Mabilis akong umupo sa tabi ni Kevin at ngumiti.
"Where's X?" tanong ni Stefanie, medyo nakataas ang isang kilay nito pero wala akong pakialam sa kaniya.
"Nag-Cr lang,"
"I didn't know na si X ang boss mo." nakangiting saad sa akin ni Kevin.
"Kilala mo pala siya?" gulat na tanong ko, tumango naman siya. Hindi ko alam na maraming nakakakilala kay Xyro, siguro dahil mayaman ito.
"He has a famous Advertising company in different country. Sila rin ang ka-partner ko if may ipapa-advertise akong mga damit. Kaya nga kinukuha kitang model 'di ba?" bulong niya pa sa akin.
Nagsidatingan ang order namin, at dumating na rin si Xyro na seryosong-seryoso ang mukha at halatang galit na galit pa rin.
Panigurado ako lagot ako mamaya pag-uwi, pero siyempre hindi ako mag papatalo! bwisit siya, nakaka-asar siya, hindi naman ako nakikipaglandian siya nga nginitian pa yang Stefanie na 'yan.
"You ordered a lot of food Kevs," natatawang sabi ni Stefanie.
Sa totoo lang madami talaga at dagdag pa roon ang order nila Xyro.
"Gusto ko kasing patabain si Anna napaka payat." natawa naman ako sa sinabi niya kaya siniko ko siya.
"Hindi naman kasi ako tumataba kahit anong lakas ko kumain 'no." bulong ko sa kaniya.
"I know... napaka sexy mo pa rin at mas lalo ka pang sumexy ngayon." namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Stop talking... we're here to eat not to flirt." napatingin naman ako ng masama kay Xyro,
nag-umpisa naman siya kumain nang padabog, parang bata talaga ito kong umasta ngayon o kaya naman parang babaeng may regla.
Buti na lang hindi pinansin ni Kevin ang sinabi nito.
Binigay naman sa akin ni Kevin ang hiniwang steak at nag pasalamat naman ako. Tahimik lang akong kumakain habang nagk-kwentuhan si Kevin at Stefanie.
Kumunot ang noo ko nang naramdaman na may sumipa sa paa ko.
Tumingin naman ako sa kaharap ko, si Xyro,
pero hindi siya nakatingin sa akin at kumakain lang na parang walang ginagawa.
Napatigil naman ako sa pagsubo nang maramdaman ko na naman ang paa niya na umaakyat papunta sa hita ko, kaya mabilis kong inapakan ang isa niyang paa, pero mukhang walang talab sa kaniya, hindi man lang nasaktan. Mas lalo akong nainis dahil sumilay pa ang ngisi sa labi niya.
"So saan pala kayo nagkakilala ni Anna, Kevin?" agad akong napalingon nong narinig ko ang pangalan ko, buti na lang tumigil na itong demonyo na nasa harapan ko.
"She's my highschool friend... and my crush." napaubo naman ako sa sinabi niya hinagod niya pa ang likod ko at pinainom ako ng tubig.
"A-ano bang sinasabi mo," bulong ko sa kaniya, pero ngumiti lang ito sa akin.
"Alam mong hindi ako sinungaling Anna." sabi niya at humalakhak pa, hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan, dahil ba nandito si Xyro? mapait akong napangiti sa aking isip...
pagmamay-ari niya lang ako pero wala siyang gusto sa akin.
Ako lang naman ang may gusto sa kaniya...
" She's my highschool crush, kinakabahan pa ako non kong papayag ba siya makipag kaibigan sa akin, but i guess I'm lucky that's why we became friends." natatawang kwento ni Kevin. Tipid lang akong napangiti at uminom ng tubig.
"Wow... is she the one? 'yong hinahanap mo!" parang gulat na sambit ni Stefanie.
Hinahanap? Ako?
"Yes.. at ngayon nakita ko na siya, hindi ko na siya papakawalan pa." napatalon ako sa gulat nang bumagsak sa tabi ko ang baso
nakakuyom ang kamao ni Xyro at nakayuko lang ito.
"Sorry natabig ko," sabi ko na lang kahit alam ko si Xyro ang tumabig non.
"Are you okay Anna?" akmang hahawakan ni Kevin ang kamay ko pero bigla na lang ako hinatak pa tayo ni Xyro at kinaladkad palabas ng restaurant.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Kevin kaya mabilis ko itong nilingon at sinenyasan na okay lang ako.
Hinatak niya lang ako hanggang sa makapunta kami sa parking lot.
"Teka, Ano ba Xyro! nasasaktan ako!" sigaw ko sa kaniya, binuksan niya ang kotse niya at pinasakay ako, hindi siya nagsasalita. Mabilis niya pinaharurot ang sasakyan.
"Please... bagalan mo naman." Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pagda-drive, nang nakarating kami sa parking lot ng condo hinila niya ulit ako at sumakay ng elevator, tahimik lang siya at kita ko pa ang nakakuyom niyang kamay.
Pumasok kami sa unit niya at nanlaki ang mata ko nang sinuntok niya ang pader ng malakas...
nanginig ang katawan ko nang makita ang kamao niyang nagdudugo.
"Damn it!" tiningnan niya ako nang masama at hinablot ang braso ko.
"Simula ngayon hindi ka na lalabas ng unit na 'to..." madiin na sambit niya at marahas akong hinalikan. Tumulo ang luha galing sa mga mata ko.
"Hmmp. t-tama n-na," iyak ko sa kaniya. malakas naman niya akong sinandal sa pader
nakakuha ako ng pagkakataon na matulak siya at nagwagi naman ako.
"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kaniya. Umatras ako papalayo sa kaniya.
"I said I owned you now Lyanna! pero nagawa mo pa talagang makipagharutan sa iba?" singhal niya sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin pero hindi ako magpapatalo sa kaniya.
"Hindi mo ako pagmamay-ari!" napadaing ako nang hinawakan niya ang palapulsuhan ko at diniinan iyon.
"I owned you now, wala ka nang magagawa Lyanna."
"OO SIGE! PAGMAMAY ARI MO NA AKO! DAHIL AKO ANG PAMBAYAD NANG UTANG NG TIYO KO SA'YO! PERO HINDI MO PAG MAMAY-ARI ANG PUSO KO! KAYA WALA KANG KARAPATAN DIKTAHAN AKO." sinuntok ko ang dibdib niya, hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko sa ginagawa niya.
"I hate you! parang awa mo na, paalisin mo na ako Xyro. Gagawa ako ng paraan para mabayaran ang utang ni tiyo... please lang..." napaluhod na ako sa kaniya. Yumuko ako sa harapan niya at pinagsiklop ang dalawa kong kamay. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko.
"No! I won't let you go." pagkasabi niya non iniwan niya ako sa sala at padabog na binagsak ang pintuan ng kwarto niya.