OWNED 8

1614 Words
Maaga ako nagising at wala na si Xyro sa kaniyang kwarto, may iniwang note lang ito sa tabi ng pagkain ko. 'I need to go to my office, use this credit card and eat outside - be safe' Napangiti na lang ako sa aking nabasa, ibig sabihin papayagan niya akong lumibot dito! sakto may nakita akong mall malapit sa condo na ito doon ako mag wi-window shopping. Hindi ko naman maaring gastusin ang laman nito, nakakahiya kay Xyro kahit na sinabi niyang gamitin ko ito. Gagamitin ko lang ito para sa pagkain. Kinain ko na ang almusal ko at pagkatapos non naglinis muna ako saglit. Pagkatapos ko maligo nagsuot ako ng maong shorts at black na oversized shirt at tinuck-in ko ito nilabas ko naman ang rubber shoes ko na puti, nag iisa lang ito pero hindi ko masyado ginagamit kaya bago at malinis tingnan, ito ang una kong binili nong na swelduhan ako sa pinagtrabahuan ko, regalo ko sa sarili ko. Napatingin naman ako sa salamin, napangisi pa ako dahil nag mukha na akong tao. Mas maayos ang itsura ko ngayon. Kinuha ko ang slingbag ko at nilagay don ang cellphone at credit card ni Xyro tsaka yong credit card ko na may ipon ko, baka makakita kasi ako ng gusto kong bilhin. Lumabas na ako at nilakad lang ang mall, dahil malapit lang talaga ito sa condo. Napakaganda ng panahon! buti na lang din hindi ako nagpantalon medyo mainit din kasi pero hindi naman sobrang tirik ng araw. Pumasok ako ng mall at nagtingin-tingin lang, hindi ako pumapasok sa mga shop dahil wala naman akong pera na pambili lalo na mahal iyon panigurado. "Anna?" napalingon naman ako, nakita ko ang isang lalaki naka-shades ito at nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ko siya kilala, tatalikod na sana ulit ako nang ibaba nya ang shades niya. Natigilan ako at tinitigan pa siya nang husto. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang makilala ito. "Kevin?" napatakip pa ako sa aking bibig sa gulat. "Anna! ikaw nga, kumusta? gumaganda ka lalo ah!" tukso niya sa akin, nag-init naman ang pisngi ko dahil sa hiya. Hindi ako sanay na kino-compliment. "Ano ka ba! hindi naman, bolero ka pa rin pala." si Kevin ay naging kaklase ko simula 1st year highschool hanggang sa grumaduate kami, mayaman si kevin pero nag-aral siya sa public sa La Union dahil doon sila dati nakatira at malapit lang ang bahay niya sa paaralan, matalino ito at napaka gwapo, siya ang hinahabol ng mga babae sa school namin. Isa siya sa pinaka-close ko, apat kaming magkakaibigan. Ako, si Angela at Mark na mag nobyo at si Kevin. "Nandito ka na pala sa manila, dito ka ba nag wo-work?" tanong niya, natigilan naman ako, hindi ko naman kasi p-pwedeng sabihin kong ano ang sitwasyon ko ngayon dahil panigurado magugulat ito at magtataka. "A-ah oo personal assistant ako," pag sisinungaling ko. "Thats good! alam mo bang gusto kita sanang hanapin at alukin ng trabaho?" nanlaki naman ang mata ko. "Ano namang trabaho?" tanong ko, naglalakad na kami ngayon habang nag-uusap, napapansin ko pa ang mga nakaw na tinging ng mga kababaihan kay Kevin. "Model! I have modeling agency." napanganga naman ako sa sinabi niya. "Wow mas yumayaman ka ata lalo," pagbibiro ko sa kaniya, tumawa naman siya. "Tsaka bakit ako? alam mo namang hindi ako maganda at hindi ako nagmo-model. Alam mo namang mahiyain ako sa iba 'di ba?" sabi ko pa "Anong hindi maganda? you're beautiful inside and out anna! naalala mo pa ba na madaming nagkakagusto sayo noon? ikaw ang pinakamaganda sa school kahit hindi ka mag make up!" napanganga ako at pabirong hinampas ko naman siya sa braso. "Ikaw, binobola mo na ako." natatawang sambit ko. "Alam mong hindi ako nag sisinungaling 'di ba?" sabi niya pa. Oo alam ko naman 'yon na hindi siya sinungaling. "Teka? wala ka bang pupuntahan?" tanong ko nang mapansin na kong saan saan lang kami naglalakad sa loob ng mall. "Wala gusto ko lang tumingin-tingin ng mga trends na damit ngayon tsaka galing din ako sa boutique ng ate ko." napatango naman ako alam kong may ate siya pero hindi ko pa nakikita sa personal. "Let's eat!" yaya niya sa akin. "Saan naman?" tanong ko tinuro niya naman sa akin ang fine dining restaurant. Napatigil ako sa paglalakad kaya siya rin napatigil. "Nako mahal diyaan," nag aalalang sambit ko, baka kasi abutin ng isang libo para sa unting pagkain ko lang. Ayaw ko gumastos nang ganon, wala akong pera para sa ganon na bagay. "No worries, treat ko! matagal na tayong hindi nagkita at na-miss din kita kasama." napangiti naman ako sa sinabi niya. Gusto ko sana tumanggi pero alam kong hindi niya ako titigilan, tumango na lang ako. Sa totoo lang na-miss ko rin siya, pati na rin sila Angelica at Mark. Pumasok kami sa restaurant at binati naman kami ng magalang ng mga staff. "Kevin!" masayang sambit ng isang lalaki na naka-chef's uniform. "Hey carlo!" "Oh may kasama ka palang maganda, siya na ba ang girlfriend mo?" nakangisi sa kaniya 'yong carlo. Umiling naman ako ka-agad, "kaibigan niya lang ako." singit ko, tumawa naman ito. "okay sabi mo e, by the way i'm Carlo pinsan ko si Kevin." nang sinabi nya iyon nanlaki ang mata ko at agad na tinaggap ang pakikipag kamay niya. "Nice to meet you," sambit ko. Pinaupo naman niya kami sa pangdalawahang lamesa nag-serve naman sila ng red juice. "What do you want anna?" nakangiting tanong ni Kevin. Napatingin ako sa menu na nasa lamesa namin. "E-eh hindi ko alam, ngayon pa lang ako nakapasok dito," mahinang sambit ko. Tumawa naman siya ng mahina kaya natawa na rin ako. Hindi ko naman kasi alam kong anong klase ng mga pagkain ang sine-serve dito. "Okay ako na ang bahala, don't worry." tinawag niya ang waiter at sinabi ang mga order. "Parang madami naman ata 'yon? may hinihintay pa ba tayo?" mahina lang ang boses ko dahil may mga tao rin na kumakain, nakakahiya naman kasi. "No, gusto ko lang ipatikim sayo ang mga paborito ko rito, you know carlo, he's amazing when it comes to cooking." "Matakaw ka pa rin pala, pero hindi naman tumataba, kaka-work-out mo siguro 'yan." ngumuso naman ako, ang daya niya dahil mukha namang maganda ang katawan niya at fit pa. Napahiyaw ako nang kinurot niya ako sa pisngi pero siya tumawa lang ng tumawa. Nag sorry naman ako sa mga tao pero paglingon ko sa gawing kaliwa... "Oh your P.A is here X," nanigas naman ako sa kinauupuan ko, napatulala ako sa gawi ni Xyro pero agad ko rin 'yon iniwas nang lumalim ang titig nito Tumayo sa pagkakaupo 'yong babaeng yumakap noon kay Xyro nong na sa opisina niya kami. "Hi, kevin. I didn't know that you have a date with your girlfriend." sabi nang babae sa kaniya. Pinagsiklop ko ang kamay ko ng lumapit na rin si Xyro sa akin at madilim ang mukha. "Why are you here?" tanong nito sa akin. "A-ah para kumain?" patanong kong sagot. nakita ko naman ang sama ng titig niya at napakagat pa ito sa labi niya na parang pinipigilan ang inis. He's angry... ramdam ko at kitang kita ko. Pero bakit naman siya sa akin magagalit? siya ang nagsabi na kumain ako sa labas. "Hi stefanie! she's not my girlfriend... not yet," pabirong sabi ni Kevin at tumawa pa. Tiningnan ko naman si Kevin pero nginitian lang niya ako. "Gusto niyo bang sabayan kami kumain? our meeting is done, so we're free now." bumaling naman si Kevin ng tingin sa akin at nagtatanong ang mukha nito kong papayag ba ako. Gusto ko man sabihin na ayoko, dahil nakakatakot ang aura ngayon ni Xyro at hindi ako magiging komportable pero alam kong mag tataka siya. "Ah, o-okay lang" sambit ko. Inalalayan naman ako tumayo ni Kevin at hinawakan pa ako sa kamay. "I need to talk privately to my P.A please excuse us," pagkasabi ni Xyro non agad agad niya akong hinila papunta sa kong saan. Hindi na ako nakapag-react dahil masiyado siyang mabilis. Nanlaki ang mata ko nang makita kong saan kami pumasok. Kinabahan ako dahil sa banyo talaga kami pumasok. "What the fvck are you doing here? flirting?" napanganga naman ako sa sinabi niya, hindi ko alam kong bakit galit na galit siya. "Ano bang sinasabi mo?! hindi ako nakikipag landian kay Kevin! nandito ako para kumain." mas lalong nagdilim ang mukha niya at napatalon ako sa gulat nang bigla niyang sipain ang trash bin, tumalsik naman ito sa kabilang dulo mabuti na lang at wala pang basura iyon kong hindi nakakahiya talaga. Kunot noo ko siyang tiningnan, He brushed his hair using his finger. He clenched his jaw while looking on the other side. "I said that you'll just eat outside. I didn't say that you are allowed to date any man! Damn it." singhal niya sa akin at napahilamos pa sa kaniyang mukha. "Hindi nga ako nakikipag-date! aksidenteng nakita niya ako at niyaya kumain! kaibigan ko siya kaya pumayag ako!" sigaw ko sa kaniya. Pati ako nadadamay sa init ng ulo niya. Bakit kailangan niya pang magalit? anong nakakagalit sa ginawa ko? "Let's go home," agad niyang kinuha ang kamay ko pero malakas ko iyong nabawi. "Ayoko! nakakahiya sa girlfriend mo baka mag taka at nawala tayo." sinalubong ko ang tingin niya sa akin. "Fvck! she's not my girlfriend! she's just a friend for fvcking sake!" napangisi naman ako. "Oh? pareha pala tayo e, friend ko rin si kevin! kaya bahala ka sa buhay mo hindi ako uuwi!" pagkasabi ko non iniwan ko siyang mag isa sa banyo. "Tang ina," Narinig ko pa ang sunod na mura niya pero hindi ko na siya nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD