OWNED 6

1548 Words
Napamangha ako sa aking nakikita ngayon... hindi kami sa dagat pumunta kun'di sa falls, sobrang ganda ng tanawin may mga bulaklak pa na malapit doon at may kubo. P'wede kang kumain at magpahinga, masarap ang simoy ng hangin, nakaka-relax. Sa sobrang excited ko dumeretso ako sa falls at nagpabasa, nakita ko naman si Xyro na nilalapag ang pagkain naming dala roon sa maliit na lamesa na may bubong. Napakasarap ng tubig, napaka presko sa pakiramdam, nagsimula naman akong mag floating at pinikit ko ang aking mata... Sobrang nakaka-relax talaga sa pakiramdam. Napatili ako nang biglang may bumuhat sa akin. "FVck... akala ko nalunod ka na," hindi agad ako nakapag-react dahil sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Sobrang lapit niya sa akin at basang basa na rin siya. Napakapit ako sa kaniyang balikat ng hinapit niya ako ng husto. Pareho kaming natahimik at hindi inaalis ang paningin sa isa't isa. Napaiwas agad ako ng akmang hahalikan niya ako, agad akong lumangoy ng malayo. Marunong akong lumangoy dahil sa la union kami nakatira, at lagi kami sa dagat ni Andrea pag wala akong ginagawa pero hindi naman ako umiitim. Si mama raw kasi ay natural na maputi at 'yon ang minana ko sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng walang sumusunod sa akin.. T-teka? umaasa ba akong susundan niya ako? napagdesisyonan ko na lingunin siya pero nagulat ako nang nakalutang na siya at padapa pa iyon.. Tuluyan akong kinabahan dahil may kalaliman kong nasaan sila banda ngayon. Dali-dali akong pumunta sa kaniya at hinatak siya hanggang doon sa may bato, napahagulgol na ako ng nakapikit pa rin sya. Niyugyog ko ang braso niya pero hindi pa rin ito gumigising. Nilapit ko ang labi ko sa kaniya para bigyan sya ng cpr, hindi ko alam kong tama ba ang ginagawa ko. "Gumising ka na, pag hindi ka gumising sasakalin kita lalo," naiiyak kong sambit. Hindi ko na alam kong anong dapat pa gawin, dahil nataranta na ako ng tuluyan. Muli kong nilapit ang labi ko sa kaniya, hihiwalay na sana ako ng bigla siyang gumalaw at kinabig ang ulo ko. "Hmmp.." agad ko siyang naitulak at masamang tiningnan. "BWISIT KA! AKALA KO NALUNOD KA!" sigaw ko sa kaniya at hindi pa rin tumitigil ang pag agos ng luha ko, basta ang alam ko lang kabadong-kabado ako nang makita siyang walang malay, parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Hindi ako sanay na makakita ng gano'n. Patuloy ako saa pag-iyak, naramdaman ko na lang ang mainit na yakap na bumalot sa aking katawan. "I want to kiss you but you won't let me kiss you." sambit niya. "Buwisit ka... akala ko mamamatay ka na," iyak ko pa rin dito. "If i die you can be free, makakatakas ka na mula sa akin," napatigil ako sa pagiyak ng marinig iyon sa kaniya para bang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya... Biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya, para bang ang sakit no'n pakinggan para sa akin. "You badly want that right?... you want to go away from me." unti-unti akong lumayo sa kaniya at napatalikod. Para bang may bumara sa lalamunan ko pero pinilit ko pa ring magsalita. "Oo, gusto kong makatakas... gusto kong makaalis dito..." naramdaman ko ang pagtayo niya, lumingon ako at nakita ko siyang paalis na pero hindi ko siya magawang sundan. Napahawak ako sa dibdib ko, unti-unti akong napahikbi. Napayuko ako dahil sa bigat na nararamdaman, sa sobrang bigat parang ang sakit-sakit na rin. Oo gusto kong maka alis sayo... pero dati iyon... Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa'yo... "Gusto na nga ata kita....... pero alam kong hindi mo kaya suklian ang nararamdaman ko dahil nandito lang naman ako pambayad ng utang ng tiyo ko. Ako lang naman ang pinangbayad at alam kong hanggang doon lang dapat 'yon." Nang mahimasmasan na ako kinuha ko ang basket at bumalik na ulit sa bahay ni xyro... pero sana hindi na lang ako bumalik.. He's kissing Valerie... Nakita ko pa ang alak sa lamesa at nakapatong sa kaniya si Valerie. Hindi nila ako napansin dahil busy sila, aalis na sana ako ng masanggi ko ang vase kaya lumikha iyon ng malakas na ingay. Agad silang napaghiwalay at tumingin sa akin, Tinitigan lang ako ng malamig ni Xyro at lumagok na ulit ng alak. Ngumisi naman sa akin si Valerie na parang proud na proud siya sa ginawa niya ngayon. "P-pasensya na hindi ko sinasadyang istorbohin kayo," mahinang sambit ko at agad umupo para pulutin ang mga durog ng vase na nabasag. "Let's go to your room X, nabitin ako masiyado." narining ko ang malanding boses ni Valerie kaya naikuyom ko ang aking kamao, napakagat na lang ako sa aking labi nang makaramdam ng paghapdi. Nawala ata sa isip ko na may hawak akong basag na vase, napangiti naman ako ng mapait. Nabuga ako ng hangin, hindi ko aakalain na sobrang haba ng oras ngayong araw. Ganito ba pagnasasaktan? Dahan-dahan kong hinugot ang medyo lumubog sa kamay ko na piraso ng vase at tiniis ang sakit, tumulo naman ang dugo sa aking kamay pero hinayaan ko lang 'yon. Masakit pero para na rin akong namanhid, kong okay ako panigurado iindahin ko ito, pero sa ngayon na hindi ako okay at tila ba'y namanhid ang buo kong katawan, hahayaan ko na lang. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng plastic para roon ilagay ang basag na piraso. "Oh my god! THERE'S A BLOOD ON THE FLOOR!" tili ni Valerie at nag-eesterikal na yumakap kay Xyro. Tss,parang dugo lang.. Iniwas ko ang tingin ko kay Xyro na ngayon ay naninigarilyo na, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Binalot ko lang sa plastic ang mga durog at piraso ng vase at tinapon sa basurahan. Hinugasan ko naman ang aking kamay kahit mahapdi iyon. Nilagyan ko lang ng betadine at hindi na binalot iyon dahil hindi ko kaya gawin sa isang kamay ko. Dumeretso ako sa kwarto ko at naligo lang nang saglit hindi ko na napunasan ang buhok ko nang maayos at medyo basa pa rin ang katawan ko. Hirap kasi ako gumalaw lalo na isang kamay lang ang nagagalaw ko ng maayos. Nagsuot lang ako ng pajama at Tshirt, hindi ko alam pero parang bumigat ang aking nararamdaman. Humiga ako sa kama at unti-unting bumigat ang aking mata, hanggang sa tuluyan na ako kinain ng kadiliman. Nagising ako nang makaramdam ng panlalamig at pagbigat ng aking ulo. Pinilit kong bumangon at nagawa ko naman pero hindi ko makita ang remote ng aircon. Gusto ko sanang patayin dahil hindi ko na kaya ang lamig. Pakiramdam ko nasa freezer ako na malaki. Kahit hirap ako kumilos, lumabas ako ng kwarto kahit nagiging doble ang paningin ko, humawak lang ako sa pader at pilit na naglakad patungo sa kwarto ni Xyro. "X-xyro" nanghihinang sambit ko at kumatok sa kwarto niya. Napaubo naman ako ng malakas, sobrang bigat nang pakiramdam ko ngayon. Bumukas naman ang pintuan niya at naaninag niya ang mukha nito. Madilim pero may ilaw naman sa dulo ng pasilyo. "P-pwede *cough* *cough* m-mo ba patayin a-ang -a-a-aircon?" parang biglang naging itim ang paningin ko kaya napahawak ako sa braso ni Xyro, ramdam ko ang init sa katawan niya, wala pala siyang damit pang itaas. Napangiti ako nang maramdaman ko ang init ng katawan niya kaya dali-dali akong yumakap dito. "Sh*t your so fvcking hot," rinig kong sambit nya "nilalamig ako," siniksik ko pa ang katawan ko sa mainit na katawan niya at tuluyan nang pinikit ang aking mata. Third person pov Napamura si Xyro nang maramdaman ang init ni Lyanna, may lagnat ito at nag dedeliryo na. Agad nya itong binuhat at hiniga sa kaniyang kama at agad na pinatay ang aircon. Binalot niya ng comforter si Lyanna pero nanginginig pa rin ito. Hindi niya alam ang dapat gawin kaya agad niyang tinawagan ang kaniyang ina. "Mom!" "My god son! alam mo ba kong anong oras na?" "M-mom she has a high fever, what should i do?" "What?! what happened to her? hindi mo ba siya inaalagaan?" "Mom just tell me what to do! wag mo muna ako tanungin," "Okay fine! kumuha ka ng bimpo at basain mo iyon ipatong mo sa noo niya," agad naman ginawa iyon ni xyro at nilagay sa noo ni Lyanna na nanginginig pa rin, ilang mura na ang nabanggit niya dahil tarantang-taranta na siya. "Mom! nanginginig pa rin siya, naka off na ang aircon, what should i do next?" "You need to bring her to the hospital." "Nasa island kami mom" " Ayan ang sinasabi ko! if there's an emergency pano ka na? Anyway, just hug her! makakatulong 'yon para makaramdam siya ng init, give her a body heat son. That's all you can do for now. When she woke up, prepare a food and medicine for her." pagkatapos naman sabihin iyon ng ina ni Xyro binaba na nito ang tawag. Napatingin siya kay Lyanna na nangangatog pa rin sa lamig Tinanggal niya ang pajama niya at ang natira na lang ay ang boxer shorts niya. Tinanggal niya ang kumot na nakapalibot kay Lyanna at dahan-dahan siyang tumabi sa dalaga para yakapin ito, nang nayakap niya na ito agad naman niyang binalot sa kanila ang makapal na kumot. Hinigpitan lang ni Xyro ang yakap kay Lyanna at binantayan niya lang ito buong magdamag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD