"Anak, Zynn.. ka musta ka dyan?" Ang tatay niya. Tumawag ito sa kaniya.
"Ayos lang po ako Tay.. ang mga bata ka musta sila, kayo din?" Masayang sabi niya. Mahirap sa katulad niyang nawalay sa mga anak niya. Pero dahil kailangan niyang kumayod para sa kanila. Kaya niyang magtiis at isakripisyo ang sariling kaligayahan. Basta ikakabuti ng mga anak niya ay gagawin niya.
"Ayos lang naman kami at mga bata tinanong pa nga nila kung kailan ka uuwi?" Narinig niyang napabuntong hininga ito. Kahit siya ay nahihirapan. Miss na miss niya ang mga anak niya. Walang oras hindi niya ito naalala. Namaos ang kaniyang boses mabigat sa kalooban. Pero pinilit niyang magpakatatag at pinaparamdam sa tatay niyang maayos lang siya. Kahit naninikip ang dibdib niya sa pangungulila.
"Mabuti naman kung ganon pilitin kong makakauwi sa pasko, Tay.. pakisabi sa kanila na miss ko sila." Basag ang boses niyang sabi. Nagsimula na rin gumilid ang mga luha niya ang tagal niyang hindi nakauwi. Dahil sa lagi siyang kinapos sa pera at mahal rin ang pamasahi.
"Umiyak ka ba?" Nag- alala ito sa kaniya. Agad niya naman pinunasan ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
"Hindi ho?" Tanggi niya agad.
"Si Zynn ba iyan? Uy, Zynn! Salamat sa padala mong pera! Sasusunod ha? Padala ka ulit ng malaking pera." Rinig niyang sigaw ng madrasta. Kahit hindi niya nakikita ito. Ramdam niyang abot tainga ang ngiti sa padala niyang pera.
"Okay po, pero matagal pa ako magpadala ulit ng pera. Kung pwide po sana tipirin niyo po ang perang pinapadala ko diyan." Sabi niya, sa madrasta. Pagkabigay sa kaniya ng pera agad niya iyon pinadala sa probensiya lahat. Hindi na baling walang matira sa kaniya. Ang mahalaga ang mga anak niya naiwan sa probinsiya nakakain ng maayos. Hindi nagugutom.
"Oo naman, noh? Basta, ha? Sasusunod mo padala lakihan mo, ha? Alam mo naman walang trabaho ang Tatay mo! At mga anak mo malakas kumain isa pa iyong dalawa mong mga kapatid nag- aaral at sa akin pa kumukuha ng pamasahi papasok sa eskwela! Hay naku..." Sumbong nito. Pinipilit niyang magpakatatag sa hirap ng buhay. Kahit hindi niya, kinakaya niya para sa pamilya niya.
"Sige po.." sagot niya dito. Kapag marami pa siyang sasabihin. Hahaba lang ang usapan at kung saan saan pa umabot ang usapan. Mauungkat ang hindi dapat ungkatin kapag ang madrasta na niya magsalita.
"Mabuti naman.. oh, sige! maiwan ko muna kayo ng Tatay mo pupunta lang ako kay kumareng Selma at Josei... huwag mong i brainwash, ang anak mo baka mamaya kung ano- ano na ang tsismis na pinagsasabi mo diyan ka, Zynn! Ha?" Kahit nasa telepono pa siya nakikinig. Wala itong pakialam na marinig niya.
"Umalis kana nga! Kung ano- ano na lang ang pumapasok sa isipan mo." Rinig niyang pagtaboy ni Tatay sa babae.
"Basta huwag kang magkakamaling siraan ako sa anak mo. Iiwan ko kayo mag- ama! Tingnan natin kung kakayanin mo mag- isa ngayong isa kanang baldado!" Pananakot nito kat Tatay.
"Tumahimik ka na pwide!" Awat nito sa babae. Walang nagawa ito ang umalis.
Humugot ng malalim na hininga si Joseph bago nagsalita. "Pasinsiya kana anak... narinig mo pa ang pagtatalo namin ng Nanay mo."
"Okay lang po Tay.. nasanay na ako sa ingay ni Nanay. " Sabi niya dito.
"Kung pwide ko lang ibalik ang nakaraan pipiliin ko na lang na mag-isa sa buhay kaysa makasama si Rosa. Sorry anak, ha? Pero nagsisisi na ako ngayon." Narinig niya ang pagsinok nito.
"Okay lang, Tay.. malalagpasan rin natin ito. Kailangan mo si Nanay Rosa... Dahil sa kalagayan mo diyan." Sabi niya.
"Mag-ingat ka anak, ha? Pasinsiya kana kung nahihirapan ka, kung hindi lang ako nagkasakit sana nakakatulong ako sayo ngayon." Sumikip ang dibdib niya sa sinabi ng Tatay.. ramdam niya kasing nahihirapan na ito.
"Tay, huwag mo ng sisihin ang sarili mo hindi mo kasalanang magkasakit ka. Basta kung ano mang mangyari diyan balitaan niyo ako, ha? Iyong bahay patapos na ba?" Kailan lang pinapa repair niya ang bahay dahil tumutulo na daw ito papalitan ng bubong kaya naman nagpadala siya ng pera para ibili ng mga materiales.
"Ha?"
"Iyong bahay po, tapos na po ba nagawa na po ba ang bubong hindi na ba tumutulo iyon? Sabi sa akin ni Nanay Rosa." Ulit niyang sabi sa ama.
"Ah, eh.. Oo anak!"
"Salamat naman.. hindi na kayo mahihirapan kapag umuulan. At nababasa ng ulan." Natuwa naman siya kahit papaano.
"Oo, hindi na..." Alanganing sagot nito sa anak.
Nagkakape si Zynn ng makarinig ng balita mula sa radio ng katabing silid. Malakas ang volume ng radio nito kaya dinig na dinig niya.
Isang lalaking natagpuang patay palutang lutang sa ilog. Nakilala ang lalaki si George William isang businessman. Napag alamang nikawan ito pagkatapos patayin.
Kilala niya ang lalaking iyon. Sigurado siyang nagluluksa ang mga pamilya ng lalaki. Hindi totoong ninakawan ito at pinatay. Talagang pinatay ito. Kung may lakas loob lang sana siyang magsumbong ginawa na niya. Pero natatakot naman siyang pagdiskitahan ng lalaking pumatay dito. Hindi niya kaya.. paano pamilya niya kung siya naman ang mababalita sa radio na pinatay.
"Sos.. nakakatakot na talaga ang panahon ngayon! Kung hindi pinapatay! Ginagahasa naman! bago patayin. Parang nakakatakot na talagang magabihan sa labas!" Rinig niyang sabi ng isang room mate niya.
"Dapat duble ingat..." Sagot niya naman.
"Sinabi mo pa... Kaya, kapag alam kung magagabihan na ako. Nagpapasundo na ako. Mahirap na baka mamaya mapagtripan ka ng mga adik diyan. Paano na lang ang pamilya kong umaasa sa akin. Kawawa sila kapag na tsugi ako!" May point naman ito. Gaya niya. Breadwinner din ito sa limang kapatid.
"Ako din naman. Natatakot minsan pero pinagdasal ko na lang sa Dios ang kaligtasan ko." Nakangiting sabi niya dito.
Nagtitiklop ng damit si Zynn na nilabahan niya kahapon. Mamayang gabi ang pasok niya sa work. Mayroon kasing nightshift ang trabaho niya. Isang buwan at susunod namang buwan ay umaga na ang pasok niya.
"Uy, Zynn.. kumusta naman ang pasok mo sa A Casino? Balita ko malaki raw magbigay ng tip ang kano diyan saka, ha? Exclusive... hindi ka makakapasok basta sa loob kung wala kang A card.." sabi nito sa kaniya ni Patti kaboardmate niya naman ito. Student si Patti bilang nurse isang taon na lang gagraduate na rin ito.
Umangat ang gilid ng labi niya. " Sino may sabi?" Tanong niya dito kunwaring wala siyang alam. Matagal na niyang alam ang tungkol sa A card. Ang A card ay para lamang sa mga loyal customer at malalaking tao. Gaya ng mayayaman at sobrang sobra ang mga pera. Ang B card naman ay para rin sa mga customer na VIP. Kapag wala ka sa dalawang iyan. Hindi ka makakapasok sa loob ng ganon- ganon lang maliban kung employee ka. Kahit employee ka sa A casino mayroon silang ginagamit na authorized ID at hindi pwideng wala ka non dahil hindi ka makakapasok. Mahigpit ang security system ng A casino. Minsan na rin siyang hindi nakapasok sa A casino, ng minsan maiwan niya ang ID. Wala siyang nagawa ang umuwi. Mula noon nilalagay niya na sa bag ang ID pagkatapos hubarin. Upang hindi niya makakalimutan.
"Narinig ko lang... Totoo ba iyon ha? Zynn? Baka pwide mo naman akong ipasok dun? Kailangan ko talaga ng ibang pagkakitaan, eh?" Ungot sa kaniya ni Patti.
"Ikaw na rin nagsabi na exclusive dun? At kung may bakante. Sabihin ko sayo agad." Sabi niya dito. At sa tingin niya matagal pa magkuha ulit ng trabahador dahil kailan lang may bagong dating at tinitrain ng HR.
"Sige... basta ipasok mo ako, ha? Kung sakaling hanap ng tao.... please?"
"Babalitaan kita kapag may vacant na.. paano pag-aaral mo?" Sabi niya dito. Tuwang napayakap ito sa kaniya ang babae.
"Salamat, ha? Kailangan ko talaga ng trabaho habang nag-aaral.. gusto ko makatapos, Zynn.. sana naman makapasok ako sa work mo. Extra income... Kulang na kulang ang padala sa akin ng Tatay at Nanay! Semprey, ayaw ko ng magdemand pa sa kanila. Alam ko naman mahirap din pera doon sa probinsya namin!" Kita niya ang sinsiredad sa mukha nito. At nakikita niya ang sarili kay Patti, noon. Masakit man pero kailangan niyang huminto sa pangarap niya.
"Susubukan ko.. pero habang wala pa hanap ka muna sa iba." Suggestion niya dito. Tumango naman ito sa sinabi niya.
"Okay, pero salamat pa rin.. basta, ha? Ipasok mo ako kapag mayroon na bakanti. Huwag mo akong kalimutan."
Tumango lang siya. "Bakit mas gusto mo pumasok sa A casino. Hindi ka ba natakot kung bakit sobrang higpit ng security nila doon?"
"Hmm.. ako nga ang magtanong niyan, doon ka nagtrabaho, di'ba? Hindi ka rin ba natakot?" Tanong sa kaniya. Hindi niya naman alam nung una. Pero ngayon nakilala niya na ang may-ari ng A casino. At kung paano nito pumatay sa harapan niya mismo. Doon nagsimula ang takot niya. Pero may batas sila at kasama iyon sa pinirmahang niyang kuntrata.
"Nung una.. pero--" kinakabahan siyang magsalita baka kapag sinabi niya kay Patti ang nasaksihan niya kahapon baka magsumbong ito sa police at mapapahamak lang ito.
"Hoy, ano? Bakit parang balisa ka diyan? Mayroon bang nangyayari sa A casino na hindi mo sinasabi sa akin?"
"Eh, ano... wala. " Agad nagbago ang isip niya.
"Akala ko ano na..."
"Gusto ko rin sana umalis dun kaya lang ang hirap maghanap ngayon sa panahon. Kung mayroon man maliit lang sahod hindi sapat..." Ang hirap humanap ng ibang trabaho sa ganiting panahon na matindi ang pangailangan mo ng pera.