CHAPTER 5: OBSERVING

1695 Words
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Mikael, Kamusta?" pukaw ni Gian kay Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Hinintay niyang pansinin siya ng mandirigma at sagutin. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Iba ang aura ng isang 'to talaga. May mali sa kaniya," bulong niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Kakaiba talaga ang amoy ng mandirigma ng Spirit World kumpara noon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hindi ko alam kung hindi lang naligo itong si Mikael o talagang mabaho siya..." sabi ng half-werewolf sa sarili. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Amoy matanda siya. Matandang hukluban na ewan. Alam kong matanda na nga siya dahil mahigit isandaang taon na siya, pero di naman siya amoy-lupa noon." Napahimas ng baba si Gian dahil sa pag-dududa. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Pilit niyang inaalala ang anyo ni Mikael bago niya mapansin ang kakaibang amoy ng isang ito na kaharao niya. Seryoso rin ang itsura ni Mikael, bihirang ngumiti, pero wala siyang deadly aura kapag kaharap si Duncan. Natitiyak niya ang bagay na iyon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nakatayo ito sa bandang kaliwa niya at nakaharap kay Lord Duncan. Walang kibo ito habang nakatitig sa pinuno ng Spirit World. May talim ang tingin na iyon. Hindi niya maipaliwanag. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Hindi niya mabasa ang kung ano man ang iniisip nito dahil sa blangko ang ekspresyon ng mukha nito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Mikael?" ulit na pukaw niya sa guardian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Lumingon si Mikael kay Gian at kumunot ang noo. Tila inaalala pa kung sino ang bumabati sa kaniya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ano'ng problema? Hindi mo ako maalala?" Naniningkit ang mga mata ni Gian habang sinusuri ang reaction ni Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sobra ka naman. Bakit naman kita hindi maaalala? Marami lang akong iniisip." Bumaling ang tingin nito kay Lord Duncan. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Umiiwas siya sa akin," bulong ni Gian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Lord Duncan, may limang Spirit World Guardians ang natagpuang patay sa kakahuyan sa silangan ng Palasyo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Umiwas nga ang loko. Hindi niya ako kilala," bulong ulit ni Gian sa sarili. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sa gawing hilaga na nasasakupan ko ay may dalawang Guardians ang natagpuang patay," nanlulumong pahayag ni Elisse. "Nag-utos na ako sa ilang mga kawal para mag-imbestiga sa palibot ng teritoryo namin." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "May p*****n ding nagaganap dito?" Bulalas ni Cyrie, nag-aalala sa laganap na pagpaslang sa mga Guardian. "Hindi ko maintindihan kung paanong lumaganap ang p*****n sa iba't ibang lugar at puro guardian ang natatagpuang biktima." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Unfortunately, yes," sagot ni Duncan. Napabuntong-hininga siya dahil sa mga nangyayari. "This is really getting out of hand. Whoever's doing this is declaring a war." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Nakapagtatakang may patayang nagaganap sa dalawang mundo," mahinang saad ni Gian habang palihim na nakamasid kay Mikael. "May kinalaman kaya siya rito?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Napansin nito ang pagtaas ng gilid ng labi ng pinuno ng Timog ng Spirit World, tila nasisiyahan pa sa mga nangyayari, pero walang ibang nakapansin ng saglit na pagngisi nito maliban sa kaniya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Cyrie, bumalik na kayo sa mundo ng mga tao. Magmanman at magmatyag. I-report ninyo sa akin agad kung ano man ang kaganapan doon." Natigilan saglit si Duncan. "Mag-iingat ka nga pala. Huwag padalos-dalos. Baka makasama sa 'yo 'yon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sige, Lord Duncan. Babalik na kami. Halika na Gian, sumabay ka na sa amin." Hinawakan ni Cyrie ang braso nito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sandali, hindi ba ako pwedeng magpaiwan dito kahit saglit lang? Makikipagkwentuhan muna ako kay Lexi." Nilingon-lingon ni Gian ang paligid bago tumingin kay Duncan. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Umiling ito. "Wala siya sa ngayon, nasa ibang dimensyon kasama ng ibang Spirit Hunters para dakpin ang mga Spirits na nanggugulo roon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Gano'n ba? Sige, uuwi na muna ako," sambit ni Gian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Muling sinulyapan nito si Mikael bago tumingin sa gawi ni Elisse na hindi naman siya pinapansin kaya tumalikod na ito saka kumapit kay Cyrie at Efraim pabalik sa mundo ng mga tao. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Lord Duncan, aalis na rin muna ako para magpatrolya sa nasasakupan ko." Yumukod si Mikael para magpaalam sa pinino ng Spirit World. Ngumisi ito nang palihim. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sige, salamat sa tulong, Mikael," taboy ni Duncan dito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Marami pa akong kailangang ayusin at harapin sa Spirit World," bulong ni Mikael sa sarili. Naging itim ang mga mata nito bago naglaho pabalik sa kaniyang palasyo. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD