CHAPTER 154

1155 Words

Narito sa loob ng kanyang opisina si Yvonne. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair at tinitingnan ang nakapatong sa office desk niya. Ningunguya ni Yvonne ang cookie na binake ni Kelvin. May ilan pang natitira na nakalagay sa isang parihabang box na nakapatong sa mesa na siyang tinitingnan niya. Ilang sandali pa ay napangiti na may kasamang pagtawa si Yvonne. May naalala siya na nakapagpangiti at nakapagpatawa rin sa kanya. “Ano? Masarap ba? Sakto lang ba ang lasa o sumobra?” sunod-sunod na tanong ni Kelvin habang tinitingnan niya si Yvonne na ninginguya ang kinain nitong cookie. Tiningnan ni Yvonne si Kelvin. Nilunok niya ang ninguya niyang cookie. “Hm… okay naman. Malambot siya at may pagka-moist… kaya lang-” “Kaya lang ano?” tanong kaagad ni Kelvin na pumutol sa sinasabi ni Yvonne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD