Nagising ako sa maingay na tugtog galing sa labas ng kwarto ko, naghilamos muna ako at nag toothbrush bago lumabas ng kwarto.
Dahan dahan pa akong naglakad dahil hindi pa rin gumagaling ang na-sprain kong paa.
"Valerie! stop your music, you're irritating me." narinig ko ang sigaw ni xyro kaya bumaba agad ako,
May kausap siyang iba, ibig sabihin may bisita? Nang makababa pa ako ng hagdan, nakita ko ang babae na ubod ng sexy at sumasayaw sa harapan ni xyro.
Kumunot naman ang aking noo at napakuyom pa ang kamay ko. Hindi ko alam kong bakit ako naiinis pero ang ingay-ingay ng tugtog niya! Masiyadong malakad, parang hindi ito nag-iisip na baka may tulog pang ibang tao.
Isang hakbang na lang sana ako para tuluyan makababa, ngunit nadulas naman ako sa hagdan. Nagkamali ako ng apak dahil hindi ako nakatingin sa hagdan.
"Ouch," daing ko, napapikit ako ng gumuhit ang sakit sa aking balakang at sa na-sprain na paa. Buti na lang ilang baitang na lang kong hindi, mas malala siguro ang mangyayari sa akin.
Napahawak naman ako sa paa ko, nakagat ko ang aking labi para tiisin ang sakit
Paano na lang kong lumala 'to 'di ba?
"What are you doing?!" matigas na sambit ni xyro, nagulat ako dahil hindi ko man lang napansin na nakalapit na siya sa akin.
Agad ito yumuko para buhatin ako, nakatingin naman sa akin ng masama ang babae.
Aba parang kilala ako nito kong makatingin ng masama.
Pinaupo ako ni xyro sa sofa at tsaka siya tumayo habang 'di pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Kukuha lang ako ng hot compress." napatango na lang ako at napakagat ng aking labi dahil sa sakit, naramdaman ko naman na lumapit ang babae, nakasuot ito ng sexy na dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan.
"I'm X girlfriend" naitaas ko ang isang kilay ko.
"Pake ko?" mahinang sambit ko pero mukhang narinig niya ata iyon.
"WHAT?!" nanlalaki na ang mata nito dahil sa inis at gulat na rin dahil sa sinabi ko.
"S-sabi ko okay."
Ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang tumatawag sa kaniya sa buong pangalan niya.
Katulad na lang ng pagtawag sa akin ni xyro ng Lyanna, siya lang ang tumatawag sa akin no'n.
Lahat nang kakilala ko ay Anna lang ang tawag sa akin dahil yoon ang gusto ko.
Dumating na si Xyro na may dalang hot compress.
"Ako na," sambit ko pero hindi niya ako pinakinggan at lumuhod pa rin sa harapan ko at hinawakan ang paa kong may bandage, siya rin ang nagkabit no;n sa akin.
"Xyro... ako na," bulong ko pa rito dahil mukhang hindi ako narinig ng maayos.
"Excuse me? anong tinawag mo sa kaniya?" singit na naman ng nagpakilalang girlfriend ni Xyro.
"Xyro?" patanong na sambit ko.
"HOW COULD YOU?! hindi nag papa tawag ng Xyro si X! ang kapal naman ng mukha mo!" singhal niya pa sa akin
"Sop valeri—" pinutol ko naman ang sinasabi ni Xyro.
"ABA ANO BANG PAKEALAM MO?! SIYA NGA HINDI NAG REREKLAMO TAPOS IKAW MAKADADA KA RIYAN PARA KANG ASO TAHOL NG TAHOL!" inis na sigaw ko sa kaniya, mas lalo na tuloy uminit ang ulo ko, masyado kasing nangengealam.
Talagang nakaka-irita siya! wala akong pakealam kong magalit sa akin si Xyro dahil sinigawan ko ang girlfriend niya.
Tumayo ako at dumeretso sa kusina, akala niyo sa kwarto?
tss, gutom kaya ako!
Naramdaman ko naman na may sumunod sa akin.
Hindi ko siya pinansin at kumuha ng gatas sa ref at sinalinan ang baso na hawak ko.
"I'm amazed Lyanna hindi ko alam na matapang ka rin pala." nakangisi ngayon sa harapan ko si Xyro.
"Tss, kong naaasar ka sakin at gusto mo na akong palayasin dahil sinagot sagot ko ang girlfriend mo, go! ikatutuwa ko iyon." seryosong sambit ko at ininom ng isang lagukan ang gatas na nasa baso ko. Naiinis ako, 'di ko alam kong bakit hindi ako makalma, nakakapang-init ng dugo ang babaeng 'yon.
"What the hell are you saying? she's not my girlfriend for pete sake." naiinis niya na sagot sa akin, siya na ang naiirita ngayon?
"Tsaka ganyan mo ba ako ikinasusuklam at gusto mong umalis dito?" dagdag niya pa, umawang ang labi ko dahil parang siya pa ang galit.
"Oo! i hate you, ayoko sayo, you raped me!" sigaw ko pabalik sa kaniya. nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya, kaya napalunok ako sa.
"I didn't raped you Lyanna, you liked it too, tumugon ka sa mga bagay na ginagawa ko sayo."
"That's why I hate you! pinag sasamantalahan mo ako porket mahina ako!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Hate me all you want but i won't let you go, you are mine from the very start i laid my eyes on you, baby." bulong niya sa akin, hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa labi at naramdaman ang dila niya sa gilid ng labi ko.
"Hmm, thanks for the free milk," napatakip ako sa bibig ko nang umalis siya sa harapan ko.
Panigurado akong may gatas ako sa labi kaya ginawa niya 'yon!
Nag-init naman ang aking pisngi sa naisip
Sh*t nakakahiya.
"B-bastos!" pahabol kong sigaw pero hindi niya na ako pinansin.
Nagbihis naman ako ng sando at shorts nang nag aya si Xyro maligo nang dagat buti na lang umalis na 'yong babaeng linta na yon.
"Changed your clothes, it's too revealing" galit na utos niya sa akin.
"Maliligo tayo ng dagat 'di ba?"
"Yes, pero may dadaanan pa tayo."
Napairap ako ng galit na naman siya, lagi nalang galit!
"Mainit sa labas Xyro!" naiinis na ako sa kaniya. Sando at shorts naman ang suot ko at mukha naman akong disente sa suot ko, bakit pa niya ako pinagpapalit?
"Fine! wag ka lang lalayo sa akin." inis din na sagot niya.
Lumabas kami ng bahay at naglakad pa ng hindi naman kalayuan sa bahay ni Xyro lalagpas ka lang sa may gubat at bumungad sa akin ang mga kubo kubo na bahay tatlo iyong kubo.
"SIR X!" bati ng matanda, lumapit ito sa amin.
"Manong beni kukunin ko ho ang prutas." seryoso pero magalang na sabi ni xyro. Natigilan ako at napatingin kay Xyro, walang bakas na emosyon ang mukha nito pero magalang pa rin ang pagkakasambit niya.
Hindi ko akalain na marunong din pala siya gumalang. Hindi ko ine-expect 'yon dahil sa mga bagay na pinapakita niya sa akin.
"Kuya X!" sigaw ng tatlong bata, dalawang lalaki at isang babae. Tumakbo ang mga ito papunta kay Xyro. Kita niya ang saya sa mukha ng tatlong bata.
Ngayon ko lang napagtanto na may mga bata pala rito, hindi ko rin inakalang may mga iilan na kubo rito at may mga nakatira rin.
"Kumusta?" tanong ni Xyro at hinawakan pa niya ang mga ulo nito. Tumalon ang kaniyang puso sa ginawa ni Xyro sa mga bata. Parang nanibago siya na makita itong gan'to sa mga bata.
"Mabuti po! salamat po sa mga pagkain at laruan na binigay mo sa amin kuya X." sabi nung lalaking bata.
Binalingan ko ulit ng tingin si Xyro at sa pagkakataong iyon nakita ko siyang ngumiti...
Totoong ngiti iyon dahil abot hanggang mata... Tuluyan na akong natulala habang nakatingin sa mukha nitong nakangiti.
"Ay nako kayo! wag niyo nang guluhin si sir X! Ito ang mangga at saging sir X." sambit ni manong beni , agad ko namang kinuha iyon pero inagaw lang sa akin ni Xyro ang basket
"Sige po sir, paalam po at sa iyong nobya." lumakad na kami palayo gusto ko pa sana sabihin na hindi ako nobya ni Xyro pero hinatak na ako ng masungit na 'to.
Napaka-moody talaga, pagkatapos ko makitang ngumiti, ang sungit na naman.