Lumipas ang mga araw at pilit ko siyang iniiwasan, mabuti na lang nagiging busy ito at nasa opisina lang siya, may sarili itong opisina sa mansyon. Nasilip ko na iyon pero hindi na ako nag atubiling pumasok, dahil aura pa lang ng kwarto, nakakatakot na.
Hindi sya umaalis araw-araw, lagi itong nasa bahay kong na saan sila ngayon. Kong aalis ito may pag-asa siyang makatakas.
Tatakas talaga ako pag umalis siya?
Natawa naman ako sa isipan ko...
Siyempre! tatakas talaga ako! ayoko sa kaniya, nakakatakot siya,
at natatakot din ako sa sarili ko....
kong may ano akong nararamdaman lalo na pag malapit siya at hindi ko gusto iyon, para bang anong oras papayag ako sa mga gusto niyang gawin, parang anong oras bibigay ako sa di malaman na dahilan.
Bumibigay ako sa bawat haplos niya, sa bawat lapit niya. Pinikit ko ang aking mata dahil kong ano-ano na ang nasa isip ko.
Gabi na at hindi pa rin siya lumalabas ng opisina kumain lang ito ng saglit at dumeretso ulit sa kwarto niya.
Mukhang busy talaga siya, agad na akong pumasok sa aking kwarto para kunin ang maliit kong bag sinabit ko ito sa akin at nilagay ang cellphone ko at ang credit card ko na may laman pang ipon ko. Kong kaya kong makatakas ngayon gagawin ko..
Tutal busy naman siya ng sobra ngayon kaya magagawa kong makatakas ngayon. Kakayanin kong gawin ito dahil gustong-gusto ko na umalis sa poder niya.
Narinig kong umuulan sa labas, mabilis akong bumaba at lumabas pero hindi ako nakapagsuot nang tsinelas nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya dali-dali akong tumakbo palabas. Hindi ako lumingon at derederetso lang ako.
Hindi ko alam basta naiiyak ako ngayon habang tumatakbo, hindi ko alam kong paano ako makakaalis sa isla na ito pero ang gusto ko lang muna malayo sa kaniya.
Basang basa na ako dahil mas lumakas pa ang ulan at mas lalo akong kinabahan dahil puro puno na ang nakikita ko at hindi ko na makita ang dagat.
Napasigaw ako ng biglang kumidlat ng malakas, sa sobrang kaba ko muntikan na akong mapaupo. Nanghihina ako dahil sa lamig ng panahon.
Tumakbo takbo lang ako kahit saan, hindi alintana ang malakas na ulan at pagkidlat.
Masakit man ang paa ko dahil wala akong nasuot na tsinelas nong tumakas ako, hindi ko na pinansin iyon, basta maka alis lang ako sa kaniya.
Hindi ko alam na may bato pala na malaki kaya napatid ako rito at ramdam ko ang sakit sa paa ko at pwetan ko nang bumagsak ako. Malakas ang pagkakapatid ko, hindi ko alam kong paano ako makakatakas dito, pero sana may mahanap akong makakatulong sa akin.
Unti-unti akong tumayo kahit sobrang hapdi ng paa ko alam kong dumudugo na iyon, dahil ramdam ko ang sakit sa parteng iyon.
"Do you think makakatakas ka sa akin? " nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa harapan ko, basang basa ito at kahit madilim kita kita ko ang matalim na titig niya sa akin.
Napa-atras naman ako at sa pangalawang pagkakataon bumagsak ako, sobrang sakit ng paa ko, panigurado ako mas lalong dumugo iyon.
"Damn..." rinig kong sambit niya at lumapit sa akin, nanginginig ako ngayon hindi ko alam kong dahil ba sa lamig o sa takot na nahuli niya ako.
"Parang awa mo na paalisin mo na ako rito, please..." pagmamakaawa ko pero tinitigan niya lang ako ng masama at hinablot ako, pinalibot nito ang braso sa bewang ko, sobrang lapit niya sa akin dahilan para mahigit ko ang aking hininga.
"You can't escape from me Lyanna..." napa iling naman ako at napaiyak, hindi p-pwedeng habang buhay akong nandito sa poder niya.
"Please! paalisin mo na ako" sabi ko pa at napapikit ako ng ilapit niya sa akin ang mukha niya.
Nanginginig na ako... hindi dahil sa takot... dahil sa kabang nararamdaman ko, sobrang iba ang nararamdaman ko pag malapit siya sa akin.. at hindi ko alam kong ano yon basta't ang alam ko lang hindi magan 'yon.
"I own you now Lyanna, and you're now my property." napalunok ako nang mas ilapit niya ang mukha niya sa akin, naramdaman ko na lang ang paglandas ng labi niya sa labi ko.
His kissing me... hinapit niya pa ako lalo at mas pinalalim ang halik, gusto ko siyang itulak pero hindi ko alam kong bakit hindi ko magawa, tila ba'y nanghihina ako sa mga ginagawa niya. Naramdaan ko na lang na tumutugon na ako sa mga halik na binibigay niya.
Hindi ako takot sa kaniya...takot ako sa sarili ko... kasi hindi ako nagiging ako pag nandiyan siya sa tabi ko.
Kumawala ang ungol sa labi ko, bigla akong natauhan kaya naitulak ko siya. Nakangisi siya sa aking harapan..
"You like what i did... aminin mo na na gusto mo riin ang ginagawa ko sa'yo," nakangising sambit niya at agad akong binuhat kaya napakapit ako sa kaniyang leeg para kumuha ng suporta.
"S-saan mo ako dadalhin?" mahinang tanong ko sa kaniya.
"In my house, subukan mo ulit tumakas at ikakadena na kita sa kama ko." nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi at hindi na lang nagsalita.
Siguro nga talaga hindi na ako makakaalis sa puder nya... I'm his property now. He owns me now, ako lang naman ang pangbayad ng tito ko na umampon sa akin...
And now,
I owned by a beast ...