CHAPTER 55

1940 Words

Nakaupo si Yvonne sa mahabang sofa na nasa living room ng kanyang bahay. Nakatingin siya sa kawalan habang malalim na nag-iisip. Iniisip niya si Eiann. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa kondisyon nito. Malalim na napabuntong-hininga si Yvonne. Isinuklay niya pataas sa kanyang buhok ang mga daliri sa kanang kamay. May kaba sa dibdib ngayon ni Yvonne. Sigurado siyang pupuntahan siya ni Eiann dito sa bahay niya at pwedeng ipagpilitan nito na mag-asawa pa rin sila dahil hindi nito maalala ang mga masasakit na alaala nilang dalawa at ang paghihiwalay nilang dalawa. Matinding nag-aalala si Yvonne. Nag-aalala siya para sa sarili at para na rin sa relasyon nila ni Kelvin. Isa pa si Kelvin. Inaalala ni Yvonne ang binata. Wala pang kaalam-alam si Kelvin sa kondisyon ngayon ni Eiann

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD