"Ang Tatay mo naghihingalo na sa hospital kailangan niya ng maoperahan agad at ang kapatid mo rin nakakulong kailangan ng pampatubos! Aba! kailan ka magpadala wala na kaming pera dito lalo na ang pang araw- araw namin gastosin! Dalian mo naman... kailan ka kikilos kapag patay na Tatay mo!" Kausap niya ang nanaynanayan sa kabilang linya.
"Kakapadala ko lang po ng pera diyan. Bakit wala na po ba? Malaki po iyon..." Sabi niya dito. Hindi agad ito nagsalita.
"Hindi ba sinabi sayo na pinagawa ko sa bahay. Alam mo naman na sirang-sira na iyong bahay natin at malaking gastos dahil mahal na ang materiales ngayon!" Paliwanag nito sa kaniya. Alam niyang pinapaayos ang bahay dahil nababasa na sila kapag umuulan.
"Bakit iniisip mo ba winawaldas ko iyong perang pinadala mo?"
"Hindi ho?" Agad niyang tanggi sa kausap.
"Aba! Sa tuno ng pagtatanong mo kanina. Parang pinagbintangan mo ako ha? Zynn? Hindi mo lang iniisip ang hirap ko sa pagpapalaki sa mga anak mo! Tapos ganiyan ka pa sa akin." Ramdam niya ang pagtatampo sa boses nito.
"Nay? Sorry... Marami lang akong iniisip kaya kung ano-ano na lang lumabas sa bibig ko. Oh, sige... Kung ganon po gagawa po ako ng paraan para matapos itong problema natin." Pagod niyang sabi. Ayaw na niyang makarinig ng panunumbat sa babae. Malaki ang utang na loob niya dito. Mahirap na magkasamaan ng loob.
"Kailan ka magpapadala ng pera? Bilisan mo Zynn? At sa akin mo pa rin ipadala huwag sa mga kapatid mo? Alam mo naman ang mga iyon!" Umoo na lamang siya pero ang balak niya kapag nabuo niya ang 150K uuwi siya ng Pangasinan agad. Matagal na rin ang huli niyang uwi namimiss na niya ang mga bata. Kumusta kaya ang mga anak niya. Siguro ang taba- taba na nila ngayon sabi ni Nanay malakas daw sila kumain kaya ang tambatsoy na.
"Hi, Zynn?" Si Sir, George, ito na pala ang bagong owner ng casino.
"Sir, George!" Ngumiti ito sa kaniya sa pagtawag niya dito.
"George na lang.."
"Pero nakakahiya po." Sabi niya sa lalaki.
"Pag tayo lang George na lang itawag mo sa akin. Kaibigan ka ni Louren. Tinuring na kitang kaibigan din. Dahil sayo nakuha ko itong casino..." Nagtatakang napatingin siya dito.
"Ha?"
"Eh, may postahan kami nun ni Amari. Kilala mo na siya di' ba?" Hindi siya sumagot.
"Alam kong mababastos ka pero iyon ang totoo. Postahan namin ay kung magawa ka niyang ikama ng gabing iyon mapupunta sa kaniya ang Tagaytay ko. Pero kapag hindi sa akin na ang casino niya. Nakakatawa di'ba? Pero napunta sa akin ang casino niya dahil hindi ka niya nakuha." Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa mga pinagtapat sa kaniya ni George. Kung pumayag pala siya nun siguro mapunta sa kaniya ang beach resort sa Tagaytay. Pero hindi.
"Tumanggi ako..." Sabi niya sa lalaki.
"I know. Alam mo ba kahit kailan hindi pa tinatanggihan ng babae si Amari at kahit kailan hindi siya tumatanggap ng pagkapanalo gagawin niya ang lahat manalo lang sa postahan pero laking gulat ko na basta na lang siya pumayag na walang mangyayari sa inyo. May ginawa ka ba na magpapa control sa kaniya?" Tumingin ito ng tuwid sa mga mata niya.
"Wala. At isa pa hindi ako bayarang babae!" Sabi niya sa lalaki. Nagkibet-balikat lang ito.
"Okay... Pero napahanga mo ako... Zynn?"
"Salamat. Pero ano ang kailangan niyo at naparito kayo?" Deretsahang tanong niya kay George. Ngumiti lang ito sa kaniya bago uminom ng alak nasa harapan nito. Humingi ito kanina kaya agad siyang nagsalin sa baso ng inomin.
"Nalaman ko kay Louren na kailangan mo ng pera. Dahil nakulong ang kapatid mo at nasa hospital naman ang Tatay mo." Hindi naman siya nakakibo sa nalalaman. Ang babaeng iyon hindi makapagtago ng sekreto.
"Huwag mo na siyang pagalitan. Gusto niya lang makatulong sayo."
"Oo, kailangan ko ng pera Maari ba akong makautang?" Deretsahang tanong niya kay George.
"Nakakahiya man pero lakasan ko na ang loob ko. Huwag po kayo mag-alala magbayad ako kahit hulogan ko lang." Sabi niyang nahihiya dito.
"Uhm, Medyo malaki ang perang hihiramin mo. Oh, sige.. marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. Kung hindi dahil sayo hindi ko makuha ang casino ito." Nakangiting sabi ni George sa kaniya. Nang libotin ang tingin nito sa boung casino.
"Maraming salamat! George, hulog ka ng langit." Nag- angat ito ng isang kamay. Tanda ng pagsagot nito.
"Kaya lang nakahold ang account ko, eh? Hindi ako maka withdraw. Isang linggo pa bago maayos ang account ko. Mayroon ako dito 30K lang pero para lang ito sa mga pangailangan ko sa araw-araw. Alam mo kasi magastos ako. Hihi?" Laglag ang balikat niya. Iyong naramdaman niyang tuwa sa puso kanina biglang naglaho na parang bola. Saan na siya kukuha ng pera ngayong ginigipit siya ng nanay niya.
"Ano mahihintay mo ba?" Tipid siyang ngumiti dito. Matagal iyong isang linggo. Paano kung namatay si Tatay sa hospital na hindi ito naoperahan agad. Kasalanan niya pa kung ganoon dahil mabagal siyang kumilos.
"Ah. Eh.. salamat na lang.. kailangan ko na talaga iyong pera George. Kung next week pa, huwag na lang." Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa umalis na ito sa kaniyang harapan.
Nakaramdam ng pag-ihi si Zynn sandali niyang iniwan ang kahera. Wala pa naman tao kaya minadali niyang pumunta sa C.R. para umihi pero binilin niya muna kay Carol bago siya umalis kaya lang kanina niya pa ito napapansing parang may gumugulo sa isipan nito. Madalas kasi itong balisa at hindi makausap ng matino madalas pa malayo ang isip.
"Carol, ikaw muna dito ha? Iihi lang ako..." Sabi niya dito. Lumapit naman ito sa kaniya ang babae.
"Oh, sige... Pero sandali ka lang ha?" Tumango naman siya agad dito.
"Oo, sandali lang ako takbuhin ko na ang C.R. para makarating agad." Sabi niya. Malayo kasi iyon nasa first floor pa at nasa second floor siya. Hindi pa nagagawa ang C.R. sa taas. Lahat nasa second floor sa baba ang takbo kapag naiihi o nagbabawas.
"Sige, alis kana..."
Tinakbo niya ito para makarating agad. Mabuti na lang walang gaanong tao. Minsan kasi maraming tao at pinipilahan pa. Nakahinga siya ng maluwang na walang katao tao. Pagkababa ng underwear umupo siya agad sa cubicle at nakaraos rin sa wakas. Hindi muna siya tumayo. May narinig siyang dalawang taong nag- uusap sa labas ng pinto, nangunot ang noo niya. Nakita niya pa ang sout nitong block shoes. Binukas niya ng maliit ang pinto para makita ang dalawang lalaking nag-uusap naka side view ang mga ito sa kaniya. Pero napansin niya kaagad ang baril nasa baywang nakakabit. Kilala niya lahat ng mga securities sa Casino at paano sila nakapasok na may dalang baril, sa labas pa lang mahigpit na.
"Sino ang unahin patumbahin, Boss?" Tanong ng isang lalaking nakakatakot ang mukha.
"Semprey, si Fuentis! Para wala ng karibal sa negosyo. At sunod mo ang iba pa... Sigurun mo lang mapatay mo ang taong iyon! Dahil kung hindi patay tayo."
"Masusunod, Boss? Anong gagawin sa mga ibang tao?"
"Patayin lahat walang matitira kahit isa!"
Nanginig ang mga kamay ni Zynn. Kailangan niya magbigay ng babala sa lahat ng tao sa casino. Pero paano kung marami silang kasama at napapalibotan ng mga armadong lalaki ang boung casino. Nakagat niya ang kaniyang kuko habang nag-iisip kung ano ang nararapat niyang gawin. Nang may maisip siya ay lumabas siya kaagad sa C.R ng mapansing wala na ang mga ito. Naghagdan na siya natatakot siyang baka masalubong niya ang mga ito sa elevator. Isa pa, kailangan niya unahan ang mga lalaking iyon sa silid ni Amari.
Hingal na hingal siya ng takbuhin ang silid ni Amari. Pinapanalangin niyang andon ang lalaki at wala ito sa labas. Para siyang kapusin ng hininga sa kakatakbo gamit ang hagdan sumasakit ang mga tuhod niya. Nang nasa tapat na siya ng pinto kinatok niya ito ng kinatok. Matagal bago ito nagbukas ng pinto.
"Who are you? Nambubulabog sa taong natutulog---?" Tinulak niya ito papasok sa loob ng silid at muling sinara ang pinto at bago ni locked.
"You? What did you do in my room?" Supladong tanong sa kaniya. Wala ito sa mood marahil naputol ang magandang panaginip nito. Tinalikuran niya ito agad ng makitang naka brief lang ito. Hindi maganda ang pumapasok sa isipan niya nakakasala na siya. Lalo pa malaking bukol doon sa gitna ng hita nito.
"Pwide ba mag damit ka muna..." Sabi niya rito. Narinig niyang pagbukas nito ng damit sa cabinet.
"Now speak. Bakit nasa kwarto ka? Nagbago ba isip mo at gusto mo na akong akitin." Seryoso ang mga mata nitong tanong sa kaniya.
"Hindi! Ano ka sinuswerte?" Supladang sagot niya sa lalaki. Hindi pa rin nawala ang pagkunot sa noo nito.
"Then? Ano nga ginagawa mo dito?"
"Pasinsiya na po. Pero kailangan mo balaan ang iba na, may nakapasok na mga armadong lalaki sa casino at papunta na sila dito para patayin ka!" Sabi niya.
"What? Who?" Hindi makapaniwalang reaksyon nito.
"Hindi---?" Biglang nawalan ng ilaw at sobrang dilim ng paligid wala siyang makita kahit anino man lang.
"Sir? Sir?" Takot niyang boses na tinawag ang lalaki. Pero wala siyang narinig kahit paghinga nito.
"Sir... Huwag mo naman akong iwan. Saan ka? Natatakot na po ako... Wala po akong makita." Mga kalabog at kaluskos ang mga narinig niya. Nakaramdam siya ng kaba na, baka napasok na sila ng masasamang loob.
Nangangapa siya sa dilim.