo dahil ikaw pa lang kauna- unahang babae sa balat ng lupa ang nakakuha sa interest niya." Agad siyang napangiwi sa sinasabi nito. "Alam ko naman na hanggang ngayon iniisip mo pa rin iyong nangyari ng gabing iyon. Pero Zynn kalimutan mo na iyon sa tingin ko naman wala siyang masamang gagawin sayo." Hindi siya sumagot. Naramdaman niya na lang ang kamay nitong tumapik sa isang balikat niya. "Pag-isipan mong mabuti. Bago mahuli ang lahat!" Kumunot ang noo niyang napatingin dito. "Ha?" "Balita ko babalik na siya ng Italy bukas." Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Louren. "So paano maiwan na kita, Zynn, may gagawin pa kasi ako." Paalam sa kaniya ng babae. Tango lang ang naging sagot niya dito. Saglit namang natulala si Zynn. Hanggang maari hindi siya lalapit dito. Hahanap siya sa iba. Kung kinakailangang utangan niya lahat ng empleyado dito sa casino gagawin niya, mabuo lang niya ang 150K. Kaysa lalapit don. Ayaw niya magkaroon ng utang na loob sa halimaw na iyon. Hindi siya maka fucos sa trabaho. Nangingibabaw pa rin sa isip niya ang problema sa probinsya. Pinipilit niyang huwag maapektuhan pero hindi talaga maiwasang maapektuhan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD