CHAPTER 6: PAGBABALIK SA SAN ROQUE

2099 Words
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Naroon ang San Roque." Turo ni Amara sa malawak na kagubatan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Kasalukuyan silang nasa himpapawid. Nakasakay sa likod nito si Maya na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sanay gamitin ang mga pakpak sa paglipad. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Napakaganda at napakalawak!" bulalas ni Maya. "Ngayon lang ako nakalabas ng Masalukot, Ina!" ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Na-e-excite na rin si Mikael na makarating sa malawak na lupaing kaniyang nakikita. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi niya maipaliwanag kung bakit naliligayahan siyang makita ang kagubatang iyon, pamilyar sa kaniya ang lugar. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Suot ni Mikael ang kalasag at ang dalawang espadang ayon kay Amara ay sa kaniya. Pakiramdam niya'y kaniya nga ang mga iyon. Sanay ang katawan niya sa bigat ng kalasag at espada. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Magmadali na tayo," sambit ng Kinnari. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Iniunat ni Amara ang mga pakpak upang bumwelo nang mas mabilis na pagbulusok patungo sa gubat. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napahigpit ang yakap ni Maya sa leeg ng ina para hindi siya matangay ng malakas na hangin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sumunod din agad si Mikael sa kanila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakarating sila sa kagubatan kung saan nila tatahakin ang daan patungong Fantazija. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilinga ni Mikael ang paningin sa paligid. "Ang ganda rito." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Hindi rin ako makapaniwalang hindi pa ito winawasak ng mga tao." Nagbalik sa anyong-tao si Amara. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Namangha rin si Maya sa nakitang kagandahan ng paligid. Nanlalaki ang mga mata nito sa nakikitang magandang kagubatan ng San Roque. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hinawakan ni Amara ang kamay ng anak. "Halika na. Kung tama ang aking pagkakatanda, sa banda roon ang mahiwagang puno patungong Fantazija. Huwag lang sana tayong iligaw ng masasamang elemento." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "May masasamang elemento rito?" Nag-alala si Mikael para sa kaligtasan ng mga kasama niya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Mayroon. Lahat yata ng nilalang ay narito na. Kaya kailangang mag-ingat dahil hindi lahat ay mabuti, hindi lahat ay mapagkakatiwalaan, hindi lahat ay tapat sa sinasabi. Tayo na." Nauna sa paglakad si Amara habang hawak si Maya. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inihanda ni Mikael ang sarili para sa ano mang uri ng pagsugod mula sa mga masasamang elemento. Tinalasan ang pakiramdam at naging mailap ang mga mata. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakarating sila sa gitna ng kagubatan na may matataas na talahib at mayayabong na puno nang biglang makarinig sila ng ilang kaluskos sa paligid. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Panganib...." bulong ni Amara. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inihanda ni Mikael ang kanyang sarili sa maaring pagsugod ng kalaban. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ May lumabas na dalawang itim na nilalang mula sa kung saan na may dalang mga espada. Ang isa ay payat na kasing-laki ni Mikael at ang isa ay kalahati lamang nito ang laki subalit malaki ang tiyan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Mga itim na maligno!" Bulalas ni Amara. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sumugod ang unang maligno na mas matangkad sa isa. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Agad na binunot ni Mikael ang kanyang dalawang talim at inundayan ng saksak ang malingo. Hindi na ito nakahuma at humandusay ito sa damuhan. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Tila nahintatakutan ang mas maliit na maligno kaya magtatangka sana itong tumakas subalit inunahan na ito ni Mikael. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Sing-bilis ng kidlat na hinarangan ito ni Mikael at iniwasiwas ang espada ng pa-ekis. Nagkaroon ng ekis na marka sa katawan ng maligno bago ito bumagsak. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Itinakip ni Amara ang kamay sa mga mata ni Maya. Ayaw niyang makita ng anak ang karahasang nasa harapan nila. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nilingon ni Mikael ang mag-ina. "Ipagpaumanhin mo, Amara. Kinailangan ko silang tapusin. Mukhang pumapatay sila ng mga nilalang na nagagawi sa lugar na ito." ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Itinuro ni Mikael ang isang naaagnas na katawan ng kung anong nilalang sa talahiban. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Mahabagin! Tao iyan, hindi ba?" Napatakip sa bibig si Amara dahil sa pagkagimbal sa nakita. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Sa palagay ko. Halika na." Binaybay na nila ang daan patungong mahiwagang puno. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Mahabang lakaran din ang inabot nila bago nakarating sa isang napakakapal at mayabong na halamanan na nagmistulang mataas na bakod. Lagpas ito sa taas ni Mikael at sobrang kapal nito. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Heto na ang mahiwagang puno." Hinawi ni Amara ang mga tanim sa gitna, at bumungad sa kanila ang napakalaki at kumikinang na mahiwagang puno na nakatayo sa gitna ng malawak na espasyo. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napapalibutan ito ng mga kumikinang na pixie dust. Parang paraiso sa ganda ang kapaligiran. Maraming halaman at mga bulaklak ang palibot ng mahiwagang puno. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nagkikislapan ang bawat dahon sa buong paligid dahil sa mga pixie dust na tila walang hanggan ang paglaglag mula sa kung saan. May mga alitaptap din na nagliliparan, tila sabay sa pagsayaw ng mga dahon habang umiihip ang malamig na hangin. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Inilibot ni Mikael ang paningin niya sa puno. May ilang maliliit na lambana na nagliliparan, nagkikislapan din ang mga ito at naglalaglag ang mga katawan ng pixie dust habang patuloy sa paglipad sa palibot ng mahiwagang puno. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Nakaramdam yata ang mga lambana kaya't nagsitago sila sa likod ng mga halaman, pero tila nawala ang takot nang makita nila si Mikael. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Si Mikael pala," sambit ng isa ng lambana. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ "Ligtas tayo sa kaniya, kaibigan siya ni Prinsesa," tugon ng isa pa. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Napakunot-noo si Mikael dahil mukhang kilala siya ng mga lambana. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD