CHAPTER 8: REGAINED MEMORIES

2213 Words
‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ehem...." singit ni Alyana. Bakit may hawak pa? Pwede namang salamat na lang. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Bukal sa loob ang ngiting itinugon ni Amara kay Mikael. "Wala iyon, Mikael. Baka dito na rin kami mamalagi sa Bundok ng San Roque. Narito pa rin ang aming mga kalahi. Ipinadala ka rin siguro sa amin bilang senyales na nararapat na akong magbalik sa aking pamilya." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ehem...." singit ulit ni Alyana. Ang daming drama, hmp! ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Mikael, narito na ang Bato ng Buhay." Lumapit ang Amang Hari at ang Inang Reyna dito, iniwasiwas ang kamay at nagpalabas ng kama may ginintuang kobre-kama. "Mahiga ka at pumikit. Ibabalik natin ang iyong ala-ala." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Humiga si Mikael saka pumikit. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Huwag kang mag-isip ng kahit ano, Mikael. Pumikit ka lamang." Inilahad ng Inang Reyna ang kamay nitong may hawak sa Bato ng Buhay. Lumutang ang Bato sa ibabaw ni Mikael at nagliwanag. Pumikit ang Inang Reyna at idinipa ang dalawang braso. Tinawag ang pinakamataas na kapangyarihan upang pagalingin si Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Ilang saglit ang lumipas ngunit tila wala itong napansing pagbabago. Dumilat ang Inang Reyna. "Alyana. Kailangan kita upang ibalik ang alaala ng nilalang na ito." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "P-Po? Bakit ako?" naguguluhang tanong ng dalaga. "W-Wala naman po akong kakayahan na katulad ng sa inyo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Kailangan ko ng busilak na puso mula sa nilalang na nagpapahalaga sa binatang ito upang maibalik ang alaala niya." Pahayag ng Inang Reyna. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ina!" Natatarantang nanlaki ang mga mata ni Alyana. Namumula ang mga pisngi. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sige na, Hija. Ngayon mo pa itatanggi? Gusto mo bang gumaling ang binatang ito o hindi?" natatawang tanong ng Inang Reyna. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Haist! Pahamak ka, Ina!" Lumapit si Alyana sa Inang Reyna. Hinawakan nito ang kaniyang kamay. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Pumikit ka at alalahanin mo ang mga panahong nagkita kayo at nagkasama ni Mikael." Pumikit muli ang Inang Reyna. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Walang nagawa si Alyana kundi ang pumikit. Inalala ang mga panahong nagkakasiyahan sila sa Hacienda, naglalaro ng Building Blocks at Scrabble, nakipaglaban sa mga engkanto, nagkasiyahan sa ilang okasyon, nagtawanan habang nagkukwentuhan. Mga panahong ang tingin niya sa binata ay isang tagapagligtas, makisig, matipuno. Sa loob ng tatlong taon ay itinangi niya ang Guardian. Naglandas ang mga luha sa kanyang mga mata dahil alam niya kung sino ang itinatangi nito. Ang mga palihim na tingin nito kay Lexi, ang laging pagliligtas nito sa pinsan niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Unti-unting naglaho ang liwanag na nagmumula sa Bato ng Buhay maging ang liwanag na bumalot sa buong katawan ni Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Pinahid ng kamay ni Alyana ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi niya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Minasdan nilang lahat si Mikael. Unti-unti itong nagmulat ng mata. May bakas ng luha sa gilid ng mga mata. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Mikael, may naaalala ka na?" paniniyak na tanong ng Inang Reyna. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Bumangon si Mikael at tumingin sa paligid, saka minasdan ng makahulugan si Alyana bago bumalik ang tingin sa Inang Reyna. "Naaalala ko na po ang lahat. Lahat-lahat. Maging ang huling sandali bago ako mawalan ng malay." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ano ba ang nangyari sa 'yo?" May hinala ang Inang Reyna subalit ibig niyang makatiyak. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Panakaw na tumingin si Mikael kay Alyana bago nagsalita. "Madalas akong managinip na ninanais kong paslangin sina Lord Duncan at Lexi, na alam ko sa sarili ko na hindi ko sila magagawang saktan. Ang huling naalala ko'y nasaktan ako ng husto nang makita ko silang naglalambingan. Sobrang nanikip ang aking dibdib kaya tumakbo ako hanggang makarating ako sa gubat. Nagbukas ako ng portal patawid sa mundo ng mga tao subalit biglang may kung anong nangyari at nanghina ako. Do'n ako nawalan ng malay. Paggising ko'y naroon na ako sa bahay nina Amara." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Maaaring may isang elemento na kinopya ang iyong anyo at nagpanggap na ikaw. Kailangang malaman ito ng mga malalapit sa 'yo. Maaaring nakakahalubilo nila ang nilalang na ito at wala silang kamalay-malay na panganib ang hatid ng nagpapanggap na ikaw." May pangamba sa tinig ng Inang Reyna. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Kailangan ko pong bumalik sa Spirit World. Kailangan kong balaan si Lord Duncan. Nanganganib ang lahat doon. Maraming salamat po sa tulong ninyo, Inang Reyna." Yumukod si Mikael bilang tanda ng paggalang at pasasalamat nito sa Reyna ng Fantazija. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sasama ako!" volunteer ni Alyana. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sigurado ka? Mapanganib ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong nilalang ang naghihintay sa akin sa Spirit World." May pag-aalala sa tinig ni Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Pero ako lang ang makapagpapatunay na ikaw ang tunay na Mikael." Tumingin si Alyana kay Amara. "Pwedeng siya pero hindi naman siya kilala nina Duncan." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "May punto siya, Mikael. Isa pa, kailangan naming magtungo sa tahanan ng mga Kinnara." Pag-sang-ayon ni Amara kay Alyana. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ano kamo? Isa kang Kinnari?" hindi makapaniwalang tanong ni Alyana. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Oo, isa akong Kinnari." Nagpalit-anyo si Amara. Ang mga bisig ay naging pakpak na may mga kuko sa dulo, ginintuan ang buhok at mga mata, at ang tainga ay humaba na tulad sa engkanto. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ang ganda!" Nagpaikot-ikot si Alyana kay Amara dahil sa paghanga. "Ngayon lang ako nakakita ng Kinnari sa malapitan! Mailap ang mga kauri mo dahil iilan na lang kayong naninirahan sa Bundok ng San Roque. Nilusob kasi kayo ng mga itim na maligno ilang taon na ang nakalipas." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "A-ano? Kamusta na sila? Kailangan ko silang puntahan! Ang pamilya ko...." Nag-aalalang sambit ni Amara. Niyakap ni Amara si Maya. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Halika na't lumabas ng Fantazija, para magawa na natin ang nararapat nating gawin." Aya ni Alyana kina Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Mikael. Dalhin mo ang singsing na ito." Ikinumpas ng Inang Reyna ang mga kamay at nagpalabas ng gintong singsing na napapalamutian ng berdeng batong hugis luha. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Para saan po ito?" tanong ni Mikael. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ang tunay lamang ang maaaring makapag-suot nito. Ang sino mang sumubok na suotin ang singsing na ito ay hindi makakapagtago sa kanyang balat-kayo. Maaari mo ring itapat ang bato sa nilalang na nagbabalat-kayo upang ilabas ang tunay nitong anyo." Iniabot ng Reyna ang singsing kay Mikael. Isinuot niya ito, nagliwanag ang berdeng bato. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Maraming salamat, Mahal na Reyna." Yumukod si Mikael para sa pagbibigay galang at pasasalamat sa reyna ng Fantazija. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Humayo na kayo. Mag-iingat kayo," paalala ng reyna. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD