Nakauwi na si Kelvin sa bahay. Pumasok siya sa loob pagkatapos ay isinara niya ang pintuan at nilibot nang tingin ang paligid. Napahinga nang malalim si Kelvin. Nananatili siyang nakatayo na muna malapit sa pintuan. “Ano kayang nangyari sa akin habang nandoon ako?” walang boses na tanong ni Kelvin sa hangin. Hanggang ngayon ay palaisipan kay Kelvin kung anong nangyari sa kanya sa bahay ni Alexa kahit na sinabi naman sa kanya ng huli na nahimatay siya dahil sa pagod. Mayroon sa pakiramdam niyang hindi talaga naniniwala sa dahilang iyon at mas malakas ang pakiramdam niyang may hindi tamang nangyari. Bahagyang napailing na lamang si Kelvin. Huminga ulit siya ng malalim. “Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano Kelvin. Wala naman sigurong nangyari,” aniya. “Tama… wala nga,” bulong niya pa