CHAPTER 151

1347 Words

Nakadekwatro sa pagkakaupo si Kelvin sa mahabang sofa. Nakabukas ang telebisyon sa kanyang harapan. Nakatutok ang mga mata niya doon dahil nanunuod siya ng Patikim ng Maliligayang Sandali, isang romantikong teleserye tungkol sa isang pangkaraniwang babae na labis na umibig sa isang haciendero at nagnanais na maging maligaya sa piling ng lalaking iniibig kahit na sa sandali lang na panahon. Napapangiti si Kelvin sa mga napapanuod niyang eksena. Sa loob-loob niya ay natutuwa siya dahil sa mga eksena ng dalawang bida na naghahabulan sa malawak na bukirin na pagmamay-ari ng pamilya ng haciendero. Sa tuwing mahahabol ng bidang lalaki ang kanyang iniibig na babae ay yayakapin niya ito ng mahigpit mula sa likod saka hahalik-halikan sa batok na ikakatawa naman ng babaeng bida dahil nakikiliti at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD