Nililibot ni Yvonne nang tingin ang kabuuan ng bahay ni Kelvin. Isa-isa niyang tinitingnan ang mga gamit dito sa loob ng bahay nito. Mangilan-ngilan lamang ang gamit ni Kelvin sa bahay. May telebisyon at sofa ito. Nakita din ni Yvonne ang kama, ilang mga appliances gaya ng electric fan. Nakita naman niya sa kusina ang refrigerator, heater ng tubig at iba pang gamit nito sa kusina. Sakto lamang ang laki ng bahay ni Kelvin na isang palapag at may bakuran. Nahahati sa kulay sky blue na pader ang bawat bahagi ng bahay nito na gawa sa bato. May kwarto, kusina, at living room. Walang pintuan ang kwarto at kusina. Ang banyo at entrance lamang ang tanging pintuan ng bahay. Malinis, mabango at well-organized ang mga gamit ni Kelvin sa loob ng bahay niya. Mula naman sa kusina, abala si Kelvin sa