Nagising ako nang maramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan at parang may nakadag-an pa sa akin.
Napaungol naman ako at di pa rin magawang buksan ang mata. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, pakiramdam ko may sakit ako.
"Are you okay?" mabilis kong naidilat ang mata ko nang marinig ang baritonong boses na 'yon.
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!" bigla akong napaupo at nanlaki ang aking mata nang makita sa tabi ko si Xyro na nakahubad.
"A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" kinakabahang tanong ko, nataranta ako dahil sobrang lapit niya talaga sa akin.
Hindi niya ako sinagot pero nilapat niya ang kamay niya sa noo ko at napabuntong hininga.
"Are you okay now? medyo nawala na ang lagnat mo," natigilan naman ako nang makita ang mukha niya para ba itong puyat at pagod na pagod.
Tumayo naman siya kaya napatakip ako ng mata pero tinaggal ko rin nang makita kong naka boxer shorts naman pala siya.
Kinuha niya ang Tshirt at pajama niya at sinuot ang mga ito sa harapan ko.
"I'll cook for you, rest for a while." sabi niya at lumabas ng kwarto.
Tiningnan ko naman ang suot ko, nakadamit naman ako at maayos naman ang suot ko, wala ring kakaibang pakiramdam.
Pero bakit siya nakahubad?
T-teka......
Napahampas naman ako sa noo ko nang may maalala kagabi, ako pala mismo ang pumunta sa kwarto niya dahil nilalamig ako at pinapapatay ko sa kaniya ang aircon dahil hindi ko alam kong na saan ang remote.
P-pero yoon lang ang naalala ko...
Napatingin naman ako sa aking kamay, naka bandage na iyon.
Maya-maya pumasok si Xyro na may dalang tray. Pinatong nya iyon sa kama kaya nakita ko kong ano iyon. May apple na naka slice at porridge tapos may paracetamol at tubig pa,
lumapit naman siya sa akin at kinuha ang unan niya tsaka nilagay sa likod ko.
"K-kaya kong kumain.." mahinang sambit ko nang makita kong pumwesto siya sa tabi ko. Hindi niya ako pinansin, kinuha niya ang bowl na may porridge at hinalo ito tsaka hinipan pa, tinitigan ko lang ang mukha niya habang ginagawa niya iyon.
Panigurado ako kaya siya puyat at halatang pagod ay dahil sa akin.
Nilapit naman niya ang kutsara na may porridge sa akin kaya ngumanga ako para isubo iyon.
Hindi ko alam na marunong pala siya magluto... sobrang sarap at mas ginanahan ako kumain kaya ngumanga ulit ako, agad naman siya nag sandok at hinipan ulit tsaka sinubo sa akin.
Ngumanga ulit ako dahil gusto ko sunod sunod ang pagsubo sa sobrang sarap.
"Are you that hungry?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman pero ginanahan ako ang sarap ng luto mo!" masayang sambit ko at ngumanga ulit, nakita ko naman na napangiti siya pero agad ding nawala ng makita niyang nakatingin ako.
Mabilis kong naubos ang pagkain pati na rin ang apple.
Kinuha niya ang gamot at binigay sa akin. Ininom ko ang gamot agad at uminom na rin ng maraming tubig.
"Ano palang nangyari kagabi?" deretsong tanong ko, nasa tabi ko na siya. Sumandal siya sa headboard, halata talagang napuyat ito.
"Nagdedeliryo ka kagabi hanggang madaling araw, kahit nakapatay na ang aircon ginaw na ginaw ka pa rin." sabi nya at hinilot niya pa ang ulo niya.
Para namang may kumurot sa aking puso, alam ko inalagaan niya ako...
"P-pero bakit ka nakahubad?" nauutal na tanong ko.
"I need to give you a body heat, kong hindi kita niyakap nanginginig ka pa rin dahil sa lamig,"
sambit niya, napatitig naman ako sa kaniya, nakahiga na siya at nakapikit lumapit ako sa kaniya ng husto at niyakap siya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil naramdaman ko na natigilan siya.
"Matulog ka na..." bulong ko sa kaniya at sinimulan hilutin ang ulo niya, masarap kaya sa pakiramdam pag may humihilot sa ulo mo at hinahawakan ang buhok.
nang naramdaman kong nakatulog sya, napangiti nalang ako
"Thank you xyro... Mahal kita."
Mabilis lumipas ang araw at pupunta raw kami ng manila, kailangan niya raw kasi bumalik sa company niya dahil may importanteng meeting ito.
Hindi ko na dinala lahat ng damit ko dahil mga dalawang linggo lang daw kami doon at sa condo niya kami titira.
"Give me your bag," sabi niya pero umiling lang ako.
"Kaya ko na bit—" napabuntong hininga na lang ako nang agawin niya at nauna nang maglakad
sumakay kami ng helicopter at napahanga nanaman ako sa tanawin na aking nakikita
"Ang ganda talaga..." bulong ko.
Kalahating oras lang ang tinagal at nakarating na agad kami sa rooftop ng company ni Xyro
hinawakan naman niya ang aking kamay at tinulungan ako makababa.
Palihim naman akong napangiti,
sa ilang buwan kong nakasama si Xyro nakita ko ang hindi mabuti niyang ugali, laging seryoso at naka simangot pala mura at palainom ng alak, nakakatakot magalit pero kahit ganon siya may tinatago itong kabaitan.
Sumakay kami ng elevator at bumaba, nakita ko ang 25 na numero, dito siguro ang office niya.
Yumuko ang mga tao nang makita siya, napayuko rin ako nang tumingin sila sa akin at nakita ko pa yong iba nagbubulungan. Pakiramdam ko ako ang pinag-uusapan dahil pasulyap-sulyap ang iilan sa akin.
"X!!!!" sigaw ng isang sopistikadang babae at agad na niyakap ng mahigpit si X, napakunot naman ang noo ko nang makita ko si Xyro na ngumiti at niyakap pabalik ang babae.
"Na-miss kita! pupunta na dapat ako sa isla mo e!" masayang sambit niya pero naputol din iyon ng tumingin ang babae sa akin.
"Who is she?" nakangiti nga ito pero halata namang plastic.
"She's Ly—"
"I'm anna, X personal assistant," sabi ko. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Xyro, tumango-tango naman ang babae at pinalupot ang kamay nito sa braso ni Xyro.
"Let's go we have a meeting to attend." sabi nito at nginitian pa ng matamis si Xyro. Nairita ako dahil napakalapit nito at dikit na dikit pa talaga kay Xyro.
"Okay, you go first, susunod ako." tumango naman ang babae at pumasok na roon sa isang kwarto.
"Go with my driver ihahatid ka niya sa condo ko, my door code is 1014." pagkasabi niya non, umalis na agad ito sa harapan niya.
Natulala naman ako nang may sumagi sa isipan ko.
1014?
Nagkataon lang siguro iyon, 10-14, ang birthday ko ay October 14.
22 years old na ako at isang linggo na lang birthday ko na.
Hinatid ako sa condo ng driver ni Xyro, nang nakapasok naman ako namangha ako dahil napakalinis ng loob at malawak.
Nilapag ko ang gamit ko sa isang tabi habang nililibot pa rin ng paningin ko ang loob ng unit ni Xyro. Napakalinis at ayos ng mga gamit, napaka-komportableng tingnan.
Uupo na sana ako sa sofa nang tumunog ang doorbell. Dumeretso ako sa pintuan at binuksan iyon.
"Delivery po, pa received na lang po ma'am." nakangiting sabi nong delivery man, may hawak itong dalawang paper bag at agad kong naamoy ang pagkain.
Kinabahan ako dahil wala naman akong pera para i-receive iyon.
"Ay nako kuya hindi po ako nagpa-deliver!" agad na tanggi ko rito.
"Dito po naka-address ma'am sa unit na 'to, bayad na ho ito pa-receive na lang po. Wala na po kayong kailangan ibigay." muli nitong inabot ang dalawang paper bag.
Tinanggap ko na lang at pinirmahan ang received.
Nagpasalamat ako kay manong bago isarado ang pinto. Dinala ko sa dining table ang pagkain at binuksan iyon. Tumigil ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan iyon at nakita ko ang mensahe ni Xyro.
"Eat that, I will be late to go home. Lock the door."
'Yon lang ang mensahe nito kaya napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa upuan. Kumalam naman ang sikmura ko kaya napagdesisyunan kong kumain na rin agad.