CHAPTER 161

1103 Words

Mabagal na naglalakad nang magkasabay sina Yvonne at Eiann. Nasa loob sila ngayon ng kumpanya ng una kung saan ililibot niya rito ang huli. Bahagyang ningingitian lang ni Yvonne ang mga empleyadong bumabati sa kanila kapag nadadaanan nila. Nililibot naman ni Eiann nang tingin ang paligid. Ilang sandali pa ay tiningnan ni Eiann si Yvonne. Sumilay ang ngiti sa labi niya habang nakatingin siya sa maganda nitong mukha. Tiningnan rin ni Yvonne si Eiann. Napataas ang kanang kilay niya nang makita niyang tinitingnan siya ni Eiann. “Bakit?” pagtatanong ni Yvonne kay Eiann sa nagtatakang tono. Bahagyang umiling si Eiann. “Wala naman. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na humanga sayo,” diretsahang sabi niya. Medyo kumunot ang noo ni Yvonne. “Ako? Hinahangaan mo?” patanong niya pang sambit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD