CHAPTER 123

1491 Words

Napakaganda ng gabi. Nagliliwanag ang buwan sa madilim na kalangitan. Tila nagsasayaw naman ang mga bituin dahil sa pagkinang ng mga ito. Magkatabing nakaupo ng pa-indian sila Yvonne at Kelvin sa patag na damuhan na nilatagan nila ng picnic mat. Nasa bakuran sila ng kanilang bahay. Parehas na may hawak na lata ng beer ang kanilang mga kanang kamay na kanilang iniinom. Magkapareho ding nangingiti ang kanilang mga labi at kumikinang na parang mga bituin ang kanilang mga mata na nakatingin sa langit. Lumipas pa ang ilang minuto ay naramdaman ni Kelvin ang pagsandal ng ulo ni Yvonne sa kanang braso niya. Tiningnan niya ito. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. “Tila kinakampihan tayo ng langit dahil sa magagandang nangyayari sa ating dalawa ngayon,” nangingiting sambit ni Yvonne h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD