CHAPTER 4: WARINESS

2925 Words
Mount Masalukot "Kailangan nating lumuwas nang maaga patungong San Roque dahil naroon sa kagubatan ang lagusan patungong Fantazija." Sumandok ng kanin si Amara at pinaglagyan sa plato si Mikael. "Matapos mag-agahan ay bibyahe na tayo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sige. Salamat, Amara." Nilingon nito ang anak ni Amara na si Maya. "Si Maya ay kumakain ng kanin, pero ikaw ay hindi?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Bungang kahoy lamang ang maaari kong kainin. Si Maya ay kalahating tao kaya maaari siyang kumain ng pagkain ng tao. Kailangan din niya para sa sustansya ng kaniyang katawang tao." Pinagsandok din nito ng kanin ang anak. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Kuya, ilang taon ka na po?" inosenteng tanong ni Maya habang sumusubo ng kanin at isda. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ah...." napatingin ito kay Amara, nagpapahingi ng saklolo. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Maya, anak, walang maalala ang Kuya Mikael mo." Paalala ni Amara sa anak. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ah. Pasensya na po," paghingi ng tawad ng inosenteng dalagita. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ayos lang. Malaking bulas ka nga pala para sa isang kinse anyos. Pormang dalaga pero ang mukha mo ay pang-dalagita pa rin kaya hindi maikakaila ang edad mo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Iyon nga rin po ang sabi ni Ina. Kaya huwag daw akong magpapakita sa mga tao dahil baka gawan ako ng masama." Tipid na ngumiti ito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Isasama ba natin si Maya? Hindi ba delikado na iwan natin siyang mag-isa rito?" Magandang bata ito, 'di malayong pagtangkaan ng masasamang loob oras na makita nila ito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Isasama natin siya. Ayoko ring iwan siya rito." Hinagod ni Amara ang buhok ni Maya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hindi ba ako makakaabala sa inyo? Nang dahil sa akin ay magugulo ang tahimik n'yong buhay dito," nahihiyang sambit ni Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ayos lang. Mabuti na rin iyon nang may maganda akong magawa sa buhay ko. Halos isandaang taon na rin akong naninirahan dito nang mag-isa. Kaya nga biyaya sa akin si Maya." Hinagkan nito ang noo ng anak. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ganoon na ang edad mo?!" Nanggigilas na tanong ni Mikael. Hindi siya makapaniwala. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Mukhang beinte lamang ito sa panlabas na anyo nito. Kaya siguro kapatid din ang unang pakilala nito kay Maya dahil hindi maniniwala ang sino man na ang ganitong kabata ay may anak na kinse anyos. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Napatawa si Amara sa reaksyon ni Mikael. "Nakakagulat ba? Ang mga Kinnara at Kinarri ay may mahabang buhay pero hindi tumatanda ang itsura, tulad ng mga engkanto." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ipagpaumanhin mo ang pagkagulat ko. Hindi lang ako makapaniwala sa edad mo." Napakamot sa ulo si Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ayos lang. Kahit sino ay magugulat na sa edad kong ito ay hindi nagbabago ang itsura ko." Natapos na rin itong kumain ng ilang bungang kahoy. "Nais mo bang bumyahe sa lupa at sumakay sa sasakyan ng mga tao o gamitin natin ang ating mga pakpak para makarating agad sa San Roque?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ano ba ang mas mabilis at mas ligtas na paraan para makarating doon?" Tiningnan nito si Maya. "Iyong mas ligtas para kay Maya?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Lumamlam ang mga mata ni Amara. "Salamat sa pag-aalala sa anak ko. Sa himpapawid ang mas mabilis na paraan patungo roon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Lumipad na lamang tayo kung ganoon." Nginitian ni Mikael si Maya na nakatitig sa kanya. "Nakarating ka ba ba sa San Roque? Tila alam mong doon ang daan patungong Fantazija." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Doon ako nagmula. Naroon ang aming angkan. Lumipat ako rito para magkaroon ng sarili at tahimik na buhay. Magulo sa kagubatan doon dahil iba't ibang nilalang ang naninirahan. Halika na't mag-ayos para makaalis na tayo't makarating agad sa San Roque." Tumayo na ito upang ayusin ang pinagkainan sa lababo. Spirit World ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Lord Duncan, may patayang nagaganap sa San Roque. Ang biktima ay Earth Guardians," pagbabalita ni Cyrie kay Duncan habang nakayukod. Nakayukod din si Efraim sa tabi nito habang nakamasid si Gian sa kanila. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Kailan pa nagsimula ang pagkitil sa Guardians?" nababahalang tanong ni Duncan. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "May ilang araw na rin. Halos araw-araw ay may natatagpuang bangkay ng mga Guardian. Hindi bababa sa dalawa ang natatagpuan kada araw." Tumayo si Cyrie upang makipag-usap ng tuwid sa pinuno. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Nakakaalarma ito. Magpapadala ako ng Spirit Hunters para tulungan ang mga Earth Guardian sa pagresolba nito." Tinawag nito ang kanang kamay na si Epee. Lumitaw ito sa tabi ni Cyrie. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Yumukod si Epee. "Lord Duncan, ano ang maipaglilingkod ko?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sabihan si Master Rapier na kailangan ng Spirit Hunter sa San Roque, magsama ng ilang Spirit Hunters para tumulong sa paglutas ng pagpatay sa mga Eart Guardian doon." Seryoso ang mukha ni Duncan kapag official duty. Hindi maikakaila na isa itong iginagalang na pinuno ng Spirit World. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Masusunod po." Naglaho ang kanang kamay nito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Gian, ano ang masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Himala at napadalaw ka. Si Elisse ba?" Natatawang biro ni Duncan. "May magkahiwalay na misyon sila ni Mikael." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Si Mikael na naman. Bulong ni Gian sa sarili. "May nais kasi akong i-report sa 'yo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ano 'yon?" kunot-noong tanong ni Duncan. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Tiningnan ni Gian sina Cyrie at Efraim. "May tiwala naman ako sa kanila kaya sasabihin ko na rin. Nakita ko si Mikael kaninang umaga sa kagubatan ng San Roque, may kausap na itim na maligno." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Napakunot ng noo si Duncan. "Paanong nangyari 'yon? Ang mga itim na engkanto ay taksil ng Fantazija." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Iyon din ang sabi ni Master Penn, baka namalik-mata lamang daw ako. Iba rin ang amoy ni Mikael kanina, pero ang sabi ni Master ay baka barado lang ang ilong ko." Pinisil-pisil ni Gian ang ilong. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Napaisip si Duncan pero iwinaksi niya ang katiting na pagdududa sa isipan niya. Tapat si Mikael sa kaniya. "Maaari nga, Gian. Malabong si Mikael iyon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Pero siguradong Guardian ang kausap ng itim na engkanto. Kung hindi iyon si Mikael, posibleng iba." Tiyak ang tono ni Gian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Maaaring may taksil na naman ba sa hanay ng mga Guardian?" Tumingin ito kina Cyrie at Efraim na mga nagkibit-balikat lang. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Malalaman natin 'yan oras na mag-imbestiga si Master Rapier," ang tanging naisagot ni Cyrie. Napapaisip din siya sa sinabi ni Gian. Kailangan niyang obserbahan si Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Duncan, maaari mo bang ilihim ang nasabi ko tungkol sa pagkakakita ko kay Mikael sa kagubatan?" pakiusap ni Gian. Ayaw niyang mapulaan na naman siya ni Elisse at sabihang naninira dahil nagseselos siya kay Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ayos lang. Ayaw mong ma-badshot kay Elisse ha," natatawang biro ni Duncan. Napakamot na lang sa ulo si Gian. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Sumulpot sa bulwagan si Elisse kasama si Mikael. Yumukod ang mga ito kay Lord Duncan. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nakatitig si Gian kay Mikael. Natitiyak niya, hindi barado ang kanyang ilong. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD