CHAPTER 105

1353 Words

Magkatabing nakahiga sina Yvonne at Kelvin sa malaking mat na nakalatag sa patag na damo. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang pinagmamasdan ang madalim na langit na puno ngayon ng mga bituin. Napapangiti si Kelvin habang pinagmamasdan ang mga bituin na tila mga ilaw na kumikislap. Nakasilay naman ang natutuwang ngiti sa labi ni Yvonne habang tinititigan ang mga nagkalat na bituin. “Kailan ba ‘yung huli?” tanong ni Kelvin habang nakatingin pa rin sa langit. “Kailan pa ba ‘yung huli tayong tumingin sa langit at sabay na pinagmasdan ang mga bituin?” tanong niya pa. Napangiti si Yvonne nang marinig niya ang tanong ni Kelvin. May naalala kasi siya. Isang magandang alaala. “Matagal-tagal na rin,” wika ni Yvonne habang nakatingin rin sa langit. “Nu’ng second monthsary nating dalawa,” ani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD